Hindi naging normal para sa akin ang mga linggo na nagdaan kahit na batid ko sa aking sarili na naninibago pa rin ako. Hindi na rin naman bago sa akin ang pagbisita ni Adam sa aming bahay pero ang pinagkaiba lang ngayon sa noon ay alam kong may assurance na para sa aming dalawa-- at nakasalalay iyon sa magiging desisyon ko. Katulad ng dati ay naiwan kami ni Adam sa bahay dahil namalengke si Mama. Nanunuod si Adam ng TV habang ako naman ay naglilinis ng bahay. Suot-suot ang crop top blouse ko na pinartneran ko ng high waist na short. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagpasya akong magwalis mula sa may kwarto pababa hanggang sa may kusina at salas. Subalit medyo nailang akong dumaan kung saan nakapwesto si Adam. "Ah.. Adam, excuse me lang, ah.." sabi ko dahilan para sandali niyang itaas an

