“Nang-aasar ka ba, Miss Cornelio?” tanong ni Sir Javier sa akin habang halos halikan na ang mukha ko.
Dinig ko ang pagtunog ng nagkikiskisan nitong mga ngipin. Ramdam ko din ang init ng hininga nito na natatamaan ang aking tenga. Kaya't nakaramdam ako ng kilabot.
“H–Hindi naman po, may mali po ba sa sinabi ko?” tanong ko pa dito gamit ang inosente ko na mukha.
“Pasalamat ka, isa ka sa pinagkakatiwalaan ni Daddy na empleyado. Dahil kung hindi, ibubuhos ko ang kape na yan sa kamay mo,” bulong nito sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng takot.
May pakiramdam ako na para bang may pinaghuhugutan ito ng galit sa akin. Pero, sa anong dahilan? Wala naman akong atraso sa kanya.
Napangiwi ako ng hawakan nito ng madiin ang aking braso sabay titigan ako ng madilim. Sa pagkagulat ko, dinakma ko naman ang kanyang bayag!
“Fvck! Maniac!” malakas na sigaw nito sabay bitaw sa aking braso.
“E bakit ka kasi nanakit? Baka pisain ko pa ‘yan ng tuluyan na mabugok ang bayag mo. Para kape lang nagkakaganyan ka!” naiinis na sigaw ko dito sabay talikod.
Nagdadabog ako na humakbang pabalik sa aking pwesto. Hinila ko ang silya at naupo ako.
Sumunod pala ang lalaki sa aking lamesa at malakas na humampas ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw nito. Nakipagtitigan ako ng masama dahil nayayamot na ako sa kanyang presensya.
“Ano bang kasalanan ko sayo? Bakkt ang sungit mo? Mabuti pa na kausapin ko na lang si Mr. Castillo, magpapalipat na lang ako ng department o kung walang balante, mainam na mag resign na lang ako,” sabi ko dito.
Pero akmang patayo pa lang ako..
Halos matuyuan ang mga balahibo ko ng lumapit pa ito sa akin at hawakan ang aking batok, “Hmmmmmmmmmmm,” Sh*t! Hinalikan ako ni Sir!
Halos hindi ako makahinga at hindi ako makawala sa pagkakayapos nito sa katawan ko.
Pauwi na lang ako at nakasakay sa loob ng jeep, hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawang kapangahasan sa akin ni Javier. Ang sabi niya, ako ang maniac. Dahil dinakma ko ang balls niya, pero siya itong magnanakaw ng halik.
Haplos ko ang aking labi, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Bakit naman siya pa ang first kiss ko! Nakakainis naman. Pero mag-iinarte pa ba ako, sa edad ko na ‘to, hindi naman na lugi sa kanya.
Naalala ko pa kung paano ako maghabol ng hininga kanina. Grabe ang dila ni Javier. Masyadong malikot, at maging ang kanyang kamay, nakadakma na kaagad sa isang dibdib ko.
Parang hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang pagpisil ng lalaki.
“Ate, bakit para kang baliw d’yan na nakangiti?” nakarating na pala ako sa bahay at nakatayo lang ako sa pintuan.
Napataas ang isang kilay ko, dahil nandito pala ang kapatid ko na pasaway.
“At anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa aking kapatid na si Lando.
“Hala! Banned na ba ako dito?” pagbibiro pa nito.
“Oo! Wala kang ambag dito, kaya pwede ka na umalis!” naiinis na sabi ko sa aking kapatid.
“Grabe ka Ate! May trabaho naman ako, may extra income pa ako. Kinuha akong trabahador sa malaking automotive shop doon sa bayan.
Nasiraan kasi ang Boss nila, nakasalubong ko sa daan. Mabuti at nasa jeep ko ang ibang gamit ko. Ang gara ng sasakyan, wala man lang gamit at hindi marunong mag-ayos ang may-ari.
Kaya't dahil marami akong tropa, tinawagan ko. Nagawan naman ng paraan. Kaya dalawa na ang trabaho ko. Binigyan pa ako ng tip. Kaya inabot ko kay Nanay,” mahaba na kwento ng kapatid ko.
“Edi mabuti naman kung ganun! Gamitin mo charm mo para magkapera, hindi puro gawa ng bata tapos ba-bye sa baby maker. Kawawa naman ang mga ina, inanakan lang!” sermon ko sa aking kapatid.
Umarte ito na kinakalikot ang tenga. Nakita ko na umiiling si Mama at si Papa naman ay nakangiti.
“Oh siya! Tama na yan! Total kumpleto tayo, mag merienda muna kayo at mamaya, sabay-sabay tayo kakain ng gabihan,” sabi ni Mama.
Ako naman, hinila ko ang damit ni Lando papunta sa labas.
“Bakit Ate?” tanong nito sa akin.
“Ihatid sundo mo ako sa trabaho, may motor ka tama? Wala na akong pera, naubos na sa gamot nila Mama at Papa. Ni secured ko na ang para sa dalawang buwan,” pabulong na sabi ko sa aking kapatid.
Ayaw ko kasi malaman ng mga magulang namin na wala na ako pera. Ayaw ko mag-alala sila sa akin.
“Ate naman may trabaho din ako,” nagkakamot na sagot ng kapatid ko na sinamaan ko ng tingin.
“Anong oras pasok mo?” tanong ko dito.
“Alas nuwebe ng umaga ang pasok ko sa call center. Ang pasok ko sa talyer ay sabado at linggo naman. Pero ang uwi ko, alas singko.”
“Mabuti! Alas otso pasok ko, ang uwi ko naman ay alas singko din,” nakangiti na sagot ko. Wala ng nasabi pa ang kapatid ko.
“Nagkakaintindihan ba tayo? Kasi kung hindi, maniningil na ako ng mga sinuporta ko sayo. Maging ang isang taon na supply ng diaper ni Klea noong sanggol pa siya. At bayad ko sa hospital ng nanganak ang mga babae mo.”
“Oo na Ate! Grabe ang sumbat ah!” kakamot-kamot na sagot ng kapatid ko.
Napangiti ako na niyakap ito at hinalikan sa pisngi. Kahit naman hindi ako mahilig magsabi na mahal ko siya, sila nila Mama at Papa. Lahat naman handa kong gawin para sa kanila. Kaya't sa palagay ko, yung ang love language ko.
“Pero Ate bakit nakangiti ka kanina habang hawak mo ang labi mo? May jowa ka na?” tanong nito.
“Wala kang pakialam!” sigaw ko dito sabay iniwan na sa labas. Pumasok ako sa bahay at nagmano sa aking mga magulang, nakalimutan ko kasi kanina.
–
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Kung bakit ko hinalikan si Mardy. Aminado ako, sa nagdaan na mga taon, nawala ang nag-uumapaw na kumpyansa ko sa aking sarili.
Dahil sa minsan na pagtatangka ko na umamin sana ng damdamin sa babae, na binara niya kaagad. Mas priority daw muna niya ang pag-aaral at pamilya.
Kita ko naman sa nagdaan na mga taon. Pero masakit lang na wala pa nga akong nagagawa, basted na kaagad. Ni wala pa nga akong nasasabi.
Sa paaralan, nawala ako sa focus. Parang nawalan ako ng gana. Tapos nakikita ko oa na marami talagang umaaligid kay Mardy. Kumbaga, head turned talaga ang babae, lalo na ang kutis nito na porselana.
Kaya't pinili ko sa ibang bansa na lang magpatuloy ng pag-aaral. Naging maayos naman ang buhay ko doon. Nangunguna pa rin ako sa klase, katulad ng inaasahan ni Daddy.
Pero kung noon mahilig ako makipagkaibigan, lumabas tuwing walang pasok sa school, makipag social life sa kahit na sino. Lahat ng ‘yun biglang nagbago. Mas gusto ko na lang manahimik sa loob ng bahay o apartment.
Mas gusto ko na lang magbasa, makinig ng musika at manood ng mga movie. Magluto ng mga trending online na recipes. Masasabi ko na nagbago talaga ako, pero ang sakit na nararamdaman ko kay Mardy, para bang nanatili.
Siya ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral dati. Nakakatawa lang na siya din ang naging dahilan, bakit nagbago ako. From friendly to nonchalant.