Offer
"Nandito na tayo Madame Victoria." Anunsyo ni Margarita nang huminto ang sasakyan ko sa tapat ng building ng Villagracia Corp. Kaagad kong binatawan ang report na binabasa ko at inabot iyon sa kanya.
Nauna siyang lumabas sa akin upang pagbuksan ako ng pintuan. I wear my sunglasses and headscarf bago lumabas. Ang hile-hilerang body guards ang unang sumalubong sa akin habang nakayuko. I just raised my brow before I passed them.
Binuksan ni Marga ang glass door para sa akin. Nauuna akong maglakad sa kanya habang siya ay nasa likuran kasama ang ilang body guards na e-escort sa akin hanggang sa elevator.
"Good morning, Madame." Si Lilit sa may front desk at saka yumuko bilang paggalang. Tinaasan ko lamang siya ng kamay bago siya nilagpasan. Nang makaharap kami sa Elevator ay pinindot na iyon ni Marga para magbukas.
Kaagad na nawala ang body guards nang magsara ang elevator. Tanging kami lamang ni Marga ang nasa loob noon, exclusive for the CEO and for my asisstant which is Marga.
"What are my schedules for today?" I ask. Nasa pang-tatlumpo't tatlo ang palapag kung nasaan ang opisina ko at iyon ang pinakahuling palapag sa building. Kinuha niya sa kanyang bag ang planner at tinuunan iyon ng pansin.
"No meetings for today Madame. As much as I can remember ay may tatapusin kayo ngayon." Sagot niya sa akin. She even handled me a glass of red wine habang binabagtas namin ang elevator.
Lumingon ako sa kanya.
"Tatapusin? Is it a job or a person's life?" I ask just kidding. Nanlaki ang kanyang mata sa aking sinabi at kaagad na umiling iling at umiwas ng tingin. Lagi niya iyong ginagawa sa tuwing nagjo-joke ako sa kanya.
I heard her small laugh.
"Trabaho it is, Madame." Sagot niya. Hindi ko napigilan ang aking sarili at natawa ako sa naging reaksyon niya. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa office ko. Si Marga naman ay naka-table sa labas.
I handled back to her the empty glass. Dumiretso kaagad ako sa aking table at naupo sa swivel chair. I get some chocolates bago magsimula sa trabaho. I always doing this, nabasa ko sa internet, chocolates can increase your memory capacity.
Sinimulan ko ang pirmahan sa mga papeles na isang buwan nang nakatambay sa table ko. Some are request for salary increase. Karamihan naman ay tungkol sa pagpapatayo ng panibagong plantasyon para sa mga kape.
"Madame Victoria." Inangat ko ang aking tingin sa pintuan ng marinig kong kumakatok si Margarita ng tatlong beses.
"Come in." I said. Iniluwa noon si Margarita kasama ang isang body guard na naka-standy by sa may entrance ng building.
I raised my brow.
"What do you need?" I ask again. Lumapit sa desk ko si Marga kasama pa rin at nasa likuran ang body guard. I don't know his name, I only remember people's name who is important to me.
Tumikhim iyong body guard.
"Good morning Madame Victoria. Dumaan ulit 'yong lalaking pinapasundan niyo po rito. Tinanong siya ng isa nating body guard kung saan siya pupunta, ang sabi raw po ay susunduin ang pamangkin sa school." Sabi niya.
Matamang nakatingin lamang ako sa kanya at maiging nakikinig. Tumango tango ako sa kanya.
"Sinabi ba kung saang school?" I asked back. Umayos ako ng upo sa swivel at kunot noo pa ring nakikinig sa kanya. May kung anong namuong pag-asa sa loob ko dahil sa balita na 'yon.
Tumango siya.
"Sa isang private school Madame, 'yong nadadaanan bago makarating sa Company natin." Iyon lamang ang sagot niya. Tumango ako, I know that School, minsan na akong naging Guest speaker doon and fifteen percent ng kita ng company ay dino-donate sa kanila na dapat talaga ay sa public school.
Tumango ako.
"Okay. I'll go." Sabi ko. Kaagad akong tumayo mula sa pagkaka upo at inayos ang ibang papeles na hindi ko pa natapos basahin.
"Saan kayo pupunta Madame?" Tanong ni Margarita. Saglit ko lamang siyang tinapunan ng tingin at nginitian bago ulit inayos ang bag na dadalhin ko.
"Pupunta akong school..." simpleng sagot ko. Nakunot sa una ang noo niya pero kaagad din namang nawala.
Binalingan ko iyong body guard na hindi pa rin lumalabas sa office ko.
"Anong oras niyo siya nakita?" Tanong ko. Tumingin siya sa kanyang relo bago muling bumaling sa akin.
"Mga eight thirty Madame." Sagot niya. Nagpasalamat lamang ako sa kanya at sabay sabay na kaming lumabas mula sa office. Ako ang nauuna sa kanila, habang sila ay nasa likuran lamang.
Sumakay kaming tatlo sa elevator upang makababa sa may lobby. I decided to go to school, para makumpirma ko na tama nga talaga ang balita nila sa akin. Ilang minuto ang tinagal bago kami nakarating sa may lobby.
"Ipagda-drive ko ho ba kayo Madame?" Kinain ni Kuya Mavi ang distanya naming dalawa at tinanong iyon. Siya ang driver ko rito sa kumpanya magta-tatlong taon na susunod na apat na buwan.
Umiling ako.
"No need. Pakihanda na lang ang sasakyan ko. Lalabas na ko within ten minutes." Pagkasabi ko noon ay yumuko lamang siya bilang paggalang at kaagad nang umalis sa harap ko.
Hinarap ko si Lilit na nasa front desk. Maaga pa at walang gaanong emplyoee ang nagkalat dahil oras ngayon ng trabaho at matagal pa ang break.
"I'll call you kapag nalaman ko kung saan siya nakatira. Stand by ka lang. 'Wag ka muna magpapaakyat sa office ko. I'll be leaving for two hours or less." Paalala ko sa kanya. Tumango tango siya sa akin. Inabot naman sa akin ni Marga ang water bottle ko.
Kaagad ko iyong tinaggap at nagpasalamat sa kanya.
"Dito pa rin ba kayo magla-lunch Madame?" Tanong ni Lilit. Tumingin ako sa aking suot na relo at sandaling napa-isip. Hindi ko sigurado kung magtatagal ako roon.
Sa huli ay umiling na lamang ako sa kanya.
"No. Ako na bahala roon. Sige, I'll go na." Iyon lamang ang sinabi ko at nagpaalam na ako. Pagkalabas ko ay nakaparada na roon ang Audi R8 na sasakyan ko. Ibinaba ko ang salamin at bumaba na para makapasok.
"Ingat po sa pag-drive Madame." Paalala ni Kuya Mavi sa akin. I used to call him Mavi lang but since he was older than me, tinawag ko na siyang kuya bilang paggalang na rin.
I waved my left hand.
Yumuko ang ilang body guard na nakatayo at nakahilera sa entrance. Tumango lamang ako sa sinabi niya at kaagad na nagpaalam sa kanila. Inis-start ko na ang engine at nagmaneho.
Hindi naman gaanong trapik sa kalsada kaya naman mabilis akong nakapunta sa skwelahan. It is a nursery school up to elementary. Ang playground ang unang makikita bago ang stage at sa likuran ay ang mga classrooms.
"Good morning." I greeted. Dalawang security guard ang naroon at ang isa na malapit sa gawi ko ay lumapit sa akin. Nakababa naman ang bintana ko kaya kaagad niya akong nginitian.
"Kayo po pala Madame Victoria. Magandang umaga po." Bati niya pabalik. Ngumiti ako sa kanya at binati rin ng siya ng pabalik. Balikan na batian.
Yumuko siya upang magpantay ang paningin namin.
"Saan po ba ako puwedeng mag-park?" Tanong ko. Mataas na ang araw at maba-babad siya sa initan kung hindi ko pa tatanungin kung saan ako puwede mag-park.
Tumango siya at tinuro ang isang garden. Nagpasalamat ako sa kanya at pinarada ko na roon ang sasakyan. Pagkalabas ko ay nagsisi akong hindi ko sinama si Marga para payungan ako sa nagbabagang sikat ng araw.
Gusto ko man takbuhin ang parking mula sa mismong bubong sa stage ay hindi ko naman kaya. Binaba ko ang aking salamin at nagsimulang maglakad. Dumiretso ako sa Registrar office.
"Hi, good morning." Bati ko. Naroon ang Registrar teacher na Ms. Lander. Mabuti na lamang at aircon ang room kaya bahagyang nabawasan ang init na nararamdaman ko.
Kaagad siyang nagpanic nang makita niya ako. Tumayo siya at lumapit sa akin. Napangiti ako nang palihim, it's not my fault kung ang isang mayaman, sikat, maganda at sopistikadang katulad ko ay lumitaw sa harap niya ng walang paalam.
Maybe kahit ako sa sarili ko ay magugulat din.
"Nariyan pala kayo, Madame. Hindi niyo sinabing magso-surprive visit kayo." Gulat ang boses niya. Tinaggal ko ang aking salamin at inayos ang nagulo kong buhok.
Ngumiti ako nang matamis.
"Suprise nga 'di ba? By the way, gusto ko sana pumili ng isang student from Nursery na gagawin at bibigyan ko ng scholar for from High school to College." Mabilis na paliwanag ko. Nakunot ang noo niya sa sinabi ko pero kaagad din namang nawala.
Narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Why so early Madame?" Balik kunot noong tanong niya. I honestly don't have any idea either way, why I suddenly propose that plan.
Dahil siguro nandito siya at gusto ko siyang makita, at ayoko nang patagalin pa kaya ito ang ginawa kong rason.
Tumikhim ako bago muling nagsalita.
"Isasama ko kasi 'yon for my upcoming anniversary, although it doesn't have any connection. Since fifteen percent of the company's salary ay napupunta sa inyo, gusto kong i-level up sana..." paliwanag ko pa. Tumango tango siya sa akin at sinabi ko rin na gusto kong maglibot libot sa classrooms ng mga Nursery students na kaagad niyang tinaggap.
"Sakto Madame, recess time nila ngayon." Sabi niya habang naglalakad kami. Tumango ako sa kanya at ngumiti bago namin nilakad ang grounds papuntang building sa tabi ng isang canteen.
Inilibot ko roon ang mata ko trying to see kung tama ang sinabi ng body guard ko o hindi. And then after a minutes of tilting my head in any direction. I saw a man, sitting in a wood chair while beside him is a cute little boy wearing a light blue uniform who has a patch that indicating his surname.
Sumingkit ang mga mata ko.
"What's the name of that cute little boy?" I ask Ms. Lander. Itinuro ko sa kanya iyong bata at doon naman nadako ang atensyon niya. Kita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya dahil doon.
Ngumiti siya at bumaling sa akin.
"His name is Luke Yosingco, Nephew of Misha Vierre Yosingco. Honestly Madame, bata pa lang 'yan pero alam mo na kaagad na matalino. He is a consistent honor until now." Pagbibida niya. Natawa ako sa loob loob ko. Vierre Yosingco is just wearing simple white t-shirt and khaki pants.
Pero hindi nawala ang kisig ng pangangatawan niya, just like before, three years ago. Tumango tango ako sa kanya.
"Do you also know where they live?" I ask. Ang boses ko ay tunog pang-uusisa pero hindi naman niya iyon nahalata pa. Nakatingin lamang siya roon at kita ko, na iba ang ningning ng kanyang mga mata.
Napairap ako sa kawalan.
"Sa may malapit sa Lulu port, Madame." Sagot niya hindi eksakto kung saan mismo, kung sa village ba o gilid ng lawa. I don't know. Naramdaman yata ni Vierre na may nakatingin sa kanila kaya nilibot niya ang kanyang tingin at doon niya kami nahagip na nakatingin sa kanila.
I tried to smile pero ang mukha niyang walang emosyon ang lumipad sa akin. Pinutol ko ang tinginan namin at binalingan si Ms. Lander.
"Nagkakaroon ba sila ng problema sa usaping pinansyal?" Out of nowhere na tanong ko. Ang kanya mga matang nakadako kila Vierre ay lumipad sa akin.
Marahan siyang tumango.
"Yes Madame, out of fifty students, sila lang ang laging nagkakaroon ng problema pagdating sa tuition fee. As a matter of fact malaki pa ang utang nila dahil sa pagkakalam ko ay walang trabaho si Mr. Vierre ngayon..." kuwento niya. May kung anong humaplos sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Pasimple ko silang binalikan ng tingin. Sa unang tingin ay ayos naman sila. Pero nang nalaman ko iyon ay parang nakita ko sa mga mata ni Vierre ang pagod. Hindi ko rin masabi dahil wala naman ako sa katayuan nila.
"How about Mr. Vierre's sister?"
"Iyon lang ang may trabaho sa kanila. But then, hindi pa rin talaga sapat iyon." Sagot niya.
I honestly doesn't relate in a life they have. I was born with a silver spoon in my mouth. Ang gugustuhin ko ay nakukuha ko. Every opportunities in my life ay nakalatag na sa harap ko at nasa akin na lamang kung kukuhanin ko iyon o hindi.
Alam nang lahat 'yon, even him. Because his part of me before.
And Vierre was a part of it before. Yet I'm so immatured in my life that when I turned twenty I chose anything I have; money, power, fame, anything over him. I chose career over love. And my reason? Because I'm not yet ready for serious relationship.
He was my first love.
I still remember how he confessed his feelings for me. Gagawin niya ang lahat makuha niya lamang ang loob ko at isama siya sa pipiliin ko. He kneel down with tears in his cheeks, saying the word please.
Inilingan ko lamang siya noon.
Where in fact I have alot of choices to choose. Puwede kong sabay na piliin ang magandang buhay pati siya O siya at ang magandang buhay kasama siya.
Yet hindi ko siya pinili. I was blinded because of fame and money that time, and my father won't allow me too. Villagracia is a family of strength and power, even class at ang pagpili sa pag-ibig higit sa pera ay isang katangahan.
That's why I chose this affluent life over anything else, over him.
"Are you okay Madame?" Napabalik ako sa aking sarili dahil sa kanyang tanong. Kanina pa pala siya nagsasalita pero hindi ko iyon naririnig. Lumipad ang tingin ko sa kanya.
Tumango ako.
"Yeah. I decided na, ako na lang ang magbabayad sa tuition fee ni Luke mula ngayon hanggang sa maka-graduate siya sa Nursery..." sabi ko. Kaagad na nanlaki ang mata niya roon at kaagad hinanap ang kamay ko para hawakan iyon.
Ramdam ko ang saya sa kanya.
"Naku Madame Victoria, maraming salamat. I'm sure malaking tulong 'to para sa kanila. In behalf of our school our grandest thank you for your help." Sabi niya. Tumango ako sa kanya at saka pasimpleng tiningan si Vierre na nakaupo pa rin doon.
Tumikhim ako.
"Ms. Lander, gusto ko sana na tayo na lang ang makaalam nito. Mas mabuting 'wag na lang malaman ni Vierre na ako ang nagbayad. Kayo na lang po sana ang gumawa ng palusot kung ano ang sasabihin sa kanya kapag nagtanong siya."
I wanted to help. And I don't want to ruin it because he doesn't want me too. Gusto kong tumulong ng patago, iyong hindi niya na alam pa. Para patago rin ako makabayad sa lahat. And that includes leaving him and not choosing him before.
Tumango si Ms. Lander.
"If that's what you want Madame, We will respect it. Still thank you very much." Pasalamat niya pa. Nginitian ko lamang siya at kalaunan ay bumalik na kami sa Registrar.
Binayaran ko ang tuition fee ni Luke via cheque hanggang sa maka-graduate siya sa Nursery next year. Hindi rin naman ako nagtagal doon at nagpaalam na ako sa kanya. I have alot of work at kailangan pang pirmahan.
Habang nasa byahe ay tinawagan ko si Lilit. Ni-loud speaker ko iyon para mas lalo ko siyang marinig. Trapik din kaya naman natengga ako sa bagal.
"Yes Madame?" Tanong niya.
"Lilit can you go to supermarket? Ipag-grocery mo naman ako, 'yong tatagal ng tatlong buwan sana..." paki usap ko. Siya lagi ang takbuhan ko kapag grocery ang problema ko.
"Kaka-grocery niyo lang Madame kahapon ah?" Sagot niya.
Natawa ako sa kanya.
"Yeah I know. Pero hindi naman para sa akin 'to. For Vierre Yosingco and family. Kaya please?" It's my first time to say the word please. Narinig ko ang pagsinghap niya marahil ay nagulat sa please ko.
Kahit ako ay nagulat din. I'm not the type of person who speaks please. Dahil ang salitang iyon ay ginagamit para sa akin, at hindi para sabihin ko.
"Sige, Madame. Paalis na ako." Aniya.
"Thank you. Make sure na may mga pagkain na puwedeng ipangbaon sa school like biscuits and juices. Okay, alright." Iyon lamang ang sinabi ko at pinatay ko na ang tawag. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na ako sa company.
"Ang aga niyo po, Madame?" Si Margarita. Naabutan ko siyang nakaupo sa table niya at tutok na tutok sa harap ng kanyang computer.
Tumango ako.
"Yeah. Sige sa susunod babagalan ko para sa'yo." Nang iinis na sagot ko. Nakita ko ang pagkamot niya sa kanyang ulo na siyang ikinatawa ko.
Nang makaupo sa upuan ko ay sinimulan ko na kaagad ang pirmahan. Ang ilan ay babasahin ko pa at kailangan i-approve kung puwede iyon sa akin o hindi. Maya maya ay tumatawag si Lilit.
"Hello," I greeted.
"Madame saan ko ba 'to dadalhin?" Problemadong tanong niya. I forgot to tell her kung saan iyon dadalhin, marahan akong natawa.
"Malapit sa Lulu port, Lit. Basta pakihanap na lang 'yong Yosingco residence. Alam ko walang tao sa kanila. Basta ilagay mo na lang sa sala nila and then maglagay ka na lang ng note. And please 'wag mong ilagay na sa akin iyan galing." Paalala ko.
"Copy Madame." Iyon lamang ang sinabi niya at ibinaba na ang tawag. May nakalimutan akong idagdag na sasabihin kay Ms. Lander kaya sunod ko siyang tinawagan.
Nakalimutan ko na dalawa pala ang pinag-aaral ni Vierre. Si Luke na bunso at si Lucas na panganay. I called her para sabahin na pati ang tuition fee ni Lucas ay sinasagot ko na rin, basta ay hindi lamang nila malalaman na sa akin iyon galing.
Pagkababa ng tawag ay bumalik na ulit ako sa pagbabasa. Dumating ang gabi at halos madaling araw na ako nakauwi. Tinapos ko ang lahat ng babasahin ko at pipirmahan dahil may bago akong trabaho bukas.
"Ipagda-drive ko pa ho ba kayo Madame?" Tanong ni Kuya Mavi nang bumaba ako sa lobby. May ilan pa ring nag-oovertime sa trabaho kaya naman pinatigil ko na sila dahil may bukas pa naman.
Umiling ako.
"Hindi na. Hindi niyo na dapat ako inaantay kapag lumagpas na ng oras ng trabaho niyo." Sagot ko. Tumango siya sa akin at kaagad na nagpaalam upang umuwi.
Past two o'clock ng madaling araw ako nakauwi. Mabuti na lamang at may bukas pang drive thru na nadaanan ko. Kaagad akong nahiga sa kama pagkauwi ko sa Condo, hindi na rin ako nakapagpalit dahil sa pagod.
Lumipas ang gabi hanggang sa sumikat ang araw. Maaga akong nagising kinabukasan at naghanda para pumasok. Iyong Audi ulit ang ginamit ko. Hindi na ako nagpasundo pa kay Kuya Mavi.
"Good morning Madame." Bati ni Marga nang makababa ako. Hile hilerang body guards ang bumungad sa akin pagkababa ko ng sasakyan.
"Morning." Balik na bati ko. Ako ang nauunang naglalakad at nasa likod ko lamang si Marga pati ang ilang body guards na e-escort sa akin hanggang sa elevator.
"Good morning Madame. Kanina pa po may naghihintay sa inyo." Si Lilit. Huminto ako sa harap niya habang nakakunot ang noo.
"Who?" I asked.
Wala naman akong naalala na may gustong magpa-appoinment sa akin ngayong araw. Tinuro niya ang couch sa waiting area.
"Siya po, Madame." Sagot ni Lilit. Nagtama ang mata namin at kaagad siyang tumayo at yumuko sa akin. Nahigit ko ang aking paghinga. Bumalik ang tingin ko kay Lilit na nakangiti sa akin.
Tinuro ko si Vierre.
"Kanina pa ba siya nandito?" I ask. Tumingin siya sa kanyang suot na relo at umiling bilang sagot sa akin.
"Nasa ten minutes pa lang naman, Madame." Sagot niya. Tumango na lamang ako at naglakad ng muli para makapunta sa elevator. Isinuot ko ang aking salamin at nilagpasan ang gawi ni Vierre.
"Marga..." tawag ko. Mabilis niyang kinain ang distansya sa gilid ko at tumabi sa akin. Sa kanya lumipad ang aking tingin. Pinaalis ko na rin ang body guards na nasa likod ko dahil malapit na rin naman kami.
Tumikhim siya.
"Yes?" Aniya.
"Pakisamahan si Mr. Yosingco sa kabilang elevator at magkita tayo sa office ko." Iyon lamang ang sinabi ko at kaagad na akong pumasok sa elevator na ako lamang ang mag-isa.
Ako na rin ang kumuha ng aking baso at sinalinan iyon ng red wine habang binabagtas ko ang bawat floor ng building. Hindi ko alam pero nakangiti ako habang umiinom ng wine. Masaya 'kong makita ulit siya rito.
Makalipas ang sapat na minuto ay nakarating kaagad ako sa floor ko. Umayos ako ng tindig at lumakad na.
Naka abang sa akin si Marga. Si Vierre naman ay naka-upo sa couch at matamang nag aantay lamang din sa akin. Inilahad ko sa kanya ang basong walang laman at kaagad na nilapitan si Vierre.
"Good to see you again, Mr. Vierre. Follow me, mukhang importante ang sasabihin mo." Sabi ko. Nagpakuha rin ako ng breakfast kay Marga good for two para sa amin ni Vierre.
Nang makaalis si Marga ay saka pa lamang sumunod sa akin si Vierre sa loob. Iginaya ko siya at pinaupo sa one-seater couch sa harap ng table ko.
"Spill it..." untag ko nang parehas na kaming makaupo sa sarili naming upuan. Ang kanyang mukha ay walang emosyon at nakatingin lamang sa akin.
Tumikhim siya.
"Hindi ko na papatagalin pa, Victoria. Pumunta ako para ibalik lahat ng binili mo para sa amin. Dahil wala naman akong naalalang humingi ako ng tulong sa'yo..." Ani Vierre.
As expected ay iyon ang una niyang sasabihin sa akin.
Huminga ako nang malalim at matamis siyang nginitian.
"It's Madame Victoria. We're not that close for first name basis. Paano mo naman nasabi na galing sa akin 'yon? Ganoon ka ba ka-espesyal para bigyan kita ng gano'n?" Mapanuyang tanong ko. Nakita kong humigpit ang panga niya dahil doon.
Rinig ko ang pag-smirk niya dahil sa aking sinabi.
"Why I should call you Madame? Bakit amo ba kita?" Balik niya. Napaayos ako roon ng upo at nag init ang aking tainga sa inis.
"Saksi ang mga kapitbahay ko na si Lilit ang pumunta sa bahay namin kahapon habang wala ako. Alam mo bang tresspassing 'yon?" Dugtong niya pa. Salubong ang kanyang kilay at umuusok na rin ang kanyang ilong sa galit.
Nanatiling nakataas ang isang kilay ko.
"Papuntahin mo ang sinasabi mong kapitbahay rito at itatanong ko kung nababaliw na ba siya, at kung sinu-sino ang nakikita niya." Ani ko. Mahinhin lamang ang pananalita ko dahil ayaw ko siyang taasan ng boses.
Umiling iling naman siya dahil doon. Nasa pintuan na si Marga habang dala ang pagkain pero sinenyasan kong mamaya na lang.
Mas lalong humigpit ang panga niya.
"Tsk. Still ibabalik ko iyon. Huli ka na nga nagsisinungaling ka pa. Ganito ba ang pinuno ng isang kumpanya?" Mapanuyang sabi niya. I gave him a lop-sided grin.
"Ang taas kasi ng pangarap mo. Who do you think you are para pag-aksayahan kita ng pera kung wala naman akong mapapala ha?" I answered. Still ay umiling iling siya sa aking sinabi.
"The more you deny it the more it's obvious." Ani Vierre. "At sino ka rin ba para hingan ko ng tulong?" Dagdag niya pa.
Ako naman ako ang umiling. Napahawak ako sa aking sintido dahil sa frustration.
"Still ibabalik ko iyon sa'yo. And that's final."
"Paano kapag ayaw ko?" Taas ang isang kilay na tanong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Problema mo na 'yon. As I've said wala akong natatandaan na humingi ako sa iyo ng tulong."
Napangisi ako sa sinabi niya.
"Bayaran mo." Simple kong sagot. Mas lalong kumunot ang noo niya at nagsasalubong na ang kanyang kilay.
"What?" Galit ang boses niya. Nagkibit balikat ako roon upang mas lalo siyang inisin. Hindi pa ako nakuntento at inilabas ko ang polaroid at mabilisan siyang kinuhanan ng picture.
Galit na galit ang mukha niya sa akin. Mabilis kong ibinalik ang camera sa aking drawer dahil baka makuha niya.
Sumeryoso ako.
"Kung ibabalik mo 'yon, hindi ko tatanggapin. Tatanggapin ko lamang iyon kapag binayaran mo sa akin... ng cash." Sabi ko. Halos mawaklit ang kanyang ugat sa kamay sa pagkakakuyom niyon.
"Kaya ko 'yong bayaran!" Galit na sabi niya.
"Really?" I ask. Marahan siyang tumango, iyong hindi sigurado.
"Pero hindi pa nga ngayon..." alanganin na sagot niya. I raised my brow. Umiwas din siya ng tingin sa akin.
Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya kaya naman mas lalo kong in-emphasize ang gusto kong mangyari.
"No Mr. Yosingco. Gusto ko ngayon mismo!" Madiin na sabi ko. Nahulog ang balikat niya roon at agad na napailing. Kung ang paggipit ang tanging paraan sa lahat, sa kanya, gagawin ko.
Nawala ang galit sa kanyang mukha at napalitan iyon ng malungkot na emosyon kasabay nang marahan na pag-iling.
"Hindi ko pa kaya ngayon. Dahil wala pa akong pera." Mahina ang boses niya. Napasandal ako sa aking upuan at saglit na napapikit dahil doon. Ramdam ko sa kanyang boses ang pait.
Huminga ako nang malalim at tumikhim upang makuha ang kanyang atensyon. Nawala na rin ang ngiti sa labi ko dahil sa nararamdaman niya.
Umiwas ako sa kanya ng tingin dahil biglang hindi ko kinaya.
"I'll give you an offer." Anunsyo ko. Mula sa pagkakayuko ay bumalik sa akin ang kanyang tingin. Wala pa rin emosyon ang kanyang mga mata.
"How many times do I need to say na hindi ko kailangan ng tulong mo. Hindi kahit isang tulong galing sa'yo." Diin niyang saad.
Nagulat ako pero agad din namang nakabawi.
Umiling ako. Nasasabi niya lamang iyon dahil pinapangunahan siya ng pride niyang 'sing taas ng Eiffel tower. Sumandal ako sa swivel at pinaningkitan siya ng mata.
"Kailangan mong tanggapin ang offer ko, dahil kung hindi magigipit ka lang. Trust me when I say magigipit ka!" Galit na sabi ko.
Mula sa pagkakaupo ay agad siyang tumayo at tumingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang galit at parang kaunti na lamang ay sasabog na siya sa harap sa tindi ng kanyang galit na emosyon.
"You'll blackmail me or worse ay gigipitin mo ako hanggang sa mapapayag mo ako. Alam ko na ang ganyang lakaran ng mga katulad niyong mayayaman!"
Pinasinghap ko ang aking baga ng hangin upang madaluyan ang loob ko. Humugot pa ako nang isa pang malalim na hininga bago ngumiti sa kanya at tumango tango.
"Alam mo naman pala na iyon ang mangyayari. So better accept my offer. Magta-trabaho ka sa kumpanya ko para mabayaran ang lahat ng binigay ko sa inyo. Kung ayaw mo naman, babayaran mo ako ng pera triple ng lahat nang nagastos ko, ngayon mismo." Paliwanag ko. Hindi pa rin maalis ang pagkakakuyom ng kanyang palad.
"You're insane! Hindi mo—"
"Or kung wala kang pipiliin sa dalawang 'yan. Ngayon pa lang simulan mo nang magdasal sa lahat ng santo na hindi na muling mag-krus ang mga landas natin, dahil kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong kahit pisong candy hindi mo mabibili." Galit na sabi ko.
Malakas niyang hinampas ang table ko at nakagawa iyon ng ingay. Mabuti na lamang at sounds proof ang office ko, walang makakarinig. Titig na titig ang galit niyang mata.
"If that is the case, magdadasal na lang ako." Sabi niya.
Napangisi ako at bahagya pang natawa sa kanyang sinagot. Ang matalim niyang tingin ay nasa akin lamang.
"Then go, simulan mo na. Tingnan lang natin kung kayanin mo." Utas ko.