Chapter 8

1623 Words
Cj's POV "WOW! Ito ba ang bago mong dish Cyd? Ang sarap! " Napa sulyap ako sa nagsalita, it was tita Tams. Napailing pa ako sa tawag sa akin, dahil hindi ko na daw bagay ang Cj dahil pambata lang daw iyon. Anyway my mom and dad and also my siblings called me that name, Cj. Tumingin muna ako sa dish, I know that I'm not the one who cook it, but I am the one to chose it. Dahil nagbilin lang naman ako sa aking mga staff. Pero pagtingin ko sa mga dish kung saan naka display, lahat iyon ay bago? And who the hell person ang nagpalit sa mga dish ko? Tumingin ako kay Claire na papunta na dito, at seryoso ang aking mukha. Alam niya ang ugali ko! Ayaw na ayaw ko ng pinapakialaman ang aking mga dish, specially today. Dahil anniversary ni Mom and Dad. "Hi mommy! Hi kuya! " Bati niya sa amin! Kasunod si Richard. Hindi ko sila staff ngayon, dahil bisita sila, malapit na kaibigan ang parents ni Richard sa mom and dad ko, samantalang si Claire ay anak siya ni tita Tamara. She's adopted daughter to be exact. Nagbilin ako sa kanila na, pumili sila ng magagaling na magluto. Bawat branch ng restaurant ko, ay tig-isa ang kinuhang kong chef. Binigay ko na lang sa kanila ang listahan ng mga dishes na iluto nila. "Hello baby girl, patapos na ang punishment mo, mukhang nag-eenjoy ka sa kusina ng kuya mo, oh baka naman dahil sa lalaking to? Sinasabi ko sayo Claire bata ka pa hah! You need to study very well anak. " Saad ni tita Tams sa kanyang anak na may kasamang sermon. Kahit kailan talaga si tita Tams, walang pinipiling lugar kung pagsabihan ang anak. Samantalang si Claire nakasimangot na. Imbis na tanungin ko pa sana kung sino ang nag-magaling na pumalit sa mga dish ko! Wala na! Sumenyas na lang ako kay Richard na mag ikot! At sumama pa sa akin ang mokong. "Bakit hindi ka nagpa-iwan doon? " Tanong ko sa kanya, "No, dudes! Para ano? Sermonan din ako ni tita Tams? Wag na lang! Busog na busog na ako ng sermon sa mansion. Hanggang dito ba naman! " Reklamo niya sa akin. Richard Santos he is the son of Mr. Luis Santos. Mas a head lang siya sa akin ng dalawang taon. I don't know what the whole story for his life. Basta nakita ko na lang siya noon na laging kasama si tito Luis. Tito Luis and dad is a good friends. Kaya naging malapit na rin kami ni Richard. Mayaman naman siya pero mas gusto niya ang magtrabaho sa aking resto. "Magtino kana kasi bro! Tumatanda kanang ganyan! " Sermon ko sa kanya! Kung tutuusin, dapat ako pa ang turuan dahil mas matanda siya sa akin. Dahil minsan sinabihan ko rin siya na bumalik na lang sa magulang. But, how do I know, what the story they have. Anyway, magkatabi lang naman kami ng condominium. Kwarto to be exact! "Wag ka nang mag sermon! Anyway congrats dudes! Another achievement again! Wow! " Bulalas niya sa akin. Hindi ko naman nararamdaman ang inggit sa kanyang boses, as I said mayaman din siya. "Thanks dude! But this is not mine. I gave this as a gift for my mom. Today is their wedding anniversary and of course, for being thankful for who I am right now. " Tugon ko sa kanya. Hindi na kasi lihim kay Richard ang lahat sa akin, as I said he is a part of our family because tito Luis is not a different to us. "Ang ganda pare! Sigurado ako magustuhan ni tita Sharon ito, maaliwalas at maluwang pa! I think baka ayaw niya ito ipagamit sa iba, kung baga for private only. " Tugon niya sa akin. Anyway nag usap na kami ng dad ko about diyan, at may point naman si Richard isa pa bata ang ang bunso namin, lalo na si mom hands-on siya kay Alexis. And speaking of that chubby, he's coming! "Kuya Masterchef! " Malayo palang pero sumisigaw na! Agaw eksena tuloy siya ng mga tao. Sumeryoso ang aking mukha dahil alam kong maraming nakatingin sa amin. Kabaliktaran ang ugali ko kay Richard, siya palangiti, palatawa in short bolero! But me definitely not! "Slowly buddy! " Awat ko sa kanya dahil masyado siyang mabilis na tumakbo! Nasaan ba kasi ang yaya nito at pinabayaan na naman! "Hi chubby! " Bati ni Richard sa aking kapatid, ang kaninang masarap ang ngiti nito ay pinalitan ng pagka bugnutin at malapit ng pagsalubong ang mga kilay! "I'm not chubby! I'm handsome! Right kuya Masterchef? " Sumbong pa nito sa akin! Parang gusto ko tuloy matawa sa itsura ng aking kapatid. Dahil sa sobrang taba na nga, nakasuot pa ng kipot na kipot na damit! Parang gusto ng pumutok ang tiyan! Pero kahit ganun mahal na mahal ko sila! "Kuya Masterchef! You