Nakapikit ako habang iniisip ang usapan nina Bryan at Mardy. Gusto ko magwala dahil sa matinding selos. Ayaw ko man isipin, pero baka nga may nangyari na kay Mardy at Bryan. Hindi man ganun ang pagkakakilala ko sa babae, pero who knows? I know the feeling of a man who tasted the fruit. “Daddy,” tawag sa akin ni Jasmine na nagpadilat ng mga mata ko. “Yes, anak?” tanong ko dito. “Nakakatakot ka po,” mahina na bulong nito sabay yakap sa akin. Kaya't biglang niyakap ko rin ito pabalik at hinalikan sa ulo. Kung baby girl pala ang gusto ni Jr, sakto girl si Jasmine. Yun lang nga, siya ang baby nito. “See? Your Daddy doesn't love us. That girl from earlier, she was his greatest love. From high school to college,” sabi ni Sandra sa aking anak na hindi kumibo. “I love anak, yon ang impo

