Part 7

1745 Words
Pag-isipan mo, okay? LUNES. Hindi makapaniwala si Angelu sa nakikita. Si Nick ay naroon sa grupo nina Henry, hindi nagsusuntukan ang mga ito sa halip ay nagtatawanan pa. Mukhang nagkasundo na ang mga ito. Birds of the same feather flock together, after all. Nick is the clear stand out among the group. Iba ang aura nito. Natatangi ang personalidad. Si Nick iyong klase ng tao na ihalo man sa karamihan ay siguradong mangingibabaw pa rin ang paresensiya nito. O, baka naman sa paningin lang niya? Dahil aware din naman siya na marami rin naman ang nagkakandarapa kay Henry.             Agad siyang nag-iwas ng paningin ng mahinuha niya na napansin na siya ni Nick. Hayon na naman ang pagkataranta nang sa gilid ng mga mata niya ay makita niyang papalapit ito sa kanya. “Anj, good morning,” bati nito sa suwabeng boses. Nakasuot si Nick ng kulay grey na sweat shirt. Mahaba ang manggas niyon pero inirolyo hanggang siko. He wore a leather watch on his wrist. Pantalong maong ang pang-ibaba nito. He looks so dashing. Alam niya na ang mga bagong estudyante ay binibigyan ng dalawang linggong palugit bago obligahin ang mga ito na magsuot ng school uniform.             “’Morning,” tugon niya, hindi tumitigil sa paglalakad. Nakakaramdam ng pagkataranta si Angelu. Kagabi ay halos hindi siya makatulog sa pag-iisip sa lalaking ito. Hindi man niya gusto pero ayaw nitong mawala sa kanyang isipan. He was thinking of him, of his smile, of his looks, of how he stared at her… of everything. Iniisip niya iyong mga pagpapapansin na ginagawa nito sa kanya. Kaya naman natatagpuan niya ang sarili na nangingiti na lang. Minsan ay napapabuntong-hininga pa. Sa totoo lang ay excited nga siyang gumising kanina para pumasok dahil excited siyang makita si Nick.             “Akin na ang mga libro mo. Ako na ang magbibitbit,” ani Nick bago kinuha sa kanya ang mga hawak na libro.             Napalunok si Angelu. Paano ang palad nito ay pumatong sa palad niyang may hawak ng libro. At base sa pagkakangiti ni Nick ay mukhang sinadya nito iyon. Pilyo talaga ito. Pangahas. Hindi natatakot gawin ang mga gustong gawin. “H-hindi na,” pag-iwas niya. Parang kakapusin siya ng hininga. Ramdam na ramdam niya ang init na hatid ng palad nito sa balat niya. It was making her heart skipped a beat. At hindi nakakatulong ang intense na tingin nito. Nanunuot iyon, parang isinasailalim siya sa mahika nito. “I—I’m okay. Really. Kaya ko na.” Lumunok siya.             Isang makapigil hiningang ngiti ang gumuhit sa labi ni Nick. Huwag naman sana nitong mahalata na naaapektuhan siya rito. But damn, hindi niya alam kung hanggang kailan niya makakayang magpanggap. “Okay,” anito, pero bago bawiin ang palad ay bahagya pa muna nitong pinisil ang palad niya. She almost gasps. Nasaan na ba kasi si Wena at nang makaiwas na siya mula rito kay Nick. Kaya lang, isa pa rin namang mapanukso ang babaeng iyon.             “So, kabilang ka na sa grupo ni Henry?”             “Hindi ako kabilang sa kahit na anong grupo. Pero, oo, na-settle na namin ang isyu namin. Besides, it’s better to make friends than enemies. Hmm, Anj, maaga pa naman. Bakit hindi muna tayo pumuntang canteen?”             “No, thanks,” aniya bago dali-dali nang naglakad. Hindi na pinansin si Nick kahit nakasunod ito sa kanya. She went straight to their class room. Para magulat lamang sa nadatnang hitsura ng silid-aralan. Maraming bulaklak doon at lobo. Sa upuan niya ay naroon ang isang malaking stuff toy. Then her classmates start singing a particular love song. Napalunok si Angelu, nag-iinit ang kanyang mga pisngi. Binalingan niya si Nick. Ngiting-ngiti ang loko. “I-ikaw ang may pakana nito?” tanong niya.             “Yes. Para sa ‘yo,” simpatikong tugon nito. Binalingan nito ang klase. “Thanks, guys, sa cooperation. As promised, sagot ko ang lunch n’yo.” Palakpakan naman ang ito. Pumasok si Nick sa loob. Kinuha nito ang stuff toy at bouquet ng bulaklak. The next thing she knew ay nasa harap na uli niya ito. “For you.” Boy, the charming grin on his lips was priceless and Angelu doesn’t know what to do. Nagtilian ang mga babaeng kaklase, ang mga lalaki ay sumisipol.             “H-hindi ako tumatanggap ng kahit na ano mula sa kahit na sino,” kumakabog ang dibdib na sabi niya.             “You can always make an exception,” simpatikong tugon ni Nick. Hindi nababawasan ang kumpiyansa nito. Hindi nawawala ang kaaya-ayang ngiti at guwapong mukha. “Make me the only exception, Anj.” He stared at her intensely. Tinging nanuot hanggang kaibuturan ng puso niya. Para siyang napailalim sa kapangyarihan ng mga mata nito dahil natagpuan na lang ni Angelu ang sarili na tinatanggap ang bulaklak at stuff toy. Umalingawngaw ang malakas na kant’yaw dahil doon. Lalong lumapit si Nick sa kanya. Damn that killer smile. “I am no fortune teller, but I know in time, you’ll be mine,” anito sa boses na sapat lang para marinig niya. Halos manindig ang mga balahibo ni Angelu. “B-because I am easy?” Dapat ay paangil ang pagkakasabi niya niyon, but it didn’t sound like that. Para lang siyang maamong tupang nagtatanong. Iyon ay dahil nalulunod siya sa karisma ni Nick at sa atensiyong ibinibigay nito sa kanya. Nick smiled. Ngiting parang nagpalukso sa puso niya. Ngiting muntikan nang ikabitin ng hininga niya. “Because, sweetheart, we’re meant to be.”   “UY, ANJ!” paghabol sa kanya ni Wena. Palabas na siya ng class room. “Nalimutan mo ito.”             Tumigil siya sa paghakbang at lumingon sa kaibigan. Tama siya ng akala na ang bulaklak at stuff toy ang tinutukoy nito. “Hindi ko nalimutan. Sadyang iniwan ko.” Ano ba kasi ang pumasok sa kukute niya at tinanggap-tanggap niya ang mga iyon?             “Sus.” Inirapan siya ni Wena. “Knowing you, siguradong sa basurahan ang tuloy nito kapag ipinilit ko sa ‘yo. Akin na lang.”             Nagkibit siya ng balikat. “Bahala ka.” Though, may tumututol sa dibdib niya na ipamigay ang mga iyon.             “Tara na.”             Lumabas na sila ng classroom. Mula sa school ay pareho sila ni Wena na deretso uwi na. Nasa school field na sila nang lapitan sila ng tatlong estudyante. Dalawang lalaki at isang babae. May bitbit na gitara ang isang lalaki.             Napatigil sila sa paghakbang ni Wena at nagkatinginan. Kilala niya ang mga ito. Miyembro ang tatlo ng Music Club. Isa sa mga source ng fund ng club ay ang Harana-For-Hire. Meaning, p’wedeng arkilahin ang mga ito para mangharana.             Nagsimulang tumipa ng gitara ang isa. Nagsimula namang kumabog ang dibdib niya. I can’t fight this feeling any longer. And yet I’m still afraid to let it flow, pagkanta ng dalawa pa. …And even as I wander I keepin you in sight. You’re a candle in the window on a cold, dark winter’s night. Shit. Nakakakilabot sa ganda ang boses ng singers. Hinawakan ni Wena ang braso niya at pinisil. Nang sulyapan niya ang kaibigan, ngiting-ngiti ito. Siyempre pa, nakatawag ng atensiyon ang nangyayaring harana. Nagsimula silang palibutan ng mga estudyante.             “Maraming may gusto sa ‘yo pero pareho nating alam kung sino ang may can afford na magpa-ganito,” ani Wena. Puno ng panunukso ang boses nito. “Your guess is as good as mine.” Bahagya pa siyang sinagi nito gamit ang balakang.             It was Nick. Alam niya. Sigurado siya. …And I can’t fight this feeling anymore. I forgetten what I started fighting for. It’s time to bring this ship into the shore. And throw away the oars, forever. Baby, I can’t fight this feeling anymore. Angelu bit her tongue. Bakit parang ang feelings niya ang idini-describe ng lyrics ng kanta? Nang ilibot niya ang mga mata sa mga nakapalibot sa kanila, halo-halo ang ekspresyon ng mga ito: may mga kinikilig, may mga nangangarap, may nakasimangot habang matalim ang pagkakatingin sa kanya, may mga matang nang-uuyam at nag-aakusa… Humakbang siya paalis. May parte ng pagkatao niya na gusto ang nangyayari at may parte na ayaw. The latter must be her mind. Pero muli siyang napatigil sa paghakbang nang makita niyang nakatayo si Nick sa daang tinutumbok niya. … My life has been such a whirlwind since I saw you. I’ve been running round in circles in my mind. And it always seems that I’m following you, girl. Cause you take me to the places, that alone I’d never find.             Their eyes met. And for a moment she was again lost. ‘Cause I can’t fight this feeling anymore. I’ve forgotten what I started fighting for. And if I have to crawl upon the floor. Come crashing through your door. Baby, I can’t fight this feeling anymore… Bago pa siya makakilos ay nakita niyang may placard na inilabas ito mula sa likuran nito.             Will You Be My Girlfriend? Iyon ang nakasulat sa placard. Sabay-sabay na napa-ooh! ang mga estudyante. Siya man ay muntikan nang mapasinghap. Ah, natataranta siya. Her heart was beating wildly against her chest. Tinatanong siya nito, in public, para maging girlfriend nito. How would she suppose to respond? Walang sino man sa taga-Guadalupe ang nagkaroon ng lakas ng loob para gumawa ng grand gesture na tulad nito. And, yes, walang sino man sa mga ito ang nakapagbigay sa kanya ng mga nakakalitong damdamin. It was all new to her. Hindi niya alam kung paano pakitunguhan, lalo pa at pilit na nakikipaglaban ang isipan niya.             Hanggang sa ma-realize niya na iba na rin ang tugtog ng gitara. She knew that chord intro: kantang Got To Believe In Magic iyon.             Take me to your heart. Show me where to start. Let me play the part of your first love. All the stars are bright. Every wish is ours tonight, my love…             Humakbang papalapit si Nick. Humakbang naman siya paatras. Natatakot siya sa sandaling ito. Natatakot siya dahil pakiramdam niya kapag tuluyang nalapitan siya ni Nick ay hindi siya makatanggi rito. May kung anong kapangyarihan ito na kayang magpasunod sa sino mang babae. Maybe it was the undeniable charm and the oozing s*x appeal.             Kaya pinili niyang tumalikod at tumakbo palayo para makaiwas dito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD