"Are you sure? sasabihin ko kay Aramaic na huwag nalang tayong tumuloy. Kapag nagkasakit ka, sa akin pa bayad ng pa-ospital." hindi ko alam kung concerned ba talaga si Suede o nagrereklamo siya.
"Nangako ako, Suede. Ang arte ko lang talaga kagabi."
He sighed and shook his head. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay lumabas na siya para buhayin ang sasakyan na gagamitin namin papunta sa hacienda. Birthday niya ngayon pero mas inuna niya ang kagustuhan ng pinsan niya. I don't think he was forced to do it or he really volunteered. Minsan hindi ko maisip kung anong tumatakbo sa utak niya.
Sabi nila, pagkatapos na pagkatapos ng pagbisita namin sa hacienda ay doon na kami magsisimulang mag handa. Ala syete pa lang ng umaga kaya mahaba pa ang oras namin.
"I think we are not allowed to enter the mansion. Sa labas lang talaga tayo. You know their securities, kahit na bukas sa lahat ang hacienda, may mga bagay parin talaga na kailangang manatiling pribado." Aramaic told us when we are on our way.
Nang dahil sa sinabi niya ay nabawasan ang mga iisipin ko. I am so thankful for it. Even though I don't have any plan entering the mansion, I just can't imagine myself being pulled by Aramaic inside if we're even allowed to go. Ayoko nang maalala.
Isa-isa kaming bumaba sa sasakyan at pumaroon sa malaking gate kung saan nakalagay ang pangalan ng hacienda. Sumikip ang dibdib ko nang mabasa ko ang nakalagay sa malaking gate.
"Villa Saldivar Hacienda." sambit ko sa sarili.
Nasa unahan silang lahat habang nasa likod ako. I saw an old man talking to Fergus and Aramaic. I can't see him clearly because I'm far away from the gate, but I'm sure he's one of the workers of Saldivars. Nakita kong binuksan noong matandang lalaki ang gate. He's not that old, maybe mid fourties. He's wearing a gardener's uniform. Wrinkled and tanned skin. You can easily see how hardworking he is. Sa kulay palang ng balat at pawis na bumabalot sa kanya, malalaman mo agad na nagkakayod talaga siya nang sobra sa ilalim ng araw.
Nasa unuhan din si Suede at medyo malayo ang pwesto ko sa kanila. To be honest, I'm not ready to enter this hacienda. Nasisilayan ko pa nga lang ang hacienda, kinakabahan na ako. Makapasok pa kaya sa loob?
Nakapasok na silang lahat at para bang invisible ako dahil hindi nila napansin na hindi nila ako kasama pagpasok. Isisirado na sana noong matanda ang gate nang naglakad ako palapit sa gate. Natigilan ang matanda sa ginagawa at halos hindi na siya makagalaw.
"S-senyorita A-alani?" takot na sambit ng matanda.
Kumunot ang noo at napakurap sa matanda. Sinong Senyorita Alani?
"Ah, ano po?" mukhang ewan kong tanong sa kaharap.
"Hindi m-maari. P-patay na po kayo." Nanginginig na sabi ng matanda at pakiramdam ko tatakbo na siya konting oras nalang.
Atsaka anong patay? Ako patay? and is he calling me Senyorita Alani? that's not my name.
"Hindi po ako patay, manong at Alani isn't my name. Kasamahan ko po iyong mga unang pumasok, nahuli lang po talaga ako." sabay turo sa mga kasama ko.
Hindi na siya umimik at yumuko nalang. He opened the huge gate again so I can get inside. Nakita ko rin silang anim na natingin sa gawi ko. They are probably wondering what happened between me and the worker.
"Anong nangyari?" bungad sa akin ni Catina.
Half of my mind says that I should not say what the old man told me. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko hindi naman din nila kailangang malaman.
"Akala niya lang kung sino kasi hindi ako nakapasok kasama kayo. Nahuli kasi akong pumasok."
We have traveled one-fourth of the hacienda for almost three hours. Yes, one-fourth palang sa tatlong oras. This is much bigger than I thought. Ito na ata ang pinakamalaking lugar na napuntahan ko sa buong buhay ko. Mag-aalas diyes na kaya't nakaramdam na ako ng pagod at gutom. Silang anim ay nasa kubo ng mga manggagawa habang ako nasa ilalim ng malaking puno malapit sa tapat ng mansion. Ang mga kubo ay nasa bandang likuran ng mansion kaya malayo ako kila Suede. Nagpaalam naman ako sa kanila kaya hindi na nila ako hahanapin.
