JANELLA'S POV
“Beshy, relax! Diba ngayon ang announce ng mga napili para sa Live Cooking Show? “
Saad sa akin ng aking kaibigan, dahil nandito kami ngayon sa hospital. Nakikinood na rin kami dito dahil may TV dito sa may waiting area.
Nagpaalam kami sa 'king mama na may pupuntahan lang saglit ngunit ang totoo ay mapanood kami, kung sino ang makakasama sa nasabing live show!
Nag register kasi kami agad ng aking kaibigan sa araw na 'yon, at hindi rin basta-basta ang premyo! Isa pa gagawin ko ang lahat para manalo!
Pero mukhang 'tong kaibigan ko pa ang kinabahan kaysa sa akin. May pa sabi-sabi pa siyang wag akong kabahan pero ito siya ngayon nanginginig pa ang mga kamay! Pati paa! Pinag titinginan na kami tuloy ng mga tao!
“Hoy! Relax ka nga! Para kang sira! Ako 'tong pinapa relax mo pero daig mo pa na ikaw ang sasali hah! “
Kantyaw ko sa kanya, at ito na nga! Sinamaan lang naman ako ng tingin! At bigla na siyang sumigaw!
“Ayan na beshy! Focus na tayo! “
Parang sira talaga ang kaibigan ko! Pero pati ko mapapanatili na rin! Dahil isa-isa ng tinatawag ang mga napiling lumabas sa finale!
Actually nagluto na kami noong isang araw! At sila na lang daw ang pipili kung sino ang limang maswerteng maglalaban-laban!
Aaminin ko sa aking sarili na kinakabahan ako. Pero pursigido akong makapasok sa top-5!
Isa pa, limang-araw na si mama dito sa hospital at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad. Gusto man umuwi ang aking ina sa bahay namin, pero hindi pwede, dahil noong isang araw nawalan siya ng malay. Ang sabi ng doctor ay mahina na daw talaga ang puso ng aking ina.
“And our finalist number -3 is?! “
Nagbalik ang aking diwa sa boses ng host sa TV! At maingay ang mga tao na nakikinood na rin katulad namin. Kung sabagay sikat ang live cooking show sa buong Pilipinas! Dahil maliban sa marami kapang natutunan na lutuin ay may malaking halaga ka pang mapapanalunan!
“ Espiritu ng mga tikbalang, mga aswang sa kagubatan at white lady sa gabi! Parang awa niyo na po! Pakibulong po sa host at pangalan ko na po ang itawag niya, amen. “
Nakapikit kong dasal at pinag tiklop ko pa ang aking mga palad, ng nararamdaman kong sinisiko ako ng 'king kaibigan! Kaya napamulat ako sa aking mata.
“Gaga ka! Anong tikbalang ka diyan beshy! Si Lord ang tawagin mo sira! “
Sigaw niya sa akin! At napatingin pa sa amin ng mga tao! Ngunit bigla kaming napatigil ng aking kaibigan ng biglang nagsalita ang host!
“At ang pangatlong kalahok sa ating live cooking show ay si! Number 3 Ms. Janella Manalo from Brgy. Matapobre street #3 Tondo Manila! “
Anunsyo ng host at bigla na lang kami nag sisigaw at napatalon ng aking kaibigan!
“Wooh! Besh! Pasok ka besh! Gosh! Congrats! “
Sigaw ng aking kaibigan at nagyakapan na kami! Bigla na lang din kaming napatigil ng mapansin namin ang lahat nga tao dahil nakatingin na sila sa amin.
Hindi na rin namin narinig pa ang sa pang finalist dahil sa sobrang excitement namin ng aking kaibigan.
“Grabe besh hah! Ang lakas pala ng tikbalang no? Pati aswang at white lady”
Natatawa ng bulalas sa akin ni Shilla ng medyo ok na kami! At masaya kaming pumasok sa room ng aking ina.
Ngunit biglang tumunog ang phone kong 3310 nokia. Ang pinaka mamahal kong cellphone! Dahil ito ang regalo ni mama sa akin pagka-graduate ko ng high school.
