Pagkatunog ng bell, agad akong lumabas ng room. Kanina ko pa din iniisip kung ano ang mga itatanong ko kay Dierro. Ayoko naman mata-meme kapag nagkita na kami.
Naisip ko kasing puntahan si Dierro sa pinagtratrabahuan niyang bar. The bar is just three blocks away from campus at night shift siya. I got my informations from the registrar. Hindi naman ako makapagtanong kay Bianca dahil malalaman niyang pupuntahan ko mag-isa si Dierro at alam kong hindi papayag 'yon nang hindi siya kasama.
Five p.m natapos ang klase ko. So I have to wait for three more hours. I have nothing do that's why I ended up in a coffee shop. It's located inside the campus, and it is not a close area kaya kita ko ang mga tao na nagchi-chill muna bago magsi-uwi.
"Mga sis, alam niyo bang dala-dala ni Devian 'yung baby niya. Grabe, If I were him, I won't ever do it."
That thing caught my attention. Devian. Is that the Devian who once a lover of Alani? and who's baby?
"He really got the nerves to do it."
Tumingin ako sa mga babaeng nag-uusap tungkol kay Devian and they are looking at the same person, a man with a baby in his arms.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Devian. It's like that he's waiting for someone. If he's not holding his baby, the built of his body and clean-cut hair makes him look like he doesn't have one.
"Excuse me?"
Una siyang tumingin sa akin nang may ngiti, but surprise and confusion were slowly expressing on his face when he saw me.
Yeah, my face, oo nga pala, kamukha ko si Alani.
"No, before you panic and think that I have raised from dead, please don't. Hindi ako si Alani, I'm a Saldivar but not Alani."
Nakita kong nakahinga sa ng maluwag. "Y-yeah, I'm sorry. You just r-really look like her."
I smiled awkwardly and turned my eyes to the baby he is holding. Ang hula ko, wala pang taon ang bata dahil sa bigat at kutis nito.
"I know that you've been once a lover of my sister, Alani. I know this is rude or weird to ask and this might vex you but, may chance bang sa kaniya ang batang 'yan?"
Lumayo siya sa akin at iginilid ang bata para hindi ko ito makita.
"No. She's not a Saldivar. Sorry. I think you've mistaken me of someone."
Pipigilan ko pa sana siyang umalis pero masyadong mabilis ang lakad niya. Parang natakot siya sa sinabi ko. Sa mga galaw niya kanina, nahalata ko na may tinatago siya.
Nawalan na ako ng gana na bumalik sa coffee shop kaya naisipan ko nalang na maglakad papunta sa bar na pinagtratrabahuan ni Dierro. Alam kong maaga pa naman, mag-aantay nalang siguro ako sa kaniya.
Pagdating ko sa bar, nakita ko na nagaayos na sila. Lumapit ako sa isang babae at tinanong kung andito na ba si Dierro.
"Ah 'yun? mga nine pa dumadating si Dierro dahil doon mas maraming costumers. Maghihintay ka pa ba sa kaniya?"
Lumingon ako sa buong paligid atsaka tumango sa babae. Maganda naman ang lugar na 'to at isa pa, ito lang naman ang alam ko na lugar na kung saan pwedeng makita si Dierro. Kaya hihintayin ko nalang siya.
The time went fast, it's already eight thirty in the evening. Padami na nang padami ang mga tao dito sa bar. Kahit gusto ko nang umalis dito, ay hindi pwede.
Napailing ako nang nagsimula nang lumakas ang sound system na nagpahype sa mga tao rito. They are all shouting ang jumping.
Tumawag ako ng waiter at humingi pa ulit ng pang walo kong order ng apple juice. Hindi ko balak magpakalasing sa gabi na 'to dahil may mahalaga pa akong bagay na dapat gawin.
"Sienna?"
Napatingin ako sa bumanggit ng pangalan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Eon.
Hell no. Si Eon ba talaga 'tong nasa harap ko? Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at tinignan siya mula paa pataas.
"Eon, huwag mo sabihing dancer ka dito?"
His face got wrinkled. "No, I'm not. I'm just wearing a tuxedo, that's all."
Sabagay. Hindi naman nakalabas ang parte ng katawan niya, but why is he here?
"Then, what are you doing here?"
Umupo siya sa tabi ko and he removed his coat. "I'm with my friends from Manila. Bachelor's party to be exact. I was about to go to the exclusive room when I saw you. Anong ginagawa mo dito?"
Lumingon ako sa paligid para tignan kung makikita ko ba si Dierro at para makaiwas na rin sa tanong niya. Kahit siya ay hindi niya pwedeng malaman ang mga plano ko.
"Nothing. G-gusto ko lang talaga i-spend ang oras ko ngayon sa bar."
Napatingin siya sa balikat ko, nakita niya siguro na nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa lamig pero di naman ako nilalamig, sanay ako sa malamig.
Inilagay niya bigla ang coat sa balikat ko. Nagulat ako pero hindi ko iyon pinakita sa kaniya. Ibang Eon ata ang kasama ko ngayon. Anong ginawa mo sa kaniya?
"Do you want to join us?"
"Hindi na, kayo nalang. Atsaka bachelor's party 'yan. Exclusively for boys. I'm just gonna see you tomorrow. You know, discuss things about the 'you know things'."
Nagsalubong ang kilay ko nang bigla siyang ngumiti nang bahagya. It's the first time he smiled. May something talaga sa kasama kong Eon ngayon. He's not the typical Eon we were exposed of.
"Okay, just be safe."
Umalis na siya at naiwan ulit ako. Salamat nalang dahil hindi na siya ulit nagtanong dahil paniguradong mauubusan ako ng dahilan.
At sa ilang oras na paghihintay, lumiwanag ang paligid ko nang makita ko ang isang bagong mukha sa counter. Siya na ata si Dierro dahil saktong alas nuwebe na ngayon. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. Nagpupunas siya ng mga baso pero agad siyang napatigil nang makita ako.
"Hindi ako si Alani but, Dierro, I have to talk to you. Kailangan kita."
Inilapag niya ang hawak niyang baso at lumayo sa akin. Na para bang walang nangyari. Na para bang hindi niya ako nakita.
Lumapit ulit ako sa kanya at kinausap siya. "Are you avoiding me? please don't. Ikaw lang ang makakatulong sa kaso ni Keziah."
Napaatras ako sa gulat ng bigla niyang ibagsak ang hawak niyang basahan. Hindi man kalakasan, pero nagulat parin ako.
"Pasensya na pero oras ng trabaho ko ngayon." ani Dierro nang hindi nakatingin sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasabi ko na ang gusto kong sabihin kanina pa. "Alam kong may alam ka sa nangyari kay Keziah. Bilang kaibigan niya, hindi mo ba gustong mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya?!"
Napapikit siya sa sinabi ko at nakita kong nagsara ang isa niyang kamao. Para bang nagpipigil siya ng inis na sagutin ako dahil sa mga sinabi ko sa kaniya.
Lumayo siya ulit sa akin at pumunta sa side ng counter kung saan kaunti lang ang tao.
"Ayoko mang bintang ng pamilya pero isa lang ang nakikita ko na kayang gawin 'yon kay Keziah, ang pamilya mo. Ang Saldivar."