Magmula nang sagutin ko si Adam ay marami nang nagbago, madalas ay hindi ko naiisip pa ang panglolokong ginawa ni Allen. Alam kong masyadong mabilis ang pangyayari pero ang unfair ko naman sa aking sarili kung pipiliin kong hindi maging masaya. Habang naghihintay ako ng tawag mula sa mga in-applyan ko noong nakaraang linggo ay nagawa kong magri-search sa internet ng mga kakailanganing requirements para sa Board Exam, kahit naman Education graduate na ako ay mas maganda pa rin kapag licensed teacher ka na. Nakapag-usap na rin kasi kami ng best friend kong si Glydel tungkol dito kaya desidido na talaga ako. Ilang oras pa ang lumipas bago ako nagpasyang mamasyal sa park, kasabay naman niyon ang pagtanggap ko ng mensahe mula kay Adam. "Nasaan ka?" Nagtaka ako sa text niya na 'yon, wala nama

