Kabanata 1
Gipitan
Mabilis na lumipas ang dalawang araw at walang Vierre ang lumilitaw sa harapan ng opisina ko para tanggapin ang offer na pinagpipilitan ko. Hindi rin siya nakikita ng mga body guards ko na nagagawi rito kaya naman alam kong umiiwas siya.
"Alright Ms. Lander, thank you." Ibinaba ko ang tawag pagkatapos ng usapan na iyon. Sumandal ako sa aking upuan at napahilamos sa aking mukha.
I called Ms. Lander to ask kung pumapasok ang dalawang bata at kung nakikita niya si Vierre roon. Pero hindi raw, dalawang araw na. Ipinagpaalam daw sa Principal ni Vierre ang dalawang bata para lumiban ng isang linggo. At hindi pinaalam ang dahilan.
Napahawak ako sa aking sintido.
"Madame, naka handa na po ang sasakyan niyo sa baba." Si Margarita. Tumango lamang ako at agad din namang tumayo upang makababa na. Inayos ko ang aking gamit at sumunod na sa kanya.
"Anong oras ang meeting ko mamaya?" Tanong ko nang nasa elevator na kami. Kinuha niya ang kanyang planner at pinagtuunan iyon ng tingin.
"Ala una pa naman..." sagot niya. I nodded. Nang makalapag kami sa lobby ay kinuha ko ang susi ng Audi kay Lilit at nagpaalam na ako sa kanila.
Bitbit ang aking bag at salamin ay in-escort ako ng ilang body guards hanggang makapunta ako sa nakaparadang sasakyan. Agad akong nagpasalamat sa kanila at kalaunan ay nagmaneho na.
Habang ang nasa byahe ay hindi ko makalimutan ang sinabi ni Vierre na magdadasal na lamang siya upang hindi na magkrus ang landas namin, kaysa ang tanggapin ang offer ko. Kaya naman hindi ko rin maiwasan na hindi matawa.
He's making things complicated for him.
Nang makaparada ang sasakyan ko sa tapat ng bahay, makalipas ang bente minutos na byahe ay agad akong bumaba. Malakas ang hangin at mataas ang araw kaya naman sakto ang suot kong headscarf at salamin.
Isang palapag na bahay lamang iyon. Simple at kulay asul ang pintura sa labas. May maliit na gate na kita ang bakuran ng bahay. Ang pinto sa pinaka-entrance ay gawa sa kahoy at may nakapaskil na disenyo na 'godbless our home'. Pinindot ko ang bakal sa gate.
Imbes na doorbell ay isang bakal lamang iyon na hahawakan at papatunugin. Isang bata ang lumabas sa entrance ng bahay habang naka-pajama na pula. Ibinaba ko ang salamin ko.
"Hi, ikaw siguro si Lucas?" Kaagad na tanong ko. Noong una ay hesitant pa siyang lumapit pero nang marinig niyang kilala ko siya ay lumapit din naman siya, isang yarda sa gate.
Tumango tango siya. Ang kanyang matabang pisngi ang unang mapapansin dahil namumula iyon sa init. Magulo rin ang kanyang buhok na para bang bagong gising.
"Sino ka?" Walang galang na tanong niya. Imbes na mainis ay natawa pa ako sa paraan ng pagkakatanong niya. Nang hindi kaagad ako makasagot ay sinamaan niya ako ng tingin.
Tumikhim ako.
"I'm Victoria. Boss ako ng tito Vierre mo." Sagot ko. Mula sa matalim niyang titig ay napalitan iyon ng pagkunot ng noo. Imbes na hintayin pa ang sagot niya ay pumasok na ako.
Nakita ko ang pag-atras niya.
"Wala namang trabaho ang tito ko, kaya bakit naging boss ka niya?" Tanong niya. Itinuro ko ang b****a ng sala nila. Nakuha naman niya agad iyon at iginaya ako papasok sa loob.
Sa loob ay simple ang laman. Isang sofa katapat ay ang T.V mga libro sa isang malaking shelf at paglakad ng kaunti ay nasa unang kuwarto ka na. Katabi ang maliit na kitchen at lamesa na may limang upuan.
"Hindi pa, pero malapit na. Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko. Nakaupo siya sa sofa habang nakatingin lamang sa mga galaw ko. Ako naman ay nanatiling nakatayo at pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.
Nahimigan ko ang pag-angil niya.
"E ikaw bakit ka nandito?" Balik na tanong niya sa akin. Hindi ko alam na ganito pala mag-alaga si Vierre hindi yata tinuturo ang salitang po at opo. Tumaas ang sulok ng aking labi.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm looking for your tito. Dahil may utang pa siyang kailangan niyang bayaran sa akin." Sabi ko. Ang kaninang matapang niyang mukha ay napalitan ng pagka amo.
"Wala kaming pera e..." malungkot ang kanyang boses. Napayuko siya pagkasabi noon at halos hindi ako magawang tingnan.
Lumapit ako sa gawi niya.
"Kaya nga kailangan pumayag ng tito mo na magtrabaho sa akin, dahil kapag hindi siya pumayag, pupulutin kayo sa pansitan. Gusto mo 'yon?" Taas ang kilay na tanong ko. Ang kaninang walang galang na bati niya ay hindi na lumabas pa.
Mabilis siyang umiling.
"Pero po walang magbabantay sa amin kapag nagkataon." Sagot niya. Hinawakan ko ang kanyang madulas na magulong buhok at ginulo pa lalo iyon.
"I can give you a Nanny... " untag ko. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya kong ibigay lahat ng gugustuhin niya kapalit ng pagta trabaho ni tito niya, pero hindi niya iyon maiintindihan pa.
Nang dumating ako rito ay ngayon niya pa lamang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Nanatili ang mata niya sa akin pero kaagad din namang umiwas. Naglahad ako ng papel sa harap niya.
"Para saan 'to?" Takang tanong niya.
"Ibigay mo 'yan sa tito mo. Pakisabi na maghihintay ako." Iyon lamang ang sinabi ko at kaagad na akong lumabas. Wala rin naman akong gagawin pa roon.
Nang makalabas ay ibinaba ko ang suot kong salamin at inayos ang pagkakabit ng aking headscarf at dali dali akong naglakad papasok sa aking sasakyan. Kinawayan ko lamang ang batang si Lucas na nakatayo sa gate nila bago ko pinaandar ang sasakyan ko.
I never expect Vierre and his sister will end up living a life like that. Sa pagkakatanda ko ang kapatid niya ay isang fashion designer. At si Vierre ay graduate ng kursong marketing.
If only I know.
"Hello, Madame." Si Kuya Mavi sa entrance. Ibinigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko para siya na ang mag-park noon sa basement.
Tuloy tuloy lamang ang lakad ko papunta sa lobby. Agad na tumayo si Marga sa pagkakaupo niya sa couch sa waiting area nang kaagad niya akong nakita. Sinalubong niya ako.
"Pakihanda ang meeting room. Call all the board of directors and the financial manager, paki announce na na-adjust ang oras ng meeting, at ngayon na mismo 'yon." Utos ko. Tumango siya sa akin at naglihis na kami ng daan. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor ko.
I decided na i-adjust ang magiging meeting ng ala una sa ngayong oras. Wala naman na akong gagawin kaya mas magandang iyon ang pagtuunan ng pansin. Plus mas importante ang gaganapin meeting na iyon.
Habang nagaayos ako ay tumunog ang telepono na nakalagay sa table ko. Kinuha ko iyon at sinagot. Si Margarita ang tumatawag.
"Why?" I asked.
"Okay na po ang lahat, Madame. Nandito na po silang lahat. Complete and all set." Sabi niya. Tinapos ko pa muna ang paglalagay ko ng lipstick bago sumagot.
"Okay. I'll be there within ten minutes." Iyon lamang ang sinabi ko at kaagad nang pinatay iyon.
Inayos ko rin ang pagkakalagay ng headscarf sa ulo ko. Pagkatapos noon ay bumaba na ako. Si Lilit at ilang mga empleyado'ng hindi ko alam ang pangalan ang nakahilera sa gilid ng glass door sa meeting room. Lahat sila ay nakayuko.
"Lilit maghanda ka ng tea and biscuits. Wine naman sa akin at ilang piraso ng fresh strawberries." Paalala ko. Tumango siya sa akin at kaagad na umalis doon. Ako naman ay tumuloy na sa loob.
Pagkapasok ko ay nakatayo na ang lahat ng panauhin na naroon. Nilagpasan ko lamang sila at naupo na sa gitna katabi si Marga. Nakatayo na rin sa harap si Mr. Nikolo Cervantes ang head ng financial team.
"Turn off the lights and let's start." As if on cue, lahat ng mga mata namin ay napunta kay Nikolo na siyang magpe-present sa amin. Umayos ako ng upo at matamang nakatingin lamang sa kanya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Good morning ladies and gentlemen. As what you can see, still on the number one spot ang ating company. Magandang panimula to build a new plantation for our coffee..." panimula niya. Tumango tango lamang ako.
"Kung ang gagastuhin natin from the machines into product ay fifty seven thousand dollars, ang average na sakto at puliding magiging income ng kumpanya ay nasa five million pesos..." si Nikolo.
Tumikhim ako.
"It's five million, seven hundred twenty three thousand to be exact. And kung fifty seven dollars ang magagastos, to convert it's two million eight hundred sixty one, point five. Now where did you get that numbers, huh?" Tanong ko. Mali mali ang calculations ang nakapaskil sa kanyang powerpoint.
"Yeah you're right Madame. M-Mukhang nagkamali lang kami ng calculations, nawawala kasi ang calculator ko." Palusot niya. Umirap ako sa kawalan at napatungga sa basong may wine.
"Whatever. Tuloy ang pagpapatayo ng plantasyon. May iba pa ba kayong itatanong or concerns? Puwede niyong igisa si Nikolo if you want." Sabi ko.
"M-Madame..." nauutal na tawag ni Nikolo sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay doon. Umiling ang lahat doon kaya naman tumayo na ako.
"Alright, meeting adjourned!" I declared. Narinig ko roon ang pagsinghap ni Nikolo marahil ay dahil nakaligtas siya. Bago pa man ako ang unang lumabas ay kinuha ko ulit ang atensyon nila.
"By the way, if Mr. Santos can't attend his job here in my company, pakisabi hindi ko na siya kailangan. One of these days or maybe next week may ipapalit na ako bilang bagong marketing head." Anunsyo ko. Kanya kanyang singhapan naman ang namuo sa loob.
Nang makalabas ay nakasunod lamang si Margarita sa akin hanggang makapasok kami sa elevator. Tahimik lamang namin na binabagtas ang elevator ng magsalita siya.
"You're very talented Madame." Sabi niya. Nakunot ang noo ko roon pero kaagad din namang nawala.
Natawa ako nang bahagya.
"Because I'm a Villagracia. A family of wealth, power and even intelligence same as class." Tumango tango siya. I just tap her shoulder nang makatapak na ako sa opisina ko. Pasaldak kong inupo ang sarili ko sa swivel at uminom ng wine.
Naging maayos ang sumunod na araw sa kumpanya, pero hindi para sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero wala pa ring Vierre ang sumusugod sa kumpanya ko at nagwawala para makausap ako, wala kahit anino.
Pinabantayan ko na rin sila sa mga body guards ko twenty four seven, pero kahit ilang porsyento hindi niya naisipan na puntahan ako. Alam ko ang lahat ng galaw nila, bihira rin daw sila kung lumabas ng bahay.
Kaya isang araw hindi na ako nakapag-pigil pa. Umandar na naman ang pagka-mainipin ko. Binili ko ang lupa ng kinatitirikan ng kanilang bahay. Parehas sa bahay na inuupahan ng kapatid niya.
Dahil doon ay dali dali siyang pumunta sa kumpanya ko, habang may kasalukuyan akong meeting. Pinalagpas ko muna ang meeting na 'yon para sa kanya, dahil alam kong mas importante iyon.
"Wala ka talagang puso!" Gigil na gigil ang boses niya habang nasa office kaming dalawa. I just stared at him at pinakinggan ang lahat ng rants niya tungkol sa akin.
Tumaas ang gilid ng labi ko.
"Akala ko ba ipagdadasal mo na hindi na magkita ang landas natin, pero heto ka, nasa harap ko. Bakit ngayon parang daga na ang lumalapit sa pusa?" Halos mapunit ang balat sa kamay niya sa higpit nang pagkakakuyom noon. At kahit moreno siya ay halata ang namumula niyang mukha.
"Sobra ka na Victoria. Sobrang sobra ka na!" He continued ranting. Nanatili lamang ang atensyon ko sa kanya and somehow ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
I swallowed the hard lump in my throat.
"Kung sobra sobra na ako, ikaw naman walang wala na, Vierre! Said na said ka na. Pero mas pinaiiral mo 'yang pride mo! Bakit mapapakain ka ba niyan? Mapag-aaral mo ba ang mga bata?" Galit na utas ko. Halos malagot ang ugat sa leeg ko dahil doon.
I don't need his rants, I just need him to realize na hindi lahat ng bagay nadadaan sa pride. Wala ka na ngang makain, pero pride pa rin ang pinapairal. Why? does your pride make you rich? No.
"Dahil iyon na lang ang natitira sa akin. Tanging pride na lang, Victoria! Kapag nawala pa 'yon, hindi ko na alam kung saan pa kami pupulutin..." mahina ang boses niya. I blink and blink trying to understand what he didn't understand.
"Puwes ibaba mo 'yan. Kapag ginawa mo 'yon, walang pag-aalinlangan na tutulungan kita. Kahit ano, name it!" Sagot ko. Muling lumipad sa akin ang masama niyang tingin.
Umiling siya.
"No. I didn't ask you to help me. I didn't ask God to be near with you again, Never ever I asked."
Hindi ko alam pero nawalan ng lakas ang utak ko para makapaglabas ng salita. Para iyong isang punyal na gawa sa kawayan at maraming salubsob, na unti unting sinasaksak sa akin at wala akong nagawa para patigilin iyon.
Humugot ako nang isang malalim na hangin at matamis siyang nginitian.
"Well that's not my problem anymore. I'm just trying to help, and I don't have any idea kung bakit ayaw mo 'yong tanggapin. Isa lang naman ang kapalit no'n, Vierre. Isa lang!" Madiin ang boses na sabi ko.
Hindi ko na pinaringgan pa ang sasabihin niya at kaagad kong tinuro ang pintuan palabas sa office ko. Nakuha naman niya iyon at kalaunan ay mabilis na nilayasan ang opisina ko.
Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa frustration. Kung wala akong puso, katulad ng sinabi niya, hindi ko ibibigay ang lahat ng pangangailangan nila.
Hindi ako magiging masigasig para makuha muli ang tiwala niya!
Sa mga sumunod na araw ay naging ganoon pa rin ang tagpo. Maganda ang pasok ng pera sa kumpanya at sinisimulan na rin ang bagong plantasyon para sa kape at may inilabas na rin na bagong flavor ang alak namin.
Still ay wala pa ring Vierre ang lumilitaw sa harap ng building ko. Mukhang mas iindahin niya ang lahat ng panggigipit na ginagawa ko, basta lang ay 'wag niyang tanggapin ang offer na pinagpipilitan ko.
"Madame, ready na po ba kayo? Nag aantay na po ang press sa labas." Si Marga. Isang TV station ang nag-offer sa amin ng interview for our new release of wine, na hindi ko naman tinanggihan.
Tumango ako.
"Yeah. Let's go." I said. Kaagad na kaming lumabas para sa interview. Sa harap lamang 'yon ng building namin at konting tanong lang ang ibibigay nila kaya hindi gaanong kakain sa oras.
Pagkalabas sa main entrance ay ang flash kaagad ng camera ang bumungad sa akin. Mabuti na lamang at palubog na ang araw kaya hindi na ganoon kainit. Isang reporter lang naman iyon, pero hindi ko inaasahan ang maraming tao na nakatingin sa amin.
Ngumiti ako roon sa reporter.
"Good afternoon or evening..." panimula noong reporter. Kaagad niyang sinimulan ang pagtanong sa akin at lahat iyon ay tungkol sa kumpanya at sa bagong nilabas na wine.
Minsan ang iba ay tinatanguan ko lang kapag tungkol iyon sa personal na buhay. Mas dumami ang nanunuod sa amin kaya naman nagpalabas na si Marga ng iba pang security.
"Last question, every millenial people say that you look like Audrey Hepburn because of your popular headscarf and sunglasses, did Audrey Hepburn affects you with your fashion style?" She asked.
Umiling ako.
"Not really, although my Mom was a fan of Audrey Hepburn back then. She's a legend for me in the fashion industry and I don't think we're similar." Sagot ko. Tumango tango iyong reporter. Makalipas ang ilang oras ay natapos kaagad iyon.
Nagpa-picture pa muna siya bago sila umalis. Nawala na rin ang tao sa paligid dahil tapos na rin naman ang interview. Tumuloy lamang ako sa opisina ko pagkatapos noon at bumalik sa trabaho.
Napahinto ako saglit dahil naalala ko nang banggitin ko ang Mom ko. Lumipad ang tingin ko sa larawan niya sa may table ko. My Mom was a fashion designer before, she met my Dad in an auction in Paris.
Alam ko ay hindi dapat sila ang magkakatuluyan dahil ang totong gusto pala ng Dad ko ay ang kaibigan ng Mommy ko, na kasama niya rin sa Paris noon. But then suddenly everything turns upside down, my Mom's bestfriend died because of an accident.
Nagkamabutihan sila ng Daddy ko kaya naman ang ending naging sila. They got married at nabuo ako. And now I'm here, but my Mom was not here anymore. She died because of Leukemia at naiwan kaming dalawa ni Dad.
Hanggang sa naiwan ulit ako. My father flew to Paris after my Mom's funeral. Ako ang naiwan para sa Company, pero tinutulungan pa rin naman ako ni Dad kahit nandoon siya. I also don't have siblings.
Kaya sarili ko lamang ang kasama ko. Noong panahon na namatay at umalis ang Dad ko ay iyon din ang panahon na tinanggihan ko si Vierre. That's the time I need to choose between my love for him or my career and yet I chose career over love.
"Madame may phone call po sa inyo." Napabalik ako sa wisyo nang lumitaw si Marga sa office ko. Nagulat din siya nang nagulat ako, kaya naman nairapan ko siya roon.
"Sino?" Tanong ko.
"Daddy niyo po." Sagot niya. Kukuhanin ko na sana ang phone nang biglang nawala ang power sa buong building kaya naman kaagad akong napatayo.
Bumilis ang t***k ng puso ko at nanginig ang kamay ko dahil sa black out na nangyari. Sumabay rin ang malakas na ulan at kulog na may matalim na kidlat. Halos habulin ko ang paghininga ko dahil hindi pa rin bumabalik ang power.
"Hinga lang Madame. Okay, I'll call Lilit para alamin ang nangyari." Natatarantang sabi ni Margarita. I tried to breath in and out at kahit papano ay nakatulong naman iyon.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay bumalik na ang main power sa buong building, at doon pa lamang umayos ang paghinga ko. Hindi ko na rin tinanggap pa ang tawag mula kay Dad.
Nagkaroon lamang daw ng kaunting problema sa fuse.
"Sumilip po kayo sa bintana, Madame." Isang body guard ang pumasok sa office ko na hingal na hingal, para sabihin iyon. Kahit naguluhan ay tiningan ko kung ano ang nasa labas.
Malakas ang ulan pero kitang kita ko kahit na mataas ako mula sa ground, si Vierre na basang basa sa ulan at nasa ilalim ng ilaw ng lamp post. Nakatingin siya sa akin kahit na hindi niya naman ako kita dahil tinted ang salamin.
Nablangko ang utak ko, kasabay ng aking emosyon. I swallowed the hard lump in my throat.
"Ano po ang gagawin natin sa kanya Madame?" Tanong noong body guard. Hindi ko alam pero mas pinili ko ang umiling bilang sagot. Nanatili lamang akong nakatingin kay Vierre.
"Wala. Hayaan niyo lang siya." Mahina ang boses na sabi ko. Namumuo ang luha sa mata ko sa hindi ko malaman na dahilan.
Am I really that heartless? Na kahit ang bigyan siya ng payong ay hindi ko magawa? O kahit pasilungin man lang?
Pero hindi ba't ayaw niya ang tulong ko? Siya na mismo ang nagsabi na hindi niya natatandaan na hiningi niya ang tulong ko. Puwes hindi ko ibibigay sa kanya iyon ngayon.
Kung kinakailangan kong magbulag bulagan at magkunwari na hindi ko siya kilala ay gagawin ko.
"Pero Madame..." hirit ni Marga.
Umiling lamang ako.
"Ano bang ginagawa niya diyan?" Tanong ko sa body guard pero ang tingin ay na kay Vierre pa rin na basang basa na dahil sa malakas na ulan.
Tumikhim iyong body guard.
"Gusto raw 'ho kayong maka-usap." Magalang na sagot niya. Mas lalo lamang akong naguluhan kay Vierre. Kahit ang totoo ay gusto ko siyang lapitan, payungan at sabihin na tutulungan ko siya.
But I just can't. I feel bad for myself na hindi ko magawa 'yon.
Muli ay umiling ako.
"Paalisin niyo na siya." Walang second thought na utos ko. Kaagad namang umalis iyong body guard pati si Marga. Ibinaba ko ang kurtina sa bintana at hindi ko na pinanuod pa si Vierre.
Iyon ang gusto ko. Iyon ang gusto mo Victoria!
Huminga ako nang malalim. Lumalalim na ang gabi at hindi pa rin matapos ang malakas na ulan. Kinabukasan isang Nurse ang tumawag sa kompanya ko. Ang tawag ay para kay Vierre. Na-ospital si Luke at kailangan salinan ng dugo dahil may dengue.
"Gipitin niyo..." sabi ko lamang. Si Marga na nakatayo sa harap ng table ko ay napasinghap dahil sa aking sinabi. Hindi ko na lamang iyon pinansin pa.
I know why Vierre suddenly showed up to my building yesterday. Sa tingin ko ay gusto na niyang tanggapin ang offer ko, or worse ay pagsalitaan niya ako nang masasama tungkol sa aking ginagawa.
Napahawak ako sa aking sintido.
"Madame..." tawag ni Marga sa akin pagkababa ng tawag galing sa ospital. Bored ko lamang siyang tiningnan.
Tumikhim siya.
"Hindi po ba't parang sobra na ang panggigipit niyo kay Vierre?" Nag-aalala ang boses na tanong niya. The side of my lips rose.
"Iyon lamang ang tamang paraan Margarita. If only Vierre is smart enough to understand my offer, he'll never experienced hell." Sagot ko. Isa lang naman ang kapalit noon. Ang mag-trabaho lamang sa kumpanya ko; at ibibigay ko sa kanya ang lahat ng naisin niya.
Nakita ko ang pag-iling niya.
"Akala ko po ba ay tutulungan niyo siya?" Tanong niya pa. Tumango ako.
"Tama. Kung tutulungan ko siya ng walang kapalit, lugi ako. Ako na nga ang nagbibigay, ako pa ang walang mapapala. Isa lang ang kapalit noon Marga. Isa lang." Sagot ko.
Hindi naman na siya sumagot pa at kaagad akong nilayasan sa opisina. Marami akong kailangan tapusin ngayon pero hindi sumasang ayon ang katawan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad akong bumaba sa lobby.
"Pakihanda ang sasakyan ko." Utos ko kay Kuya Mavi na agad din namang kumilos. Si Lilit naman at Margarita ay nakatingin lamang sa akin.
"Saan po kayo pupunta?" Tanong ni Lilit.
"Hospital." Simple kong sagot. Inaantay ko lamang ang sasakyan ko na makaparada sa entrance at nang makaalis na. Kaunting minuto lamang iyon at naroon na sa harap ang Audi.
Kaagad akong pumasok. Malapit lang naman ang ospital kung nasaan sina Vierre at Luke at ilang minuto lamang ang bubunuin ko para makarating doon.
Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko nang makalapit na ako sa entrance ng ospital, naka-upo si Vierre sa may upuan sa labas habang kandong si Luke na sa palagay ko ay walang malay.
Alam ko na kahit hindi umiiyak si Vierre ay naghaharumentado pa rin ang puso niya sa galit sa akin at awa para kay Luke. Dahil doon parang pina-mukha sa akin, na ako na ang pinaka masamang tao sa mundo.
Kaagad akong lumabas sa sasakyan. Imbes na puntahan sila ay naglakad lamang ako papasok at hindi sila pinansin. Ramdam ko ang tingin ni Vierre at hindi ko iyon magawang suklian.
"Pakibigyan ako ng private room for Mr. Yosingco's nephew. Here's my card, diyan niyo ibawas lahat ng gagastusin sa ospital ni Luke. From foods to medicines." Utos ko sa Nurse na nakausap ko kanina.
Tumango siya sa akin at kaagad na in-assist si Vierre at Luke. Tumawag din ako kay Marga para magpabili ng bagong mga damit at prutas, dahil alam kong hindi naman makakauwi si Vierre sa bahay.
Pinauwi ko rin ang ate ni Vierre at sinabi kong ako ang magbabayad sa mga araw na hindi niya ipapasok, basta ay umuwi lamang siya para kay Luke maging kay Lucas.
Habang nag-aantay sa hallway ng Hospital ay hindi ko maiwasan ang hindi matawa. Gusto kong gipitin si Vierre para mapapayag siya na mag-trabaho sa kumpanya ko, pero kapag naman nagigipit siya, kaagad ko siyang tinutulungan at nakakalimutan ko na may kapalit dapat lahat ng 'yon.
Para bang niloloko ko na lamang ang sarili ko.
Kahit lugi na ako. Kahit na gusto ko talaga ay nahihirapan siya. Binibigay ko sa kanya ang lahat ng kailangan nila, kahit wala akong nakukuhang kapalit. Iyon bang tipong kahit maubos ako...
"Okay na po ang lahat Madame Victoria. Here's your card." Kaagad na inabot nung Nurse ang card ko at nagpasalamat. Tumango lamang ako at tumayo na.
Bago umalis ay dumaan muna ako sa room ni Luke. Naasikaso na siya at mag-aantay na lang ng ilang araw para maging stable ang lagay niya. Hindi na ako nagtagal pa doon at tumalikod na upang makauwi.
Isang kamay ang humawak sa braso ko, para pigilan ako sa paglalakad. Kahit hindi ko iyon tingalain ay alam kong si Vierre iyon. Kasing lamig ng yelo ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Why?" I ask still not looking at him.
Parehas kaming naka-side view sa isa't isa at hindi nagtitinginan. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak.
"S-Salamat..." hirap ang boses na sabi niya. The side of my lips rose.
Ngumisi ako.
"Sa tingin mo ba, libre ko lamang na binibigay ang lahat ng 'yon?" I ask again.
Nahimigian ko ang malalim niyang paghinga.
"Victoria please," ramdam ko ang mainit na hininga niya. Maging ang boses niya na puno ng pagmamakaawa.
I got stunned. I swallowed hard.
And now I know why people are heartless sometimes. Because they once cared too much for other people, who didn't care them back.
Peke akong tumawa nang mahina.
"Alam ko matalino ka... kaya nagtataka ako kung bakit hindi mo maintindihan ang hinihingi kong kapalit." Gusto ko man na pakalmahin ang boses ko ay hindi ko magawa.
Hinarap niya ako. Pero ako ay nanatili lamang ang tingin sa hallway ng ospital.
"I can't Victoria. Ayoko na ulit mapalapit pa sa'yo." Halos matanggal ang bagang ko sa pagkaka-igting noon, ganoon din ang aking kamao.
Pinasinghap ko ng hangin ang aking baga upang madaluyan ang aking nanunuyong kalamnan.
"Ginigipit na nga kita, pero ano? Sa huli ako pa rin ang tumutulong sa inyo. Nandito pa rin ako para sa inyo. Bakit Vierre, hindi pa ba sapat lahat ng 'yon para pumayag ka?" Naniningkit ang aking mata habang nakatingin sa kanya. Nagsisi akong binaba ko ang suot kong salamin at natira lamang ang headscarf.
Hindi siya sumagot sa akin.
"Sabihin mo, ilang gipitan pa ang kailangan kong gawin sa inyo, para pumayag ka? Ilan pa Vierre?" Madiin ang boses ko. Gusto ko siyang sigawan pero may ilang mga tao sa hallway.
Iling lamang ang sagot niya.
"Sabihin mo! Kapag nasabi mo sa akin, gagawin ko ang lahat para magipit ka...
Nang sa ganon ay wala ka ng makapitan pa, bukod sa akin."