Kabanata 4

4536 Words
Kabanata 4 Party Hindi ko napigilan ang sarili kong mangiti dahil sa binalita niya. Kulang na lang ay magta-talon ako sa loob ng aking opisina, at sumigaw sigaw sa tuwa. I never expected to be like this... swift. Akala ko ay kailangan pa ng maraming gipitan para mapapayag ang isang Vierre Yosingco. Pero mukhang may paraan talaga para lumapit mismo ang daga sa pusa. "That's good to hear!" I said happily. I lend my right hand to her for shaking of approval, na agad din naman niyang tinanggap. Tumango tango siya. "Hindi naman siya nag-hesitate na tanggapin nang magka-usap kami." Si Mischelli. May kung anong isang ideya ang pumasok sa isip ko dahil sa sagot niya, na bahagyang nagpatigil sa akin. Bakit nga ba agad agad na lumapit ang daga sa pusa, matapos ang mahabang habulan? Bakit bigla na lang siya kumagat sa pain? I erase the thoughts in my head. I gave her a smile of excitement. "I'm grateful na tinaggap niya ang offer ko. May mabibilang na naman bilang mahusay na employee ko." Pagbibida ko. Nakailang labas ang ngiti sa labi niya, at ganoon din naman ako. Isang minutong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pagkatapos noon. "You really changed alot..." basag niya. nahimigan ko ang malumanay na boses niya maging ang pagkamangha roon. Napa-awang ang bibig ko. Marahan lamang akong tumango. "Gano'n talaga. Well people change, you know." Kibit balikat na sagot ko. Pinasadahan niya ng tingin ang buong palibot ng opisina ko bago iyon binalik sa akin. She smiled at me. "I have to go." She said. Agad siyang tumayo at inayos ang pagkakasukbit ng kanyang sling bag. Tumayo rin ako kagaya niya habang pinapanuod siya. "Send my regards for Luke and Lucas. And for Vierre." Sabi ko. Nagpasalamat pa muna siya sa akin bago tuluyang lumabas at sinara ang pintuan ng opisina ko. Muli akong bumalik sa pagkakaupo at binuksan ang aking laptop para mag-start na sa trabaho. Bukas ang start ng trabaho ni Vierre sa company kaya naman tinatapos ko na ang kailangan tapusin para maipakilala ko siya bukas. Maya maya ay biglang bumukas muli ang opisina ko. "Madame, I need you po to sign this." Si Marga ilang minuto nang makalabas si Mischelli sa office ko. Lumipad sa kanya ang tingin ko. Isang folder ang binaba niya sa harap ko. "For what?" I ask. Binuksan ko iyon at bago pa siya makasagot ay pinigilan ko na. Puros iyon resume ng natanggap sa trabaho noong nakaraang apply-an. Tumaas ang kilay ko. "I already saw it Marga. Na-approve ko na 'to." Sabi ko. Tunog naiinis. She nodded. "Yes Madame. Pero hindi niyo naman pinirmahan..." magalang na sagot niya. Napairap na lamang ako at kumuha ng ballpen upang pirmahan iyon sa taas ng pangalan ko. I handed back it to her. Nang makuha niya na iyon ay pumihit na siya para makalabas sa opisina ko. Agad kong tinawag ang pangalan niya. Tumikhim pa muna ako bago nagsalita. "Paki-announce sa lahat na bukas darating 'yong bagong Head sa MD. Pati ang MD employees, pakisabihan." Utos ko, sabay lihis ng tingin palayo. Bahagya siyang lumapit sa akin. "He's Vierre Yosingco right, Madame?" Usisa niya pa. Tumango ako, hindi pa rin tinutungo ang tingin sa kanya. "May pa-welcome party ba Madame?" Nahimigan ko ang galak sa boses niya. Nang liparin ng tingin ko ang mukha niya ay nakapaskil doon ang malawak na ngiti. Umiling ako. "None. Kung ako nga na may-ari ng kumpanya walang welcome party, siya pa na employee ko?" I said sarcastic. Nawala ang ngiti sa labi niya at naging isang linya iyon. "Sabagay..." "But what do you think?" "Huwag na, Madame. Kung ako ngang assistant mo, walang welcome. Iyon pa kayang employee mo." Iling iling na sagot niya. Napahalaklak naman ako dahil doon at napahampas sa aking lamesa. Uminit ang magkabilang pisngi ko at pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin. "Ang funny mo ro'n, Marga." Natatawa kong sabi sa kanya. Tumawa rin siya at nagpaalam na. Tango lamang ang naisagot ko sa kanya. Pagkalabas ay napasandal ako sa swivel at ilang segundo pang napatitig sa pinaglabasan ni Marga habang napapahid sa naluluha kong mata. Huminga rin ako nang malalim bago muling nagseryoso. "Pakisundo si Vierre sa bahay nila ngayon." Utos ko kay Kuya Mavi kinabukasan. Maaga akong nagising upang pumasok sa trabaho at para na rin maipakilala si Vierre sa buong company. I wear a color pink satin shirt, partner with highwaist pants and crystal color killer heels. Isinuot ko pa rin ang aking salamin at iyong headscarf. Nang maayos na ang lahat ay nag-drive na ako papunta sa company. May arm sling pa rin ako sa kaliwang kamay kaya one hand pa rin ang gamit ko sa pagmamaneho. "Good morning, Madame." Si Marga nang pagbuksan ako ng pintuan. Tumango lamang ako sa kanya at naglakad na papasok. Ang mga hile-hilerang body guards habang nakayuko ang unang bumati sa akin sa entrance ng Kumpanya, nilagpasan ko lamang sila. Itinulak ni Marga ang glass door para sa akin, para makapasok na kami. "Good morning, Madame." Si Lilit sa front desk. Lumapit ako sa gawi niya para ilahad sa kanya ang susi ng Audi ko. Bumaba ang kanyang tingin sa suot ko. "What?" I ask. Sounds irritated. Umiling siya. "You're stunning, Madame!" Sabi niya. Ramdam ko ang pagkagalak sa boses niya. Si Marga naman ay tumango bilang sang-ayon kay Lilit. Bahagya akong natawa. "I'm always stunning, Lilit. Dapat ay masanay ka na." Sabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at kaagad na akong naglakad papunta sa Elevator. Pinindot ni Marga ang floor ko. Nang makatapak na kami sa loob ng Elevator ay saka pa lamang nawala ang marshals na laging naka-escort sa akin. She handed me a glass of wine. Kita ko sa mala-salaming haligi ng Elevator, ang maya't mayang pagtingin sa akin ni Marga. Tumikhim ako at bahagya pang natawa. "Spill it Marga. May sasabihin ka ba?" Pangtutukso ko sa kanya habang diretso pa rin ang tingin sa pinto ng elevator. Narinig ko ang pagtikhim niya muna bago siya nagsalita. "Sobrang ganda niyo Madame ngayon. Puwede kayo maging beauty queen." Pang-uuto niya sa akin. Tinawanan ko lamang siya nang makalabas na kaming dalawa sa Elevator. I handed back to her the empty glass. "You know what, ikaw rin naman. I actually envy you. Ikaw kasi 'yong tipo ng babae na kahit pinagpapawisan ay maganda pa rin." I said. Nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi dahil sa aking sinabi. Pinaypay niya pa ang kanyang sarili gamit ang kamay niya. "Hindi naman po, Madame..." nahihiyang sabi niya. Pumwesto na siya sa table niya habang ako ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanya. Natawa ako at umiling iling sa sinabi niya. "It's true. I envy you because of that. Ako kasi hindi pa man pinapawisan pero maganda na." I said. Nahagip ng mata ko at paglaglag ng kanyang panga dahil sa aking sinabi. Agad naman siyang nakabawi at tumango tango sa akin. "You're right, Madame. Because you're a Villagracia." She said smiling. Tumango ako sa kanya at kumindat pa. Tumikhim ako. "And all Villagracia's are?" I asked. "A family of power, money, intelligence and class..." sagot niya. "And beauty." Pagtatapos ko sa usapan naming dalawa. Hindi ko na inantay pa ang kanyang sasabihin at dumiretso na ako sa office ko. Naupo lang muna ako sa swivel habang inuubos ang oras sa paghihintay sa pagdating ni Vierre. I cancelled all my appointments and meetings para sa pag-welcome kay Vierre sa company. Kung matagal ko na sanang nakita ang kapatid niya ay matagal na siyang nagta-trabaho sa akin. Sadyang ang taas ng pride niya na hindi ako sagutin, gayong ang ending ay sa akin pa rin naman siya babagsak. "Marga..." tawag ko sa telepono. Halos sampung minuto na ako nandito sa Company pero wala pa rin sina Kuya Mavi at Vierre. "Yes, Madame?" Si Marga. "Bakit wala pa si Mr. Yosingco?" I ask. Tunog galit. Tumikhim siya. "Madame, naipit daw sila sa trapik dahil nagkaroon ng banggaan sa daan..." sagot ni Marga. Napahawak ako sa aking sintido dahil doon. Huminga ako nang malalim at tumango tango kahit hindi naman iyon nakikita. "Pakisabi bilisan naman nila." Iritadong sagot ko. "Emergency po ba Madame? Kaya nagmamadali kayo?" Tanong niya pa. May kung anong bumara naman sa lalamunan ko dahil sa tanong niya. I blink my eyes. Tumikhim ako. "Of course not. Time is money Marga!" Inis na sagot ko. Iyon lamang ang sinabi ko at kaagad na binaba ang tawag. Isinandal ko ang aking ulo sa upuan at mariin na napapikit. Habang nakaupo ay lumipad ang aking tingin sa baba. May kung anong bumalik sa akin nung nakita ko si Vierre na basang basa noon. And that's time I showed how heartless I am. Nagkamali ako. Pinapili ako sa dalawa, ang pride ko na maging mahigpit o ang lapitan siya at payungan, pero sa huli, hindi ko na naman siya pinili. Pinili kong muli iyong bagay na ako ang makikinabang. Napailing iling ako. But then again I realized he's the one who wants to get rid off of me. After one hour, five minutes and twenty seconds, nang makita ng mata ko ang Starex na pinanunundo ni Kuya Mavi. Napa-irap na lamang ako sa kawalan at kaagad na lumabas sa office bara bumaba sa lobby. "Saan po kayo pupunta Madame?" Si Marga. Lumabas siya sa table niya at minadali na makalapit sa gawi ko. Tinuro ko ang Elevator. "Sa impyerno, sama ka?" Pabiro kong tanong. Nanlaki ang mata niya dahil doon pero kaagad namang nawala. Umiling siya. "No, Madame. Sasamahan ko po ba kayo sa pupuntahan niyo?" Alanganin na tanong niya. "Bakit bubuhatin mo ba 'ko?" Tanong ko pa. Muli ay umiling siya. Napakamot pa siya sa ulo niya. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko na lamang. Sumakay na ako sa Elevator. Nanatiling nakatayo si Marga sa puwesto niya. I just waved my right hand before the elevator close. "Madame, Mr. Yosingco is already here." Si Lilit sa gilid ng Elevator. Tumango lamang ako at lumabas na. Papasok pa lamang si Vierre sa entrance nang maglakad na ako para kainin ang distansya naming dalawa. He's wearing a light blue polo shirt, tucked in in a black faded jeans. Kung bibigyan ko siya ng kamukha, para siyang isang construction worker na moreno at builted ang katawan. Iwinaksi ko iyon sa aking isip. "Good morning." Naunang bati ko. Malawak ang ngiti sa aking labi para i-welcome siya, pero ang kanya ay tikom lamang. I lend my right hand for shaking. "Morning too." Walang buhay na sagot niya. Kinuha niya ang kamay ko at kinamayan iyon ng dalawang segundo at agad na binaba. Ang lahat ng security guards sa likod niya ay nagulat din sa kanyang ginawa. I just smile again. Trying to light up the intense feelings. "Let's go." Aya ko. Nauuna akong maglakad habang siya ay nasa likod ko lamang. Pinaalis ko na rin ang body guards na nasa likuran namin dahil nasa loob na kami. Una ko siyang pinakilala kay Lilit. "Kapag may kailangan ka, sa'kin ka lumapit." Sabi ni Lilit. Gusto ko sanang mag-protesta ng kusang si Vierre ang naglahad ng kamay kay Lilit para makipag-shake hands, pero pinigilan ko. Hindi ito ang tamang oras para makaramdam ng kahit na ano. At saka masyado akong maganda ngayong araw para ma-stress ngayon. "Thank you." Ani Vierre. Nakangiti lamang ako habang nakatingin sa kanila. "Yeah she's right. You can ask her about in this company, pero madalas ay sa akin ka magtanong. Nandito naman ako, kaya sa akin ka lumapit at sasagutin ko ang lahat." Pagbibida ko sa kanya habang may malawak na ngiti. Pansin ko ang layo namin sa isa't isa na para bang diring diri siya na lapitan ako. And it pained me, knowing he's too close to me, yet so untouchable. Hindi ko na lamang iyon pinansin pa at nagpatuloy muli. Marahan lang siyang tumango sa akin. Sunod ko naman siyang pinakilala kay Marga na nakatayo sa gilid ko. "Mr. Yosingco this is Marga, my assisstant. Marga si Mr. Yosingco." Pakilala ko muli. Muling nilahad ni Vierre ang kanyang palad para makapag-shake hands sila, na agad din namang tinanggap ni Marga. Nanatili akong nakatingin sa kanila. "Nice to meet you. Tama si Madame, puwede mo rin ako puntahan kapag may kailangan ka. Pero si Madame pa rin ang endgame dahil siya ang head ng buong Company." Si Marga. Halos pumalakpak ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay bahagyang umakyat ang init sa aking pisngi, at hindi ko iyon napigilan. Tumango tango ako sa kanila. Matapos noon ay nauna na akong maglakad at pinasunod ko siya. Pupuntahan namin ang Department niya. Si Marga naman ay nanatiling nakatayo roon at nakatingin sa amin. "At iyong sumundo kanina sa'yo, siya si Kuya Mavi ang Company driver. Pero kung gusto mo, puwede ko siyang gawin na driver mo." Offer ko. Muli ay umiling siya. "Hindi na kailangan. Ayokong makaabala sa ibang tao. Kaya ko ang sarili ko." Seryoso ang boses na sagot niya sa akin. Lumingon ako sa kanya at marahan na tumango. Ngumiti ako ng pilit. "Okay. But make sure you won't be late everyday." Paninigurado ko. And for the nth time he just nodded. Hindi ko na siya pinansin at nauna nang makapasok sa Elevator. Hindi ako nagsalita ng pumasok na siya sa loob. Nanatiling diretso ang tingin ko sa b****a at hindi nagsalita miski kahit na ano. Dalawa kami sa Elevator at pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamatagal na sakay ko. Nang huminto iyon sa pang-sampu, kung nasaan ang marketing dept. ,ay nauna na akong lumabas. Naabutan ko pang nagkakagulo ang mga employee pagkakita sa akin. "Where's your acting-head manager?" Agad na tanong ko. Isang babae na nasa mid 40's at nakasalamin ang bumungad sa harap ko. Lumihis ang tingin niya kay Vierre na nasa likuran ko. Agad akong tumikhim. "Good morning Madame." Bati niya sabay yuko, ng matauhan. Ramdam ko ang pagnginig ng boses niya. Tumango lamang ako. Inilibot ko pa muna ang tingin ko sa lahat at tumikhim bago nagsalita. "This is Mr. Vierre Yosingco, the new Head Manager. Please be nice to him. And you Ms. Santiago, please guide him accordingly." Utos ko. Agad namang tumango iyong babae at magalang na kinuha sa akin si Vierre. Naglalakad na sila sa magiging office ni Vierre nang tawagin ko siya. Imbes na si Vierre lang ang tumingin ay pati ang ibang employee. Napairap ako sa kawalan. "Welcome to my company. If you need something, don't hesitate to call me." Sabi ko. Halos ang dulo ay pabulong na, pero alam kong narinig niya iyon. Akala ko ay sasabihan niya ako ng "thankyou" pero tango lamang ang ginawad niya saka muling bumalik sa paglalakad. I swallowed hard. Mabilis na lumabas ako at muling sumakay sa Elevator pabalik sa office. "Ano pong gusto niyong lunch, Madame?" Si Marga ng pumasok sa office ko nang dumating ang lunch. Ang tingin ko mula sa mga papel ay lumipad sa kanya. "Anything." Simpleng sagot ko. I am currently reading something na may kinalaman sa bagong plantasyon na pinapagawa ko. Mas lalong lumapit siya sa table ko. Tumikhim siya. "Be specific Madame. Mahirap na baka hindi niyo magustuhan ang bibilhin ko." Sagot niya. Napabuntonghininga ako. Ibinaba ko ang hawak kong ballpen at tamad siyang tinapunan ng tingin. Nanatiling nakataas ang isa niyang kilay. "Masarap ba 'yong sardines?" I ask out of the blue. Kumunot ang noo ni Marga sa tinanong ko kaya naman tumaas ang kanang balikat ko. "Really Madame?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango tango ako. I realize maybe I should start from bottom and to feel being poor, para masabayan ko si Vierre. Napa-tsk ako. "Yeah. I'm asking Marga, so I'm serious." Inis na sagot ko. Siya naman ngayon ang tumango tango sa akin. Napairap ako sa kawalan dahil sa pagkabigla niya dahil sa tanong ko. She's unbelievable! Bakit mahirap lang ba ang puwedeng kumain ng sardines? Nahagip ng mata ko ang dalawang beses na paglunok niya. "Masarap 'yon sa mga kagaya namin, Madame. But hindi ko po alam kung magugustuhan niyo. Alam niyo na, baka masadsad ang dila niyo..." sabi niya, may halong panunukso iyon. Imbes na matawa ay napairap pa ako. Huminga ako nang malalim. "Nevermind. Kahit burger na lang at drinks." Tamad na sagot ko. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko, sinamaan ko siya ng tingin para hindi na siya makapag-protesta pa. Bago pa man siya lumabas ay muli ko siyang tinawag. "Pakisamahan na rin ng fries." Hirit ko. Tumango siya sa akin bago sinara ang pinto sa office ko. At dahil distracted na rin ako sa pagbabasa ay bumaba na lamang ako sa marketing dept. Naabutan ko ang busy'ng workplace nila. Halos hindi sila napatingin sa akin ng pumasok ako. Didiretso sana ako sa office ni Vierre nang mahagip ko siyang nakatayo at may tinuturuan sa isang cubicle. "Madame nand'yan pala kayo." Si Ms. Santiago. Ang tingin ko kay Vierre ay lumipad sa kanya. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Kinailangan ko pa munang tumikhim dahil parang dumikit ang dila ko. "Yeah. Sasabihin ko lang sana na puwede na kayo mag-break time." Alangan na saad ko. Nabigla siya sa sinabi ko at ganoon din ako. Napakagat ako sa aking labi nang maalala kong, twenty minutes pa bago ang break nila. Mula sa pagkabawi ay tumango siya sa akin. "Thankyou Madame." Pasalamat niya. Hilaw ko siyang nginitian at tumango lamang ako at tumalikod na para muling maglakad. Sinulyapan ko pa muna saglit si Vierre na saktong nakatingin din sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at mabilis na naglakad palabas. Halos habulin ko ang paghinga ko dahil doon. Daig ko pa ang hinabol ng aso sa tahip ng aking dibdib. Napasapo na lamang ako sa noo ko, pagkapasok sa Elevator. Making Vierre as my employee is all I want. Kaya ko siyang gipitin pa lalo para hindi na siya makaalis dito. This is all I want, I want to see him everyday in my company, to see him as he grow, see him being a responsible man. And yet parang nagsisisi ako. I make him as a prisoner in my own prison. Siguro nga tama ang ilan. Mahirap pilitin ang ayaw. Para ko lamang ginawang puppet ang sarili ko. Para akong nag-joke tapos ako lang ang natawa. At lahat ng gusto ko ay tanging gusto ko lamang, at hindi gusto ng iba. Para bang naging genie ako na lumabas sa lampara na hindi naman niya hinimas, at nagbigay ng tatlong kahilingan na hindi niya hiniling. "Where have you been, Madame?" Salubong sa akin ni Marga nang makalabas ako sa Elevator. Bitbit niya ang isang plastic galing sa sikat na foodchain. Itinuro ko ang Elevator. "Sa baba..." sagot ko. Inabot niya sa akin iyong plastic. Nagpasalamat ako sa kanya at mabilis na pumasok sa office ko. Halos limitado ang galaw ko habang kumakain. Nakatingin lamang ako sa mga naglalakihang building habang umiinom ng softdrinks. Nagulat ako at napatayo ng may tumikhim sa likod ko. Nanlaki ang mata ko ng si Vierre iyon at diretso ang tingin sa akin. "H-Hi," alanganin na bati ko. Inabot ko ang tissue sa table at agad iyong idinampi sa aking bibig. Tinuro ko ang itim na couch sa harap ng table ko. Umiling siya sa akin habang nakangisi. Umarko ang kilay ko. "You need something?" Walang buhay na tanong ko. Nawalan ako ng interes para maging mabait sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay habang nag-aantay sa sagot niya. The side of his jaw twitched. "This is your want, right? Then you won. Victoria hindi ibig sabihin na nagta-trabaho na ako sa'yo, na sa'yo na ang paggalang ko. I'm not a puppet!" Madiin na sabi niya. Ang mga mata niyang kumikanang dahil sa araw ay nakatitig sa akin. I swallowed hard. "You're not happy? Mababayaran mo na ako sa lahat ng utang mo. Puwede mo na ako i-ekis sa lahat ng problema mo." Sagot ko. Umiling siya. "Victoria I didn't ask anything from you. Ikaw 'yong nagbibigay sa akin, kaya nagkakaroon ako ng utang na loob sa'yo, na hindi ko naman ginusto." Laban niya. Halos magwala ang ugat sa leeg niya dahil doon. I swallowed the hard lump in my throat. "At gusto ko sana na magtrabaho sa paraang gusto ko. Iyong hindi humihingi ng kahit anumang tulong galing sa'yo. Treat me just an employee, and not above anyone else..." pagpatuloy niya pa. Halos bumara sa dibdib ko ang bigat sa pakiramdam na kanina ko pa kinimkimkim. Tumigas ang titig ko sa kanya. "Still I'm your boss, and you are my employee. Kaya sana alam mo ang kaibahan ng dalawang 'yon." sagot ko. "I know." Aniya. Tumigas ang titig ko sa kanya. "I mean parang imposible naman ang gusto mo. Ako ang magpapasahod sa'yo. We're under the same roof." Sagot ko. And for the nth f*****g time, he just nodded at me. Pinalapakpak ko ang kamay ko at inis na tinuro ang pintuan ng opisina ko. Without saying any words he stormed out of my office. Nang makalabas siya ay doon pa lamang kumawala ang bigat ng dibdib ko na kanina ko pa pinipigil. Halos magdikit ang talukap ng mga mata ko sa madiin na pagkakapikit. I smile bitterly. Ako lang yata ang may gusto ng lahat ng 'to. After all it's all in my baggage. Kargo ko ang lahat, ako lang 'yong sumulpot sa school ni Luke para gipitin siya, kahit hindi niya naman ako kailangan. Ako ang nagpupumilit na makibagay sa lahat para sa kanya. I'm just a heartless person wanted to be there for him. Iyong pinipilit ang lahat para maging maayos sa kanya ang lahat ng ginagawa ko. But in the end he doesn't want anything about it. Halos ubusin ko ang oras ko sa pagbuga ng hangin habang nakaupo ako. Walang pumapasok na ideya sa utak ko. Kahit anong pilit ko ay wala talaga. That's why I decided to go down. Nasa alas tres na ang oras kaya bumaba na ako. Pagkabukas ng Elevator ay bumungad si Lilit sa harap ko kaya naman halos matapilok ako sa gulat! Balak pa yata akong patayin sa nerbyos. "Puwede ba Lilit, sa susunod tumawag ka naman na naghihintay ka riyan!" Inis sa sabi ko. Kumunot pa ang noo niya sa akin pero agad din namang nawala. Tumango siya. "Masyado naman kayong nerbyosa, Madame." Sagot niya. Hindi ko na siya pinansin pa at nagdiretso na para lumabas. Nasa malayo pa lamang ako ay kita ko na agad ang isang room na may aliwalas na decoration. Tinungo ko agad iyon habang si Lilit naman ay nasa aking likuran. Simple ang disenyo noon at nakahanda na rin ang lahat ng pagkain. "Tawagin ko na ba sila Madame?" Si Marga. Saglit niya lamang akong tiningan ay bumalik sa pagtitipa sa kanyang cellphone. "Yeah. Sino ba 'yang ka-text mo?" Usisa ko. Umupo ako sa isang mahabang sofa at dini-kwartro ang mga binti ko. Nakatingin lamang ako sa kanya. Kinain niya ang distansya naming dalawa at naupo katabi ko. "Iyong bagong janitress sa floor niyo po." Sagot niya. Hindi na ako nagsalita pa at nanatili na lamang na nakaupo at nag-aantay. Maya maya ay pumasok na ang lahat ng taga-marketing department na magiging kasamahan ni Vierre. Habang ang ilan sa kanila kasama si Lilit ay naghahanda sa pagpunta ni Vierre. Nanatili akong umupo. Ibinaba ang makakapal na kurtina sa kwartong 'to kaya naman hindi kami makikita sa labas. Ilang minuto ang lumipad nang makapasok si Vierre. Isang party popper ang pumutok sa harap niya pagkapasok niya. W-in-elcome rin siya ng lahat habang ako ay nanatiling nakaupo at nakatingin lamang sa kanilang lahat. Si Marga naman ay inabutan ako ng isang basong wine na agad ko namang tinaggap. Todo ang pasalamat ni Vierre sa lahat. Ako naman ay hindi magawa na dapuan siya ng tingin at i-welcome. Nagsimula silang kumain habang ako ay nakaupo pa rin at panay ang inom ng wine. "Madame!" Maya mayang tawag sa akin ni Lilit. Matapos ang kainan ay puma-bilog sila sa sahig at nagsimulang naglaro at siya ang pasimuno. Inaya niya akong magbigay ng joke. Noong una ay tinaggihan ko dahil pang-bata ang gusto niyang gawin ko. Pero kalaunan ay napapayag na rin ako. "Okay. So you wanna hear a joke about construction?" Panimula ko. Ang tingin nilang lahat ay nasa akin maging si Vierre, kaya medyo nailang ako. "Yes!" Sigaw nilang lahat. "Nevermind, I'm still working on it." Sagot ko at sabay tawa nang malakas. Halos mabasag pa ang basong hawak ko. Maging ang braso ni Marga ay nahampas ko dahil sa kakatawa. Napatigil lamang ako nang ma-realize kong ako lang pala ang tumatawa at sila ay naguguluhang nakatingin sa akin. Napasapo ako sa aking noo. "Don't tell me hindi niyo naintindihan?" Naiinis na tanong ko. Umiling silang lahat sa akin at pakiramdam ko ay kinain ako ng kahihiyan. Tumikhim si Lilit. "Iyon na 'yon Madame? Wala ng mas nakakatawa?" Si Lilit. Sinamaan ko silang lahat ng tingin. Si Marga naman ay nanatiling nakatingin lamang sa akin. Halos kamuhian ko ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Siguradong maging si Vierre ay naguluhan sa biro ko. Napabuntonghininga ako. "Don't worry you're not required to laugh. Tanging matatalino lang ang makakaintindi sa joke ng kapwa niya matalino. Kaya hindi niyo kailangan pahirapan ang sarili niyo." Sabi ko sabay inom ng wine. Hindi ko magawang ilibot ang tingin ko sa loob at baka magtama ang tingin naming dalawa ni Vierre at mas lalo akong makaramdam ng hiya. It just a joke and nothing serious about it, kaya naman bakit hindi sila natawa?! Mabuti na lamang ay nag-iba na sila ng laro ulit. "Madame!" Tawag ulit ni Lilit. Tumaas ang kilay ko. "What?" Tanong ko. Tunog naiinis. "Kung may isang bagay kang gusto sa buong buhay mo, ano 'yon at bakit?" Tanong niya. Napairap ako! Seriously iyon ang tanong niya? "Siguro iyon ay ang yumakap ng taong perfect in all aspects." May alinlangan na sagot ko. Ang mga mata nila ay nanatiling nakatingin sa akin. Tumango tango si Lilit. "Talaga Madame?" Mangha ang boses niya. I nodded. "Yeah. Kaso ang pangit naman tingnan kung yayakapin ko ang sarili ko diba?" Sagot ko na parang namomroblema. Si Marga naman ang natawa dahil doon. Lahat sila ay bumagsak ang balikat dahil sa sinabi ko. Ang iba naman ay napakamot pa sa kanilang mga ulo. Nang tumungtong ang ala sais ay natapos na kami. Nanatili akong naka-upo, habang ang iba ay naglilinis na. Tumayo lamang ako nang agad na lumabas si Vierre. Nang maabutan ko siya ay agad kong sinigaw ang pangalan niya. Humarap siya sa akin. "I hope you enjoyed the party..." Malumanay ang boses na sabi ko at may kasamang ngiti. Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. "Madame. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman kailangan 'yon. Na wala 'yon sa kontrata na pinirmahan ko, at hindi ko ginusto. Kaya lang ayoko naman masaktan ang lahat ng tumulong para rito. But thankyou." Sabi niya habang may diin sa salitang Madame. Bahagya akong nagulat. This is the first time he called me that way! At alam kong sarcastic ang pagkakasabi niya noon. Naikuyom ko ang aking kamao habang nakatingin sa kanya. Halos sunod sunod na bumara ang kung anuman ang nasa lalamunan ko. "Paano ba maging sapat, para mapasaya ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD