Matapos mabinyagan ni baby Allen ay hindi maiwasang makaramdaman ako nang pananabik na mahawakan, mahagkan at mayakap ang anak ko. "O, Jiezel, bakit nag-iisa ka rito? Kumain ka na ba?" puna sa akin ni Celeb. Napangiti ako habang nakatingin sa hindi kalayuan. "Masaya lang ako dahil naging maayos na ang lahat, sa atin, sa parents ni Adam at sa panibagong buhay na mayroon tayo," wika ko at naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa braso ko. "Masaya rin ako, Jiezel, at alam mo kung ano ang natutunan ko sa lahat ng 'yon? Iyon ay ang matutong magpatawad at tanggapin ang desisyon ng bawat isa." Hindi ko alam pero nang mga sandaling iyon ay tila napawi ang lahat ng namuong selos na naramdaman ko sa kanya at nabura ang pagdududa sa pagmamahal ni Adam para sa akin. Dahil sa huli, ako naman ta

