CJ's POV
"Kuya! You make me hilo na po! "
Napatigil ako sa pabalik-balik ng lakad dito sa loob ng living room sa reklamo ng aking kapatid na si Shakira.
"Sorry, baby girl. Nasaan na ba kasi si daddy? " Tanong ko sa kanya, as if naman alam ng bubwit na to!
"How do I know kuya? And stop calling me baby duh! " Sagot sa akin. Habang nakasimangot.
See! Sinabi ko na eh! Nag tanong pa kasi ako!
Nandito ako sa mansion dahil meron akong gustong sabihin sa aking ama.
I am now 17 year-old, and I want to be an independent person. I want to prove something to my father. Even though they don't bother me. I just want to stand on my own two feet and I want to continue the business left by my real parents.
Yes, I already know everything. But that was not the problem for me. Because I know daddy Franco and mommy Sharon love me so much.
And I am very thankful for that.
My daddy Franco said, my real father and mother back then had their own restaurant. That’s the Japanese-food for which daddy Franco named it after me.
I want my parents to continue the business they started then. And I am also very grateful to my mommy Sharon because from her I inherited a love of cooking. Or maybe we can also say that I inherited it from my real parents. Who knows?
But the important thing is, for what I want!
"Kuya, daddy and mommy here! "
Nagbalik ang aking diwa sa sigaw ni Shakira. Ang aking kapatid. Pag tingin ko sa pintuan si daddy nga at mommy buntis ang dumating.
Yeah, I have two siblings soon, Shakira the little pretty girl brat, but I love her, and of course who is my mom bump. Oo, buntis ang mommy Sharon.
"Yes son? What is it? "
Hindi pa nakaka-pasok si dad sa loob ng narinig ang sinabi ng madaldal kong kapatid.
"Hi dad! Hi mom! " Bumati muna ako sa kanila at hinalikan ko si mom.
Si dad nag suntukan kami ng kamao. At napangiti si mommy sa amin. If I'm not mistaken baka nagpunta sila sa hospital. Kabuwanan na kasi ni mommy ngayon.
"Hello anak, may sasabihin ka ba sa dad mo? " Tanong sa akin ni mom. Tumango ako bilang sagot.
"I think hon, it's important. Sige na mag-usap na kayo. Baby Shakira come here please. "
Saad ni mom sa amin ni dad at matamis pang ngumiti sa amin. Sabay tawag sa aking kapatid. Maligalig naman si Shakira at tumakbo agad ng tinawag siya ni mom.
"Mommy, where's may pasalubong po? And mommy, please don't call me baby anymore! Duh! "
Nakatayo kami ni dad dito sa living room ng magsimulang reklamo ang aking kapatid, pareho tuloy kami ni dad na napatawa sa inasta ng aking kapatid.
"Uh, oh! I'm sorry anak, nakalimutan kong maging ate kana pala. " Nakakatawang sagot ni mom kay Shakira.
"Ops! Nasaan ang kiss ko? " Tanong naman ni dad sa kapatid ko at pinadipa pa nito ang mga braso habang nakatayo, actually Shakira now is 11 year-old.
"Daddy!! " Masigla naman na bulalas ni Shakira at hinalikan siya at binuhat na rin! Pero nakasimangot na!
"Daddy! Put me down! I am not a baby anymore!! "
Sigaw pa ulit nito at agad-agad naman na binaba ni dad ang aking kapatid, dahil sa lakas ng boses! Napa-iling na lang si mom!
"Ok, I'm sorry sweetheart, but still you're my baby huh. "
Sagot naman ni dad kay Shakira, at mukha ng iiyak ang kapatid ko. Pero bago pa umiyak sumabat na ako!
"Shakira, I thought you're a big girl now! Are you going to cry? "
Pang-uuyam ko sa kanya, nakita ko pang nagpunas siya ng kanyang luha at tumingala sa akin.
"Do I cry kuya? Did you see it? I'm not crying. Because I am a big girl now. Right mommy? "
Sagot sa akin, at pumunta na siya mommy namin at ayon naghahanap pa ng kakampi!
Natawa naman si mom sa amin. Actually hapon palang naman medyo maaga pa. At bago pa may mag alboroto! Nag paalam na kami ni dad kay mom at mag-usap lang kami.
Nang makarating kami ni dad sa kanyang office ay agad na akong nagsalita.
"Dad, I want to open another restaurant, and buy a condominium for me. "
Saad ko agad sa kanya. Hindi naman ako takot na magsabi ng ganun sa aking ama dahil kahit 17 year-old ako ay may sarili na akong pera. Yun ang kita sa restaurant na nakapangalan sa akin doon sa hotel ni dad. Ang Japanese-food restaurant.
Isa pa, binigyan din ako ng aking ama ng sarili niyang pera, para daw kapag may kailangan ako ay mabibili ko. Hindi ko na daw kailangan magsabi sa kanya. Ang bansag sa akin ay batang milyonaryo!
Actually nag-aaral palang ako. Kumuha ako ng master degree sa pagiging chef-cook. Maliban doon ay nag-aral din ako sa pagiging Master Business Administration (MBA) . Dahil gusto ko lumaki pa ang aking negosyo.
"About that restaurant son, I think it easy. But, about that condominium, well ahm! " Sagot sa akin ng aking ama. Dahil may pabitin portion pa.
"But? What dad? " Tanong ko sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan. Wag niyang sabihin na ayaw akong payagan?
Hindi naman sa ayaw kong tumira dito sa mansion. This is my house too! And of course masaya ako dito lalo na nandito ang aking pamilya.
Pero syempre malayo na ako dito sa gagawin kong restaurant dahil malapit lang naman doon sa Tondo. I know na malimit ang tao doon na bumili pero I will try sa kaya nilang presyo.
Kaya doon ako kukuha ng condominium para sa akin. Yung saktu lang sa isa! Masyadong malayo ang mansion nila dad. Isa pa ayaw ko tumira sa penthouse.
"I think, about that condominium son, you need to ask your mom first. You know your mom right? Hindi iyon papayag anak. I'm telling you. "
Sagot sa akin ni dad. Yes is true! Isa pa wala pa ako sa tamang edad, but I understand them.
"Well, just fine dad. But I want the restaurant as soon as possible"
Saad ko sa kanya. Ngumiti naman ang aking ama sa akin.
"Sure son, wala tayong problema diyan. By the way, how's your study? "
Tanong niya sa akin. Sabay tapik sa aking balikat, pinagsasabay ko kasi ang pagiging Master Chef-cook , at ang Master Business Administration (MBA)
"Well, just fine dad! Easy lang naman! "
Bale wala kong sagot sa aking ama! Ganun talaga siguro kung gusto mo ang ginagawa mo walang mahirap!
Natuwa naman ang aking ama sa aking sinagot sa kanya. Sa totoo lang wala silang naging problema sa akin. Sa pag-aaral ko at lalo sa akin.
Alam kasi nila na hindi rin ako mahilig sa babae, anyway naka focus kasi ako sa aking pag-aaral! Woman? Out of me! Maliban lang syempre sa aking mommy at kapatid! Because I love them!
"I am proud of you son, I know someday you will become a young billionaire businessman all over the world! "
Proud pang tapik ni dad sa aking balikat. At may pahabol pa!
"But, I am telling you that, no girls allowed! You know your mom rules! "
Paala pa sa akin, napa-iling na lang ako.
"Yeah! No girl allowed until I'm turning 18"
Sabay pa namin saad ng aking ama at sabay pa kaming natawa! Iyon kasi ang laging sinasabi sa akin ni mom! At duda rin ako kung payag siyang kumuha ako ng sarili kong condo unit!
Agaw eksena naman ang newspaper sa mesa ng aking ama! Dahil parang may saliring utak ang aking paa, at humakbang ako papunta sa table ni dad.
Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang aking ama at napa kunot noo sa akin. Alam kasi niya na wala akong hilig magbasa ng newspaper. Maliban lang kung about sa business at about sa pagluluto.
And speaking of that. Sabi ko na nga ba about sa cooking show ang aking nakita. And what! Hindi rin basta-basta ang premyo!
"What's that son? "
Tanong ni dad sa akin, dahil seryoso kong binasa ang nakasulat dito. At may naisip akong paraan para mapa-payag ko ang aking ama sa aking gusto.
"It's a live cooking show contest dad, hindi ka rin talo kapag panalo ka diyan, ang laki ng halaga huh! "
Sagot ko sa kanya. Ang daddy ko ang tipo ng taong kuripot bawat sentimo mahalaga, pero kapag si mommy ang nanghingi aba! Kahit ilang million pa!
"Wow! Is it real? 250.000.00? "
Nanlaki pa ang mata ni dad sa pagkasabi ng halaga ng mapapanalonan! Sinabi ko na nga ba!
"Yeah. " Bale wala kong sagot sa kanya. At ito na nakaakbay na sa akin! Alam ko na kung ano ang gusto ng aking ama. Gusto niya sumali ako sa contest dahil sa pera! Natawa ako sa aking dad.
"Son, ahm! Ayaw mo sumali diyan? Malaki-laki din ang mapapanalunan mo? "
Tugon sa akin. Gusto ko sabihin sa aking ama na sa akin nga ba, o baka naman sa kanya. Sigurado ako nabawasan na ulit ang pera nito! Kung sabagay si mom kasi kung makakita na ng nahihirapan sa buhay agad ng tinutulungan at wala naman magawa ang aking ama diyan.
And of course todo support siya kay mommy. Humarap ako sa aking ama at may naisip akong paraan, para pumayag siya sa gusto ko.
"Dad, kung gusto mong sumali ako diyan, may isa akong kondisyon. "
Tugon ko sa kanya. Nakita ko pang tumaas ang labi ng aking ama at parang natuwa sa sinabi ko!
"Sure son! What is it? "
Mabilis na sagot ang ang aking ama sa akin. Kaya wala na akong sinayang pa na oras! At sinabi ko na sa kanya ang aking gusto.
"As I said earlier, dad, I want a condo unit. And I promise to you, I will win that contest! "
Pagkasabi ko iyon, ay napanganga na lang ang aking ama sa akin! Ganun ako kabilib sa aking sarili!