Volume 1 - Chapter 3

1211 Words
Kung sinabi lang sa akin ni Suede na limang oras pala ang byahe papunta sa probinsya nila ay hindi na ako samama. Hindi ako sanay bumyahe ng ganoon katagal lalo na't aircon ang sinakyan namin. Kaya ngayon hilong-hilo ako. The car that we used is now in the roro. Nasa kabilang isla pa raw kasi ang bayan na 'yon pero kahit ganoon, that island is the most biggest island in South West Luzon. Inilabas ko ang phone ko at naghanap ng signal para mag-update kay mama. Kahit na hindi kami nakatira sa iisang bahay ngayon, sinusubukan ko paring isama sa buhay ko si mama ngayong mag-aaral at nagtratrabaho ako sa Manila. "You okay?" and then he handed a bottle of water to me. "I'm fine, Reed. Nahihilo lang ako nang onti pero salamat dito." I smiled and kept the phone in my pocket. He is one of the closest friends of Suede. Nakikita ko siya paminsan minsan kasama si Suede pero hindi sa tambayan nila. Suede is not a typical serious guy kaya nakakapagtaka na magiging magkaibigan sila ni Reed because I found Reed more serious and mature. Pero kahit ganoon siya ka mature, mabait siya sa akin. I mean, all of them. Wala namang rude or mean sa kanilang lahat lalo na sa mga babaeng kasama namin. I can say that they are all friendly types kaya agad akong nakapag-adjust kasama sila. "Veanna and Reed! Tara na, the boat is about to leave! Hurry, guys!" sigaw ni Catina while waving her hand in the air. "Coming!" sigaw ni Reed at sumunod na kami sa kanila. Nakasakay na si Reed at umupo sa dulo. I was about to ask for his hand dahil kinakabahan akong tumapak sa bangka at baka ma-out of balance ako. Suede offered his hand instead, I smiled and accepted it. "Thanks, panget." "As always." Nakasakay na uli kami sa sasakyan. Inabot kami ng dalawang oras sa bangka hanggang sa marating na namin ang pier. It was seven in the evening when we finally got in the car. May mga snacks naman kaming dala kaya hindi kami nagutom habang nasa byahe. "Guys, I'll give you some trivia about our province. I mean interesting trivia." magiliw na sabi ni Aramaic, Suede's cousin. Naghiyawan ang mga kasama namin habang si Suede naman ay napailing. Ngumiti nalang ako at pinakinggan silang mag-ingay. "There's a family here in our province, super powerful nila at sobrang yaman. You know what I mean, they own one-fourth of the land here! But lately their first daughter mysteriously died inside their mansion. It became mysterious because they found their daughter's corpse in the basement room." "Ano naman kung natagpuan sa basement ang katawan ng anak nila?" I suddenly asked. Napatingin silang lahat sa akin pati na rin ang nagmamaneho pero agad naman niyang binalik ang tingin sa daan. I'm sure that he wasn't expecting any reaction from me about his cousin's trivia because it kinda looks nonsense and I hate nonsense and he knows that. Agad naman niyang binalik ang tingin sa kalsada. "You look so interested, Veanna." biro ni Fergus sa akin pero ngumiti lang ako sa kaniya at nag-aabang parin ng sagot mula kay Aramaic. "It became mysterious because the whole town knew that there's no basement room inside that mansion. Yes, it's a mansion pero ang sabi ng mga matatanda roon, that family hates basement room. Hindi nila alam kung bakit pero iyon ang usap-usapan," "Kaya ang tanong bakit namatay sa loob ng basement room ang anak nila kung ang alam ng lahat ng mga tao na taga rito ay walang basement room ang mansion na 'yon? They said that she committed suicide, but the police said it was murder. They suspected too her parents dahil panigurado alam nila ang basement room dahil bahay nila 'yon pero hindi, dahil nasa labas sila ng bansa noong mangyari ang pagpatay. Seriously? sino ba naman ang matinong magulang ang papatayin ang sariling anak? atsaka masyado raw mabait ang anak nila kaya napaka imposibleng magkaroon siya ng kaaway. She was a house person. So the case is still unsolved and mysterious. My grandpa said too that family is too hideous." she added. Parang tumigil ang mundo ko, ang paghinga ko at ang isip ko. It can't be. Nagsipalakpakan ang mga kasama ko at muling humiyaw maliban sa aming dalawa ni Suede. Kung sila tuwang tuwa sa sinabi ni Aramaic, ako naman parang mamatay sa takot, sa kaba, sa mga tanong na umaandar sa utak ko ngayon. "Hindi mo naman sinabi na balak mo palang maging news caster, Ara! may hinaharap ka!" tuwang tuwa na hiyaw ni Lief. Nagsitawan silang lahat. I just shut my mouth and sighed deeply. Akala ko ba naman, sa pagsama ko sa celebration na 'to ay makakatas ako kahit papaano sa mga napaginipan ko? bakit parang hanggang dito sinusundan ako ng mga panaginip ko? "So creepy, Veanna. Right?" Aramaic asked. "Ah. Oo." No, baka nagkakamali lang ako. There's chance that is just coincidence. Maraming ganoong kaso. Masyado lang ata talaga akong nag-oover think dahil may nadamay na basement room sa kwento ni Aramaic. As long as walang mababanggit na kahit anong hacienda, I'm fine. "Ano bang apelyido nila? their story is so interesting, pwedeng i-pang blog." ani Sven. "Saldivar. And we will pass through their hacienda before we can get to our rest house!" At doon ko naramdam ang pagkurot ng puso ko, ang pagbigat ng dibdib ko, at ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa mundo at nangyayari 'to sa akin? Why is it so hard to control my emotions? I don't wanna cry especially I'm with them right now. Baka isipin nilang iniiyakan ko ang kwinento ni Aramaic. Tss. Maybe I'm right. Iniiyakan ko nga ang kwinento niya. Seeing the Saldivar's hacienda is not that feasible for me. It will just make me feel so guilty for being silent about it. Even though I want to tell others what I have seen in my dream, I just can't. Nobody will believe. In other people, my words are just a piece of trash, nonsense and useless. Proven and tested. "Suede, may iba pa bang daan papunta sa rest house niyo na hindi madadaan ang h-hacienda ng S-saldivar?" tanong ko na nakakuha ng atensyon nilang lahat. "Ayaw mo bang makita? I thought you're amazed of it?" biglang tanong ni Aramaic. Lief and Fergus followed, "Oo nga." "Bigla kasing sumakit 'yong ulo ko. Pero sige kung gusto niyo makita, sige daanan nalang natin. Makakayanan ko pa---" "No, we're heading to the shortcut. You need to rest. We need to rest, guys." Gusto kong umangal na hindi. Ayokong magalit sila sa akin dahil gusto nilang makita ang hacienda habang ako hindi. Baka magalit sila sa akin nang dahil dito. Ayoko naman ng ganoon. But still, I don't want to see that hacienda. "I'm sorry, guys. Don't worry, bukas na bukas aalis tayo para makita ang hacienda ng S-saldivar. I just don't feel okay now." "Are you sure?" Suede asked. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Ayon naman pala eh. Sige bukas. We will visit that hacienda." they marked. What the actual s**t I just said?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD