CHAPTER 36

2300 Words

MABILIS lang lumipas ang mga araw. Halos hindi ko namalayang huling araw ko na ngayon sa trabaho. Tinulungan ako ni Keara kahapon ng umaga para mamili ng panregalo na ipinamigay ko sa team kanina. Nagpakain din ang manager ko sa buong prod ng account namin. Send-off party raw. Hindi ko na tinapos ang 30 days na dapat sana ay magre-render ako. May bago nang team leader ang team kaya nakahinga na ako nang maluwag. At least hindi ko sila iiwan na dissolved. Si Keara naman ay ilang beses kong kinulit na tanggapin ang promotion pero ayaw niya. Gusto ko kasi sanang promoted siya bago ako umalis pero mas gusto niya pa rin daw na ordinaryong ahente lang siya para performance lang niya ang poproblemahin niya. “Mami-miss ka namin, TL!” bulalas ni Marjorie, isa sa mga ahente ko. Niyakap ko si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD