Volume 1 - Chapter 11

1368 Words
"Asea, come on, get up because we still have a party to set up." rinig kong sambit ni Meryll na nagpagising sa akin. Medyo wala pa ako sa wisyo dahil sa napanaginipan ko na naman. Kung andito na si Meryll, ibig sabihin dalawang oras akong nakatulog. Bakit pakiramdam ko, ilang segundo lang akong nakatulog? "I already invited the whole campus. It's up to them kung pupunta sila or nah. But, obviously, they will because no one can refuse a Meryll Estroja's invite. So get up now, sleepyhead!" Napailing nalang ako at tinulungan nalang siya sa ginagawa. Hindi ko ma-imagine ang mangyayari kapag biglang dumating sila Mr. and Mrs. Saldivar. Habang nag-aayos kami, biglang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko kanina. Matagal na naman siguro si Meryll sa campus kaya siguro may alam siya sa nangyari kay Keziah. "Um, Meryll, Keziah ang totoong pangalan ni Lady K, right?" "Yeah, why?" sagot niya habang inaarange niya ang mga jelly beer sa lamesa. Umupo muna ako at huminga ng malalim. "Is it really true, that she, you know. Took her own life because of a guy?" Napatingin siya sa akin at ngumunot ang noo. "I don't know pero iyan ang sikat na kwento sa campus. Five percent of the campus' population doesn't believe that she took her own life. Someone did it. At pagkatapos pinagmukhang suicide ang pagkamatay niya. No one knows the truth." "Paanong pinagmukhang suicide?" "Rope? chair? ceiling? typical suicide." E, para saan pala 'yong nakita kong dala-dalang baril nu'ng lalaking nakita ko sa panaginip ko? base sa kwento ni Meryll, halata namang hindi putok ng baril ang ikinamatay ni Keziah. Sinakal siya panigurado. At nang nawalan na siya ng hininga, isinabit siya gamit ang lubid para ipalabas na nagsuicide siya. All this time, they were all living in a lie! she never took her own life. Someone took it from her. Matutuwa na sana ako dahil alam kong makakatulong ang nagawa kong konklusyon, nang biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa akin noong nasa Manila palang ako. Kung saan ako pinagtawanan ng officer na 'yon. Tinanong pa kung nagbabato ba raw ako. Wow, sa mukha kong 'to, mukha pa akong nagbabato? "Change your clothes. Your maids will continue our work." Sinunod ko ang utos sa akin ni Meryll. Tumayo ako at dumiretso na sa kwarto ng totoong Asea. Nasaan na kaya siya? alam kaya niya ang usapan namin ng tatay niya? okay lang kaya sa kaniya ang ginagawa ko? Nakaupo ako ngayon sa isang puno na medyo may kalayuan sa mansion dahil sobrang wild ng mga tao sa loob. Kakasimula pala ng party pero ganito na sila. Ngayon ko lang talaga naimagine ang paggiging sikat ni Meryll. Halos lahat na ata ng mga estudyante sa campus ay nandito. Nakausap ko na rin si Eon. Nagsimula na siyang maghanap ng mga bagay na makakatulong sa pagtapos ng kaso ni Alani. Matatagalan daw siya kaya kailangan ko, pati na rin si Meryll na panatilihing buhay ang party. At dahil sikat si Meryll sa buong campus, kaya na niya 'yon na mag-isa. Habang nasa loob din ako kanina, sinusubukan kong hanapin ang kapatid ni Keziah. Siya ang mas nakakaalam kung anong tunay na nangyari kay Keziah. Sa kapatid niya. Pero nabigo ako dahil kahit anino niya ay hindi ko nakita. "Party host pero nag-iisa at nakaupo sa ilalim ng puno? how tragic." Napatayo ako sa tuwa nang makita ko si Suede. Nakangiti siya sa akin. Hindi na ako nag-alinlangan pa at agad ko siyang niyakap. Wala na akong pake kung galit o nagtatampo pa siya sa akin. "Sorry na, girl." sabi ko habang niyayakap parin siya. Naramdaman ko ang paglagay ng isa niyang kamay sa ulo ko at hinaplos niya iyon. "Sorry." Naghiwalay kami at sabay kaming naupo sa gilid ng puno. Ginagawa namin iyon habang nakatingin kami sa mga bituin. "Kamusta? are they torturing you?" "I'm okay. You don't have to worry. Sa totoo lang, hindi naman ako nag-alala para sa sarili ko. Kay mama ako nag-alala. She's the reason why I am doing this." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko alam, pero parang biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi naman ganito ang kaseryoso 'tong kumag na 'to. Bigla nalang nag-evolve simula nung dumating kami rito. "Sorry for bringing you here. But, it's okay now, I'm gonna be with you until the end of this, okay?" "Okay." sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa mga bituin at sa tingin ko, ganoon din siya. Napapikit ako dahil sa sobrang komsumisyon. Para akong nanay na nag-aalaga ng sampong mga batang ayaw kumain at gusto lang mag laro nang maglaro! Ang daming kalat! atsaka pinakaleman nila ang gamit ng mga Saldivar! Patay talaga ako nito! "Ops! Huwag 'yan! kay Mrs--- este kay mommy 'yan!" pigil ko sa isang babae na bubuksan sana ang isang cabinet kung saan nakalagay ang mga bag collection ni Mrs. Saldivar. "Ay tangina! huwag 'yang mga alak na 'yan! Mas mahal pa 'yan kesa sa buhay natin!" Natawa ang lalaking sinabihan ko 'non. Anong nakakatawa sa sinabi ko? baka gusto niyang mamatay kami dahil lang balak niyang inumin ang alak na 'yon? Napadaing ako at naglakad sa buong mansion hanggang sa may nakita akong isang grupo ng mga babaeng naglalakad papunta sa isang hall na walang ilaw. Sisigawan ko sana sila pero masyado silang malayo sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sundan sila. "Where's the switch? wala akong makita." bulong ng isa sa mga babae. "Just grope for it, Jule." Nang makita nila ang switch ng hall na 'yon ay tumapat sila sa isang pinto. Hindi ko alam kung anong nangyari pero biglang pumasok sa isip ko na huwag muna silang pigilan. "Hala, I think we found the basement room of the Saldivars." "Diba walang basement room ang mansion na 'to?" "Kung wala, ano pala 'tong nasa harapan natin?" Dahan-dahan nilang inikot ang pinto pero nakalock iyon. Nakita ko na tinanggal nu'ng isang babae ang pin niya sa buhok at ipinasok iyon sa key hole hanggang sa magbukas iyon. Tuwang-tuwa silang pumasok kahit na walang ilaw doon. Buti nakuha pa nilang matuwa? hindi ba sila natatakot? Nang wala na akong marinig na ingay mula sa kanila, agad akong sumunod. At nang makapasok ako ay may ilaw na sa loob. Pagbaba na pagbaba ko ay biglang may sumigaw ng pangalan ni Asea kaya napasigaw na rin ako sa kaba. Magsasalita na sana ako nang bigla silang lumapit sa akin at sinubukang hawakan ang kamay ko. Ang iba sa kanila ay halos maiyak-iyak na. Bakit sila umiiyak? "Sorry, A-asea. Hindi naman namin sinasadyang makita 'tong b-basement na 'to." Sunod-sunod ang paliwanag nila kaya hindi na ako nakapagsalita. "Promise, hindi namin sasabihin na nakita namin 'to. Huwag mo lang kami isumbong sa papa mo. Please." "S-sige. Basta bilisan niyo nalang ang pag-alis dito." Hindi na sila nag-aksaya ng oras at agad silang nagsitakbuhan palabas ng kwartong. Kitang kita ko sa mata nila ang takot. Bakit sila natatakot? Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron sa basement ng mga Saldivar. Paalis na sana ako nang biglang may nagflash sa utak ko. Ang pagkamatay ni Alani. Tumalikod ako at doon ko buong nakita ang basement. Parehong-pareho sa panaginip ko. Biglang lumabas ang vision ni Alani na nagsusulat sa isang notebook. Nakalagay iyon sa lamesang punong-puno ng alikabok. Parang bumabalik ang naramdaman ko nung mapanaginipan ko ang pagkamatay ni Alani. Umalingawngaw ang putok ng baril at kasabay no'n ang pagbukas ng pinto. Nakatago na sa sulok si Alani no'n habang niyayakap niya ang sarili at nagmamakaawa sa taong nagbabanta sa buhay niya. Bago pa iputok ng lalaki ang baril na nakatutok kay Alani, ay pumikit na kaagad ako. Hindi ko kayang makita ulit kung paano siya pinatay. At nang makasiguro na akong wala na, naglakad ako palapit sa lamesa. Kung saan isinuksok ni Alani ang notebook na pinagsulatan niya. Hinawakan ko iyon at binuksan. At ang nakasulat sa unang pahina ang nagbigay sa akin ng matinding takot. "P-please help me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD