Chapter 1
Unknown POV
Umiiyak si Janella sa kalagayan ng kanyang Ina, dahil ngayon ay nasa hospital ito. Isinugod sa hospital ang kanyang mama dahil sinumpong ang sakit sa puso.
“ Panginoon, please po wag mong kunin ang mama ko sa akin.. “
Taimtim na dasal ng dalaga habang siya’y nakapikit at pinagtiklop ang palad nito habang naghihintay sa labas kung saan pinasok roon ang kanyang Ina.
Hindi lang isang beses na dinala ng dalaga ang mama nito sa hospital, ang totoo niyan ay sinabihan na siya noon ng doctor na tumingin sa kanyang mama na kailangan operahan ito sa madaling panahon dahil kung hindi ay nagiging komplikado ang buhay ng kanyang Ina.
Ano nga ba ang magagawa ng isang 17 year-old na dalaga. Una sa lahat mahirap lang buhay nila. Nakatira lang sila ng kanyang mama sa Brgy. Matapobre street #3 Tondo Manila.
Apat na taong gulang palang si Janella ay hindi na ito nakita ang kanyang ama. Ang sabi lang ng kanyang mama ay pumunta daw sa malayo ang ama nito dahil nagbabayad ito ng kasalanan.
Hindi lubos na maunawaan ng dalaga kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ina noon, dahil sampung taong gulang palang si Janella nung nabanggit nito ang kanyang ina.
Ang iniisip na lang ng dalaga ay lumayo ang ama para sa kanila. Pero paano nga ba niya masasabi ng dalaga na para sa kanila, eh ito sila ngayon mas mahirap pa sa daga.
Hindi rin lingid sa dalaga ang laging pag-iyak sa sulok ng kanyang mama noon sa gitna ng gabi. Halos gabi-gabi iyon.
Kaya naisipan ng dalaga, siguro doon nagsimulang nagkaroon ng sakit sa puso ang kanyang mama.
Winaksi muna ng dalaga ang pag-iisip sa kanyang ama. Dahil kung totoo man na lumayo ito para sa kanila, bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita ito sa kanila lalo na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon ang mama nito.
“Janella! Janella! “
Isang sigaw ng nagpa balik ng diwa sa dalaga at napamulat ito sa kanyang mga mata! At nakita niya ang itinuturing niyang tunay na kaibigan dahil lagi itong nandiyan para sa kanya lalo na sa kagipitan katulad na lang ngayon, kahit pareho pa silang kapos sa buhay.
“Shilla? “
Tawag sa pangalan ni Janella sa kanyang kaibigan. At kahit paano nakaramdam ng ginhawa ang dalaga.
“Beshy, may sagot na sa dasal natin. Maipa-pagamot mo na si tita Crisanta! “
Masayang tugon ni Shilla kay Janella pagkarating sa tabi ng kaibigan nito.
Nagliwanag naman ang mukha ni Janella dahil para sa dalaga isang good-news ito sa kanya! Una sa lahat ang pinag-uusapan nila ngayon ay ang kalagayan ng mama nito.
“Talaga beshy? Ano 'yon sabihin mo na? “
Tugon ng dalaga at para bang excited pa ang kanyang mukha, kanina lang akala mo’y binagsakan ng langit, ay bigla na lang nagliwanag.
Ganito kasi ang dalaga! Ang totoo, masayahin na tao si Janella. Dahil sa buhay nila bawal ang malungkot. Kailangan laging masaya kahit mahirap lang ang buhay nila. Para sa kanyang mama ayaw nitong mag-isip ng hindi maganda. Gusto ng dalaga na makita ang mama nito na ok lang siya at kahit pa dalawa lang sila sa buhay ay masaya silang mag-ina.
17 year-old si Janella. Maganda, makinis ang kutis sa katawan, at nasa 5’2 ang height nito. Masayahin na dalaga at masipag! Kahit anong klaseng trabaho pinapasok, basta marangal. Wala siyang pakialam kahit mahirap. Para kay Jannella, lahat kakayanin.
Mabuti na lang at matalino si Janella, nakakuha ng dalaga ng scholarship mula sa kanilang mayor. Hilig ni Janella ang pagluluto dahil bata palang ito ay namulat na siya sa kanyang ina na kahit madaling-araw ay nagluluto na ito ng ulam na binebenta sa mga kapit bahay,upang dagdag-kita sa pang araw-araw nilang gastusin.
Iyon rin ang dahilan kung bakit sila patuloy na nabubuhay at lumalaban sa hirap! Ngunit tumigil lang ang kanyang mama sa pagluluto at pagtitinda ng ulam dahil sa sakit nito.
