The cold wind embraces me. My cardigan jacket has fallen on my left shoulder. So much for celebrating Suede's birthday. As I look around the room, it gives me shiver that I have never felt before. Mas pumasok pa ang malamig na hangin nang bumukas ang double door ng kwartong ito.
A suited man came in. He straightly walked to his desk without giving any glance to me. I fixed my jacket and sat properly even though I wanted to run out of this room. His aura makes my heart pound heavy. In my observation, he is in his sixties with a sturdy appearance. Wrinkles on his face make him look more serious. Maayos din ang buhok niya. I can't determine what is on his mind right now. He doesn't give clue on his face.
He sat on his swivel chair and sit straightly while looking at me, intently. Kanina hindi niya man lang matapunan ng tingin tapos ngayon kung makatingin siya akala mo mangangain ng tao.
"Mister whoever you are, I want to go now, please. I don't know where I am and for sure my friends are now waiting for me." I asked him convincingly as I can.
He didn't respond to my words. Binuksan niya ang drawer sa kanang bahagi ng kanyang desk nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Lumabas doon ang isang maliit na envolope. Makapal iyon kaya nahirapan akong hulaan kung anong nasa loob. He laid down the small envelope on his desk.
"You really look like Alani but I don't remember having s*x with other women without using trust back then. So, I'm sure that you are not my daughter."
Dahil sa sinabi niya ay naliwanagan ako. That's why they called me Alani when they first saw me. Kaya pala nagulat iyong matandang lalaki nang makita niya ako. Kaya pala niyakap ako noong babae dahil akala niya ako si Alani. Ang anak niyang namatay. Ang anak niyang nasaksihan kong nawalan ng buhay. My eyes flicked for seconds as my brain tries to absorb the fact that I have the same face of the woman I have seen in my dreams.
Pero kung kamukha ko siya, bakit hindi ko namukhaan ang mukha niya sa panaginip ko? I know my face, kung may kamukha man ako ay malalaman ko kaagad iyon pero bakit hindi ko napansin na kamukha ko si Alani sa panaginip ko? what does it mean?
"What's your full name?" He asked.
Dapat ko bang sabihin? My instinct tells me not to do it.
"S-sienna Savea L-lavalle."
He nodded and he took out his phone. Nagtipak siya sa screen nito at ilang sagalit lang ay tumingin ulit siya sa akin.
"I'll be direct to the point. I want you to pretend as my second daughter." walang pagaalinlangang sabi niya sa akin.
Hindi ako gumalaw o kumurap man lang. Naglilinis ako ng tenga thrice a week kaya imposibleng mali ang pagkakarinig ko. At iyong sinabi niya? isa ring imposible.
"Pasensya na po pero kailangan ko na talagang umalis." tatayo na sana ako nang marinig ko ang biglaang yapak ng matandang kasama ko.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at sa huli, wala parin akong makitang kahit anong ekspresyon dito. Nakatingin lamang siya sa akin habang nakatayo at nasa likod ang kanyang dalawang kamay.
"Hindi mo gugustuhin ang mangyayari kapag tumapak ka sa labas ng pintong iyan."
Ang malamig na hangin kanina ay mas lalong lumakas at tila niyakap na ako nang tuluyan. The way he said it, it seems he will make sure that I will regret it if I don't follow him. Suminghap ako at pinikit na lamang ang mga mata at umupo ulit sa inupuan ko. Nakakatakot ako, oo inaamin ko. Ayoko sa aura niya, ayoko sa titig niya, ayoko sa tindig niya, ayoko sa mga galaw niya, at ayoko sa pananalita niya. Inilagay ko ang mga nanginginig kong mga palad sa hita ko. Yumuko nalang at para hindi na magsalubong ulit ang mga mata namin.
"You will pretend as my youngest daughter. You will have the life like Alani had. You will live in luxurious as Alani did."
Paano kung ayoko? oo na't hindi pa ako nakakapagtapos ng kolehiyo pero hindi ako tanga pagdating sa mga bagay na ganito. Lahat ng masaya at maginhawang buhay ay may kapalit. Lahat ng ngiti ay may kapalit na hapdi. At ang lahat ng pinaguusapan ay laging may handang kapalit. Pero lahat ng ito ay may dahilan kung bakit may kapalit.
"Anong makukuha mo rito?"
"Sabihin nating malilinis ang pangalan ni Alani at ang pamilya ko. Gagamitin mo ang apelyido ko at ang boses mo para magawa iyon."
Huminga ako nang malalim upang makakuha ng lakas para masabi ko ang gusto kong sabihin. "Hindi ako tanga para sundin ang gusto mo."
Lumapit siya muli sa lamesa niya at kinuha ang inilapag niyang envelope roon. Binuksan niya iyon at inilabas ang laman nito.
"One million."
I stood up with a smile on my lips. It seems his life is perfect. No worries about money, no worries about everything, but until this tragedy happened. One million in exchange for me cleaning their names and reputation. Bakit kailangan linisin kung wala namang duming nagawa? Wala nga ba?
Napatingin ako sa chandelier nang biglang tumunog ito. At ngayon ko lang naappreciate ang ganda at ang karangyaang tinataglay ng kwartong ito. I smiled at him. "One million can help a lot of needed people. Why would you bet it in the way that you are not sure will successfully happen? Bakit mo sasayangin ang one million mo kung hindi ka naman siguradong malilinis ko ang pangalan ng pamilya mo?" sambit ko na may diin sa bawat huli ng mga salitang binitawan ko.
Hindi ko alam kung may nakakatuwa ba sa sinabi ko kaya siya nagbigay ng konting ngiti sa labi or it was a pity smile for me?
"It's a penny for me and do you really think that I am interested on helping "needed people". If I cannot please you to do this, okay. We're doing it the other way,"
"I'll force you."
Inilabas niya ang cellphone niya at ilang saglit lang ay may lumabas roon na boses. Isang boses na pamilyar sa akin. Nagtiim ang bagang ko sa boses. No this can't be.
"Anak, s-sino sila?"
Ang ngisi na meron ako kanina ay mabilisang nawala dahil sa narinig ko. Napatingin ako sa matanda at binigyan siya ng mapagbantang tingin kasabay ng pagkuyom ng pareho kong palad pero para bang sanay na siya sa mga ganoong titigan kaya hindi na siya nasindak pa. Gusto kong tumakbo at kunin iyong telepono nang makausap ko si mama. Ramdam ko sa boses niya ang takot at pangamba. Maybe, this man brought some men to our house. Baka may ginawa na sila kay mama! How powerful is this man? Pangalan ko lang ang binigay ko sa kanya pero parang pati nangyari sa mga ninuno ko noon alam na niya.
"Ma."
"Anak, mag-ingat ka. Okay lang ako. Ma-" He stopped the call.
"Your freedom or your mother's freedom?"
It seems I don't have any choice.