Natapos ang party nang maayos. Hindi ko na rin nakausap pa si Eon. Hindi ko alam kung may nahanap ba siya o wala. Walang wala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano dapat ang isipin ko o ang dapat na gawin ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
Nasa kwarto ako ngayon. Nakaupo habang hinahayaan na dumaloy ang luha ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ba naipasok ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
Patulog na sana ako nang nabaling ang tingin ko sa notebook ni Alani. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin nang makita ko ulit ang pagkamatay niya. Para bang instinct ko na na dapat kong kuhain ang notebook. Umupo ulit ako at napagdesisyunang basahin iyon. Nang binuksan ko ang unang pahina kung saan ko ito unang nakita, ay naramdaman ko ang takot ako. At tama lang siguro na matakot ako.
Natigil ako sa paglipat ng pahina nang mapagtanto kong isa pala itong diary.
"December eight, this house is totally hell. Para akong kriminal sa bahay na 'to. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magtagal dito. But, I have to do this. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito lahat ni Papa, bakit siya galit sa akin? Natatakot ako kapag dumating ang oras na malaman ito ni Mama. Paniguradong magagalit siya kay Papa. At ayoko namang mangyari 'yon,"
"Kung may iba pa sanang paraan para mailigtas ko sila ay gagawin ko. Sa ngayon, magtitiis ako. Haharapin ko ang hirap para sa kanila. Whatever it takes."
Naisara ko bigla ang notebook dahil sa kaba na bigla kong naramdaman. Hindi ko maintindihan. But, it's obvious! She was hiding something. She was keeping something. She was protecting something.
Para bang napipilitan lang siya tumira sa mansion na 'to. But, why is that? this was her house. Bakit siya napipilitan kung simula palang ay lumaki na siya rito? Unless, she left this house and was forced to live in here again.
But it doesn't really make sense. Hindi ko maintindihan. Sinong tinutukoy niyang dapat niyang iligtas? iligtas saan? Binabaliw na talaga ako ni Alani. Binabaliw ako ng isang patay.
I flipped other pages until this one caught my eyes. Merong laktaw na araw dito. December eleven to December thirteen. December twelve is missing. It doesn't like it was ripped or something. Parang intensyon niyang huwag sumulat ng araw na 'yon.
"December thirteen, I was so worried. Hinanap namin buong araw si Keziah. Akala ko hindi ko na ulit makikita siya. But we finally found her but, unfortunately, we couldn't find the man who abducted her. Pero umaasa parin ako na mahuhuli ang taong gumawa no'n sa kaniya. Why does man keep stalking her? this all started when we visited Lola. Nagkaroon ba siya ng stalker no'ng bumisita kami roon?"
Nasa cafeteria ako ngayon, nakatayo habang kumakain ng burger. Inaabangan ko talaga 'yung katabi ko. She wasn't in our class earlier so I didn't have the chance to ask her. So basically, my seatmate was the sister of Keziah-- which is the best friend of Alani. And I was thinking, what if there's a chance that the man I saw in my dreams, was the same man who abducted Keziah in December twelve? It makes sense!
"Keziah's sister!" sigaw ko nang makita ko siya habang nagmamadaling naglalakad. Same things, marami pa rin siyang hawak na mga papel.
"What?"
"I think I can help you with Keziah's case."
Napailing siya at nagbalak na sanang umalis pero hinawakan ko ang braso niya. "Naisip kong iisa lang ang lalaking nagabduct sa kaniya noong December twelve at ang lalaking pumatay sa kaniya!"
Humarap siya sa akin at tinapik ang braso ko. "We already thought the same thing. Hindi namin nahanap ang lalaking 'yon. So, my sister's case is still cold and unsolved. Thanks for your time but it's not really necessary."
"What if I say, I can find that man?"
Nilingon ko ang paligid namin at hinila siya malayo sa mga tao. "Nagsimula 'yung stalk thingy when they visited my grandmother. At naisip ko na baka may alam si Lola tungkol sa lalaking 'yon? I'm not sure about this but we can give a shot."
"At paano namang nagkaroon ng kinalaman ang lola mo sa nangyari sa kapatid ko?"
Napayuko ako. "Hindi ko sinasabi na may kinalaman si lola rito. Baka may makuha tayong impormasyon."
Hindi siya nagsalita nang ilang saglit at lumayo unti ng tingin sa akin. "Sige, pumapayag na ako. Bianca."
"Asea. Magkita tayo sa harap ng gate pagkatapos ng mga klase natin."
Hindi ako mapakali habang naglalakad papunta sa sasakyan. Sinabi ko kay Bianca na didiretso muna ako sa bahay para magpaalam na may pupuntahan ako. Sinabi ko na sa sarili ko na dapat maging masama ako. Na dapat, maging masama ako katulad ng mga sinasabi nila. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya na itikom nalang ang bibig ko kung alam ko namang meron akong maitutulong sa isang tao.
Pero sa totoo lang, hindi lang naman talaga ang pagtulong kay Bianca ang pakay ko kaya ko siya tinutulungan. Sa tingin ko kasi, isa ito sa mga makakatulong sa akin para malaman kung anong tunay na nangyari kay Alani.
"Manang, kapag tumawag po si papa sabihin niyo pong umalis ang anak niya dahil may mahalaga lang siyang pinuntahan. Huwag na kamo siyang mag-alala dahil magiingat at hindi naman ako gagabihin sa pag-uwi." paki-usap ko sa pinakamatandang kasamabahay dito sa mansion na alam kong pinagkakatiwalaan ng mag-asawa. I'm getting good at this.
Alam ko namang tatawag si Don Galileo, hindi para mangamusta kundi para siguraduhing hindi ako tataliwas sa napagusapan namin.
"Makakaasa po kayo na iyon ang aking sasabihin." at nagpaalam na siya sa akin.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na akong umalis ng mansion. Pero hindi pa ako nakakalabas ng gate, natanaw ko agad ang dalawang lalaki na kilala ko at mukhang may hindi magandang nangyari. Agad akong napatakbo sa kinaroroonan nila.
"Anong nangyari rito? bakit ganyan mga itsura niyo?!" gulat kong tanong sabay tingin sa kanilang dalawa.
"Kilala mo 'tong gago na 'to?" nagtatakang tanong ni Suede sabay turo kay Eon.
Mukhang nagsapakan sila dahil sa mga sugat at gulo-gulo nilang mga buhok. Pero bakit sila mag-aaway? at dito pa talaga sa harap ng hacienda ng mga Saldivar?
"Oo, kilala ko siya dahil kaibigan ko siya. So, anong kabobohan 'to? bakit kayo nag-aaway sa harap ng hacienda?"
"We both knew each other for years. Hindi lang ako makapaniwala na makikita ko ulit 'tong gago na 'to." sagot sa akin ni Eon sabay punas ng dugo sa bibig niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Kilala niyo ang isa't isa?"
"Hindi na mahalaga kung anong nangyari. Saan ka pupunta, Veanna? aalis ka?"
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Suede, "Oo, aalis ako at sasama kayong dalawa sa akin."
Nasa loob na kami ng van. Hiniram ko muna ang van na 'to sa hacienda. Si Suede ang nagdadrive ngayon habang nasa likuran naman namin si Eon. Bakas parin sa mga mukha nila ang inis. Pero wala silang magawa dahil andito na kami ngayon.
"Pupunta tayo sa school. Dadaanan natin doon si Bianca, ang kapatid ni Keziah na bestfriend ni Alani. Pagkatapos ay didiretso tayo sa bahay ng lola ni Alani. Sinama ko kayo dahil alam kong makakatulong kayo sa akin dahil alam ko naman na alam niyong nagpapanggap lang ako bilang bunsong anak ng mga Saldivar. But I have a hidden agenda, sa tingin ko ay makakatulong ito para malaman ang tunay na nangyari kay Alani kaya sinama kita, Eon."
"Pano mo nalaman 'tong lahat, Veanna?" tanong ni Suede.
"H-hindi na mahalaga kung paano ko n-nalaman. Basta ang mahalaga, may makuha tayong impormasyon."
Buong byahe ay wala kaming imikan.
Hindi ko narin kinausap pa si Eon dahil ayokong malaman niyang nakita ko ang Diary ni Alani na dapat siya ang nakahanap. Hindi naman sa ayaw ko siyang tulungan, alam kong may dapat akong gawin na dapat ako lang ang nakakaalam lalo na't may kakayahan ako na ako lang ang mayroon.