MATAGAL nang nagpapalakad si Jomar sa bar na iyon. Nakita at naranasan niya na ang lahat ng kuwento na dumaan sa Queen’s bar. Nagsimula nuong ang ama pa ni Xander ang presidente at nagpapalakad na kasama niya sa pagpapa-unlad ng bar na iyon. Dati ay dito siya nagrereport hanggang sa nagkasakit ito at palitan ni Xander. Kalahati ng pagkatao niya ay may espiritu ng bar na iyon. Parang pamilya na ito na mahirap iwan. Kaya nga tulad ni Mona ay may mga natatanggap din siyang mga offer mula sa ibang bar na tinanggihan niya. Ang iba pa nga ay sa ibang bansa na siguradong kikita siya nang mas malaki. Hindi niya lang talaga maatim na iwan ang Queen’s bar kung saan siya nagsimula. Ang mga kuwento rito ang pumipigil sa kanya na umalis. Nang ipatawag siya ni Xander ay hindi siya nagdalawang isip na