want to laugh too?" Nagbalik ang aking diwa dahil sa sigaw ni Alexis. Siya naman ang lapit ni mom sa amin. "What's going on here anak? " Tanong nito kay Alexis na para bang gusto ng umiyak ang bata. Bago pa magsumbong ang aking kapatid siniko ko na si Richard! Dahil mukhang ipapahamak pa ako! No way maraming tao ngayon ayaw kong mapagalitan ni mommy! Kapag umiyak si bunso, nagagalit si mom, yung akala mo walang tao! "Hi baby, of course not! Do I laugh? You're so pogi like me right? " Pampalubag loob ko sa kanya, at tinaasan ako ng kilay ni mom pati si Richard. At tumayo na si mom at humarap sa amin. Habang ang kamay nito ay nakahawak na sa kapatid ko. "Kayong dalawa hah! Kapag ito pinaiyak ninyo! Sinasabi ko sa inyo, kayo ang mag-patigil diyan. " Medyo mahinang boses ni mom sa amin ni Richard, pero may kasamang pagbabanta, kilala kasi namin si Alexis, sabi nga ni mom sa akin parang ako lang daw noong bata ako! Basag daw lahat kapag ako ang sinumpong. Anyway ganyan si Alexis, mainitin ang ulo! Kawawa nga ang yaya nito minsan. "Mom, wala ako ginagawa, itong si Richard tinawag nga niyang chubby! " Sumbong ko sa mom ko! Samantalang si Richard parang gustong matawa ang gago? Wala naman akong sinabing nakakatawa! Kapag talaga nagkaproblema bawasan ko ang sahod ng hinayupak na ito! "Mommy!! Kuya monkey laugh of me! " Malakas na boses ni Alexis, ang tinawag niyang kuya monkey ay walang iba kundi si Richard! Ako na tuloy ang nagpalakas ng tawa! Siya naman ang tigil ni Richard. At masama ang tingin sa akin. "I'm sorry bro! Kids not lie! " Bulalas ko sa kanya na tawang-tawang ako! Pero napansin ko sa akin na pala ang atensyon ng lahat kaya bigla akong napa tikhim. "Ahm! " "Mom, may I excuse please, check ko lang ang kusina. " Paalam ko sa mom ko, at hinila ko na si Richard dahil pahamak talaga ang unggoy na to! "Excuse me! I'm not on duty today! Why you bring me here? " Paasik nitong tanong sa akin. Bago ko makalimutan, siya ang isa sa mga binilin ko! "Yong mga dish kanina. Sino nagluto yon, Ikaw? " Diretso kong tanong sa kanya. Nagtaas siya ng balikat, ibig sabihin wala siyang idea! Alam kasi nilang lahat na ayaw na ayaw ko ng pinapakialaman ang aking mga rules! "Then who the hell? " Tanong ko sa kanya! Pero wala pa rin malinaw na sagot ang unggoy na to! Kaya pinasunod ko siya sa kusina! Dahil alam ko nandoon ang magaling na pumalit sa aking mga dish. Pagkarating ko sa kusina tahimik na ang lahat! Nagkatinginan pa kami ni Richard dahil walang tao? Alam ko naman na tapos na silang nagluto, pero paano kung may pahabol akong iluto nila? The f**k! "Where they are? " Tanong ko sa aking katabi, siya naman ang dating ni Claire at hingal na hingal pa! "Kuya bakit ka nandito? " Tanong sa akin, kumunot ang aking noo sa tanong niya sa akin. Mukhang napansin niya at nag sign of peace pa gamit ang kanyang daliri. "Sorry po, alam ko naman kusina mo ito pero hanap ka po ni tito at tita may sasabihin daw yata sayo kuya. " Saad niya sa akin. Mukhang nagsisinungaling siya. Napansin ko pa sa peripheral vision ko na nagkatinginan sila ni Richard. Pero binale wala ko, anyway gabi na rin kasi. Siguro uuwi na ang mga bisita kaya hinahanap ako ni mom. "Ok, nasaan ang mga staff? Pakisabi sa kanila walang uuwi, lalo na sa nagluto. I want to talk to them later. Maliwanag? " Saad ko kay Claire. Tumango lang sa akin, at napalunok pa. At tuluyan ko ng iniwan ang kusina. Paglabas ko sa kusina, dumaan muna ako sa harden dahil narinig ko ang boses ng aking kapatid na bunso. Nagtaka pa ako at bakit pinayagan ni mom na lumabas ang kapatid ko kasama ang yaya nito? "Talaga ate pretty? Marunong kang gumawa yan? " Masigla nitong boses habang palapit na ako sa kanilang kinaroroonan. Napatigil pa ako sa paghakbang, dahil bakit nito tinawag na ate pretty ang yaya? At kailan pa? "Opo, gusto mo gumawa ako para sayo? Madali lang halika tuturuan kita. " Sagot ng kausap nito. "Talaga po ate pretty? Yehey! " Masayang bulalas ni Alexis sa kausap nito. Nakakunot noo pa ako, hindi nakikipag-usap si Alexis sa mga stranger, pero kung sabagay malalapit na kaibigan ni dad at mom ang mga bisita! Pero pinagtaka ko ang kausap ni Alexis ay naka uniform ng puti, ibig sabihin isa sa mga staff ko? Ngunit napatigil ako sa pag hakbang ng may sumigaw sa aking likuran, lalo na ng napa sulyap sa akin ang aking kapatid at ang kasama nito. " Chef Ella!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD