"Kailangan ba talagang mag-suot ako ng ganito?" hindi ko makapaniwalang tanong habang pinagmamasdan ko ang isang sea color gown. Kailangan ba talagang maging elegante ang gabing 'to?
Kailangan ko raw 'yang isuot mamayang gabi dahil ipapakilala na nila ako sa buong bayan bilang bunsong anak ng mga Saldivar. They told me it's traditional for Saldivars. Wala akong nagawa kundi ang sundin sila. Lagi naman e. May iba pa ba akong pagpipilian?
"Here's your speech for the opening, here's the other speech for visitors and this is the last one for the closing remarks." sambit ng babaeng kasama ko ngayon, na siyang nagaayos ng lahat ng kailangan ko mamayang gabi.
Isa-isa kong tinignan ang mga papel na ibinigay niya. Hindi ko magawang isipin na nagpapakasaya ako rito habang 'yong nanay ko, andoon, hindi ko alam kung anong ginagawa. Ang huling kausap ko nalang sa kaniya ay noong nasa mansion ako ng mga Saldivar. Pinangako naman niyang walang mangyayaring masama sa nanay ko pero hindi ko alam kung tama bang paniniwalaan ko siya. Hindi ko naman matawagan si mama dahil hindi siya sumasagot. Ngayong alam kong kung gaano siya kadelikadong tao.
"Chin-up, straight body and walk."
Napadaing na naman si Sophia dahil pang sampung beses lang naman akong natapilok. Hindi ko makuha kung paano maglakad ng elegant-sexy-gorgeous looking-hot na sinasabi ni Sophia.
"Flat ba 'yang paa mo, Asea?! I thought you already know this thing because you were from New Zealand working as a model?!"
Right, Asea is my fake name.
"Masakit lang ang paa ko, Sophia." pagsisinungaling ko atsaka umupo sa hagdan.
"Six hours mo nang sinasabi 'yan. Ano bang ginagawa ng paa mo? construction worker ba 'yan? Gosh! please don't do this, Asea! Ayokong magkaroon ng wrinkles!" sabay takip ng mukha niya at lakad sa harap ko nang pabalik-balik.
"Get up! get up! we need to get finish this!"
Nasa kwarto ako ngayon ni Asea. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung totoo bang may nag-eexist na Asea Saldivar o 'di kaya ay gawa-gawa lang ni Mr. Saldivar ito. Nakaharap ako ngayon sa salamin habang inaayusan ang buhok ko nang bigla kong maalala si Suede. Pagkatapos ng gabing 'yon, maaga akong umalis ng rest house. Kilala ko si Suede, kapag galit siya ay aabot pa 'yan ng ilang araw bago ka niya patawarin o di kaya'y kausapin. Kaya nag-iwan nalang ako ng sulat para sa kaniya kaysa naman sa hindi niya malaman ang side ko.
Kahit sirado ang pinto ng kwarto ay rinig na rinig ko ang ingay mula sa baba, kung saan kalahati o baka lahat ng nakatira rito ay nasa baba, inaabangan ang pagbaba ng pekeng Asea Saldivar.
"It's finished. Pwede na po kayong maghintay sa labas. Magsisimula na po ang ceremony." ani no'ng babae na malamang ay trabahador dito sa hacienda.
"Thank you."
Dahan dahan akong tumayo at pinagbuksan niya ako ng pinto. Paglabas ko ay agad sumalubong sa akin ang isang lalaking nakatuxedo.
"Here's the way, Ma'am Asea." and he leads the way.
Tumigil kami sa paglalakad nang matanaw ko na malapit kami sa isang malaki at mahabang hagdanan. Ang ingay na narinig ko kanina ay nawala at napalitan iyon ng boses ni Mr. Saldivar.
"Can I get your attention, Ladies and Gentlemen?"
"Good evening to all of you and thank you for accepting our invitations. And now, we are all here because of one person, my little daughter. Asea Saldivar."
Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga tao, hudyat na upang lumabas ako bilang Asea Saldivar. Mas lalong lumakas ang palakpakan habang pababa ako ng hagdan. Ayoko namang maging pilit ang tingin nila sa ngiti ko kaya sinubukan ko nalang ngumiti nang totoo hanggang sa kaya ko, kahit na kinakain na ako ng kaba ngayon.
