"Veanna, paki bantayan 'tong priniprito ko! Mamatay na ako!"
Napatingin ako kay Catina nang bigla siyang sumigaw habang pilit inilalayo ang sarili sa priniprito niya. Hindi ako sumagot at agad nalang kinuha ang sandok sa kamay niya. Randam ko ang pagkunot ng noo ni Catina dahil sa ginawa ko.
Hindi ko lang talaga maalis sa isipan ko si mama. Paano kung hindi talaga nila pinabayaan si mama? Paano kung may ginawa parin sila sa kaniya? talagang hindi ko alam ang gagawin kapag nagkataon.
"Are you okay?"
Napatingin ako sa kaniya kasabay nang pagtaas ng noo ko. Nang makauwi kami galing sa hacienda, ang dami nang bumabagabag sa akin.
"Ah? Oo. I'm okay. Medyo na occupied lang ako. Sige na, Cat. Ako na bahala dito, you should take a rest."
Ngumiti siya sa akin nang may pag-alinlangan sa mukha. Siguro ayaw niya akong pangunahan kaya hindi niya nalang ako tinanong kung may problema ba ako. We're celebrating for almost nine hours. I tried to divert my problems and hopefully, I made it. I don't want to ruin Suede's special day. As long as I can still handle my situation, I will handle it.
Like some typical birthday celebrations, we drank some liquors. We also went to the beach just near here. It made myself at peace even just for a moment. The sea breeze and the cold wind calmed my mind and chest. Wala talaga sa plano ko ang maligo pero dahil mapilit ang mga kasama ko, wala na akong nagawa kundi sundin ang utos nila.
"Hindi ako magtatagal ah! Ang lamig lamig kaya!" sambit ko bago sumawsaw sa tubig.
Umuwi kami sa resthouse bago mag alas-otso ng gabi. Malamig narin kaya napiltan na kami kahit na gusto pa nila Fergus at Lief na tumambay doon.
"Thank you for this day." ani Suede nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Ngumiti nalang ako bago umiwas sa mga tingin niya. Pagkatapos namin magpalit ng kaniya kaniyang mga damit ay dumiretso muna kaming lahat sa veranda at doon nag small talk.
"Ang ganda roon sa hacienda no? Sayang at hindi natin nalibot lahat." Ani Aramaic na may pagkadismaya sa boses.
"Ay oo nga pala, Veanna. Nalaman ko sa mga trabahador na niyakap ka raw bigla ni Donya Aleja?" dagdag na tanong ni Aramaic na kumuha sa lahat ng atensyon nila.
Kinagat ko ang pang ilalim kong labi bago ako tumango. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Paano ko ipapaliwanag sa kanilang lahat ang nagawa kong plano? Kailangan ba nilang malaman? sa tingin ko hindi na.
"Hala, weh? Seryoso? ang swerte mo. Anong amoy ni Donya Aleja? Mabango ba?" Natawa ang ilan sa tanong ni Catina pero di ako makahanap ng rason para matawa rin.
"Sakto lang." at pilit akong ngumiti.
Nagpatuloy ang kwentuhan nila. I wasn't in the mood to join their small talks. I just answer them whenever they ask me something.
"Guys, punta muna ako sa kitchen. Kukuha lang ako ng snacks natin." paalam ko sa kanila at agad na umalis.
Pagdating ko sa kusina ay umupo muna ako sa upuan ng dining table at hinilot ang sintido at suminghap ng ilang beses. Sa nangyari ngayong araw, parang ayoko na tuloy matulog. Natatakot ako na baka sa pag gising ko mas lumama lang pa 'tong mga nangyayari sa akin. Baka sa paggising ko, bago na namang problema ang yayakap sa akin.
Pero itong mga tanong na ito ang tunay na nagpapagulo lalo sa isipan ko: Paano ko naging kamukha si Alani? Kung kamukha ko siya, bakit hindi ko napansin 'yon sa panaginip ko? At ang huli, bakit ako nagkakaroon ng chance na makita ang nangyari sa isang tao bago sila mamatay? Gusto kong masagot ang lahat ng tanong ko. Gustong-gusto. Siguro tama lang na pumayag ako sa offer ni Mr. Saldivar. Sabi nga nila, mananatiling tanong ang tanong kung hindi ka gagawa ng paraan para mahanap ang sagot. Hindi ko man alam ang kahihitnan nitong pinasok ko, pero sisiguraduhin kong makakauwi ako sa amin nang humihinga.
"Hoy! Tulala ka dyan!"
Napatayo ako dahil sa ginawang sigaw ni Suede mula sa likuran ko. Sa sobrang pagiisip ko, hindi ko na tuloy naramdaman na nasa likod ko pala siya.
"Ano ba? para kang tanga. Atakihin ako rito, kita mo."
Napakamot siya sa sinabi ko at umupo sa kabilang upuan. "Ang tagal mo naman atakihin. Naiinip na ako."
Sinamaan ko siya ng tingin at umiling. Ilang minuto ng katahimikan, napapikit nalang ako at nailapat ang mukha sa lamesa. "Suede, may gusto akong sabihin sayo."
"Ano?" nagulat ako sa tono ng pagkakasabi niya kaya inangat ko ang tingin ko. Ang maloko niyang mukha at ngisi ay biglang nawala na parang bula. Huwag niya sabihing kinakabahan siya sa sasabihin ko?
"Kasi."
"Kasi?"
"Kasi nagugutom na ako pero hindi ko alam kung saan pwede kainin dyan. Tulungan mo naman ako, oh?"
Napa-iling siya at ngumiti nalang ulit. Tumayo siya at dumiretso sa refrigerator. Dahil nakaramdam na rin ako ng konting gutom, sumunod na ako sa kaniya. Tama lang siguro na hindi ko sabihin ang mga plano ko kay Suede. Hindi naman sa wala akong balak sabihin, hindi lang ngayon. Pero soon. Hahanap lang ako ng magandang tiempo.
Alam ko naman kasing magagalit siya sa akin kapag nalaman niya 'tong mga pinagplaplano ko. Baka iuuwi niya agad ako sa amin. Kung hindi ko sana sinabi ang buong pangalan ko, siguro hindi nila matutunton si mama. Makapangyarihan nga sila. Nagagawa nila lahat ng gusto nila sa pamamagitan ng pagwawaldas ng pera.
Maaga kaming nagising para ihanda ang lahat ng gamit namin dahil uuwi na kami sa Manila or should I say, dahil uuwi na sila sa Manila? Bago ako matulog, iniisip ko na kung anong mga gagawin at idadahilan ko para maiwan dito. Pasalamat din ako dahil wala naman akong napanaginipang kakaiba.
"Andito na ba lahat ng gamit natin? Guys, we're about to leave!" sigaw ni Fergus habang chinecheck ang laman ng sasakyan.
Bago mag alas diyes ng umaga ay nakarating na kami sa pier. Balisa ako pero sinusubukan kong hindi ipakita iyon sa mga kasamahan ko. Sigurado na ako sa plano ko. Nasa roro na ang sasakyan habang pasakay na ang ilan sa mga kasama ko sa bangka. I tried to be calm as I could. Singhap doon, singhap dito, kahit saan singhap na. Nababaliw na ako.
Nakasakay na silang lahat at ako nalang ang natira. Nagdadalawang isip pa akong tumapak sa bangka pero sa huli, nakatapak na ako. Dahil malaki-laki naman ang bangkang sinasakyan namin ngayon, nagkawatak-watak kami. Catina is enjoying the view with Aramaic. Fergus, Lief and Reed are playing with water, meanwhile Suede is just sitting and it seems like he is thinking someting deep. And here I am, sitting alone on the edge of the boat.
"Maghanda na po kayo, aalis na ang bangka!" sigaw no'ng matangdang lalaki.
Kailangan ko na 'tong gawin. Hinayaan ko na medyo makalayo kami sa daungan bago ko gawin ang plinaplano ko. Nang makasiguro na akong medyo malayo na kami, tumayo ako at hinubad ang suot na tsinelas. Dahan-dahan kong itinaas ang paa ko at ipinatong iyon sa pinakadulo ng bangka.
Before we leave the rest house, I assured first that I can swim comfortably. I only wear sando, beach shorts, and my cardigan jacket. Bago ko ipinatong muli ang isa kong paa, sinunod ko nang tinanggal ang jacket ko.
"Veanna!" rinig kong sigaw ni Reed bago ako tuluyang tumalon mula sa bangka.
Ramdam na ramdam ko ang lamig na bumalot sa akin nang bumagsak ako sa tubig. I give my all attention to my plans. I shouldn't get caught. As if someone will follow me? Umiling ako bago ginalaw ang mga paa at kamay. Leaving them without saying my plans are wrong. But nothing is more than wrong if I implicate them in my situation and I will not let that happen.