KINABUKASAN. Medyo kinakabahan si Angelu habang papasok sa school. Okay, hindi lang medyo kundi kumakabog talaga ang dibdib niya sa kaba. Bagaman, gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi naman halata ang kaba sa mukha niya.
“Wala si Nick,” ani Wena bago inginuso ang bakanteng upuan ni Nick. Malapit nang magsimula ang klase pero wala pa ito.
“Siyempre napahiya kahapon,” sagot niya. Napuno ng guilt ang dibdib niya. “Siguradong hindi ‘yon papasok ngayon.”
Nanghaba ang nguso ni Wena. “Ang harsh mo nga para gawin iyon kay Nick. Kung hindi ko pa alam na Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ka naman.”
Napatingin siya sa kaibigan.
“Sus,” anito. Hiniaan nito ang boses. “Kilala kita, ano. Alam ko namang gusto mo rin si Nick.”
“Hindi ah.”
“Sige. Magkaila ka pa. Wala kang ibang lolokohin kundi ang sarili mo,” anito. Medyo gigil na sa kanya. “Hayan nga at ang lalaki ng eyebags mo. Siguradong napuyat ka kaiisip kay Nick.”
Nang biglang tumahimik ang classroom. Akala niya ay dahil dumating na ang professor nila. Pero pagtingin niya sa pintuan, muntikan nang malaglag ang panga niya sa nakita. Nick was there, standing so kingly. Bagong gupit ito. Preskong-presko ang hitsura. Makapigil-hininga ang ngiting nakaguhit sa labi habang nakatingin sa deriksiyon niya.
Lord, her heart was skipping a beat. Bakit parang lalong gumuguwapo ang binata?
“Hi,” pagbuka ng labi nito. Bumuka lang ang labi nito pero pakiramdam niya ay dinala ng hangin ang sinabi nito at ibinulong sa tainga niya.
Ang mga kaklase nila ay tila pigil ang hininga sa kung ano ang susunod na mangyayari, kung ano ang gagawin niya.
Nick started walking towards her. Desimuladong lumunok si Angelu. What should she do now? Kung makaakto ito, mukhang hindi ininda ni Nick ang nangyari kahapon.
Tumigil ang binata sa harap niya bago iniabot sa kanya ang hawak nitong bulaklak. “If you can’t accept my heart yet, will you atleast accept this?”
Natagpuan niya ang sariling tinitingnan nang deretso ang mga mata ni Nick. She was enchanted, as always. Dumadagundong ang dibdib niya. Nagwawala ang puso niya. Nang ngumiti uli ito ay gusto niyang mapabuntong-hininga sa pangangarap. Sa totoo lang ay nakakaramdam siya ng saya at kilig. Nick didn’t give up on her.
Siniko ni Wena ang braso niya. Kahit hindi niya tingnan ang kaibigan alam niyang ini-encourage siya nito para tanggapin ang mga bulaklak.
And she did accept it. Saka rumihistro sa pandinig niya ang tila kinikilig na pagkakagulo ng klase. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mga pisngi. At hindi niya napigilang mapangiti.
“Yes!” malakas na hiyaw ni Nick. Napasuntok pa ito sa hangin. “Did you guys see her smile?” tanong nito sa mga kaklase. Parang tumama sa lotto ang loko. “She smiled! Did you see it?”
Nagyuko siya ng ulo dahil… dahil lalo siyang napapangiti.
“Uy, kinikilig,” tudyo ni Wena.
Kinagat niya ang lower lip niya, pero wala, hindi talaga niya mapigilan ang ngiti niya. O kilig, sabi ni Wena. All right, she was right. Tulak ng bibig kabig ng dibdib nga siya.
NAGPANTING ang tainga ni Anj nang makarinig siya ng sipol nang mapadaan sa Fine Arts building. Alam niyang para sa kanya ang nakakabastos na sipol na iyon. Pumihit siya pabalik. Pero agad din siyang napatigil sa gagawing pagsugod sana. Paano, nakita niyang naroon si Nick at kinukuwelyuhan nito ang isang lalaki at inaambaan ng kamao.
