Zerovin's POV
Kailangan ko syang mabawi at mailayo sa Mr.666 na 'yun. Alam kong sasaktan lang s’ya ni Edric. May pagka siraulo din iyon, iba ang dugong dumadaloy sa kanya. Hindi ko kakayanin kung may hindi magandang mangyayari kay Cleo.
Kasalanan ko 'to, kung sana noon palang pinalaya ko na siya sa maayos na paraan, hindi siya aabot sa ganito. Alam kong hindi nya mahal si Edric. Baka binantaan noong hinayupak na yun si Cleo kaya ganon-ganon nalang niyang nakuha ang girl--- ex girlfriend ko!
"Nakita nyo ba yung nakita ko kanina sa labas?"
"Oo! si Edric girlfriend na pala nya si Cleo."
"Sinong Cleo?"
"Si Cleomiya Chardeline ng COED (College of Education) "
"Seryoso ba? Palagay ko ay isa na namang COED ang sasaktan ng COE (College of Engineering) haha."
"Siraulo ka! haha. CICT ( College of Information and Communications Technology) muna ata nakasakit, haha."
"Pero teka nga kailan pa sila nag hiwalay ni Zero?"
"Ay di nyo nakita eksena kanina malapit sa gate, COE vs CICT ang ganap."
Usapan 'yan ng mga classmates ko. Dahil naging girlfriend ko siya, hindi na maipagkakailang kilala s’ya ng lahat ng classmates ko.
Cleomiya Chardeline's POV
Dinala ako ni Edric sa private room nya. Na kilala din bilang HELL ROOM! Hindi ko din alam kung bakit may private room siya dito sa school, tho' siya ang tigapag mana ng school na'to, pero ang weird lang kasi.
Sa pagkakaalam ko walang kahit na sinong nakakapasok dito bukod sa kanya, kaya isang himala na isinama nya ko dito, habang papunta nga kami dito lahat ng mata nakamasid samin. Mga matang puno ng pagtataka. Pero ayos din ang lugar na'to. Sa sobrang katahimikan ay talaga namang makakapag isip ka ng maayos.
After nyang pindutin ang passcode ng room nya ay agad saking bumungad ang simple ngunit napaka gandang room niya. Malaki pa 'to sa kwarto ko. Nahiya bigla ang kwarto ko. Napanganga talaga ako, kasi bukod sa maganda ay napakalaki talaga nito. Tapos ang daming libro na sobrang kakapal.
Pero ang hindi ko alam ay kung bakit kailangan nya pakong dalhin dito.
"Miss Chucklehead, simula ngayon dito ka na pupunta tuwing break time at lunch time. Sabay tayong kakain, sabay tayong papasok at sabay tayong uuwi." dikta niya habang nakaupo sa couch. Teka ano bang mga pinagsasasabi niya? Bakit parang may mga rules. Sipain ko kaya siya ng magising siya sa katotohanang hindi talaga kami mag jowa.
"Ayoko nga." pag kontra ko sa sinabi niya. "At tsaka bakit ikaw ang magpapasya aber?" don't tell me gagawin niya akong slave? Damn! Over my beautiful chubby sexy body, hindi ko gagawin ang gusto niya.
"Chucklehead kung ayaw mo makakalabas ka na." sabay turo nya sa pintuan. "At simulan mo ng mag-ready sa gagawin sa'yo ng mga KLIVEN U students." lokong 'to at talagang tinakot pa niya ko, as if naman madala nya ko sa pagbabanta niya.
"Tangines! Oo na sige na!" kumunot ang noo niya bigla sa sinabi ko. Okay dalawa lang talaga ang emosyon lagi ng mukha niya, it's either walang emosyon or nakangisi at yung parang any moment kikitil siya ng buhay. Creeeepy!
" Kababaeng tao mura ka ng mura, shh." Ismid niya.
"Wala kang pake. Tss. Hanggang kailan ba tayo mag papanggap?" ang weird lang kasi, bakit kailangan nya pakong jowain, eh haler! Sya kaya ang susunod na mag mamay-ari nitong KLIVEN U, and isa pa takot sa kanya ang lahat ng estudyante dito, so ang daming way para sa safety ko! Tangi--- Iba talaga pinaplano ng ungas nato.
Sa lahat ng kaluluwang ligaw diyan, baka naman-- okay Cleomiya pati mga kaluluwang ligaw dinadamay mo. Eh kung hindi kaba naman kasi buong tunay, sa dami ng aalukin mong ligawan iyon pang may pagka abnormal.
"Hanggang graduation lang." tipid niyang sagot, tsaka nahiga sa inuupuan niya.
Actually 4th year college na na kami, sa makatuwid ilang buwan lang ang bibilangin at gagraduate na kami. Tutal wala naman akong balak mag trabaho dito sa school na'to pwes konting tiis nalang Cleo.
