KABANATA LIMA
TESS P O V
Isang Linggo na Akong nagta- Trabaho sa Coffee Prince. Masasabi Ko namang mas masaya Ako Dito kesa Nuong nasa Hotel pa Ako. Laging naka- ngiti ang mga Kasamahan Ko. S'yempre Hindi maiiwasan ang mga biruan. Kahit bago lang Ako ay hindi Ko naramdaman ang pagka- ilang sa Kanila. Kapag talaga sa Amo nanggagaling ang Positive Vibes ay nahahawa din ang mga Employee.
Maliit ng konti ang sweldo Ko Dito compare Nuong nasa Hotel Ako pero hindi naman Ako stress. Mas okay na Ako Duong kapag uuwi ay may ngiting naka- paskil sa Aking mga Labi.
Kapag Weekend ay pina- pasyal Ko din si Mama. Isang Beses na pupunta Kaming Mall dahil Monthly Check Up N'ya ay biglang tumawag sa Cellphone si Tom, ang Supervisor Namin sa Hotel. Pupuntahan daw Ako sa Bahay kaya sinabi Ko na lang na magkita Kami sa Mall dahil Duon nga Kami pupunta ni Mama. Pumayag naman S'ya.
Nang papunta na Kaming Elevator ay tumawag ulit si Tom sinabi N'yang Nanduon na daw S'ya sa Clinic ng Doctor ni Mama, sinabi Ko naman papasok pa lang Kami ng Elevator para makarating sa Third floor.
Palabas na Kami ng Elevator nang masabit ang gulong ng Wheelchair ni Mama, hindi Ko matanggal kahit Anong angat Ko, nakakahiya tuloy sa iba dahil hindi Sila makalabas. Mabuti na lang at may nag- magandang loob na Lalake na S'ya daw ang mag- aangat ng gulong ng Wheelchair, tumulong naman 'yung iba na naka- masid lang nung Ako ang nag- aangat.
Pagtingin Ko sa Lalake para magpa- salamat ay nahigit Ko pa sandali ang Aking hininga dahil napaka- Gwapo nung Lalake, kaya lang maputi pero matipuno ang pangangatawan. Nagpa- salamat din si Mama. Tinanong pa nga nung Lalake kung Saan Kami pupunta, nasabi Ko lang ay D'yan lang, kuma- kabog na din kasi ang Dibdib Ko at parang hindi Ako mapakali.
Nagulat Ako ng biglang lumitaw si Tom, ina- aya na Kami sa Clinic kaya isang beses ulit Akong nagpa- salamat sa Lalake at tumalikod na Kami. Hinawakan Ko pa nga ang Dibdib Ko habang naglalakad Kami palayo. Pinigilan Ko lang ang Sarili Kong huwag lumingon. Si Tom na ang nagtulak sa Wheelchair ni Mama.
"Bakit matagal Kayo Duon?" tanong ni Tom
"Ahm! Nagpa- salamat lang Kami Duon sa Lalake, naipt kasi 'yung gulong ng Wheelchhair ni Mama, S'ya 'yung nagtanggal kaya hindi agad Kami naka- alis Duon." paliwanag Ko sa Kanya, feeling Ko naman ay parang nagselos S'ya sa Lalake. Hindi na ito kumibo hanggang makarating Kami sa Clinic. Natapos nang i- check up si Mama pero kasama pa din Namin si Tom, nahihiya naman Akong paalisin S'ya. May improvement naman kay Mama kaya laking tuwa Ko. Basta daw ituloy lang 'yung Therapy ay pwede ulit S'yang maka- lakad.
"Uuwi na Kayo N'yan?" tanong ni Tom, naglalakad na ulit Kami sa Mall. S'ya ulit ang nagtutulak sa Wheelchair.
"Gusto Ko pa sanang ipasyal si Mama." tugon Ko naman, dahil madalang naman nga S'yang maka- labas ay sinusulit na Namin kapag Day Off Ko.
"Samahan Ko na Kayo, Saan N'yo ba gustong pumunta?" tanong ulit N'ya
"Hindi ba nakaka- hiya, baka may pupuntahan Ka pang iba?" tanong Ko din sa Kanya, hindi Ko lang masabing dapat ay Bonding Namin itong Mag- ina. Balak Ko sanang dalin sa Salon si Mama.
"Wala! 'Di ba dapat aayain nga sana Kita, natapat naman na check up pala ni Tita." tugon naman N'yang naka- ngiti, kaya ngumiti na din Ako sa Kanya
"Sige, pero Kumain muna Tayo, treat Ko kasi sinamahan Mo Kami, 'wag Ka nang umangal." sabi ko sa Binata, tumango lang ito pero nagpipigil na mangiti
Pumasok na nga Kami sa Isang Restaurant na nadaanan Namin. Gaya nga ng gusto Ko ay Ako ang nagbayad. Hinayaan naman Ako ni Tom. Tahimik lang kaming Kumain.
"Ahm! Anak pwede ba Tayong umuwi na? Medyo sumama kasi ang pakiramdam Ko, baka sa init ng Panahon." sabi ni Mama pagkatapos Naming Kumain
"Ano po ba nararamdaman N'yo? Dalin Ka na po Namin sa Ospital?" natatarantang sagot Ko naman, lumapit pa nga Ako ng upo sa Kanya
"Hindi na, gusto Ko lang mahiga tsaka matulog." tugon naman N'ya
"Hatid Ko na po Kayo." singit naman ni Tom sa pag- uusap Naming Mag- ina.
"Sige, Salamat." tipid Kong sagot, tumayo na Ako para sana alalayan si Mama
"Ako na," agaw ni Tom sa hawakan ng Wheelchair para S'ya ang magtulak palabas ng Restaurant.
"Salamat ha! Baka nakaka- istorbo na Kami Sa'yo." saad Ko sa Binata, naipasok na Namin si Mama sa Kwarto N'ya, gusto N'ya daw kasing matulog. Nandito na Kami Ngayon sa Sala ng Bahay Namin at umiinom ng Juice.
"You're Welcome, masaya Ako at natutulungan Kita." naka- ngiti pa N'yang sagot, gumanti din naman Ako ng ngiti. Mahabang katahimikan na ulit ang namayani sa Amin hanggang maubos N'ya ang iniinom.
"Uwi na Ako, para makapag- pahinga Ka na din." paalam N'ya, tumayo nga agad S'ya
"Sige, salamat ulit." tugon Ko naman, tumayo na din Ako para samahan S'ya sa paglabas ng Aming Bakuran.
Bumusina na lang ito nang pina- andar na N'ya palayo ang Sasakyan.
Bumalik Ako sa loob tsaka dumiretso sa Kusina para hugasan ang Basong pinag- inuman Namin ni Tom. Nang maalala Ko 'yung Lalake Kanina na tumulong sa Amin sa Elevator, kung hindi siguro biglang lumitaw si Tom ay baka nalaman Ko ang Pangalan N'ya. Dahil tinatanong pa N'ya kung Saan kami pupunta.
Dahil sa pag- iisip ay hindi na pala naka- tapat 'yung Baso sa Gripo ay hindi Ko pa napapansin. Nagde- day dream pa kasi Ako kung Kelan Ko ulit makikita 'yung Lalake 'yon! Sa dami ba naman ng Tao sa Mandaluyong, para kang naghahanap ng Karayom sa buntong ng dayami. Mukha ngang tinamaan na Ako ni Kupido dahil hindi na S'ya mawala sa isipan Ko pero si Tom ang kasama Ko mula Kanina ay balewala lang sa Akin. Mabuti na nga lang at nag- aya na si Mama na umuwi. Naka- iwas agad Ako sa Binata.
"Anong Oras umalis si Tom?" tanong ni Mama, Kumakain na Kami ng Hapunan.
"Pagka- ubos N'ya lang po nang tinimpla Kong Juice." magalang Ko namang sagot
"Alam Ko kasing hindi Ka komportable na kasama S'ya kaya nag- dahilan na lang Ako para maka- uwi Tayo ng maaga." naka- ngiting tugon ni Mama
"Mabuti nga po 'yung ginawa N'yo, tsaka Bonding po sana Natin 'yung Mag- ina sumama lang po S'ya." tugon Ko din naman na natatawa
"Diretsahin Mo na na wala S'yang aasahan Sa'yo kung wala nga para hindi na pumupunta Dito." payo naman N'ya
"Matagal Ko na po S'yang diniretsa 'Ma, talaga lang pong ayaw pang huminto sa pagtawag sa Akin sa Cellphone at pagpunta Dito." seryosong tugon Ko kay Mama, naalala Ko tuloy nung tumawag S'ya nung Isang Araw. Nag- resign na daw pala Ako, bakit daw hindi Ko sinabi sa Kanya, hindi Ko lang S'ya masagot na bakit Ko sasabihin sa Kanya? Dinahilan Ko na lang na nagmamadali Ako Nuon kaya hindi Ko na S'ya nasabihan sinabi Ko ding kahit si Agnes ay hindi alam na magre- resign Ako Nuong Araw na iyon. Tsaka lang S'ya tumahimik. Sana nga ay makahanap na S'ya ng iba ng hindi na N'ya Ako maalalang puntahan o tawagan kahit Oras ng Trabaho sa Coffee Prince.
Ako na ulit ang naghugas ng pinag- kainan Namin pagkatapos ay nilinisan si Mama tsaka binihisan ng pantulog. Gabi gabi ay ganito ang ginagawa Ko kaya paano Ako Nito makikipag- date 'de walang gagawa Nito kay Mama? Sa isiping iyon ay bigla Kong naalala 'yung Lalake sa Elevator. Dapat Ko na nga pala S'yang ialis sa isipan Ko hindi pa man Kami nagkaka- kilala.
Malalim tuloy Akong napa- buntong hininga nang maglinis Ako ng Banyo pagkatapos Kong bihisan si Mama ay ihiniga Ko na S'ya sa Kama para manuod ng palabas sa T V. Kahit Nuong nakahiga na Ako ay naging malungkot na Ako dahil naiisip Ko ang kalagayan Ko. Ngayon nga lang Ako na- attract sa Lalake kahit hindi Ko kilala ng personal ay parang pipigilan Ko na agad ang pagka- Crush Ko sa Kanya dahil sa pag- aalaga Ko nga sa Mama Ko.
Kaya naka- tulog Akong hindi na nag- scroll sa Social Media Account Ko sa Cellphone, balak Ko pa naman kasing mag- stalk tungkol sa Lalake kahit hindi Ko kilala, pinigilan Ko na lang ang Sarili Ko, sinasabi Ko na lang sa Sarili Kong baka may Asawa na 'yun o Girlfriend kaya 'wag Ko na S'yang isipin.