Kaya Ipinangako ng dalaga na siya na ang bahala sa kanilang dalawa. Habang nag-aaral sa umaga ang dalaga, ay pumasok ng trabaho sa gabi.
Hindi lingid sa kaalaman ng mama nito na alam ang hirap ng kanyang anak.
Naawa man si Crisanta sa kanyang anak na ay wala naman siyang magawa dahil hirap narin ang katawan nito. Pero pinipilit lang niya maging malakas para sa kanyang anak na ayaw nitong makikita na nahihirapan kahit pa nakangiti ito sa harapan niya.
“Hoy! Nakikinig ka ba sa akin? “
Sigaw ni Shilla sa kaibigan nitong si Janella. Kaya napaigtad ang dalaga at nagbalik ito sa kanyang diwa. Siya naman ang paglabas ng doctor mula sa loob kung saan doon ipinasok ang ina ng dalaga.
Embis na sagutin ni Janella ang kaibigan nito ay ang doctor muna ang kina-usap.
“Ms. Manalo? “ Tawag ng doctor sa dalaga.
“Doc, k–kumusta po ang mama ko? “
Nanginginig na tanong ng dalaga sa doctor na tumingin sa mama nito.
“Ms. Manalo, hindi na ako magpa ligoy-ligoy pa, tulad ng sinabi ko sayo noon. Kung hindi operahan ang mama mo sa madaling panahon, baka hindi na siya magtatagal pa. “
Biglang nanghina ang dalaga sa kanyang narinig mula sa doctor, at bigla na lang itong napa-upo at napaluha. Agad naman umalalay si Shilla sa kaibigan nito at naawa ito sa kalagayan ng kanyang kaibigan.
“Hija, I’m sorry. Pero mahina na talaga ang puso ng mama mo. “ Tugon ulit ng doctor.
“D–Doc m-magkano po ang kailangan ni mama para sa operasyon po? “
Nanginginig na tanong ng dalaga sa doctor. Kahit may idea na ito, dahil noon paman alam na ng dalaga na hindi barya ang kailangan para sa operasyon lalo na sa sakit ng puso.
“Ms. Manalo, you need to prepare one–hundred fifty thousand pesos. “
Pakiramdam ng dalaga, bumagsak ang langit sa kanya, sa sinabi ng doctor. Una sa lahat, barya lang ang kinikita niya. Pangalawa saan siya hahanap ng ganun kalaki ng halaga? Napaluha na lang ang dalaga at napa-yakap sa kaibigan nito.
“I am sorry Ms. Manalo. Just tell me what your decision is as soon as possible." Tugon ng doctor sa kanila. At umalis na ito.
Hindi na nakasagot pa ang dalaga dahil sa kanyang nararamdaman. Gulong-gulo ang isip ni Janella sa kalagayan ngayon ng ina nito.
Pumasok ang dalawang dalaga sa silid kung nasaan ang mama ni Janella. Pinunasan ang dalaga ang luha nito at matamis na ngumiti bago pumasok sa loob.
“Ngumiti ka, wag ka ng umiyak. “ Bulong ng dalaga sa kanyang sarili.
“Kaya mo yan beshy, kaya natin to! Laban! “
Pag che-cheer ni Shilla sa kaibigan nito.
“Kaya natin to! Laban!! “ Sabay pa nilang bigkas na dalawa at sabay taas sa kamao nila at napa bungisngis na ang dalawang matalik na magkaibigan. Na animo'y walang pinagdadaanan.
“Mama!! “ Masiglang boses ng dalaga pagkapasok sa silid ng kanyang ina.
Ngumiti si Crisanta pagka kita sa anak nito, ngunit hindi nakaligtas sa kanya na katatapos lang umiyak ang kanyang anak. Pero ngumiti pa rin ito sa kanyang anak.
“Anak, halika dito? “ Tawag ni Crisanta sa anak nitong dalaga.
“Ikaw din Shilla. Halika ka nga.” Tawag nito sa kaibigan ng kanyang anak.
“Wag kayong mag-alala sa akin hah, tignan niyo ako, malakas pa ako, mga bata kayo oo! Umiyak na naman kayo no? “
Sermon nito sa dalawa at pinasigla pa ang boses nito kahit pakiramdam nito na nanghihina na ang kanyang katawan. At hindi rin lingid sa kanya na malubha na ang kanyang sakit. Ngunit ayaw ni Crisanta na malungkot ang kanyang anak. At ang naisip lang nito ay kung pwede lang iiwan nito ang anak sa taong hindi siya pababayaan.
“M-Mama… “
Boses ni Janella sa mama nito, at hindi na nga nito napigilan pa ang luha na kanina pang pinipigilan lumabas.
“Shhh.. Tahan na anak. Wag kang mag-alala kay mama, ok lang ako. Wag mo akong isipin hah. “
Parang gusto rin maluha ni Crisanta sa sinabi nito sa kanyang anak. Ngunit nagpipigil lang. Dahil ayaw nito na madagdagan ang lungkot ng kanyang anak na dalaga.
“Mama, dito ka lang muna hah? Maghanap po ako ng pera mama. Para po sa operasyon mo. At wag kang mag-alala mama ok lang po ako! Ako pa! Malakas yata 'tong anak mo!"
Pinasigla ni Janella ang kanyang boses at tinaas pa ang kamay nito na para bang kayang-kaya nito ang lahat kahit pa anong pagsubok! At matamis ng ngumiti sa kanyang ina.
Natawa naman si Crisanta sa determinasyon ng kanyang anak dahil sa tapang nito at alam niyang nakikipaglaban sa hirap ng buhay. Mabuti na lang at kahit pa iniwan sila ng kanyang asawa ay swerte naman ito sa kanyang anak, maliban na sa maganda, mabait pa ito at masipag.
“Sige anak, basta lagi kang mag-ingat hah? Saka pwede naman na akong lumabas dito anak ok na ako. Iinom lang ako ng gamot anak magiging malakas na ako. “
Tugon ni Crisanta sa kanyang anak. Umiling naman si Janella bilang sagot. Dahil determinado ang dalaga na maoperahan ang ina nito sa madaling panahon.
At ang dalawang magkaibigan ay nagpaalam na sila kay Crisanta. Dahil kung hindi nagkakamali si Janella ay nabanggit kanina si Shilla sa kanya na solve na ang kanilang problema!
At tuluyan ng lumabas ang dalawa sa silid. Ang totoo niyan alas kwatro na ng hapon!
Nasa canteen na ang dalawa at kumain muna ng tanghalian. Late na rin pero anong nagawa niya eh bigla-bigla tinakbo sa hospital ang mama nito! Pero bago sila kumain binilhan muna nila ang mama nito ng pagkain.
“Ano ang sinabi mo sa akin kanina na may sagot na sa dasal natin beshy? Alam mo na ba kung saan tayo kukuha ng ganong kalaking halaga? “
Pagbasag ni Janella sa katahimikan ng dalawa, dahil ang madaldal nitong kaibigan ay biglang natahimik! Ngunit ngumiti naman kalaunan!
“Beshy! May sagot na sa dasal natin! At sobra-sobra pa! “ Masiglang bulalas ni Shilla sa kaibigan nito!
“ Talaga beshy? Saan tayo uutang ng pera? “ Masiglang sagot ni Janella sa kaibigan nito!
Embis na sagutin ni Shilla ang kanyang kaibigan ay ibinigay nito ang newspaper na hawak-hawak niya na ngayon lang napansin ni Janella.
Kinuha ng dalaga ang newspaper at tinaas ito sa harapan ng kanyang kaibigan.
“Ito? Anong gagawin ko dito beshy? “
Nakakunot noo na tanong ni Janella kay Shilla at tinaas pa nito ang newspaper na hawak niya.
Akala tuloy ng dalaga kanina, meron nang nakilala na pwedeng magpa-utang sa dalawa! Pero ito pala, newspaper lang. Nakaramdam ng pagkadismaya si Janella.
“Ahm! Beshy buklatin mo! Wag ka ng nakasimangot diyan! Mabawasan ang ganda mo ng isang gramo sige ka! “ Kwelang tugon ni Shilla kay Janella!
“Akala ko naman pera! Ano gagawin ko dito? Panggatong besh? “ Biro ni Janella kay Shilla.
“Beshy, basahin mo kaya ang nakasulat diyan! Dali! “ Excited pang bulalas ni Shilla kay Janella. At binaliwala ni Shilla ang himutok ng kaibigan nito.
Sinunod naman ni Janella ang sinabi ng kaibigan nito at sabay pa nilang binasa kung ano ang nakalagay doon!
“ Live cooking–show contest! Winner: 250.000.00! Ano pang hinihintay mo! Kung may talent ka sa pagluluto join na! Register your name and cellphone number! Malay mo ikaw na ang aming napili!! Dali na sali na! “