NAKARAMDAM din naman si Xander ng pagkaguilty sa inasal niya kay Camille kaya naman naisip niyang daanan ang apartment nito. Nakatira lang ito sa isang condo sa Quezon Ave. Hindi nalalayo ang tirahan nito sa kanya. Naisip niyang puntahan na muna ito dahil madadaaanan din naman niya ang gusali kung saan ito nakatira kung ang destinasyon niya ay ang Queen’s bar mula sa Antipolo. Hindi na niya ito binalak pang tawagan at plano niyang sorpresahin na lang ang babae para makabawi sa inakto niya ng hapon na iyon. Ipinarada niya ang sasakyan sa katabing supermarket ng gusali. May ilang oras pa naman bago iyon magsara kaya may oras din siya para magtagal nang bahagya sa apartment ni Camille. Kausap niya si Jomar sa cellphone habang lulan ng elevator para maki-balita rito kung ano ang nagaga