"Mauuna nako Edric, baka masermonan ako ni Professor Fukuda." Anyway Education ang kurso ko, General Education actually. At itong ungas na'to, Engineering ata.
"Professor Fukuda?" natawa ko bigla dala ng pagtataka sa mukha niya.
"Si Prof Corpuz 'yon, yung terror teacher namin . " hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kakatawa.
"Chucklehead tss." hindi ko nalang siya pinansin.
Tatayo na sana ako para umalis na nang hawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako sa inakto niya. Ni hindi ko maigalaw ang kamay ko, naeestatwa na naman ako.
"Miss chucklehead walang klase ngayon, may meeting." nang sabihin nya iyon biglang nanumbalik ang utak ko sa tamang pag iisip. Napalunok ako ng malalim, nakakahiya baka napansin nyang natulala ako sa kanya.
"Ga-ga-ganoon ba, can I stay here for a while?" naiyukom ko na naman ang kamao ko para ikubli ang ang kaewanan ko. Bakit ba halos mabulol ako?.
"Bahala ka sa buhay mo. Wala akong pake."
Humanap ako ng mapupwestuhan, at isa lang ang pinaka kumportableng pwesto ang alam ko. Naupo ako sa lapag at sumandal sa couch na hinihigaan niya. May pagka weird sya pero ang kumportable ko naman na nandyan lang sya. Mas okay ng mag stay sa room nitong si Mr.666, kesa marinig ang mga bubuyog na naglipana sa labas.
"What is your name?" he asked, di pa pala niya alam ang name ko, jusko binanggit na kaning nung asungot kong Ex hindi pa natandaan.
"Cleomiya Chardeline Riddle, Cleo nalang haha." proud kong pag papakilala sa pangalan ko na ubod ng haba.
"Wala akong pake, pero alam mo kung anong mas bagay na pangalan mo?" awatin nyo ko uupakan ko na talaga sya! Magtatanong tapos walang pake.
"Ano?" ikalma mo ang sarili mo Cleo, baka sa halip na mauna ka, mauna mo pang wakasan ng buhay iyang Mr.666 na 'yan!
"Chucklehead." tapos ay napansin kong bumangon na siya sa pagkakahiga.
Pero ano ba yung chucklechuchu na tawag nya sakin? Sssh. I need your help Miriam Webster!
Chucklehead.
A S-T-U-P-I-D PERSON?!
Nilingon ko siya, at alam kong nakita nyang inalam ko muna ang meaning ng sinabi niya bago ako mag react.
"Hoy Renai Zon Kliven anong chucklehead ka dyan! Ga-ga-ga arrgh! Hindi ako stupid tse!" murang-mura nako! Pero diko sya magawang murahin.
"Pwede mo kong tawaging Renai Zon, but I’ll call you Miss Chucklehead!" tingnan mo, pinag diinan pa talaga!
"Sure Renai Zon no problem." inis kong saad sa kanya. "Pero bakit ka pumayag? hindi ba ayaw mo ng tinatawag ka sa real name mo?" hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na magtanong. Nakaka curious lang kasi, tsaka ang astig nga ng name nya, nakaka turn on.
"Kung sasabihin ko bang huwag mo kong tatawagin sa pangalan ko, susunod ka ba eh chucklehead ka nga." bakit ba hindi ko siya mamura kahit sa isip ko, argh! Ano ba Cleo binati lang yung pagmumura mo, nagbago ka agad? baliw ka.
"Bakit kayo nag break-up nung Zero?" siya naman ngayon ang nagtanong, eh kung sabihin ko kayang wala din akong pake. Ugh!
"Dahil ang gago-gago nya." Nababaliw na ba talaga ko, bakit si Zero namumura ko!
"Tss. What do you mean?"
"Niloko nya ko, nag girlfriend s’ya habang kami pa."
Hindi na sya kumibo pa. Sa halip ay lumabas na sya ng Hell room nya. At iniwanan akong mag isa.
Bastos talaga, tss. Nakakaimbyerna na. Nahiga ako sa couch na kinahihigaan nya kanina, inaantok ako. Wala naman daw klase kaya dito ko nalang iko-continue ang naudlot kong pagkakatulog kanina dahil sa kaibigan ko.
Pero bakit ganun concerned ba talaga sya sa safety ko? kasi kung hindi, hindi naman nya gagawin 'to, kailangan ko ba syang pagkatiwalaan? paano kung tama sila na gagamitin lang ako ni Edric? di kaya binabalak nyang ma- fall ako sa kanya tapos iiwanan nya ko at syempre masasaktan ako, tapos lalayuan na nya ko at hahayaan na nya kong pagdiskitahan ng mga KLIVEN students, ganon ang mga kadalasang nababasa at napapanuod ko.
