[Damzel Special Chapter] Nabigla ako nang biglang namatay ang ilaw at unti-unting lumiwanag ang paligid nang dahil sa ilang kandila. Tila ba may mga kandila na naglalakad? At unti-unti kong naaninag na ang mga kandilang 'yon ay hawak- hawak ng mga taong mahahalaga rin sa buhay ko. Biglang bumukas ang ilaw at tumambad silang lahat sakin, sina mama, ang best friend kong si Glydel, Fiel, Celeb, ang mommy at daddy ni Adam, at si Cholo ang favorite kong pamangkin sa side ni Mama. Pero nasaan si Adam? "Hinahanap mo si Adam?" nakangiting sabi ni Tita Amanda, siguro ay natanggap niya na rin ako para sa anak nila. Maya-maya pa ay puro hiyawan na ang narinig ko at nagtaka ako nang mapansing may tinitingnan sila mula sa likuran ko. "Wuhoooo! Kinikilig ako!" sigaw pa ng best friend ko. Nagkating