“Besh ang phone mo may tumatawag! “
Paalala sa akin ang aking kaibigan, dahil sa sobrang excitement ko ay hindi ko na sinagot ang tawag. Buti na lang, nandito ang beshy ko na always reminder.
“Ay oo nga pala! Baka staff na ito ng live show besh! “ Excited kong tugon sa aking kaibigan.
“Sige sagutin mo muna besh! Ako na bahala kay tita! Dali! “ Excited na sagot sa akin ni Shilla.
Kaya sumenyas na ako an sagutin ko na at nauna na siyang pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang aking ina.
“Hello po! Good afternoon! “ Magalang kong sagot sa tawag.
“Hello! Pwedeng makausap si Janella Manalo? From Live Cooking Show po ito. “
Tugon ng kausap ko sa phone. Hindi ko maiwasan ang hindi matuwa ng sobra! Dahil abot ko na ang tagumpay! Kahit pa sabihin natin na hindi pa tapos ang laban! Isa pa hindi kana talo dahil meron rin premyo lahat ng nakapasok na sa top-5 ngunit ang aking goals ay masungkit ko ang first price!
Upang sa ganun, ay may pang-opera na sa aking ina at pambili ng gamot niya.
“Yes po. Ako po ito! Ako po si Janella Manalo ma’am. Ang nag-iisang Janella po! Wala na pong iba. “ Masayang tugon ko sa aking kausap.
Narinig ko pang may tumawa sa kabilang linya, pero bigla naman na tahimik. Wala naman akong sinabing nakakatuwa.
“Ahm! Ok hija, ikaw ang napiling isa sa mga kalahok sa live cooking show, pumunta ka dito bukas, dahil magsisimula na tayo. Wag malate, dahil disqualified ka. 10:30 am ang simula ng show. At kailangan 8:am nandito kana to make ready. Understand Miss Manalo? “
Hindi ko alam kung naintindihan ko lahat ang sinabi ng staff sa akin. Basta ang naiwan lang sa aking utak ay ang oras! Kailangan daw 8:am palang ay nandoon na ako.
‘Y-Yes ma’am! Naiintindihan ko po! Thank you po ma’am! “ Maya’t maya masigla ko ng sagot at nagpaalam na rin siya sa akin at pinatay na ang tawag.
“Lord marami pong salamat. “ Pasasalamat ko sa taas sabay nag sign of cross pa ako. May tiwala ako sa Dios at alam kong hindi niya kami pababayaan ng aking ina.
Pumasok na nga ako sa kwarto ni mama nay baon ng matamis na ngiti! At pareho pa silang nakatingin sa akin ng aking kaibigan.
“Hi mama! “ Bati ko sa mama ko sabay halik sa kanyang pisngi.
“Hello anak, o' masaya ka yata ngayon? “ Tugon ng aking ina. Aba parang bago sa aking ina na masaya ako! Hello! Lagi kaya akong masaya!
“Mama! Lagi naman talaga akong masaya! At mas masaya ako ngayon dahil may sagot na sa dasal natin Ma! “ Masigla kong sagot sa kanya.
“Ano kaba beshy! Tatlo lang tayo dito pero kung makasigaw ka naman wagas! “
Reklamo sa akin ni Shilla, pero sinamaan ko siya ng tingin! Pero kunwari ko lang naman! Mahal ko ang kaibigan kong to no! Siya ang karamay ko sa hirap at ginhawa! Kahit minsan pinapagalitan na siya ng kanyang mama dahil sa pagsama sa akin ng madalas.
“Wag ka ngang kang maingay diyan! Maging sikat na ako noh! Maging artista na rin ako besh, Ma! “
Kwela kong tugon sa kanilang dalawa! At nagtatawanan pa silang pareho! Dahil alam nila na nagbibiro ako.
“Anong sinasabi mo anak? Linawin mo nga at ako’y naguguluhan sayo. “ Tugon ni mama sa akin at nakikita ko din ang tuwa sa kanyang mga mata. Dahil mukhang excited din ang matanda!
“Mama! Nakapasok po ako sa sikat na Entertainment live show sa TV Ma! Ang palabas ni Judy Ann Agoncillo Ma? Tyaka ma, diba Idol mo siya? “
Parang kinikilig ko pang bulalas sa aking mama, dahil nanginig pa ang buo kong katawan! Parang gusto pa tuloy akong pagtawanan ng aking kaibigan sa itsura ko! Pero sinimangutan ko siya!
Pero ang totoo, wala si Judy Ann sa show kasi naka leave daw, buntis kasi. Sayang nga eh wala siya, para sana makapag picture ako sa kanya para ipakita ko sa aking mama.
“Aba talaga anak? Wow congrats anak! Kailan ka daw magsimula anak at mapanood kita? “ Excited na tugon ng aking ina sa akin. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pag hawak nito sa tapat ng kanyang dibdib.
Embis na sagutin ko ang aking ina ay iba ang tinanong ko, dahil agaw pansin sa akin ang pag iba ng kulay ng mukha ang aking mama. Parang naging violet ang kulay nito na dati ng mapusyaw.
“Mama? Anong nangyayari sayo? “ Tanong ko sa kanya, at bigla na lang siya nahirapan huminga. At hindi makasagot sa akin. Kaya nagpanic na ako.
“B-Besh, tumawag ka ng doctor dali! “ Medyo pasigaw kong bulalas sa aking kaibigan dahil pati siya taranta na!
Agad-agad naman na tumayo si Shilla at narinig ko pang sumigaw siya sa labas ng room kung nasaan kami.
“Doctor! Doctor! “ Sigaw ng aking kaibigan!
“Mama! Mama… “ Naiiyak kong tawag sa aking ina na ngayon mahirap siyang huminga.
“A-Anak… “ Nauutal na tugon sa akin ni mama.
“Ma, wag ka ng magsalita. Please hintayin natin ang doctor mama. “ Naiiyak kong tugon sa kanya.
Kung bakit kasi nakalimutan kong bawal pala sa aking ina ang sobrang excitement at lungkot. Sinisi ko tuloy ang aking sarili.
Siya naman ang pasok ng doctor na halatang nagmamadali pa!
Bigla akong tumayo at lumayo sa aking ina at agad siyang tinignan ng doctor.
Habang pinapanood ko si mama kung ano ang ginagawa sa kanya, ay hindi ko maiwasan ang hindi maiyak! Mabuti na lang nandito si Shilla.
“Shhh, tama na beshy, wag ka nang umiyak. May awa ang dios at magagamot si tita. “
Pagpapa kalma ng kaibigan ko sa akin. Medyo nakaramdam din ako ng ginhawa. At nakita ko pang may tinurok ang nurse sa aking ina at naging kalmado na rin ang lahat.
“Miss Manalo, tulad ng sinabi ko sayo, ang mama mo ay hindi na mabuti ang kalagayan. “
Tugon sa akin ng doctor. Naramdaman ko pa ang pisil sa aking pulsuhan ng aking kaibigan sa akin.
“Docto, ngayon week po, schedule na po ninyo si mama. Pero doc, sigurado po ba na makakabuti ang lagay ang mama ko kapag maoperahan siya?” Naiiyak kong tanong sa doctor.
“Well, sa ganitong cases, 50% ang change. Don’t worry hija, gagawin namin ang lahat maging successful ang operation ng mama mo. “ Tugon sa akin ng doctor.
Nabuhayan naman ako ng loob kahit paano! Kung sabagay sikat ang hospital na ito dahil bali-balita na marami na daw napagaling na may mga sakit sa puso. Nandito na kasi lahat yata ng magaling na doctor, ayon sa naririnig ko.
"Sige hija, pumunta ka na lang sa cashier, at doon ka magbayad. Para ma schedule na ang mama mo. “ Saad pa ng doctor sa akin. Sa totoo lang mabait ang doctor. At medyo bata pa siguro nasa 50’s siya.
“Siya siguro ang may-ari ng hospital. “ Kausap ko sa aking sarili ng makaalis na ang doctor.
“Pero saan naman ako kukuha ng pang down payment sa operasyon ng mama ko? “ Tanong ko ulit sa aking sarili.