Hasyt! pero syempre di ako mapo-fall, binalaan nya na kaya ako. Kailangang sya ang ma-fall sakin. Charot.
Phone ringing--
Jhea’s calling..
"Mental hospital speaking! What can I help you?" pambungad kong sagot.
(Abnormal! hoy babae nasaang lupalop ka na? nandito nako sa room?)
Akala ko naman makikichika about sa pinaka hottest news sa KLIVEN U, what? Hottest? Natampal ko ang sarili kong labi sa mga naiisip ko.
"Kasama ko si Renai Zon."
(WHAT? don't tell me truelaley yung mga nasagap kong chika baklita ka? na kayo na daw ni Edric/ Mr.666?) nailayo ko sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya sa kabilang linya.
"Loooooooonnngg story!" iyan nalang ang sinabi ko. Alangan namang sabihin ko na fake relationship lang.
(Dahil kay Zerovin no, ang tanga mo bakit kay Mr.666 pa? gusto mo bang maging asawa ang mag mamay-ari nitong KLIVEN loka-luka ka?) boyfriend nga lang ayoko na, asawa pa kaya? Ako? gugustuhing makapag asawa ng ganong klase ng kumag. No way!
"Dahil kay Zero? I mean ng dahil lang sa gag*ng Zero na yun? Of course not!" pag dedeny ko pa. Baka mamaya sugurin pa niya si Zero.
(Eh baka naman dahil gusto mong maging Mrs. Cleomiya Chardeline Riddle Kliven? Chardeline alam kong maganda ang apelido ni Mr.666, pero good luck sa life mo.) tingnan mo ang isang 'to, hindi mo maintindihan kung papabor o ano.
"Bruha kung ano-anong sinasabi mo. Nalipasan ka na naman ata ng gutom." pero in fairness ang cute ng name ko kapag Kliven ang last name ko.
CLEOMIYA BAKIT?
(Eh nasaan ka nga ba kasi? Dali na pupuntahan kita. At ng masabunutan sa kababalaghang pinaggagagawa mo sa buhay mo!) ang OA sa kakabalaghan ahh! Well let's see kung pupunta ka nga ba talaga.
"Nasa hell room ako ni Renai Zon. Sige try mo pumunta!" pananakot ko pa.
(No, no, no sige bye bye.) *Call ended*
Renai Zon's POV
Nagpunta ako sa cafeteria para bumili ng makakain. Sinadya ko talagang dalin doon si Miss Chucklehead dahil alam kong mag papatawag ng meeting ang head ng school. Sa lahat ng babae nakilala ko, siya na ata ang pinaka weird at stupid.
"Hey Edric.” Sabay tap ni Shen sa balikat ko.
“Nasan yung tatlo?" I asked.
"Nang chichicks. Teka nga lang girlfriend mo na pala yung babaeng gusto kang ligawan kahapon?."
"Yeah." I replied.
"Woah, tinamaan ka ba agad?" sinamaan ko siya ng tingin sa lakas ng pagkakasabi nya noon.
"Hindi." tipid kong sagot.
"First girlfriend, binata na si utol!"
"Tigilan mo ko Shen. Tsk." tapos sakto namang okay na ang order ko.
"Wtf! Alam ko namang paglalaruan mo lang yun." hindi pa din talaga siya kumbinsido.
"Ano namang pake mo?" cold kong tanong sa kanya.
"Chill ka lang Edric." hindi nako nagsalita at sumenyas nalang na aalis na.
Bumalik ako sa private room ko dala ang mga pagkaing inorder ko. Nagugutom nako, at posibleng ganoon din ang chucklehead girlfriend ko. Ang ibig kong sabihin Fake Girlfriend.
"Kumain--" Naputol ang sasabihin ko nang makita kong natutulog sya sa couch. Ipinatong ko ang food sa side table, pagkatapos ay lumapit ako. Masyadong inosente ang mukha niya, pero akala mo kung sinong basagulero sa kanto kung makapag mura. Tss. Napansin kong malalaglag ang paa niya na baka maging sanhi at ikalalag ng buong katawan niya kaya marahan kong inayos ang pwesto ng pagkakahiga niya. Napansin ko ding wala siyang pillow sa ulunan, tsk stupid talaga. Nasa paanan na niya hindi pa kinuha. Kaya inayos ko na din ang ulo niya at baka mangalay. Nakita kong malungkot ang mukha niya, ang stupid kasing masyado, niloloko na ng--- wala kang pake Edric!
"Pinili ko ang safety mo Cleomiya, pero huwag kang mapo-fall sakin, dahil hindi kita masasalo." I whispered bago siya muling iwanan.