“Uulitin mo pa ang pagsitsit kay Angelu?” mariing tanong ni Nick sa lalaking namumutla na sa takot. Maging ang ibang lalaki ay hindi makagalaw. Halatang nai-intimidate sa kabruskuhan ni Nick at sa madilim na mukha. Makisig kasi si Nick, maganda built ng katawan. Hindi tulad ng mga ito.
“H-hindi po. Hindi na. P-pangako,” nanginginig ang boses na sagot nito, ang mga palad ay nakaharang sa mukha, takot na madapuan ng nakakuyom na kamao ni Nick.
Si Angelu ay hindi malaman kung ano ang mararamdaman sa oras na iyon. But it was definitely the first time that somebody stood for her. It means a lot.
“Mag-sorry ka,” utos pa ni Nick sa seryosong boses. Agad namang nakalapit kay Angelu ang lalaki. “S-sorry, Anj. H-hindi na mauulit,” anito bago nagkumahog paalis. Ni hindi siya naka-react.
“All of you, consider it my last warning,” mariing sabi ni Nick sa umpukan. “Sino man ang mambastos kay Angelu ay ako ang makakalaban,” banta nito bago malalaki ang hakbang na nilapitan siya. Hinawakan nito ang siko niya bago naglakad paalis. Wala siyang nagawa kundi umagapay dito ng lakad dahil makakaladkad siya ng binata.
Napapatingin lang si Anj sa mukha nito. Napansin marahil siya, sinulyapan siya nito. “What?” anito bahagyang nakakunot ang noo. He really looked upset and for some reason it was moving her heart.
“Sinusundan mo ba ako?”
“FYI, doon sa building na ‘yon ang klase ko. Nagkataon na palabas na ako ng building ng dumaan ka at sitsitan ka nila. Palalampasin ko ba iyon? Definitely, not.” Seryosong sabi nito. Halata ang pagngingitngit sa guwapong mukha at sa matigas na boses.
Lalo siyang napamata sa binata. Madilim ang mukha nito. Halos magsalubong ang dalawang kilay. Mapanganib ang kislap ng mga mata. Tiim ang bagang. Mariin ang pagkakatikom ng bibig.
His concern was touching her heart.
Noticing her stare, nawala ang pagkunot ng noo ng binata. His rigid face softened. Then a smile slowly stretches on his lips. Ngiting nagpasikdo sa puso ni Angelu. “Hindi kita sinusundan ngayon. Though, kapag wala nga akong klase, I admit, tinitingnan kita mula sa malayo.”
Natatarantang nagbawi siya ng tingin. Parang mawawala sa kinalalagyan ang puso niya. Sa isang linggo na pangungulit ni Nick, aaminin ni Angelu na tuluyan na siyang nahuhulog sa charms nito. Napakahirap naman kasing balewalain nito. Hindi na niya mapigilan ang kilig niya. Hindi na maawat ang ngiti sa kanyang labi, maging ang pagsungaw ng pangangarap sa kanyang mga mata.
Hanggang sa mahigit ni Angelu ang hininga at bahagyang manlaki ang mga mata nang maramdaman ang palad ni Nick na sumasakop sa palad niya. Natensiyon siya. Ang mga daliri nito ay tumutukso sa mga daliri niya, coaxing her to accept his hand. And if truth be told, naroon sa dibdib niya ang matinding urge na tanggapin ang palad nito at makipag holding hands sa binata.
“A-ano’ng g-ginagawa mo?” natatarantang tanong niya, halos mabulol pa.
Tuluyang hinawakan ni Nick ang palad niya. “Let’s go,” anito bago hinila siya pasunod.
“H-ha? Nick.” Walang nagawa si Angelu kundi ang mapasunod dito. Halos tumakbo sila. And Angelu couldn’t mind her sorroundings anymore. “Saan ba tayo pupunta. Nick!”
“Basta,” siguradong sagot nito.