Nakita ko si Mrs. at Mr. Saldivar. Pareho silang nakatingin sa akin. Balak ko sanang hanapin si Suede sa mga nagkukumpulang tao sa harap ko pero, parang imposible namang nandito siya. Pagkatapos ng ginawa kong pagsisinungaling sa kaniya. Nang makaraos ako sa hagdan at salamat ng sobra, ay tumabi ako sa mag-asawa. Ibinigay sa akin ni Mr. Saldivar ang mic para sabihin ang kinabisado kong speech. Pero bago ang lahat, narinig ko ang unang bati sa akin ni Mr. Saldivar.
"Alam mong kaya kong saktan ang nanay mo sa oras na malaman kong may ginawa ka o ipinagsabi sa mga taong 'to tungkol sa usapan natin. If I were you, I'll behave." Hindi na ako sumagot at sinimulan nalang ang speech.
Nasa harap ako ngayon ng pamilyang Avijos, isa sa mga kasyoso ng mga Saldivar sa kompanya na kung saan wala akong pakialam.
"Your daughter is such a beautiful woman, Aleja and the flew words say that Asea went to New Zealand."
"And Asea, I guess you've already visited Queenstown? I very loved that place, so exciting." at tumawa siya kasama ni Mrs. Saldivar.
Anong Queenstown?! hindi ko nga alam kung anong flag ng New Zealand, iyan pa kayang Queenstown na 'yan?!
"Umm, yes. I love the place, too. And I loved the tree planting there."
Ikinakakahiya ko ang sarili ko. Seryoso. Nakita ko ang biglang pangungunot ng noo niya. What the hell, anong sinabi ko?
"But, there is no tree planting in Queenstown. Are you sure that you have been there?"
Damn. I made an awkward face before asking them if I could use the restroom. Nakakahiya 'yung ginawa ko. Sobra. Tree planting, Veanna, huh? tree planting mo mukha mo. Hiyang hiya akong naglalakad papunta kung saan dahil hindi ko naman kabisado 'tong lugar na 'to. Bahala na kung saan ako mapunta. Pero halos laking gulat ko nang biglang may humila sa akin. Tinakpan niya ang bibig ko nang sobrang higpit kaya hindi ako makasigaw. Atsaka sobrang hirap dalhin ng suot ko ngayon!
Natigil sa paghila ng kung sino mang tao ang humila sa akin. Tinanggal na rin niya ang kamay niya sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong exact place ito ng hacienda pero sigurado akong malayo kami ngayon sa mansion. Sa mga tao.
Napapunas din ako sa labi dahil may laway na lumabas don. Seriously? kadiri.
"Kung sino ka man, you're insane! Why would you do that? If Mr. Saldivar knew what you did, you're dead." pagbabanta ko habang inaayos ko ang mukha ko.
"And that someone is your father? Ang tatay mong si Mr. Saldivar, Sienna?"
Hindi niya tinakpan ang mukha niya. Kaya ibig sabihin, gusto niyang malaman ko kung sino siya. Paano niya nalaman? Never in my whole life na nakita ko ang lalaking 'to. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Atsaka, sigurado akong tatlo lang ang nakakalam ng usapan namin. Si Mr. Saldivar, si Suede at ako.
"Aalis na ako." inis kong sabi. Handa na sana akong talikuran siya nang bigla niyang hinila ang buhok ko.
"Ang sakit! 'Bat ka ba nanghihila ng buhok?!"
"I'm not done with you, yet."
Hindi niya pa binitiwan ang buhok ko hanggang sa makaupo kami sa damuhan.
"Sabihin mo na kung anong kailangan mo at huwag kang manakit."
"You see, I'm not like this. Hindi ako basta-basta mangsasabunot nang walang dahilan. I know, there's something about Alani Saldivar's death. I can't figure it out, that's why I need you because you're the only one that has connection to her parents."
Natigil ako sa paggalaw nang dahil sa sinabi niya. Naalala ko bigla 'yong panaginip ko. Kung saan ko nakitang patayin ng kung sino si Alani. Kapag sinabi ko ba sa kanya 'yong napaginipan ko, maniniwala siya sa akin? Malamang, hindi.
Pero hindi ibig sabihin no'n na mananatili akong tahimik. May dahilan kung bakit ko nakita ang pagkamatay niya. May dahilan. Tumingin ako sa kaniya. And maybe, of things go South at sinaktan nga talaga nila si Mama, I have a back up plan. "Okay, I'll help you, but don't do it again."
And out of blue, I remember the anonymous call that I got yesterday. Is this man that I am sitting with now, is the one who called me an idiot? how did he get this kind of information? or am I just not that really good pretender?
He smiled. "Sorry for pulling your hair but still, thank you."