Note: Rated ESPIJI. *** After two weeks. "Oh my god, Adam magkaka-work na ako!" tatalon-talon kong sabi sa kanya mula sa cellphone. Kakatapos ko lang kasing interview-hin para sa magiging first job ko. At narito ako ngayon sa may waiting shed kung saan ay nag-aabang ng masasakyan pauwi sa village namin. Nag-apply ako bilang isang kindergarten teacher at isasabay ko ang board exam habang nagtuturo. "Talaga? Congrats, sweetie.. I love you." Parang hindi nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya dahil may kung anong kuryente ang bumalot sa akin matapos niyang sabihin 'yon. "I-i love you too.." Narinig ko ang simpleng pagtawa niya. "Sunduin kita ngayon," aniya na ikinabilog ng mga mata ko. "Ha? Nasa'n ka ba?" gulat kong tanong. "Sa likuran mo." Napatingin ako sa likuran at nandoon nga

