One week has been passed, matapos ang operasyon ni Adam ay nabigyan ako ng chance na makausap siya. Habang pinagmamasdan ko siyang nakahiga sa kama ay hindi ko mapigilan ang luha ko. Para lang siyang mahimbing na natutulog, ang pinagkaiba lang ay maraming nakakabit na mga aparato sa katawan niya. Hinaplos ko ang braso niya. Kasabay nang pag-asa kong lalaban siya para mabuhay. "Namimiss na kita nang sobra, alam ko.. ayaw mong sobrang masaktan ako kung sakaling mawala ka na.. pero sana naman lumaban ka, oh-- dahil ayokong mangyari 'yon.." Hinawakan kong sandali ang kamay niya kahit na batid kong hindi niya 'yon alam. Mangiyak-ngiyak ako habang yakap-yakap ng palad ko ang kamay niya. "Adam, please.. kung naririnig mo ako.. lumaban ka para sa mga taong nagmamahal sa'yo.. lalung-lalo na ako d

