KABANATA ANIM

1511 Words
KABANATA ANIM CONRAD P O V Kahit sa panaginip ay nakikita Ko pa din ang Babaeng tinulungan Ko sa Elevator. Pinagalitan Ko pa nga ang Sarili Ko kung Bakit hindi pa Ako agad nagpa- Kilala bago dumating 'yung Lalakeng asungot. Alangan namang bumalik Ako ng Mall para hintayin kung Kelan ulit pupunta Sila Duon ng Nanay N'ya siguro. Hindi naman kasi S'ya Mukhang Kasambahay o Caregiver nung Matandang Kasama N'ya. Ayoko namang puntahan ang Maintenance Staff na Mall para lang tingnan sa C C T V kung Saan pa Sila nagpunta kasama nung Lalake. Ngayon nga lang tumibok ang Puso Ko parang mahihirapan pa Ako. Dahil kahit Anong information ay wala Akong alam sa Babaeng na-panaginip-an Ko. Kahit busy Ako sa Maghapong Trabaho ay hindi pa din nawawala sa isip Ko 'yung Babaeng nakilala Ko Kahapon sa Mall. Pati nga 'yung usapan Namin ni Papa ay nakalimutan Ko na. "Where are You? Kanina pa Ako Dito sa Coffee Prince, Pasig Branch." Tanong ni Papa pagkatapos Akong tawagan sa Cellphone Ko. Nagda- drive na nga Ako pauwi sa Condo Ko. "Masama po kasi ang pakiramdam Ko Papa." umubo pa nga Ako, tsaka iniba Ko ang Boses Ko para malaman N'yang nanghihina Ako. "Bakit pumasok Ka pa kung masama pala pakiramdam Mo? Pauwi Ka na bang Condo Mo?" nag- aalala naman Nitong tugon "Opo, Papa, pauwi na po, Next Time Ko na lang po imi- meet 'yang bago Nating Patissier, Pasensya na po." tugon Ko naman na pina- lungkot Ko pa ang boses Ko tsaka umubo ulit Ako. "Sige! Sige! Papuntahin Ko ba sa Condo ang Mama Mo?" tanong naman N'ya, na- guilty naman Ako sa pagsisinungaling Ko. "Hindi na po Papa, inom na lang po Ako ng Gamot pagdating sa Condo." tugon Ko naman na nangingiwi ang mga Labi Ko dahil sa pagsisinungaling. "Sige, mag- ingat Ka." sabi pa N'ya "Opo, mag- iingat din po Kayo pag- uwi N'yo mamaya." tugon Ko naman, tinapos na Namin ang pag- uusap, nagpapahid tuloy AKo ng pawis sa Nuo Ko kahit naka- open naman ang Aircon ng Sasakyan Ko. Natuto tuloy kasi Akong mag- sinungaling dahil sa Babaeng 'yun. Umuwi na nga Ako sa Condo Ko, kahit si Mama ay tumatawag kung okay na daw ba ang pakiramdam Ko. Gusto pa ngang papuntahin ang Isang Kasambahay Namin para daw may mag- asikaso sa Akin. Natatawa lang Ako dahil ang laki laki Ko na ay tinuturing pa din Nila Akong parang Bata pero nakakataba naman ng Puso 'yung pina- pakita Nilang Concern sa Akin kahit malaki na Ako. Dumaan pa ang ilang Araw na Trabaho - Condo, Condo - Trabaho lang ang ginagawa Ko, hindi naman kasi nag- aaya ang ibang Kaibigan Ko na mag- Bar. Hindi rin naman Ako nagsa- site visit. Akala Ko naman ay nakalimutan na ni Papa 'yung pagpapakilala sa Akin sa bagong hired na Patissier. Isang Araw ay nagbilin si Papa na Ako muna ang mag- inventory sa Coffee Prince, pinag- bigyan Ko naman dahil may mahalaga talaga Silang pupuntahan ni Mama ng Araw na 'yun. Kaya hindi na muna Ako pumasok sa Opisina Ko kundi naglibot sa mga Coffee Prince Branches. Hindi Ko alam sa Sarili Ko kung bakit hinuli Kong i- inventory ang Pasig Branch. Saktong Merienda sa Hapon Ako dumating Duon. Busy pa Ako sa pag- i- inventory ng biglang dumating si Papa. "Sir Conrad nasa labas po si Sir Robert." magalang na imporma sa Akin ng Branch Supervisor nang sumilip ito sa Opisina Nila ng Branch Manager. "Sige, labas Ako." tugon Ko naman, Alas Kwatro na pala ng Hapon nang tingnan Ko ang Oras sa Relo Kong pambisig. Tumayo na Ako at inikot ikot Ko muna ang balakang Ko tsaka Ako sumunod sa Supervisor palabas ng Opisina Nila. "Pa!?" bati Ko paglapit Ko pa lang sa Table na p-in-westuhan N'ya. Nag- Kiss Ako sa Kanya sa Kanang pisngi N'ya tsaka Ako umupo sa katabing Silya N'ya. "Maaga natapos 'yung pinuntahan Naming Meeting kaya dumiretso na Ako agad Dito, hindi Ka pa raw nagme- merienda?" turan ni Papa kahit wala pa Akong tinatanong o sinasabi "Tatapusin Ko po muna nga sana 'yung inventory bago po Ako mag- merienda." Magalang Ko namang tugon "Kumain muna Tayo, hindi na din Ako nakapag- merienda sa pinuntahan Namin at nagmamadali nga Akong makarating Dito." tugon naman N'ya Tatanong Ko sana kung bakit S'ya nagmamadaling magpunta Dito nang may dumating dala ang Pagkain Namin. Hindi na Ako nakapag- tanong, binababa na ng Waiter 'yung Pagkain Namin nang mapa- kunot Nuo Ako, 'yun kasing pabango nung Waiter ay parang pamilyar sa Akin. "Miss Aguinaldo Meet My Son, Conrad." naka- ngiting pakilala ni Papa sa Waiter na naghatid ng Pagkain Namin. Nagtaas na Ako ng tingin, nagtataka kasi Ako kung bakit ipapakilala pa Ako eh Kilala naman Ako ng lahat ng Empleyado Dito. Nagulat Ako nang makita Ko ang itsura nung Babae kahit naka- side view pa, may sinasabi pa kasi si Papa sa Kanya. "Anak, si Miss Aguinaldo ang bago Nating Patissier." baling naman ni Papa sa Akin Pareho pa Kaming nagka- gulatan nang magtagpo ang Aming mga Mata. AKo na ang Unang nag- abot ng Kamay sa Dalaga. "Conrad." pakilala Ko "Tess." pakilala N'ya sabay abot ng Kamay N'ya para makapag- shake hands Kami. Alam Kong pareho Kaming natigilan, dahil sa naramdaman Naming nanulay na parang Kuryente sa Aming mga Katawan. "Ehem!" tikhim ni Papa, kaya S'ya ang Unang nagbitiw ng Kamay sa Aming Dalawa, napansin Ko pang namula ang Dalawang Pisngi N'ya. "Balik na po Ako sa Kusina mga Sir." paalam ng Dalaga, yumuko pa nga sa Amin ni Papa "Sige!" nagpipigil ng ngiting tugon ng katabi Ko "S'ya pala ang bagong Patissier Natin?" pat@y malisyang tanong Ko kay Papa, tatango tango pa Ako "Oo, Ano type Mo?" bulong pang saad N'ya eh malayo naman Kami sa ibang Table "Bakit Ngayon N'yo lang po Ako pinakilala?" natatawa Ko pang tugon, inumpisan na Namin ang pagkain habang nagkwe- kwentuhan "Hindi Ka naman pwede nung nakaraan, baka mag- dahilan Ka na naman kapag sinabi Kong Ngayon Kita ipapa- kilala." paliwanag N'ya, naiiling na lang Ako, pero ayos na din dahil 'yun pa lang Babaeng Patissier Namin at 'yung tinulungan Ko sa Elevator dati ay iisa. Tsaka Ko na i-kwe- kwento sa Pamilya Ko kung Saan Kami Unang nagka- kilala ng Dalaga. Tinuloy Ko na ang pag- i- inventory pagkatapos Naming mag- merienda hanggang makatapos Ako sa ginagawa Ko, si Papa ay umuwi na, dahil magka- iba naman Kami ng Bahay na uuwian. Inamin naman ni Papa na kaya S'ya nagpunta Dito ay para ipakilala nga Kami ni Tess. Para hindi obvious na hihingin Ko lang ang Cellphone Number ni Tess ay hiningi Ko kunwari sa Supervisor 'yung mga Resume ng lahat ng Empleyado. Sinabi Ko lang na titingnan Ko kung nakapag- pasa ba Silang lahat ng mga Requirements. Tulad ng Medical Certificate, SSS at Philhealth at iba pa. Binigay naman sa Akin, nang makita ko 'yung Resume ni Tess ay Pi-ni-cture-an Ko na lang, hindi kasi pwedeng kuhanin 'yun for privacy purposes. Maya maya ay sinoli Ko na tsaka nagpa- alam na uuwi na Ako. Tapos naman na Akong mag- inventory. "Sige po, Sir, Thank You!" tugon ng Supervisor paglabas Ko ng Opisina N'ya "Iinom muna Ako." paalam Ko, baka kasi magtanong pa kung Ano ang gagawin Ko sa Kusina eh dapat lalabas na Ako ng Coffee Shop "Sige Po." magalang naman Nitong sagot, gumawi na nga Ako sa Kusina "Sir, may Kailangan po Kayo?" takang tanong ng Waiter na Unang nakakita sa pagpasok Ko "Iinom lang Ako, ituloy N'yo ang ginagawa N'yo." tugon Ko naman, pero malikot ang Mata Ko na parang may hinahanap "Oras nang Trabaho kung ano ano ang ginagawa N'yo!" pa- bulyaw Kong sabi sa Dalawang taong nagtatawanan sa may Pantry ng Coffee Shop, nagpalagay talaga Kami Nuon para sa mga Empleyado, nagulat namang napa- tingin sa Akin 'yung Dalawa pati na din 'yung ibang nasa loob ng Kusina. "Ahm! Sir, tapos na po ang Duty Namin. Hinihintay nga lang po Namin na umalis Kayo tsaka po Kami uuwi." lakas ng loob na sabi nung Lalakeng kausap ni Tess, naka- kagat labi lang naman ang Dalaga kaya medyo sumikip ang Pantalon Ko sa ginawa nito. "Sige, aalis na Ako para maka- uwi na din Kayo." pikon Kong sagot, tumalikod na Ako sa nasa Pantry tsaka kumuha ng inumin sa Ref, naubos Ko ang Isang Bottled Mineral Water. Kung Kanina ay hindi naman talaga Ako nauuhaw, gusto Ko lang makita ang Dalaga bago Ako umalis ay bigla na lang Akong nauhaw sa pa- kagat labi ni Tess. Gusto Ko kasing mga Labi Ko ang kumagat sa mga Labi N'yang maninipis. Pagka- tapon Ko sa basurahan nung Bote ay walang sabi sabing lumabas na Ako ng Kusina diretso sa Pinto ng Coffee Shop. Hindi Ko alam kung Kanino Ako naiinis, kung sa Lalakeng sumagot sa Akin sa Pantry o sa Dalaga na nakikipa- nginitian pa eh Sino 'yung kasama N'yang Lalake nung Unang nagkita Kami sa Mall? O baka dahil nagseselos agad Ako dahil kung Sino Sino ang ngini- ngitian ng Dalaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD