Volume 1 - Chapter 10

1261 Words
Pagkatapos ng isa pang klase, doon ko lang nalaman na may magaganap palang program. At tungkol iyon sa pagkamatay ni Alani Saldivar at dahil wala pa palang pahayag na inilabas ang pamilya nila, s***h namin sa mysterious-unsolved case ni Alani. Usap-usapan kasing may kinalaman ang mag-asawang Saldivar sa nangyari sa anak nila at para patunayan na hindi totoo ang usap-usapan, kailangan kong magsalita sa harap ng lahat ng mga estudyante ng campus na 'to. At ang tungkol kay Suede? hindi ko alam. I don't really have any idea. Pagkatapos niyang sumagot sa tanong ko ay umalis siya na para bang hindi kami nag-away. Na para bang walang pagpapanggap na nangyayari. "It's your turn." ani Keira, isa sa mga organizer ng fake program na 'to. Tumango ako sa kaniya at ngumuti bago kunin ang mic at naglakad sa gitna ng stage. Nakita ko ang sindak sa mga mata nila nang makita nila ako. Tumahimik sila at naghintay sa sasabihin ko. I cleared my throat and breath heavily, "Umm, thank you for coming." "As if you have a choice. I'm here to make things clear about my family's issue. About my sister's death and as their only living daughter—Asea Salvador, I can't take the fact that some of you are suspecting my parents. As if they were the faces behind her death. What kind of parents would kill their daughter? It is insane. Honestly, we don't really know if she took her own life or someone did it. We don't really know. But, one thing for sure, my parents are innocent. They loved Alani more than they loved their selves. So, please forget about this issue, respect and just deal with our own life problems. Please let us deal with this. God bless and thank you." Nakita ko sa mukha nila ang pagkagulat, pagkabigla at pagkalito. May ilang tao na pumalakpak at may nanatiling tahimik. Tumango ako sa kanilang lahat. Napailing ako at nagdesisyon nalang na pumunta sa rest room nang biglang may humawak sa braso ko. "That was pretty convincing speech, Sienna." Itinutok ko ang mata ko sa nakahawak niyang kamay sa braso ko. Pwede naman siguro kaming mag-usap nang walang physical contact, diba? "I have to make it real." Habang nakatingin ako sa kanya, napansin ko ang I.D lace niya. So, nagaaral siya rito? pero nag-iimbestiga na siya ng isang misteryosong kaso? Masyado naman atang advance kung OJT lang ang ginagawa namin, diba? "You're studying here and you're investigating a dangerous unsolved case. How is that possible?" Nilinga niya ang paligid namin, hinila niya ako sa corridor na walang katao-tao. At dito niya lang pinatunayan sa akin na may tinatago siya. Umm, mali ata ako nang iniisip. Dahil, una palang may tinatago na siya sa akin. Hindi pa niya sinasabi ang pangalan niya, kung paano niya nalaman ang tungkol sa usapan namin ni Mr. Saldivar, kung bakit niya iniimbestigahan ang pagkamatay ni Alani. Hindi naman kasi pwedeng curious lang siya o di kaya trip lang niyang imbestigahan ang kasong 'to. May alam siya, at iyon ang dapat kong alamin. "I have my ways and I prefer keeping them to myself." Napadaing nalang ako dahil wala naman din akong magagawa. Kesa naman sabihin ko kay Mr. Saldivar na nakipagsabwatan ako sa taong hindi ko kilala laban sa kaniya. Paniguradong isang tawag lang sa mga alagad niya, mawawalan ako ng nanay. "You have to throw a party tonight." Nanlaki ang mga mata ko at halos ngumanga na ako sa gulat. Seryoso ba siya?! Hindi ba niya alam kung gaano karami ang hinugot kong kapal na mukha para lang masabi ang dapat kong sabihin sa harap ng mga estudyante na 'yon? para ipakita na hindi pa kami nakakamove-on sa pagkawala ni Alani tapos ngayon gusto niyang magparty? as in mamayang gabi talaga? At paano si Mr. at Mrs. Saldivar? ilang araw palang akong nagpapanggap na anak nila tapos magbubuhay prinsesa na kaagad ako? nababaliw na siya! "No, hindi. That's not gonna happen. Magagalit si Mr. at Mrs. Saldivar! In fact, 'yong ginawa ko sa harap ng mga taong 'yon ay sign na hindi pa kami nakakamove on sa pagkamatay ni Alani! At ngayon, gusto mo akong mag-set ng party? nagbabato ka ba ha?!" Ginulo niya ang buhok niya at naglakad sa harap ko ng pabalik-balik. Ang gulo niya! "This is the only choice we have. Nalaman kong aalis papuntang Manila si Mr. at Mrs. Saldivar. They will be gone for three days at ikaw ang magmamanage ng hacienda sa mga araw na 'yon. And it's enough time for me to find some evidence, clues or whatever. Kailangan nating ipalabas na may party na magaganap para makapasok ako sa mansion nang walang nakakahalata. Please help me, Sienna. Please." Conclusions are starting to fill up my head. Sa mga inaasta ng lalaking nasa harapan ko ngayon ay para bang napakaimportante ni Alani sa kanya. Maybe this guy knew Alani. Hindi siya magmumukhang desperado kung hindi ito importante sa kaniya. He even dragged me while the program is still kicking. "Who was Alani in your life?" Tinignan niya ako, mata sa mata at naramdaman ko ang pagkaba ng dibdib ko. "You don't want to know, Sienna." I smiled. Okay, just hide it. I will know your secrets eventually. "Okay, fine. Just tell me how to throw an epic party." At dahil sa hindi ko alam na dahilan, maaga ang uwian ngayon. And it kinda feels good dahil sinabi na ng lalaking 'yon ang pangalan niya. Sinabi rin niya kung sino ang tutulong sa akin para magset-up ng party para mamayang gabi. And it's gonna be, Meryll. She happened to be his cousin. Pagkauwi ko sa Hacienda, mga kasambahay ang sumalubong sa akin. Tama nga siya, nasa Manila nga ang mag-asawa. And leaving without threatening me is a sign that Mr. Saldivar is trusting me? no, never in my wildest dream. I have two hours to get rest dahil six p.m darating dito si Meryll. And honestly, hindi ko alam kung magpapahinga ba ako o ewan. Natatakot lang ako sa posibilidad na managinip na naman ako. Lalo na't kahit hindi gabi ay nakakakita ako ng kung ano sa panaginip ko. At dahil siguro sa speech na ginawa ko, nakatulog ako. What a great life you have, Veanna. Napakahusay. Ilang beses na ako nanaginip na magigising akong black ang paligid ko at bigla nalang may lalabas na image ng kung anong lugar tapos may makikita akong mga senaryo na dapat hindi ko naman talaga nakikita. Nakita ko ang imahe ng labas ng unang classroom na pinasukan ko kanina. Nakasarado ang pinto. Tumingin ako sa bintana, at sa tingin ko ay gabi na. Tumagos ako sa pinto at doon bumulaga sa akin ang isang babae. She's freaking out. Takot na takot siya. Balot din siya ng dugo. Taranta siyang naghahanap ng kung anong bagay sa drawer. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko, biglang bumukas ang pinto at doon isinuka ang isang lalaki. Nakahood siya na parang katulad sa nakita ko sa panaginip ko kay Alani. May nakaipit na baril sa tagiliran niya at para bang ilang sandali lang ay handa na siyang gamitin iyon. "Please, h-huwag! hindi ako magsasalita! I p-promise!" Hindi nagsalita ang lalaking nakahood, pero nakikita ko sa mga mata niya na tuwang-tuwa siyang pinapanood ang isang takot na babae. Anong tinutukoy niya? "I won't say any single word about A-alani. Just please, don't k-kill me." Alani? as in Alani Saldivar? "Bye, Keziah." And I woke up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD