Episode 2: Miss Chucklehead

1295 Words
Inalis ko ang pagkakahawak n’ya sa kamay ko, kahit natatakot ako sa inaakto n’ya. Wala pa din s’yang karapatang hawakan ang kamay ko without my consent. "Akala ko ba liligawan mo ko?" Napahinto ako sa paglalakad, kaya ganoon rin siya. Nangangatog na sa kaba yung binti ko, at ang hirap pang basahin ng mukha niya. Sa pa inosenteng tono ng pananalita niya mas lalong nakakanerbyos at sa mga ganitong klase ng sitwasyo nag ko-close-open ang isa kong kamay. "Binibigyan na kita ng chance na ligawan ako." My eyes widened. Nawawala na ba talaga ko sa tamang pag iisip? Hindi nakakatuwang ilusyon ito. "Edric naka inom lang ako kahapon." pinilit kong ipakita sa kaniya ang sensiredad ko pero walang nagbago sa emosyon niya. "I know. Pag katapos mong ipagsigawan ang pangalan ko kahapon, dapat lang na panindigan mo ang mga sinabi mo." Panindigan? Bakit nabuntis ko ba siya at may pananagutan ako sa kan’ya? Pero teka nga may atraso pa s'ya sakin diba? "Wait lang nga! Ikaw nga itong may atraso sakin baka nakakalimutan mo!" tapos ay nameywang pako sa harapan niya at medyo tumingkayad dahil mas matangkad siya sakin. "What?" "Baka nakakalimutan mong ikaw ang humalik sakin kahapon." tinaasan ko pa siya ng kilay para damang-dama. "Bakla? Manyak? baka may nakakalimutan ka din Miss chucklehead! At tsaka hindi halik ang tawag don, nakatulog ka remember?.” First kiss ko ‘yon aahhhhh! "Miss chucklehead wala ka ng magagawa." tapos hinawakan nya ulit ang kamay ko at hinila na para ipagpatuloy ang paglalakad. "Hindi bagay sa'yo ang naka hood." Inalis nya 'yon habang puno ng pagtataka ang isip ko. Samin nakatuon ang atensyon ng lahat. Nagtataka marahil sila kung bakit mag kasama kaming dalawa gayong walang kahit na sinong lumalapit sa lalaking ‘to. "Kung hindi ko ito ginawa, alam mo naman siguro ang posibleng mangyari sa'yo diba?" pambasag niya sa pag iisip ko. Napaisip din ako sa sinabi niyang iyon kung tutuusin talaga 50-50 ang magiging buhay ko dito sa KLIVEN University kung hindi ganito ang inaakto ni Edric. Madalang naman na mangyari ang ganon, kasi lahat ng students dito aware about kay Mr.666, the campus demon, certified evil. Pero di ako sure kung totoo. Nakabase lang kasi ko sa mga sinasabi ng ibang students. "Mr.666 ka hindi ba? pero bakit mo ginagawa sakin 'to?" seryoso pa din ang mukha nya. Oh edi siya na ang cold! Buwiset para siyang may saltik, seryoso, tapos maya-maya ngingisi na 'yan. "Ginagawa ko ito dahil ayokong guluhin mo pa ko. Halata kasi kahapong patay na patay ka sakin, kaya di na kita papahirapan pa." “Kailan pa ko—“ Naputol bigla ang sasabihin ko ng sumulpot sa harapan namin si Zerovin. “Tabi” Edric said. "Pwede bang iwanan mo muna kami?" Saad ni Zero, pero hindi sya kinibo ni Edric sa halip ay nilagpasan nya ito habang hawak nya pa din ang kamay ko. Pero hinawakan naman ni Zerovin ang isa ko pang kamay kaya hawak na nila pareho ang tig-isa kong kamay. "Kakausapin ko lang ang girlfriend ko." Girlfriend? Eh sira pala talaga ulo nito eh. Damn you Zero! "Girlfriend?" Tanong si Edric, sabay tanggal nya sa kamay ni Zero sa pagkakahawak sakin. "Nagkakamali ka ata, dahil sa pagkakaalam ko ako ang Boyfriend nya?" sabay akbay sakin ni Edric. Hindi ako makakibo, nanghihina ang tuhod ko. Ni hindi ko magawang tumitig sa mukha ni Zero, dahil sa totoo lang nasasaktan ako kapag sumasagi sa isip ko ang mga nangyari kahapon. "Cleo can we talk please?" napansin kong yumukom ang kamao ni Edric, kaya hinawakan ko ang kamay nyang naka akbay sakin. Pinigil ko ang sarili ko na maluha bago tuluyang magsalita. "Wala na tayong dapat pang pag usapan Zero at tsaka let me remind you hah? break na tayo. Kaya correction lang, ex mo nalang ako." tapos pinilit kong ngumiti sa harap niya kahit peke. Lakas loob kong sinabi yun, ang kapal ng mukha niya para humarap pa sakin ngayon. "Ang bilis mo namang nakalimot? may bago ka na agad? Hindi ko akalain na ganyan ka palang klase ng babae, nung tayo pa ni hindi kita mahalikan sa labi, tapos kahapon nakipaghalikan ka pa sa gitna ng campus." habang sinasabi nya yun, tangi*a napapamura ko sa isip ko. Gusto ko siyang sapakin, gusto kong isampal sa kaniya na wala siyang kwentang lalaki. "Ahhhh.." tinaasan ko siya ng kilay "kaya pala nag girlfriend ka nung tayo pa, kasi gusto mo lang ng ka lips to lips? ngayon alam ko na kung bakit ipinagpalit mo ko sa malanding yun." pinilit kong ipamukha sa kaniya na hindi siya kawalan, kahit para nang pinipitpit ng marahan ang bawat bahagi ng puso ko. Sana bumili ka nalang ng lollipop, para every second may ka laplapan ka. *PUNCHED* Halos malaglag ang panga ko sa ginawa ni Edric kay Zero, masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko nga namalayan na hindi na pala nya hawak ang kamay ko, at agad nya ring naiyalis ang pagkakaakabay sakin kanina. "Mula ngayon ayokong makikita na guguluhin mo pa ang girlfriend ko." hinawakan ni Edric ang kamay ko tsaka hinila papalayo sa pwesto ni Zero. Nang makalayo na kami, ay siya namang pag patak ng luha ko, kaya humiwalay ako sa pagkakahawak ni Edric at nagtatakbo patungo sa comfort room. Bakit ang sakit sakit, Sa loob ng isang taong hindi nya ba talaga ko nakilala? Bakit ang daling sabihin para sa kanya na ganon lang akong klase ng babae? "Ang gago-gago-gago mo talaga Zero! bakit ba kasi kailangan mo pakong ipagpalit sa iba? Lintik naman Zero yung halik lang ba? No, alam kong hindi lang iyon!" Na parang isang araw lang yung isang taon sa kanya para itapon nya yung mga pinagsamahan namin? Saan ba kasi ako nagkulang? Sa loob ng isang taon naging loyal naman ako, tuwing sasabihin nya na busy sya may narinig ba siya sakin? Tuwing kailangan ko sya pero hindi sya free may sinabi bako? Inintindi ko naman siya parati, to the point na hindi ko man lang naisip na posible pala talagang gaguhin nya ko ng hindi ko man lang napapansin. Bakit ba kasi kailangan nya kaming pag sabayin? Ilang sandali, pinilit kong ikalma ang loob ko at inayos ang sarili. "Hindi. Hindi pwedeng sa kanya lang umikot ang mundo mo Cleo, tao lang siya tandaan mo yan." muli kong tiningnan ang mukha ko sa salamin, bago tuluyang lumabas. "Ok ka na ba Miss chucklehead?" nalingon ako sa kaliwang bahagi ng pinto, at doon nakita ko si Edric na nakasandal at nakapamulsa pa. "Anong ginagawa mo dito?" I asked. "Iniintay ang girlfriend ko." napaka walang buhay ng mukha niya tss. Napansin kong ngumiti siya pero agad ring binawi. "Teka nga Edric, kailan pa naging tayo?" direkta kong tanong sa kanya. "Hindi na kita papahirapan, kaya tayo na." Ano bang nakain nito? Ang weirdo nya sa totoo lang. "Ayoko. Baka ma-fall ako sa’yo ." Pagbibiro ko at naunang maglakad sa kanya. "Wag kang mapo-fall walang sasalo sayo. Ginagawa ko lang 'to para hindi ka nila pagdiskitahan." "Bakit kasi girlfriend pa? pwede namang mag best friend nalang tayo or tell them na---" "Ano bang pinoproblema mo? girlfriend na kita at boyfriend mo na ko. Para lang 'yan sa safety mo so will you shut up your month Miss chucklehead." "Okay fine. Wag ka ding mapo-fall Edric, dahil di kita masasalo. " pang gagaya ko sa sinabi nya. Kung tutuusin pwede nya nga akong patalsikin sa school na'to, dahil sya ang mag mamay-ari nito in future. Kilala sya bilang Mr.666 at campus evil. Simula nung masapak nya yung babae na bukod sa tumawag sa full name n’ya e binully ata s’ya. Absent ata ako noon, mga 2 to 3 years ago. Haha. Ayaw na ayaw nya kasing tinatawag syang Renai Zon, iyan lang naman ang totoong pangalan niya. Renai Zon Kliven. Malay ko kung may ano sa pangalan niya. Weird. Ang bali-balita anak daw sya sa labas. Okay ang chismosa ko. "Wag kang umasa na mapo-fall ako sa'yo, baka masaktan ka lang." hindi ko nalang siya pinansin sa mga sinabi nya pero mukhang ganoon siya ka seryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD