Kabanata 3
Visit
Matapos ang tagpong iyon sa Ospital ay kaagad ko siyang nilayasan doon. Galit at inis ang nararamdaman ko habang nagmamaneho pabalik sa kumpanya. Halos magmura ako nang abutan pa ako ng trapik sa daan.
I just don't understand why Vierre can't accept my offer. Isa lang 'yon, ang magtrabaho sa kumpanya ko. I gave them all they need, kahit hindi naman nila sinabi. I was always there behind them, catching all the responsibilities.
Yet ayaw niya pa rin tanggapin ang offer ko. Tanging iyon lang ang kapalit sa lahat ng tulong ko. Maybe because he doesn't know the purpose why I am doing all of this!
Kaya gusto ko siyang suntukin at murahin at sabihin sa kanya na para rin sa kanila, sa kanya ang offer ko!
Gusto ko bumawi sa kanya. Sa lahat ng naitulong niya at ng pamilya nila sa amin noon. That's it.
"Madame gusto ko sanang magpa—"
"Marga please, 'wag muna ngayon. Kung ano man niyan, please 'wag ngayon." I bursted out. Napatingin ang lahat ng empleyado sa akin pero hindi ko na lamang iyon pinansin.
Tumango si Marga.
"I'm sorry for my insensitivity Madame." Napahilamos ako sa aking mukha kasabay ang malalim na hininga. Tango lang ang nai-gawad ko sa kanya.
Napailing iling na lamang akong naglakad at nilagpasan silang lahat. Mag-isa lamang ako sa elevator at halos lunurin ko ang aking tiyan dahil sa wine na naroon. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat sa lahat ng nangyayari.
"Kaya ko na 'to. Just leave me alone." Utos ko. Nangibabaw ang malakas kong boses sa loob ng aking opisina. Kaagad namang umalis iyong Nurse na nag-aasikaso sa akin.
Napairap ako sa kawalan. I got an accident two days ago. Napilay ang kaliwang braso ko dahil nadulas ako sa banyo at iyon ang nai-tukod ko. Kaya naman may sling ang kaliwa kong braso ngayon.
"Madame..." nagaalala na tawag ni Marga sa akin. Imbes na tingnan siya ay kumuha lamang ako ng gamot sa kirot at agad iyong ininom.
Lumapit siya sa akin.
"Madame, nagrereklamo na 'yong Nurse sa inyo." Sumbong niya. Napapikit ako nang mariin at napabuntonghininga. Nakatingin lamang siya sa akin habang ako ay nakatingin lamang sa malayo.
Muli siyang tumikhim.
"Pang-lima niyo na po 'yon. At lahat sila gusto nang umalis." Dugtong niya. Nilipad ko sa kanya ang aking tingin mula sa nagtataasang building sa malayo. Kita ko ang pagalala roon.
Umakyat ang inis sa aking mukha dahil sa sinabi niya. It's not my fault kung ayaw kong magpatulong sa Nurse na katulad nila.
"Go ahead. Paalisin mo. Bigay kayo ng bigay sa akin ng ganyan, na hindi ko naman hiningi. I don't need their help. I don't need anyone's help. Kaya ko ang sarili ko, Marga." Madiin na sabi ko habang naniningkit ang mga mata.
Tumango tango lang siya sa akin at kaagad nang nagpaalam. Tango lamang din ang nai-gawad ko. Huminga ako nang malalim at pabarag na sumandal sa aking upuan habang nakahawak sa aking sintido.
Halos hindi ako makapag-pokus sa trabaho nang dumating ang kinabukasan. Abala rin ang ilan sa mga tauhan ko para sa kanilang mga trabaho. Maging ang naka-schedule na pagdalaw ko sa ginagawang plantasyon ay naudlot din.
"Good morning Madame." Si Marga na nagbukas ng pintuan ng Audi'ng lulan ako. May arm sling pa rin kasi ako sa kamay at ayaw ko munang gumalaw galaw na.
Tumango lamang ako at naglakad na ako papasok sa loob. Ang mga hile hilerang body guard ay nakayuko lamang din sa akin. Nilagpasan ko sila.
Yumuko si Lilit nang magkaharap kaming dalawa pagkapasok, I just raised my hand. I am about to pass her nang harangin niya ang daan papunta sa Elevator. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman nakunot ang noo ko.
Balak pa yata akong patayin sa nerbyos!
"What?" I raised my brow. Ilang hakbang na lamang kami papunta sa Elevator kaya naman lahat ng nasa likod ko ay napahinto rin kagaya ko. Tumikhim pa muna siya bago nagsalita.
"May nag-aantay po sa office niyo." Nakangiting sabi niya. Mas lalo tuloy na umarko ang kilay ko, pero kaagad din namang bumaba.
"Who?" I ask.
Umiling siya.
"Mas maganda po kung kayo mismo ang makakita." Sagot niya. I rolled my eyes. Huminga ako nang malalim at tumango. I just tapped her shoulder before I passed her.
Tumuloy na kami sa Elevator. Kaagad nawala ang mga marshals na body guard at naiwan kaming dalawa ni Marga sa loob. She handed me a glass of red wine.
Tinanggap ko iyon at sumimsim.
"Marga..." I called. Mula sa makintab na haligi ng Elevator na puwede ka ng manalamin ay nakita ko ang pagtingin siya sa akin.
Hindi ko siya tiningnan.
"Kung itatanong niyo po 'yong schedule niyo, wala pong appointments and meetings." Sagot niya.
Umiling ako sa sagot niya. Ang mata niya ay nanatili sa akin. Ang susunod kong sasabihin ay para bang candy na bumara sa lalamunan ko. Hirap akong sabihin ang gusto kong sabihin.
"About yesterday..." paninimula ko. Hinahanap ang tamang salita at tiyempo bago magdugtong.
Narinig ko ang mahina niyang tawa na para bang nanunukso. I rolled my eyes on her. Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay nagka-hint na siya.
The side of my lips rose.
"Wala po 'yon, Madame. I'm not on your shoes that's why I don't know what you're feeling." Sagot niya. Ang kanyang boses ay kalmado. Huminga ako nang malalim at sandali siyang tinapunan ng tingin.
Muli ay umiling ako.
"No. I'm not saying sorry for you, or for what happened. Ang sasabihin ko ay next time, don't call Nurses. Okay?" Natatawa kong sagot. Humugis bilog ang kanyang bibig dahil doon.
"Oh, I'm sorry Madame." Sabi niya kasabay nang marahan na pagtango. Tango rin ang ganti ko. Nang makaapak kami sa office floor ko ay kaagad kong binalik ang baso na wala ng laman.
Kaagad kaming naghiwalay ng daan. Bago pa man ako makapasok sa loob ng office ko ay lumingon muna ako sa kanya. Agad na nahagip ng mata niya ang tingin ko.
She smiled shyly.
"But thank you, your concern is higly appreciated." Sabi ko sa malumanay na boses. Imbes na hintayin pa ang sasabihin niya ay kaagad na akong pumasok sa loob ng office ko at sinara iyon.
Mula sa pintuan ko ay kita ko ang isang lalaki na nakaupo sa may couch sa harap ng table ko, at umiinom ng wine. Napairap ako sa kawalan.
"What brought you here?" I ask. Umupo ako sa swivel nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Lumipad lamang ang tingin ko sa kanya nang tumawa siya. Pinatili kong naka-arko ang aking kilay.
He's wearing an all black suit. From his black turtle neck shirt to his shining leather black shoes. Ang buhok niya ay magulo na para bang sinadya, pero malakas pa rin ang dating. Ang kanyang labi ay mapula at para bang ilang beses tinapalan ng lip balm.
Ngumiti siya sa akin.
"Good morning Victoria. Hindi ko alam ganyan ka pala bumati sa bisita mo." Sabi niya. Ang mga ngiti niya ay nakakaloko at nakakainis tingnan.
Umiling ako.
"No, I'm not like that. Nagiging ganito lang talaga ako, kapag hindi ko gusto ang kaharap ko." Pagsasabi ko ng totoo. Imbes na mainis siya ay mas lalo pa siyang natawa na para bang isang malaking joke ako sa kanya.
Ibinaba niya ang hawak na baso at umiling iling sa akin. Tinitingnan ko lamang ang bawat galaw niya. Ang kanyang kaliwang kamay ay nakatukod sa couch at ang daliri sa kanyang labi.
Ang tingin niya ay bumaba sa arm sling ko sa kamay.
"I came here after I learned that you had your accident." Kunot ang noo niya at mahahalata talaga ang concern sa kanyang boses. I gave him bored look.
"Really?" Tumango siya, still concern. Nagawa niya pang hawakan ang benda ko sa kamay. "Kuwento mo sa lolo mo." Dugtong ko pa.
Tinaggal ko ang kamay niya roon. Tumalim ang tingin niya sa akin at hindi nagustuhan ang ginawa ko. Nilabanan ko ang kanyang mga tingin. Nakita ko ang malalim niyang paghinga.
"Seriously Marga. That's how you'll treat me?" He asked. Nagkibit balikat lamang ako at hindi sinagot ang tanong niya. For the second time ay huminga siya nang malalim.
"Chamuel Clementine, go home. Right now is office hours, hindi mo ako dapat binibisita rito kung kailan mo lang gusto!" Asik ko sa kanya. Umayos siya ng upo at matamang nakatingin lamang sa akin.
Hindi ako makapagsimula sa trabaho dahil sa kanya. Maaga pa pero kaagad niyang sinira ang araw ko!
The side of his jaw twitched.
"Masama bang puntahan ang mapapangasawa ko, kung nalaman kong na-aksidente 'to?" Naglalaro sa kanyang labi ang ngisi. Halos malagot naman ang ugat sa kamay ko sa diin ng pagkakakuyom noon.
I gave him a fake smile.
Kung kaya ko lamang igalaw ang kamay ko ay aabutin ko ang vase sa gilid ko at ibabalibag ko sa kanya, nang sa ganon ay mahimamasmasan siya. He must be dreaming!
Bahagya akong natawa.
"For your information, I am not your soon-to-be wife. Never. Ni hindi ko nga matandaan na magkaibigan tayo." Madiin ang boses na sabi ko. Ibinalik ko sa kanya ang ngisi ko.
Umiling iling siya sa akin.
"But your Dad, said it so." Nanakot ang boses niya. I rolled my eyes on him. It was a mistake. Inakala ng Dad ko na may gusto ako sa kanya, which is not true.
At siya naman ay naniwala kaagad na gusto ko siya. No, never, over my gross dead body! Ipapa-putol ko ang daliri ko kapag nagkagusto ako sa kanya.
"E 'di ang Dad ko ang pakasalan mo!" Naniningkit ang boses na sabi ko. Gusto ko na siyang palabasin at ipa-ban sa security para hindi na siya makapasok pa sa kumpanya ko.
Lalo na't walang paalam sa akin.
"Bakit ayaw mo? I just wanted to have a colorful life and have family with you." Sabi niya. Kung ibang babae ako malamang ay kiligin ako sa sinabi niya, dahil sweet iyon.
But I'm not. Imbes na kiligin at mangiti ay napairap na lamang ako sa kawalan at napahawak sa aking sintido. Ang cringe ha.
"Oh so you want to make your life colorful?" I ask him again.
Mabilis siyang tumango.
"Yeah, sana. With you." He said and then he wink at me. Gusto kong masuka sa sinabi niya. Seriously. He's not really my type. I can't imagine myself marrying him in the future.
Muli ay umirap ako.
"Oh, then eat crayons. If you want a colorful life, you can do it with yourself. Just eat crayons or drink paints." Suhestyon ko. Humagalpak ang tawa niya sa buong office, pero ako ay masama lamang siyang tiningnan.
"You really are a funny girl." Iniihit pa rin na tawa niya. Nang hindi ako makapagpigil ay hinampas ko nang malakas ang table ko para maagaw ang atensyon niya.
Agad siyang napatigil at bumaling sa akin.
"Leave Chamuel." Madiin na sabi ko. I'm trying not to raise my voice and growl at him. Pumikit pa ako ilang sandali para pakalmahin ang aking sarili.
Kumunot ang kanyang noo.
"But Victoria..." hirit niya pa. Agad kong itinuro ang pintuan palabas sa office ko nang hindi nakikipag-eye contact sa kanya.
"Leave. Bago pa kita ipadampot sa security ko." Pananakot ko sa kanya. Dahil sa marahas niyang pagtayo ay umusad paatras ang couch na inuupuan niya.
Umiling iling siya sa akin habang nakatingin. Sinasabi na para bang dissapointed siya sa akin dahil sa ginagawa ko.
"You're heartless!" Madiin na sigaw niya sa akin. Kalaunan ay lumabas na siya at malakas na sinara ang pinto sa opisina ko. Napabuntonghininga ako pagkalabas niya.
Nang makalabas siya ng tuluyan ay doon pa lamang ako nakahinga nang maluwag. Napatingin na lamang ako sa pintuan na nilabas niya at napailing iling. Kinuha ko ang telephone at i-di-nial ang number ni Marga.
"Yes, Madame?" Bungad niya. Inutusan ko siyang pumasok sa office ko at kaagad ko ng pinatay ang tawag.
Maya maya ay inuluwa na siya ng pinto.
"You want snacks? Maghahanda na po ako." Sabi niya. Umayos ako ng upo at umiling sa kanyang sagot.
Itinuro ko ang couch na inupuan ni Chamuel kanina lang. Nakunot ang noo niyang binalingan iyon. She is about to seat nang pigilan ko siya.
"No. Pakitanggal ang isang 'yan. And then buy me a new one." Sabi ko. Sumingkit ang kanyang mga mata at kumunot ang noo.
Ayokong umupo o maupuan nang sinuman ang couch na 'to.
"Bakit Madame?" Tanong niya pa.
"Basta. Patawag ka ng maintenance na magbaba nito." Utos ko. Agad niya namang tinugon iyon at lumabas upang magpatawag ng maintenance team.
Dahil doon ay hindi ako makapagsimula sa trabaho hangga't nakikita ko ang couch na iyon. Para bang inupuan lang ni Chamuel iyon at naging curse na.
"Andiyan na sila Madame." Si Marga. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat sa pagpasok niya sa office ko. Tumango ako sa kanya at agad na napainom ng tubig.
"Color black ang gusto ko, Marga." Tukoy ko sa kulay ng bagong couch. Tumawag na siya sa bilihan ng furnitures at maya maya lang ay nandito na raw.
Tumango siya.
"Copy Madame." Tumango ako. Ilang minuto lamang ang tinagal nang dumating ang mga taga-maintenance para ibaba pa iyon. Kamuntik na iyon na hindi magkasya sa pintuan pero kaagad namang nasolusyonan.
"Anong gusto niyong gawin namin dito, Madame Victoria?" Tanong noong head sa maintenance. Nagkatinginan kaming dalawa ni Marga.
Tumikhim ako.
"I don't know. Much better kung ipamigay na lang. 'Wag lang sunugin." Sagot ko. Tumango iyong head at nagpatuloy na sila sa paglabas noon sa office ko.
At dahil hindi puwede iyon sa i-elevator ay naghagdan sila mula sa floor ko hanggang lobby. Nagbigay na lamang ako ng bayad para sa kanilang pagod dahil sa lintik na couch na iyon.
Ang hassle!
"Wala na po ba kayong concern Madame? Babalik na po ako." Si Marga.
"Meron pa. Paki-ban si Chamuel Clementine rito sa company, pakisabi kay Lilit at sa mga security..." pahabol ko pa.
Kumunot ang noo niya.
"Paano po ang Dad niyo?" May pagaalala sa boses niya. Tumango lamang ako.
"Ako nang bahala kay Dad. Basta pakisunod lahat ng sinabi ko. You may go." Iyon lamang ang sinabi ko at tinuon na ang aking tingin sa laptop. Agad naman siyang umalis at sinara ang pinto.
Pagkalipas noon ay agad kong tinuunan ang mga papeles sa table ko. May ilang folders ang kailangan ng pirma ko. At iyong mga aplikante na pasok sa kumpanya noong nakaraang araw.
At ang iba ay appointments and bills ng company. Iyong iba naman ay letter for increasing salary sa mga empleyado na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapirmahan.
Siguro ay kapag natapos na lamang ang plantasyon para sa kape. Bandang ala una ng matapos ako sa pirmahan at ilang pagpili sa mga bagong empleyado para sa kumpanya.
At dahil wala naman akong gagawin pa ay nag-desisyon akong mag-visit sa mga Yosingco na nasa hospital pa. Gusto kong kamustahin si Luke. Agad akong tumayo para mag-ayos ng gamit.
Maya maya ay bumukas ang pintuan sa office ko at iniluwa noon si Marga na may dalang pagkain at gamot para sa kirot.
"Here's your lunch, Madame." Kinain niya ang distansya sa aming dalawa para ilagay iyon sa table sa gilid ng table ko mismo.
Pinigilan ko siya.
"No. Sa'yo na lang 'yan. Pupunta 'kong ospital ngayon." Sabi ko. Mula sa pagkakayuko sa table ay lumipad sa akin ang tingin niya.
Binigyan niya ako nang kunot na noo.
"But Madame..."
"No more buts, Marga. I'll go." Pagka-ayos ng aking bag ay kinuha ko na iyon at bahagyang tinapik ang kanyang balikat bago lumabas sa office.
Kaagad akong sumakay sa elevator habang nag-aayos ng buhok. I already re-touched my make up. Nang makababa ako sa Lobby ay sumalubong sa akin si Lilit at ilang empleyado na papuntang cafeteria.
"Hello Madame. Saan po kayo pupunta?" Tanong niya. Kinuha ko muna ang susi ng aking Audi bago sinagot ang tanong niya.
Inabot siya sa akin ang susi.
"Hospital." Plain na sagot ko. Bahagya ko lamang siyang nginitian bago lumabas. Agad kong sinuot ang aking salamin at inayos ang aking headscarf.
Mataas ang araw ngayon kaya medyo mainit. Mabilis na sumakay ako sa aking sasakyan at ini-start ang engine. I can drive naman with one hand. At hindi naman malayo ang Hospital.
"Madame Victoria..." tawag nung Nurse na nag-aasikaso kay Luke. Naabutan ko siyang nasa labas ng Hospital. Ngumiti ako sa kanya at kaagad na lumapit.
Ibinaba ko ang suot kong salamin.
"Hi. Good morning, puwede akong bumisita?" Malumanay ang boses na tanong ko. Tumango siya sa akin at iginaya ako sa private room na kinuha ko para kay Luke.
Nang makarating kami sa tapat ng room ay iniwan na niya ako, kaya naman nagpasalamat na ako. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang door knob papasok.
Naabutan ko sa loob silang apat. Si Luke na naka-upo at nanunuod kay Vierre na nagbabalat ng prutas. Si Lucas na naka-kandong sa hita ng kanyang Mommy at parehas na nakatingin kay Luke at Vierre.
Kumatok ako para malaman nila na nandito ako.
"Hi, good morning." Bati ko. Ang tingin ko ay nakadako lamang kay Mischelli ang kapatid ni Vierre. Bahagya niya akong nginitian.
She changed alot. The last time I saw her was two years ago. Her hair is in medium length. Tan skin and clear skin face. She's wearing a ripped jeans and just v neck t shirt. At kahit morena na siya ngayon ay halata pa rin ang freckles na pisngi niya.
Tumikhim siya.
"Good morning din sa'yo," bati niya pabalik. Si Vierre naman ay nakatingin lang kay Luke na para bang hindi ako kilala. The side of my lips rose.
Nang tumayo si Vierre para kumuha ng tubig ay saka ko pa lamang napansin ang suot niya. He's wearing a white shirt and blue pajama. Umiling ako sa aking iniisip.
"Well I came here to visit Luke. I'm sorry I forgot to bring something..." sabi ko habang nakatingin kay Mischelli. Kaagad naman siyang umusog sa couch para maka-upo ako.
Umiling siya.
"Naku kahit 'wag na. Sobra sobra na 'yong binigay mo." Sincere ang kanyang boses. She then held my right hand and slightly pinch it. Bahagya lamang akong ngumiti at tumango.
I don't know why I can't even say any single word. Bahagyang na-blangko ang utak ko. Nakunot ang noo niya nang tumingin sa arm sling ko sa kaliwang kamay.
"Would you mind if I ask, what happened?" Tanong niya. Si Lucas naman ay umalis sa pagkakandong sa kanya at lumapit sa tabi niya.
Tumango ako.
"I got an accident yesterday. I slipped in my bathroom." Natatawang kuwento ko. Humugis bilog ang kanyang bibig sa aking sinabi. Si Vierre naman ay nanatiling nakatuon kay Luke habang sinusubuan iyon.
Nag-usap pa muna kami ng ate niya ng mga ilang minuto. She also thanked me for catching all the responsibilities. I just nod. Ayoko naman sabihin sa kanya na hindi ako basta basta namimigay ng libre. At lahat ng 'yon ay may kapalit.
Not now.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin kaya naman tumikhim ako.
"Kakain na ba kayo ng lunch?" Biglang tanong ko. Halos trenta minutos na rin akong nandito at ngayon pa lang ako nakaramdam ng gutom.
"Not yet—" hindi natapos ni Mischelli ang sasabihin niya ng sumabat si Vierre.
"Mamaya pa." Si Vierre
Nahati ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagtinginan pa muna sila bago muling bumaling sa akin si Mischelli. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na agad.
"Great. Magpapa-deliver ako, sasabay ako sa inyo." Anunsyo ko. Lumabas na muna ako para tumawag sa isang sikat na italian resto. Pagkakabigay ko ng order ay bumalik na ako sa loob.
Nahinto lamang ako sa pagpasok nang pagkapihit ko sa knob ay lumabas si Vierre na diretso ang tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakatayo siya sa harap ko at nakaharang sa hamba ng pintuan.
"What?" I ask. Sounds taut.
Ang kanyang walang emosyon na mukha ay nakatingin lamang sa akin. Nanatiling nakataas ang kilay ko.
"You're acting weird." Dugtong ko pa.
"My answer is still no, Victoria." Malamig na sabi niya. Napahinga ako nang malalim at ngiting aso siyang nginitian.
Napailing iling ako.
"I'm not asking you question, Vierre." Sagot ko pabalik. I am about to turn my way to passed him ng mas lalo lamang niyang dinikit ang kanyang katawan sa akin. Stopping me to passed him.
Nahigit ko ang paghinga ko dahil doon.
"It's all about your offer Victoria. Still it's a no. Don't worry babayaran pa rin kita sa lahat." Madiin ang boses na sabi niya. Naramdaman ko ang paglapat ng aking panga sa isa't isa.
I gave him lop-sided grin.
"At sa paanong paraan naman? I gave you already an offer to work for my company, para mabayaran mo ako ng paunti unti. Pero ang tanga mo pa rin hanggang ngayon, para hindi iyon tanggapin." Sabi ko. I saw how his jaw clenched. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin.
"Ikaw rin naman tanga. Ang tanga mo sa part na hindi mo maintindihan na ayaw ko nga. Baka akala mo ay ganoon pa rin ako katulad ng dati. I'm sorry but I'm not the Vierre you knew two years ago." Aniya.
Nai-kuyom ko ang aking kamao.
"What happens today, will no longer happens tomorrow. Be careful what you say, baka isang araw kainin mo lang 'yan." I said. I tap his shoulder before I turn my way, leaving him clueless.
Dumiretso ako sa kama ni Luke at umupo roon. Nakaupo lamang din siya habang nanunuod ng cartoon sa TV. I smiled at him and brush his hair.
"Okay ka na?" I asked. Tango lamang ang sinagot niya. Bumalik ako sa couch na katabi ni Mischelli at nag-antay sa order namin for lunch.
Maya maya ay dumating na iyon kaagad. Si Mischelli na ang nag-ayos noon. Sa may gilid ni Luke siya naglagay ng table para sa ganon ay malapit pa rin kami. Umupo na ako sa isang upuan pagka-ayos ng pagkain.
"Let's eat." I said. Si Mischelli ang nagpakain kay Luke. Habang si Lucas naman ay siya na mag-isa.
Maya maya ay bumalik na si Vierre na may dalang plastic. Inalabas niya ang naroon at puros iyon drinks. Ay binili niya sa akin ay isang diet coke. Agad ko iyong tinaggap at nagpasalamat.
"Thank you again, Ms. Victoria. I'll always say thank you for your kindness. Hindi ko tuloy alam kung paano ko 'to masusuklian." Si Mischelli habang pinapakain si Luke. Si Vierre naman ay nawalan ng emosyon dahil sa sinabi ng ate niya.
I smile widely.
"There's a way." Simple kong sagot habang ang tingin ay na kay Vierre. Ang walang buhay niyang mukha ay mas lalong nawala pa.
Sa kabilang banda naman ay nagliwanag ang mukha ni Mischelli dahil sa sinabi ko. Kita ko ang courage sa mukha niya na gustong gusto niya talaga akong bayaran para sa lahat.
"Really? How?" She asked. I gave him a nod and smile before I proceed.
Ibinaba ko muna ang hawak kong tinidor at matamang tiningnan siya.
"Gagawin kong empleyado si Vierre sa company ko. And I promise you, na kahit piso ay hindi ko kayo sisingilin. Basta mag-trabaho lang sa akin si Vierre." Sabi ko. Nahagip ng mata ko kung paano napawi ang ngiti sa labi ni Mischelli.
I remained smiling.
"Well that's Vierre's decision, Victoria." Alanganin na sagot ni Mischelli habang pasalit salit na nakatingin sa aming dalawa.
I nod.
"I understand. But here's a thing, if Vierre accept my offer, I can give anything you need. I'm here to catch all the responsibilities. Take that as my pambawi sa lahat ng naitulong niyo sa akin noon." Nakangiting sambit ko.
Pabalik balik ang tingin nila sa isa't isa na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata. Nanatili lamang akong nakatingin at naghihintay sa isasagot nila.
Namuo ang katahamikan sa kanilang dalawa habang nag-aantay ako sa isasagot ni Mischelli. Nang dumako ang tingin ko kay Vierre ay masama lamang siyang nakatingin sa akin.
Tumikhim si Mischelli.
"We'll talk about that, Victoria." Sabi niya habang may alanganin na ngiti sa labi.
Tumango ako.
"Dapat lang. Dahil hindi pinaghihintay ang grasya." Singkit ang mga matang sabi ko bago nagpatuloy muli sa pagkain. Muling bumalot ang katahimikan sa aming lahat na naroon.
"Good morning Madame may bisita po kayo." Salubong sa akin ni Lilit sa front desk kinabukasan. Pagkatapos ng tagpo kahapon sa ospital ay kaagad na akong umalis at iniwan sila.
Nakataas ang aking kilay ng lumapit ako sa kanya at binaba ang aking salamin sa mata.
"Who?" I asked. Itinuro niya ang sofa sa waiting area at may nakaupo roon na isang babae habang nakatingin lang din sa akin. I creased my forehead because of her unexpected visit.
Kaagad siyang tumayo nang makita ako at kumaway pa sa akin. Pinaalis ko muna iyong mga body guards ko sa likod bago ko kinain ang distansya sa aming dalawa.
"Good morning Victoria." Si Mischelli habang may malawak na ngiti. Ang una kong napuna ay ang pabango niya na halos malunod ang aking ilong sa bango.
I just nod.
"What brought you here?" I ask. Still amaze what might be the reason why she suddenly visit me here, after visiting them yesterday.
Napahawak siya sa kanyang buhok at pinalandas doon ang kanyang palad. I creased my forehead because of her gesture.
"IYong about sa—"
I cut her off.
"Save it. Marga si Mischelli kapatid ni Mr. Vierre. Paki-assist siya papunta sa office ko at magkita na lang tayo roon." Utos ko. Agad naman kaming naghiwalay ng elevator.
Imbes na isang baso ng wine ang kinuha ko ay dalawa iyon, para sa aming dalawa ni Mischelli. After a minutes ay nakarating na ako sa tamang floor ng office ko. Nag-aabang sa akin si Marga at si Mischelli na nakaupo sa labas.
"Let's go." I said. Umalis naman si Marga para pumunta sa kanyang table. Habang si Mischelli naman ay sumunod na sa akin papasok sa loob.
Itinuro ko ang bagong biling itim na couch sa harap ng table ko. I also handed to her the glass of wine na agad din naman niyang tinaggap.
"Spill it." Utos ko. Muli ay napahawak siya sa kanyang buhok.
Tumikhim siya bago nagsalita.
"About the offer..." pagsisimula niya. Pinigilan ko ang mangiti dahil sa sinabi niya.
Tumango ako.
"What about the offer?" I ask feeling innocent. Para bang hindi ko alam ang sasabihin niya.
"Vierre already make a decision. He's now accepting your offer for working here, in your company." She announced. I can see how happy she is, as I am.
"Great." Simpleng sagot ko. Nag-cheers kaming dalawa saka sabay na uminom.
Napangiti ako nang palihim. I won.