"This is the gym, usually used when the sports camp competition happens here." ani Meryll habang ipinapakita kung gaano kalaki ang gym na 'to.
She's my tour guide. Asea Saldivar is currently studying her last year in Senior.
"I hate touring." sambit ni Meryll sa sarili nang makalabas na kami sa gym. She's pretty. Pang pep-girl ang itsura niya at mukhang sikat siya sa campus na 'to. Halos lahat kase ng dinadaanan naming mga tao namin ay binabati siya.
"Oh, Hi, Chloe! Meet me at the canteen. I have something to tell you. Don't be late!" biglang sigaw ni Meryll sa babaeng mukhang kaibigan niya at mukhang sikat din.
Pansin ko namang parang ayaw niyang magtour. Para bang kinakamuhian niya ang trabahong 'to. Atsaka kung ayaw niya magtour, bakit siya andito? why don't just tell it to the Principal or any officer?
"Okay, Meryll, I know it. Kung ayaw mo magtour, it's okay. Makakasurvive naman ako rito kahit walang tour."
Nabigla ako nang tumawa siya ng kaunti. She looked at me, foot to head. wow, that's weird. Itinaas niya ang isa niyang kilay at nagcross-arm. "I thought you're a b***h. Bakit parang isang anghel ang kasama ko ngayon?"
Napahinto ako saglit nang ma-absorb ko ang sinabi ni Meryll. Asea Saldivar do exists. Asea has a reputation here and it's bad. Hindi niya pwedeng mahalata na hindi ako si Asea. If she was a b***h, then I have to be a b***h. Binago ko ang expression ng mukha ko at ginawa ko iyon na parang katulad ng sa mukha ni Meryll.
"I'm good at all things and I don't need your help."
"Well as you said, you can survive without touring so, basically you don't need me. I have to go, marami pa akong gagawin. And they are all worth giving time than this."
Nakahinga ako ng maluwag nang mawala na siya sa paningin ko. Buti nakaligtas ako roon. Sa pananalita ni Meryll, parang kilala niya si Asea pero parang hindi naman masyado. But it does matter. Kung nageexist nga si Asea, may mga nakakakilala sa totoong Asea. Paano nalang kapag nakita nila ako tapos wala akong kaalam-alam kung sino sila? Then, I have to be careful. Hindi ako dapat nakikipagkaibigan kung kaninu-kanino.
Huminga ako ng malalim at inalabas nalang ang class schedule ko. One month palang naman simula nang magsimula ang pasukan. Makakacatch-up pa naman siguro ako. Kawawa naman ang buhay na naiwan ko sa Manila. Walang magbabayad ng upa ko.
Sinapo ko ang noo ko at suminghap. Hindi gagana 'tong plano kung puro ibang bagay ang nasa isip ko. Kailangan ko matapos 'to agad. Hindi pwedeng buhay prinsesa ako.
In a few minutes, magriring na ang bell, which means first class ko na. And I have to be confident looking Asea Saldivar. Ilang saglit lang ay tumunog na nga ang bell. Nagsipasukan na ang ilan sa mga nakita kong mga estudyante at nang masigurado na akong wala nang papasok, ay sumunod na rin ako.
I thought it would be creepy. Katulad ng mga napapanood o nababasa ko na kapag transferee ka, titingin silang lahat sayo then, it will creep you out tapos tatanungin mo sasarili mo kung may mali ba sayo o sa mukha mo. But, this is different. Lahat sila nagmamadaling makaupo sa likuran habang iniwan nilang bakante ang first row. At dahil wala akong kakilala, sa first row ako umupo.
Pumasok na ang isang lalaking teacher. Maybe, mid-thirtie's. Fitted blue green shirt at rectangle glass. Well, teacher nga 'to. Magsisimula na sanang magdiscuss si Mr. Fitted blue green shirt nang biglang pumasok sa picture ang isang babae. She's kinda on rush. May dala siyang mga papel at mukhang nahihirapan siyang hawakan ang mga iyon.
I was about to help her but, I remember something that made me stop. Asea Saldivar is a b***h. Hindi ako pwedeng magpakita ng soft side kahit kanino. Baka iyon ang ikapahamak ko. Sa dinami-dami ng upuan sa first row, sa tabi ko talaga siya umupo. Hindi naman sa ayaw ko siyang katabi, I mean is, ang daming upuan bakit sa tabi ko pa? does she want me to feel guilty for just staring at her while she's in her difficult situation? cause if it is, then congratulations to her, it's working.
"Well, thank you for your stares." mahina niyang sabi habang inaayos niya ang sarili at ang mga papel na dala niya.
"No problem."
Hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin ako nagsalita. Akala ko magiging ayos na lahat nang bigla akong tawagin ni Mr. Fitted blue green shirt. Nakalimutan ko palang nag eexist parin ang introduction.
"This is Asea Saldivar, the daughter of Mr. Galileo Saldivar. Please be nice to her."
Ngumiti ako sa harap nila bago muling umupo. Naagaw ni Mr. Fitted blue green shirt ang atensyon ko nang ikwento niya ang nangyaring karumal-dumal sa classroom na 'to.
"Well, Miss Saldivar. Mukhang kailangan mong mag-ingat at baka magpakita sayo si Lady K."
Pagkatapos sabihin iyon ni Mr. Fitted blue green shirt, nagtawanan silang lahat maliban sa katabi ko. She looked so pissed. Hindi naman siya ganoong ka-inis kanina nang hindi ko siya tinulungan, pero iba 'yong mukha niya ngayon.
"Are you okay?"
Okay, I gave up. Hindi naman siguro niya sasabihin na tinanong siya ng isang Asea Saldivar tungkol sa nararamdaman niya.
"Yeah, I'm f-fine."
Natapos ang first class namin nang matiwasay at sobrang thankful ako dahil walang weird na nangyari. Maliban nalang sa ikwinento ni Mr. Fitted blue green shirt, which is ang real name niya ay Mr. Verres. Sabay-sabay kaming nagsilabasan sa classroom nang bigla kong narinig ang usapan ng ilang babae na nagpatigil sa katabi ko kanina.
"Well, mukhang hindi parin nakamove-on si little sister sa pagkamatay ni big sister."
"Sino ba naman kasi makakamove-on kapag nalaman niyang nagpakamtay ang big sister niya dahil sa isang lalaki."
Nagpatuloy sila sa pagkwekwento at pagtawa kahit alam nilang naririnig sila ng katabi ko kanina. Kapatid niya si Lady K? wow. Hindi ko inakala 'yon ah. At dahil tuluyan nang lumabas ang pagkaheroic ng isang Savea Sienna, lumapit ako sa mga nagsasalitang mga babae.
"Paano kaya kung isa sa inyo matagpuan nalang nakatiwakal sa classroom natin bukas? I think it would be fun, right, Miss cherry lips?" tukoy ko sa isang babae na sobrang pula ang labi.
"Did you just threaten us?" at nagpamewang siya.
Naglakad ako palapit sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata namin."Yeah, I just did."
"And I'll count one to ten, kapag hindi pa kayo umalis sa harap ko, the fun will happen."
Nakita ko sa mukha nila ang kaba, hindi na sila nagdalawang isip at dali-dali ng umalis.
"Good! uunahin sana kita, Miss cherry lips!" pahabol ko.
Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay agad akong humarap sa katabi ko kanina. And suddenly, I felt happy, cause I caught her smiling.
"You didn't have to do that."
"Yeah, But I just did."
"Yeah, good luck for later and thank you." sambit niya na nagpatigil sa akin.
Para saan? para saan 'yong goodluck? May gagawin ba ako? Ipinagpatuloy ko ang paglalakad nang nakakunot ang noo at nakayuko. Nagiisip para saan iyong goodluck na sinabi niya sa akin nang bigla akong may natamaan.
Papagalitan ko sana ang nakatama sa akin, well, hindi talaga nakatama sa akin dahil ako 'yong nakatama pero, kailangan ko maging b***h. Kaya kailangan ko 'tong gawin. Napatigil ako sa paghinga at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Para bang tumigil ng saglit ang pagtibok ng puso ko. Anong ginagawa niya rito?
"S-suede, a-anong ginagawa mo rito?"
Ngumiti siya, "Umm, Studying?"