Napatingin ako sa isang direksyon. Kung saan ako nakatayo sa panaginip ko. Hindi siya kalayuan sa akin. Kahit sobrang lawak nito, alam ko kung saan ako nakatapak ng gabing iyon. Flashes of memories came in my mind. Napapikit ako at pilit na huwag alalahanin ang nangyari.
I was about to leave when I saw a figure of a woman walking towards my direction. Noong akala ko ay papunta lang siya sa direksyon ko dahil may ilang mga trabahante rito, pero mali ako. She pointed me. Wearing a mom's jean and maroon blend-top jacquard scarf, matching a cat-eye sunglasses, atria boots, and hacienda hat, she looks so gorgeous. There are four men behind her and I'm pretty sure that they are all her bodyguards. Napatingin ang lahat ng mga trabahante sa gawi namin. They bowed at her for seconds before continuing their work.
"Leave us alone." utos niya.
Walang pasubalit pa ay iniwan ng mga trabahante ang mga ginagawa nila. Pati narin ang mga lalaki sa likod niya ay napilitan na ring sundin ang utos ng babaeng nasa harapan ko. I cleared my throat because of the tense I am feeling. I am a bit lost right now so, I bowed at her like the workers did. Narinig ko ang paghikbi niya kaya agad akong tumuwid. I was shocked because she suddenly hugged me, like a hug of a mother.
"Alani, I miss you so much." she said so hurt at the same time, ecstatic.
This is the second time that someone called me by that name. I want to protest that my name isn't Alani but, her hug is making me weak.
"Thank you for showing your soul to me, Alani. You don't know how much agony we are suffering right now. We really miss you.."
She's definitely perplexing me right now. I can't understand what she is saying. Soul? ano ako, patay? "Your death afflicted me so much."
At nang dahil sa sinabi niyang iyon ay natulak ko siyang nang hindi sinasadya. I'm not dead! Nang lumayo siya sa akin at bahagyang nawalan ng balanse ag tinanggal niya ang salamin niya. At doon ko nakita ang pagmamaga ng kanyang mga mata.
"Why did you pushed me, Alani?"
"My name isn't Alani. It's Veanna."
"No! Ikaw ang anak ko! You're Alani!" sigaw niya sa akin. Napailing ako sa mga sinabi niya. Ako, anak niya? Like seriously?
Is she consulting a physiatrist? I conclude that she was really afflicted by her daughter's death pati kung sinu-sino ay napapagkamalan na niyang anak niya.
"I am not, Ma'am. I'm not Alani nor other. I'm just one of the visitors in your hacienda. Please, look at me. I'm not your dead daughter. I'm alive. I'm breathing!"
Kinabahan ako nang bigla siyang bumagsak sa lupa. Nakita ko ang pag-alarma ng mga bodygaurds niya. Hindi siya nawalan ng malay, humahagulgol lang siya. I want to comfort her but I just don't know how to. Natatakot akong hawakan siya.
Dinala nila ang babae papasok sa mansion habang umiiyak parin ito. Naawa ako sa kaniya. Paalis na sana ulit ako nang isa na namang lalaking naka-uniporme ang sumalubong sa akin.
"Pinapatawag po kayo ni Don Gelileo. Sumunod nalang po kayo sa akin."
"Sino 'yon? para saan?" takang tanong ko at agad na kumunot ang noo ko.
Another weird things? Hindi siya nagsalita. Napailing nalang ako at naglakad palayo. Ano ako timang para sumunod sa kaniya? Narinig ko ang pagsipol niya. Dalawang lalaki ang humarang sa dinaraanan ko. They held my arms and tried to cary me. They're trying to kidnap me!
"Hoy! Saan niyo ako dadalhin!? Let me go!" I hissed at them at sinubukan kong pumiglas sa pagkakahawak nila.
Kahit anong sigaw ko at pilit na kumawala sa hawak nila ay hindi ko nagawa ang pakay ko na makatakas. Damn! Ayoko pang mamatay! Especially not in their hands! This is not good!