Humantong sila sa likod ng isang building. Napaglinga-linga si Angelu. Walang ibang tao. Humihingal na napasandal siya sa pader. Si Nick ay nagbawi din ng hininga.
Kinakabahan si Anj. Dumadagundong sa antisipasyon ang dibdib niya. “P-pupunta na ako sa susunod kong kla—”
Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang hawakan ni Nick ang braso niya at muli siyang isandal sa pader. Sa gulat ni Angelu, itinuon ni Nick ang isa nitong palad sa may gilid ng balikat niya habang nakatunghay ito sa kanya. Para siyang ice cream na natutunaw sa mainit na titig nito.
“N-Nick,” she murmured. Nakabibingi ang pagragasa ng dugo sa likod ng taynga niya. Parang masisira ang rib cage niya sa lakas ng pagkabog ng puso niya. Iyon ang unang pagkakataon na may pinayagan siyang lalaki na makalapit sa kanya ng ganoon. And, honestly, she didn’t feel threatened. Wala siyang maramdaman na panganib. Ang nararamdaman niya ay… excitement at antisipasyon.
“Yesterday, you didn’t answer my question. You just walked away. Yes, nasaktan ako at na-disappoint pero hindi ko ikino-consider na sagot ang pagtalikod mo. Kailangang marinig ko mismo sa bibig mo. Now tell me… May pag-asa ba ako sa ‘yo, Anj?” mahinang tanong nito. “Tell me honestly.”
Hindi makasagot si Angelu. Dahil ang totoo ay gusto rin nga niya si Nick. Inamin na niya iyon sa sarili niya.
Hinawakan ni Nick ang baba niya at dahan-dahang ipinaling pasalubong sa mukha nito. Their eyes met. Hayon na naman ang pag-alon ng sikmura niya. May kung anong kapangyarihan si Nick na kayang magpangatog ng mga tuhod niya. Kaya nitong bulabugin ang mga nananahimik na paru-paro sa kanyang tiyan.
“Anj, I’m not being conceited pero hindi ako sanay manligaw.”
“H-hindi naman nakakagulat,” sagot niya. Right. Si Nick iyong tipo ng tao na hindi talaga kailangang manligaw para makuha ang babaeng gusto. He had the looks and the undeniable aura.
Nick chuckled. Pagkuwa’y sumeryoso din ito. “Right. So tell me, may pag-asa ba ako sa ‘yo?” malumanay nitong tanong.
“Kapag sinabi kong wala, ano ang gagawin mo?” hamon niya.
Lumabas ang singhap sa bibig ng dalaga nang hawakan ni Nick ang palad niya at pagsalikupin ang mga daliri nila. Damn, aamiinin niya masarap sa pakiramdam ang magkaugpong na mga palad nila. Kakaiba ang init ng palad nito. May security at excitement iyong ibinibigay sa kanya. Parang ayaw na niyang bawiin pa ang palad.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” ani Nick. “Pero hindi ako naniniwalang hindi mo rin ako gusto. I knew it. I can feel it; you like me too.”
Nataranta si Angelu nang inilapit ni Nick ang mukha nito sa kanyang mukha. Halos malanghap na niya ang hininga nito. And it was so warm and sweet. Nagiging mabilis si Nick pero hindi niya ito mapaglabanan because the truth is she likes what was happening. “I really want you to be my girlfriend, Anj. Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Please.”
Muli ay nalanghap ni Angelu ang hininga nito. At napapikit siya. She was intoxicated at his warm, sweet breath. Ang pagkakalapit ng mga katawan nilang iyon ni Nick ay nagdudulot sa kanya ng excitement. Ginigising ang kanyang sensuwalidad. That moment, nahiling niya na sana ay halikan siya ni Nick. She wanted him to be her first kiss.
“Anj, will you be my girlfriend?” Sa pagkakataong iyon ay halos maglapat na ang mga labi nila. They were already nose to nose and exchanging breaths!
“Anj… my sweet, Anj.”
Angelu was losing her mind. Wala pa yatang matinong salita na lumalabas sa bibig niya sa sandaling iyon. Ang tanging naiisip niya ay ang halik na gustong matikman. And Nick’s seductive lips were so tempting. Mukha iyong malambot at matamis. Nang-aakit. Nangangako ng langit. Nakakawala ng matinong daloy ng isip.
“Nick,” aniya. She wanted him to kiss her. Pero lumalaban pa rin ang isip niya sa gusto ng puso niya. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling kumakawala rito. Nagawa naman niya. Oh, goodness. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang hininga niya sa paghihintay sa halik. Kaya pala nananakit na ang dibdib niya.
“Ni hindi mo ako sinampal sa naging kapangahasan ko,” ani Nick. “That means I was right. You really like me, too.”
Napabaling si Angelu sa binata. Ito na ang nakasandal sa pader. Nakasalikop ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. Ang isang paa ay nakatukod din sa pader. “Why are you so afraid, Anj?”
“Dahil hindi kita kilala. Hindi mo ako kilala,” pakli niya. For Pete’s sake, ni wala siyang alam tungkol dito maliban sa pangalan nito. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa nangyari. Damn, lalong hindi siya patatahimikin ni Nick dahil roon. It will haunt her. Ang nangyaring eksena ay siguradong magpapabalik-balik sa isipan at panaginip niya. She’ll wonder kung ano kaya ang lasa ng halik ni Nick. Lagi niyang iisipin kung paano kaya kung tuluyang naglapat ang mga labi nila.
“Kinikilala mo ba muna ang isang tao bago ka magkagusto sa kanya? May certain criteria ka ba?” balik nito. “Anj, may mga tao na alam na agad nila na gusto nila ang isang tao sa unang kita pa lang nila dito. Ever heard of love at first sight? They can’t help themselves. May mga tao din naman na nade-develop lang ang feelings habang dumadaan ang panahon. Alin ka man sa dalawa, walang mali roon. Ang mali ay kung sisikilin mo ang nadarama mo dahil ikaw lang ang mahihirapan.”
“What about those rumors about me? Sigurado akong narinig mo na ang mga iyon?” gustong mapahikbi ni Angelu. She wanted Nick to be different. Nahihiling niya na sana ay totoong may pagtingin nga ito sa kanya. Na malinis ang intensiyon nito.
Nilapitan siya ni Nick. Nanlaki ang mga mata niya nang kabigin siya nito at ipaloob sa mga bisig nito. Hindi natagpuan ni Angelu sa kalooban niya ang kagustuhang manlaban o tumanggi sa yakap. Because she instantly likes it to be in his arms. Ang init ng yakap nito, ang pakiramdam na mapaloob sa mga bisig nito… It was giving her security. And belongingness. It feels home. At sa totoo lang, ayaw na niyang lumaban. She suddenly wanted to just let her feelings flow. Malaking tulong ang naging pag-uusap nila ng mama niya. Bakit nga ba siya mabubuhay base sa opinion ng iba?
“The hell with the rumors,” anito. “Let me protect you, Anj. Let me be your man.” Nang hindi siya sumagot ay hinawakan nito ang mga balikat niya. Nick looked straight into her eyes. “Payag ka na bang maging girlfriend ko?”
Napalunok siya. “H-hindi ba magiging napakabilis naman?” alanganin niyang tanong. Na parang sinabi na rin niya na payag nga siya sa gusto ng binata.
“Aw, come on, sweetheart. Ang mahalaga lang ay ikaw at ako. Tayo. Eh, ano, kung mabilis? Ang mahalaga ay nagkakaunawaan tayo.” Nick slightly held her chin. Marahang humaplos ang hinalalaki nito sa baba niya. “Anj, you’re too young to be serious about life. I-enjoy mo lang ang kasalukuyan. That’s what life should be.” Hinuli nito ang mga mata niya. Then he smiled at her. Iyong klase ng ngiti na nagpaalis sa kahit na anong agam-agam na natitira sa dibdib niya.
“Okay. Ask me the question again,” nakangiti na ring sabi niya.
Nick gasped. Natawa tuloy siya. “Are you serious?” tanong nito, naghahalo ang shock at excitement sa hitsura.
Bumungisngis siya. “Hindi iyan ang tanong na gusto kong itanong mo.”
Tumalikod si Nick. Nagtatalon ito at sumuntok sa hangin. He even danced in celebration! Lalo tuloy siyang natawa. Agad din naman itong humarap at inayos ang sarili.
“Mary Angelu Milan, will you be my girlfriend?”
Nakangiting tumango siya. “You’re my boyfriend now, Nicholas Umali,” lakas-loob na sabi niya. She bit her lower lip. Hinayaan na niyang sumungaw sa mukha niya ang kilig na ilang araw din niyang sinisikil. Honestly, pakiramdam niya ay tumama siya sa lotto sa sandaling iyon. Ah, gumaan ang dibdib niya. Napuno iyon ng saya.
“And you’re mine now. Wala kang ideya kung gaano ako kasaya ngayon,” seryosong sabi rin nito bago dahan-dahang ibinaba ang mukha, papalapit sa kanyang mukha.
Napalunok siya. This is it. Hahalikan na talaga siya ni Nick and she honestly couldn’t wait. Ang dibdib niya ay dumadagundong sa antisipasyon. Hindi na siya makapaghintay kung ano ba ang lasa ng halik. Kung ano ba ang pakiramdam ng hinahalikan?
Nang tuluyang maglapat ang mga labi nila ay napapikit si Angelu. Lapat pa lang, and it already felt like heaven. Banayad iyong gumagalaw sa labi niya, sumisimsim, nanantiya. Matamis. Pakiramdam tuloy niya ay naglalakad siya sa alapaap. For his kisses felt heavenly and addicting. At si Nick ay mukhang nagustuhan din ang lasa ng labi niya dahil tila mas nagiging mapaghanap ito. Lumalalim ang halik ni Nick. Umiinit. Nagiging mapusok. His hands were now suddenly on her waist drawing her closer to him. Hindi siya tumutol dahil gusto rin niya ng higit pang intimacy. Patunay roon ang mga palad niyang nakayakap na sa binata.
“HINDI MO ako kailangang ihatid sa klase ko,” ani Angelu kay Nick. Hindi niya kailangang humarap sa salamin para malaman na nagniningning ang mga mata niya dahil ramdam niya iyon. Alam niyang may kakaibang glow sa mukha niya. Pakiramdam niya ay bahagyang kumapal ang labi niya dahil sa mga halik na pinagsaluhan nila ni Nick. He was her first kiss and her first love. Ah, napakasaya niya sa sandaling iyon.
“I want to.”
“Sus! If I know, gusto mo lang akong iparada,” kinikilig na akusa niya. Paano ba naman ay magkahawak-kamay sila ni Nick at bawat estudyanteng makakita sa kanila ay napapatitig at hinahabol sila ng tingin. Ah, pero ngayon ay wala na siyang pakialam sa gustong isipin ng mga ito. She was happy. And she wanted this happiness. She deserves it.
Tumigil sa paghakbang si Nick kaya tumigil din siya. Pumunta ito sa harapan niya at sa panggigilalas niya ay tumaas ang libreng palad nito at idinampi sa pisngi niya. Nandoon pa mandin sila sa pinakagitna ng harap ng school. Siympre pa ay lalo silang kumuha ng atensiyon. But Nick doesn’t care, and she doesn’t care, too.
“You’re right. Gusto kong ipakita sa lahat na girlfriend na kita. Because I’m proud of our relationship. Because, damn, sino ang hindi magiging proud na maging boyfriend mo?” Nick was looking at her like she was the most beautiful girl in the world. “You’re such a goddess, Anj. And you’re mine. You’re my girlfriend.”
Hindi napigilan ni Anj ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. She knew her eyes were smiling, too. Kinagat niya ang labi, pero hindi talaga niya mapigilan ang kilig.
They were just there: staring and smiling at each other. Para silang napaloob sa mundong kanila lamang. Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Dahil napakagaan ng pakiramdam niya. Parang gusto niyang sumayaw at kumanta at tumula…
“Say you’re mine,” usal nito.
“You’re mine,” sabi niya. Na pareho nilang ikinatawa. “Oopss, we’re the center of attention here. Tayo na. Not that I care about them anymore pero baka ma-late ka sa klase mo.” Ipinagpatuloy nila ang paglalakad. Si Nick ay bahagyang idinuduyan ang magkahawak na mga palad nila. Napapangiti siya dahil doon. Bakit ba napaka-charming nito?
“Mas gusto kong makasama ka kesa mag-aral,” anito.
“Hep. ‘Yan ang hindi puwede, Nicholas Umal---”
“Tawagin mo akong sweetheart o love,” putol nito sa kanya.
Nang sulyapan niya ang binata, nakita niyang napakaaliwalas ng guwapong mukha nito. Tulad niya, nagniningning din ang mga mata nito sa saya. And, oh, boy, that smile that could melt a thousand heart…
“Huwag na. ‘Nick’ na lang.” Naramdaman ni Angelu ang pagba-blush niya.
He chuckled. “Sige na nga.”
“Oh my, G!” bulalas ng boses ni Wena. Mula sa kinauupuang baluster, palundag na bumaba ito at lumapit sa kanila. “What’s the meaning of this?” Nanlalaki ang mga mata nito. Pati bibig ay naka-letter O. “Kayo na?”
Nagtinginan sila ni Nick bago sabay na tumango. Tumili naman si Wena.