IT’S SATURDAY. Birthday ni Alexis. Pero hanggang ngayon ay nakahilata pa rin siya sa kama. Marami yata siyang tinapos na trabaho dahil ginabi na siya sa pag-uwi kagabi. Siguro ay lagpas na alas dose siya nakarating. Naramdaman ko na lang ang paglundo ng kama at ang paghalik niya sa noo ko pero sa sobrang antok ko rin ay hindi ko na siya nakausap pa at nakabalik agad ako sa pagtulog. Pasado alas nueve na ng umaga. Sa totoo lang ay nagugutom na ako pero gusto kong sabay kaming mag-agahan. Nakapaligo na rin ako at nakapag-ayos. I also ordered a cake online. Balak ko siyang batiin pagkagising niya pero hindi ko alam kung anong oras niya balak magising. I sighed. Narinig kong may nagdo-doorbell kaya lumabas na muna ako ng kuwarto. Pagkatingin ko sa peephole ay hindi nga ako nagkamali. Agad

