Talo pa namin ang sementeryo sa sobrang tahimik. Parang hininga lang namin at ingay ng sasakyan ang nagbibigay tunog sa paligid namin ngayon.
Napagdesisyunan din naming tatlo, ni Suede Eon na hindi muna namin ipapaalam kay Bianca na hindi ako ang tunay na anak ng mga Saldivar. Hindi pa kami nakakasiguro na mapagkakatiwalaan siya. At buti nalang at alam ni Suede ang bahay ng lola ni Alani dahil kilala rin pala sa lugar nila si Mila Hombrobueno, ang nanay ni Aleja Hombrobueno Saldivar.
"Anong balak niyo pagdating natin sa bahay ng lola mo, Asea?" pagbasag ni Bianca ng katahimikan.
"I'll to talk to her first at kapag okay na ay pwede na natin siyang tanungin ng mga bagay na dapat nating malaman. Baka sa ngayon ay nagpapahinga na siya but I hope she's not. Masasayang kung ganoon ang punta natin."
Saktong alas syete ang dating namin sa tapat ng hindi bahay, kundi mansion ni Mila Hombrobueno. Kinausap ko ang guard na nagbabantay sa gate, nagpakilala ako bilang Asea Saldivar kaya pinapasok naman kami.
Ipinarada na ni Suede ang van at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng mansion. Pero laking gulat ko nang inakala kong na nagpapahinga na Mila Hombrobueno, ay nagzuzumba pala ngayon. Maryusep Marimar.
"Hija, Asea? ikaw ba 'yan? nako!"
Tumigil ang tunog na bumabalot sa buong mansion. Nagsitigil din ang mga kasama niya sa pagsasayaw. Akala ko mahina na siya pero mali ako. Sana pala ay nagtanong muna ako tungkol sa kaniya.
"L-lola, gabing gabi na bakit nagzuzumba pa kayo?"
Tumawa siya at naglakad sa harapan ko. "Huh?"
Hindi niya naintindihan ang sinabi ko? o baka may mali akong nasabi? "B-bakit po, Lola? may mali ba a-akong nasabi?"
"Hotdog." biglang sagot ni lola at nagsitawanan ang mga kasama niya. Napatingin din ako sa mga kasama ko, kitang kita ko na nagpipilit silang huwag matawa sa sinabi ni Mila Saldivar. Anong nakakatawa? Ganito na ba ako kakulang sa pagkakaroon ng sense of humor?
Nasa kwarto kami ngayon ni Lola Mila. Magpapalit muna raw siya ng damit bago makipagusap sa akin. Nasa salas pa 'yung tatlo, hinihintay ang pagbaba namin. At hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung bakit sila natawa sa hotdog na sinabi ni Lola Mila. E, hindi naman nakakatawa 'yon.
"Hija, buti nadalaw mo ako. Kamusta si Aleja at Galileo? Andito ka ba para magpalipas ng gabi?" tanong ni Lola Mila sabay upo sa kama niya, kung saan din ako nakaupo.
Ngumiti ako. "Maayos naman po sila. Pero hindi po 'yan ang sadya ko, Lola. I have some questions about my sister, A-alani."
Ang kanyang masigla at masayang mukha ay parang naglaho nang marinig niya ang pangalan ni Alani. Mukhang hindi pa rin niya tanggap ang pagkamatay niya.
"B-bakit, hija? anong gusto mong malaman sa kapatid mo?"
"Naalala niyo po ba last year, mga bandang December. Dumadalaw po sa inyo si ate Alani kasama ang kaibigan niyang si Keziah. May napansin po ba kayong kakaiba?"
Tumayo siya at naglayo ng tingin. Sana maalala niya dahil siya lang ang nakikita kong daan para malaman ang tunay na nagyari kay Alani at kay Keziah.
"Ah, oo. Ang batang iyon. Wala naman akong napansing kakaiba. Ang unang bisita nilang magkaibigan ay noong Disyembre uno. Nalaman ko pa ngang nawala si Keziah noong Disyembre trese. Hindi ko siya makakalimutan sapagkat kalunos lunos ang sinapit niya." at nagpakumbaba siya ng tingin.
Sa papananalita niya, nalaman ko kaagad na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Keziah. At bakit naman iisip iyon ng ibang tao? lalo na ako? unang pagkikita pa lang namin 'to at sobrang bait na niya sa akin. At sa tingin ko, matagal niyang hindi nakita si Asea kaya hindi niya napapansin na hindi ako tunay niyang apo. Buti nalang.
"Pero may mga bagay po ba kayong nasabi sa kaniya? mga kakaibang tao noong una niyang dalaw dito?"
"Meron akong nasabi sa kaniya at may kasama sila pero hindi kakaibang tao dahil, 'yung una nilang dalaw sa akin ay may kasama silang isang lalaki na kaibigan din nila. Ano bang pangalan no'n dier? dieto? Ah, Dierro."
Posible kayang may kinalaman si Dierro sa pagkamatay at sa lalaking sumusunod kay Keziah noon? Pero kaibigan nila Alani at Keziah si Dierro kaya parang malabo rin. Kailangan naming makausap si Dierro.
"Ano po bang sinabi niyo kay Keziah?"
"Ang tanging sinabi ko lang naman, ay si Alani ang magmamana ng lahat ng pagmamay-ari ko."
Bumaba kami para samahan ang mga naiwan kong kaibigan sa baba. Nasa hapag kainan silang lahat at kami nalang ata ang hinihintay para makapagsimula nang kumain.
"May kasama po ba silang iba noong dumalaw sila rito?"
"Meron, 'yung kaibigan din nilang si Dierro."
Nang matapos ang pagkain namin, ay dumiretso muna kami sa veranda. Nag-uusap sila tungkol sa susunod na gagawin habang ako? heto, iniisip kung may posibilidad bang may kinalaman ang sinabi ni lola Mila kay Keziah.
"Ayos ka lang ba, Sienna?"
Napansin siguro ni Eon na hindi ako nakikipagusap sila at parang may sarili akong mundo.
Inayos ko ang upo ko at tumango sa kaniya. Hindi nila alam ang tungkol sa sinabi ni Lola kay Keziah dahil pinakiusapan ko si Lola Mila na kahit anong paikot na gawin ng mga kasama ko, ay hindi niya sasabihin ang sinabi niya sa akin.
"Kilala ko si Dierro. Isa siya sa mga kasama ko dati sa paper house pero sa isang bar na siya nagpapart time job ngayon. Mabait naman siya sa akin pati kay ate Keziah kaya nagulat ako nung sinabi ni mrs. Mila na kasama siya sa pagbisita nila rito dahil noong iniimbestiga ang kaso ni ate Keziah, sinabi niya sa akin na wala siyang alam." paliwanag ni Bianca.
"Ibig sabihin lang nito ay may alam si Dierro." dagdag ni Suede.
Bandang alas diyes na ng gabi nang maisapan naming magsi-uwi na. Masyadong mahaba ang nangyari ngayong araw at hindi ko alam kung paano pagkakasyahin sa utak ko ang mga impormasyon na nalaman ko.
Magkasama si Suede at Bianca ngayon sa loob dahil biglang nauhaw si Bianca at Suede. Habang kami ni Eon ay parehong malalalim ang iniisip hanggang sa pumasok sa isip ko ang nakasulat sa diary ni Alani.
"Eon, may kilala ka bang naging boyfriend ni Alani? o kahit mga taong sobrang importante sa kaniya?"
Napatingin siya sa akin at kumunot, tila gusto niyang magtanong kung bakit ko natanong 'yon pero 'di niya magawa. "Yes. Devian, Arwan a-and— why are you asking?"
"Nothing." umiling ako at nagpalayo ng tingin.
Magtatanong pa sana si Eon pero dumating na ang dalawa. Wala na siyang nagawa dahil pumasok na rin ako sa loob ng van.
Hindi lang dapat si Dierro ang kausapin, pati na rin si Devian at Arwan.