CHAPTER: 10

1145 Words
Ang bawat araw sa trabaho ay naging magaan sa mga nakalipas na araw. Hindi kami nag-uusap ng matino ni Jayvier, madalas niya pa rin ako sigawan. Pero madalas ko rin siya sagutin ng pabalang, kaya't amanos lang kami. Kumbaga, matira matibay! Ako, kailangan ko ng trabaho, at siya kailangan din niya ayusin ang kanyang trabaho, dahil sa kanya nakasalalay ang kumpanya. “Oh! Good morning, Mr. Castillo,” nakangiti pero nagtataka na pagbati ko sa matanda. “Nasa bahay niya si Javier, viral infection. Tinatablahan din pala ng sakit ang isang ‘yun,” nakangiti na sabi ng matanda habang nagtitipa sa kanyang laptop. Kaya't inayos ko ang aking mga gamit. Maging ang ibang files ay nagkalat na dahil si Mr. Castillo pala ang nandito, likas talaga na makalat ang matanda na ‘to, kumpara sa kanyang anak na organisado ang lahat ng gamit. Inayos ko ang mga gamit files. Nagkalat ang mga ito dahil kay Mr. Castillo. Masyado siyang makalat, unlike kay Jayvier na organisado. Pero habang inaayos ko ang mga sobre—red para sa ongoing projects, blue para sa tapos na, yellow para sa mga offers. May nahulog na lumang litrato. Akala ko lung sino lang na kasosyo ng mga Castillo. Pero napahinto ako ng makilala ko ang lalaki na binatilyo. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang larawan. Si Jayvee ito, ang anak ni Mr. Castillo, ang lalaki na muntik na manligaw noon sa akin. Pero dahil sa wala pa ako noon pakialam sa paligid, kaagad ko pinigilan ang sasabihin nito. Agad ko ibinalik ang larawan sinalipit ko lang sa isang aklat. Ipinagpatuloy ko ang aking pagligpit at pagkatapos ay hinarap ko na ang aking trabaho. Napa-inat ako ng aking braso matapos ko ang maghapon na trabaho. Katulad ng bawat uwian, sinundo ako ni Lando at hinatid sa bahay. “Tita, may invitation po palang dumating. Nakapangalan po sa iyo. Ang ganda ng kulay, red po ang bulaklak at gold ang sobre,” masayang sabi ng pamangkin kong si Klea. Sinalubong ako nito sa pintuan. Kararating lang namin ni Lando. Nag mano ang bata sa kanyang ama at humalik sa aking pisngi. “Anak oh, mukhang alumni homecoming yata ‘yan. Si Bryan ang nagdala dito,” nanlalaki ang aking mga mata. “Nakabalik na pala ng bansa si Bryan?” tanong ko sa aking ina. Hindi ko maiwasan na hindi ngumiti. Ang lalaki kasi ay ang aking boy best friend. Matalik na kaibigan ko ang lalaki simula pa noong elementarya. Lahat ng kalokohan namin noon, alam niya. Simula sa pagtakas sa klase para manood ng sine hanggang sa mga lihim naming crush. Naging saksi siya sa mga lalaki na tinaggihan ko ko ang pag-ibig, at siya rin ang nagbibigay ng payo at suporta sa akin. Kahit na maraming taon na ang lumipas at pareho na kaming may kanya-kanyang daan na tinatahak, nanatili pa rin ang espesyal na koneksyon namin kahit hindi nag-uusap lagi. May kakaibang saya ang bumalik sa akin sa balitang nakabalik na ang lalaki. Isa din kasi ito sa nag tangka na manligaw sa akin matapos ang graduation. Pero tinanggihan ko, dahil ayaw ko masira ang kung anong meron kami. “Oo anak, magkita daw kayo sa alumni sabi niya. May mga aasikasuhin pa kasi siya, kaya wala siya dito sa atin,” ngumiti lang ako habang hinihila ang laso na kulay gold na nakapulupot sa malaking sobre. Ang classy naman talaga ng dating. Para bang invitation sa kasal. Napangiti ako habang binabasa ang opening pa lang, halata na mga ka batch ko nga sila. Mga abnormal talaga. “It’s time for our alumni homecoming! Dust off those memories and join us for a fun-filled evening of foods, drinks and catching up with old fvcking friends! Magpapakalasing tayo at bawal ang may kasama na asawa!” Napapangiti ako sa laman ng sobre. Parang walamg mga pagbabago amg mga ito. Parang college student na mahilig sa cutting class ang gumawa. Pagpasok ko sa aking silid, napaisip ako bigla. Ang bilis naman! Bakit sa sunday kaagad? Huwebes na ngayon ‘e. Bakit parang nagmamadali naman sila. Ni hindi umabot sa isang linggo ang preparation namin. Wala akong masyado na pera, kaya't nagmamadali akong tumayo, para maghanap sa cabinet ko ng pwede ko isuot na damit. Halos magulo ko na ang lahat, pero isa lang talaga na dress ang pumasa sa motif na red and gold. Bakit kasi may ganun pa?! Sa iba naman kung ano lang ang suot. Pero, mukhang yayamanin ang sponsors kaya go na lang! Bukod sa walang gastos, namiss ko na rin ang mga kaeskwela ko noon. Napalingon ako ng bumukas ang pinto. Si Mama pala. “Anak, mag merienda ka muna kaya? Nagluto ako ng kamote que,” nakangiti na sabi ng matanda “Sige po! Yun na lang ang gabihan ko, kailangan ko mag diet. Dahil slim pa ako noong panahon na binili ko ang damit na ito. Ngayon, medyo sikip na. Maganda ba, Ma?” tanong ko sa matanda, matapos ko masuot ang dress. “Oo anak! Hakab sa katawan mo at hindi naman masikip. Wala naman sa lahi natin ang malaki ang puson, kaya't maganda pa rin ang lapat. Isa pa, maganda ang lapat sayo anak. Kaso, masyadong revealing na. Dati kasi, parang pigsa lang ang sukat ng dibdib mo. Ngayon, lumaki na! Ang hubog ng katawan mo ay katulad na kay Marcar, ang kapatid na panganay ng iyong ama. Malaki din ang balakang at hinaharap. Yun lang nga, mukhang pati ang kalaparan, mamanahin mo rin. Hindi din nag-asawa, sayang lang ang katawan na inalagaan, kinain lang ng lupa. Oh siya! Lumabas ka na diyan at kumain!” Napalunok ako sa sinabi ni Mama. Tama nga naman, sayang ang katawan ko. Wala man lang buhay na patunay kung gaano ako kasarap. Sign na kaya ito na dapat na ako lumandi. Pabiyak na lang kaya ako kay Bryan. Total magkaibigan naman kami, pwede ko naman siya kausapin na s*x lang, walang malisya. Natatawa ako sa mga naisip ko na kalokohan. Minsan talaga, kapag ganito na sumasagi sa utak ko ang aking edad, biglang puro kagagahan ang pumapasok mga eksena na nilalaman. Lumabas na ako ng aking silid at magana akong kumain, kasalo ang aking mga magulang. Si Lando kausap ang kanyang anak na si Klea sa sala. “Anong pinag-uusapan nila, Ma?” tanong ko sa aking ina, habang nagkakape ako. “May nanliligaw na kay Klea anak, may nakakita na kapitbahay. Hinatid lang ang pamangkin mo hanggang kanto.” Si Mama. “Matakot siya ngayon sa sarili niyang multo,” mahina na bulong ko. Puro babae ang anak niya, isa lang o dalawa lang sana na panganay na babae, dapat huminto na siya. Hindi yan, naka tatlo na puro babae. Ngayon mukhang natatakot sa karma. “Edi sabihin niya kapag nagantihan siya, amanos!” sabi ni mama. Kaya't sabay kami na nagtatawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD