Volume 1 - Chapter 7

1241 Words
Ginalaw ko lang nang ginalaw ang pareho kong mga kamay at paa, kahit na gustong-gusto ko nang umahon dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin sa loob. Hindi naman masyadong malayo at hindi rin naman masyadong malapit ang nilangoy ko. Habang lumalangoy ako, hindi pumasok sa isip ko na lumingon palikod dahil alam ko namang walang susunod sa katangahang ginawa ko. Hindi rin naman ako umaasang may gagawa no'n. Nang makita ko na ang mga bato sa daungan, hindi na ako nagdalawang isip pa na iangat ang ulo ko. Baka hindi pa ako nakakarating sa Hacienda, mamamatay na ako rito. Pagkaangat ng ulo ko, maraming tao ang sumalubong sa akin. Isang lalaki na may katandaan ang nagbigay ng kamay niya sa akin. Tinanggap ko iyon kahit na naghahabol parin ako ng hininga. "Hija, maryusep! Anong pumasok sa isip mo at nakuha mong gawin iyon?" sambit nang matanda habang inaalalayan akong makaupo sa plastic na upuan. Hindi ako sumagot. Nanginginig ang buo kong katawan kaya niyakap ko ang sarili ko. Ilang saglit lang ay nagsigawan ang mga tao. Naalarma ko dahil nakatingin silang muli sa tubig. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko siya. Ang basa at magulo niyang buhok at ang nakaawang niyang labi. Napatayo ako. Half of my mind says that I should run now. I should leave this place now. "Hija, itakip mo ito sa sarili mo." Tinanggap ko ang ibinigay na panakip ng matanda at inilagay sa sarili nang hindi inaalis ang tingin kay Suede. Gusto kong lapitan siya. Gusto kong yakapin siya at humingi ng patawad sa ginawa kong katangahan. Gusto kong tanungin kung okay lang ba siya, bakit niya ako sinundan. Pero nauunahan ako ng hiya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mabalot ng kahihiyan sa ginawa ko. Gumawa pa ako ng ikakaproblema ni Suede. Inaasikaso siya ng iba, tumango siya sa kanila at ngumiti dahil tinanggihan niya ang mga iyon. He walked straightly towards my direction. Palapit na siya sa akin nang magsasalita na sana ako pero bigla niya akong niyakap gamit ang isang kamay at inilagay niya iyon sa ulo ko at dinausdos niya ako sa kanyang dibdib. "Suede, sorry---" "Hindi ko gusto 'yung ginawa mo." Tumawag si Suede sa mga tao sa resthouse para pagpasundo pabalik sa doon. Buti nalang at may nagpahiram sa amin dahil wala talangang dalang kahit ano si Suede. Hindi ko parin nasasabi ang dahilan at ang plano ko sa kaniya. "I'm not ready to say the reasons. Please give me some time." "I'll give you, don't worry." Nagulat daw silang lahat nang biglang sinigaw ni Reed ang pangalan ko. Nang tumalon daw ako, hindi raw siya nagdalawang isip na sumunod sa akin. Kinausap na rin ni Suede ang mga kasama namin. Sabi niya, magpapaiwan muna kaming dalawa rito at mauna na silang umuwi sa Manila. They asked why but, he didn't respond. Hindi naman niya alam ang sasabihin. Nasa terrace ako at sinasalubong ang masarap na hangin. Kitang kita ko ang mga bituin. They look beautiful. "Veanna, bakit hindi mo sinabi kaagad?" Napatingin ako sa likod kung saan nakatayo si Suede. He's holding an envelope. His teary eyes caught my attention. Kumabog ang puso ko. No. Dali-dali akong lumapit sa kanya. "Let me explain--" "Why, Veanna?" nakikita ko ang galit sa mata ni Suede pero pinipigilan niya iyon. Itinapon niya ang envelope sa harap ko. Anong laman ng envelope?! Anong naiintindihan? alam niya? pero paano? Dinampot ko ang envelope at nang buksan ko iyon doon tumambad sa akin ang makakapal na pera at isang papel. Binasa ko ang nakasulat sa papel at kasabay no'n ang pagpatak ng mga luha ko. Nakasulat doon lahat ng plano ni Mr. Saldivar. Simula sa pagpapanggap ko na anak nila hanggang sa pagbigay nila ng pera sa akin. Pero hindi nakasulat dito kung bakit ako pumayag sa gusto niya! "Hindi, mali ka ng pagkakaintindi! Hindi nila sinama kung bakit ako pumayag sa gusto nila!" "Shut up, Veanna!" Umiling ako at sinubukang lumapit sa kaniya pero hindi ko magawa. Ngayon ko lang siya nakitang magkaganito sa tagal ng pagkakaibigan namin. Bakit ba kasi sinundan niya pa ako? He should have left me! hindi ko siya kailangan! "I'm sorry." sambit ko habang pinapanood siyang maglakad palayo sa akin. I never wanted this. Dahan-dahan akong napaupo sa sahig at isinandal ang likod ko sa bakal. Hindi ko aakaling ganito ang kalalabasan ng desisyon na ginawa ko. Bakit simula noong napaginipan ko iyong babae sa damuhan ay nagsunod-sunod na ang kamalasan sa buhay ko? Ano bang nangyayari? Natigil ako sa pag-iiyak ng biglang dumating si Manang Cleora, isa sa mga kasamahan nila rito sa resthouse. "Hija, may tumawag sa telepono, hinahanap ka." Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako tumayo at lumapit kay Manang Cleora. "Ayos ka lang ba, Hija?" nakita ko ang pag-alala sa mga mata niya. Tumango ako sa kaniya atsaka inabot sa akin ang telepono. Hinaplos niya ang buhok ko bago niya ako iwan. Magiging maayos din ang lahat. "H-hello?" "You shouldn't have accepted their offer, you idiot Lavalle." Kumabog ang dibdib ko. Kahit hindi niya sabihin kung anong tinutukoy niya, alam kong iyon ang usapan namin ni Mr. Saldivar. Diniinan ko ang paghawak ko sa telepeno. "Pasensya na pero hindi ko alam ang sinasabi mo." Hindi ako nagdalawang isip at agad kong pinatay ang linya. Naguguluhan ako. Ang sabi niya, kailangan maging sekreto ang usapan namin tapos ngayon, may nakakaalam? Pero sino 'yon? hindi ko masyadong nadistinguish kung lalaki ba o babae ang nakausap ko. Nawala na sa isip ko. Malinaw ang pagkakasabi niya sa akin pero hindi ko lang talaga malaman kung alin sa dalawa. Bumaba nalang ako sa sala para ibigay ang telepono kay Manang. Hinanap ko rin si Suede kay Manang pero ang sabi niya ay nasa kwarto na raw si Suede at nagpapahinga. Nakita niya raw itong umiiyak, tinanong niya kung bakit pero hindi raw siya sumagot. Naiintindihan ko naman siya. Kahit sinong kaibigan magagalit kapag ipibasok mo ang sarili mo sa kapahamakan. Hindi lang talaga niya maintindihan kung bakit nagawa ko 'tong desisyon na 'to. Pakiramdam niya kailangan niya ako laging protektahan. Hindi ko naman siya kinaibigan para may bodygaurd ako. Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa sofa. Nagiisip kung anong mangyayari bukas. Dahil na rin ata sa pagod ay nakaidlip ako. Ilang araw din simula nung natigil ako sa pananaginip ng kung anu-ano. Pero ngayon, nagsisimula na naman ulit siya. Katulad ng dati, madilim ang paligid hanggang sa may lumabas na namang imahe. Nilingon ko ang paligid ko. Para akong nasa isang magandang mansion, malinis ang koridor, at mukhang mamahalin ang mga muwebles. Napansin ko kaagad na hindi 'to sa mansion ng mga Saldivar. Nasa tapat ako ng isang pinto. May narinig akong mga boses sa loob kaya sinubukan kong hawakan ang doorknob pero tumagos na lang ang kamay ko rito. Kung tumatagos lang din naman ako sa mga bagay, edi tatagos na ako sa pinto. Napaatras ako nang may nakita akong isang babae, isang lalaki at isang matandang babae. Lumapit ako sa kanila pero hindi ko makita ang mga mukha nila. Mga mukha lang nila ang hindi ko makita pero nakikita ko ang katawan nila. At doon lang pumasok sa isip ko na inilalabas ng matandang babae ang isang sanggol sa sinapupunan ng babae. Sino sila? Bakit ako nandito? At kasabay ng pagkarinig ko sa iyak ng sanggol ay ang paggising ko. Sino sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD