Part 2

1326 Words
“UY, ANO ‘yon?” sabi ni Wena. “Mukhang may komosyon.”             Sinundan ni Angelu ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan. Sa lugar kung saan nagpaparada ng kani-kanilang sasakyan ang iilang estudyante na can afford na magsasakyan papasok sa eskuwela. Marami ng estudyante ang nakikiusyoso roon. “Sus, para kang bago nang bago. Grupo ni Henry lang ‘yan. Malamang ay may pinagtripan na naman ang kanilang grupo at—Ay! Ano ba,” reklamo niya ng hilahin siya ni Wena patungo roon.             “Tingnan natin. Maya-maya pa naman ang simula ng klase natin.”             “Wena, ano bang mapapala ko diyan? Alam mong wala akong pakialam sa mga ganyan.”             “Ako meron. Tsismosa ako,” anito at binilisan pa ang paghakbang. Napasunod na lang si Angelu. Nakisingit sila sa nakapaligid na mga estudyante. Si Wena ang nauuna, nakasunod siya rito. Ohhh! Narinig nilang sabay-sabay na sabi ng mga nakapalibot. “Kina Henry na grupo nga at— Oh, my…G.”             Na-curious si Angelu. Oh, my…G? Sa boses na animo namangha si Wena at hindi na-shock sa kaguluhan? “Ano ba ang…” humina ang pagsasalita niya hanggang sa tuluyang mawala ang boses.  Grupo nga ni Henry ang naroon. Bagaman wala mismo ang leader na si Henry. But Angelu’s eyes landed on a particular man. Bagong mukha ito. Oh, well, hindi siya sigurado kung bagong mukha nga ba ito sa eskuwelahan dahil hindi naman siya palamasid sa kapaligiran niya. Ang sigurado lang siya ay noon lamang niya makita ang lalaki. Ito ang pinagti-trip-an ng grupo ni Henry. Malas lang ng mga ito dahil mukhang hindi ang grupo ang nakaka-score dahil hayon… si Hernani ay nasasalo ng dalawa pang kasamahan, mukhang nakatulog ito. Habang ang lalaki ay balewalang pinapagpag ang damit na nagusot. “May problema pa kayo sa akin?” napaka-cool na tanong ng lalaki sa natitirang tatlo na mukhang nasisindak. Ang suwabe ng boses, naikomento ni Angelu sa isipan. At ang guwapo niya… Pero mukhang bad boy din. May aura na animo rebelde din ito. He has cold but penetrating eyes. Prominente ang tabas ng panga at matangos ang ilong. He was wavy hair. At may cleft chin. Matangkad ito, siguro ay lampas anim na talampakan ang taas nito. Hindi ito mamasel pero hindi rin payat. Tama lang. At base sa eksenang ito, mukhang hindi na bago rito ang makipag-away. Ni hindi nga natakot na apat ang haharapin. It’s like he knew he can protect himself. Aaminin niya, malakas ang personalidad nito. May hindi matatawarang appeal. Nagtangkang sumugod ang isa na hindi niya matandaan ang pangalan. Mio yata. Pero inilagan lang ng lalaki ang suntok ni Mio. Panay lang ang ilag ng lalaki pero mapang-asar ang pagkakangisi, like he was just making fun out of his attacker. Ang dalawang lalaki na sumalo sa katawan ni Henry ay umalis na salo pa rin ang katawan ng lider ng mga ito. Ang yabang, naikomento niya sa isipan. Napatingin sa kanya ang lalaki. What? Don’t tell me narinig niya ang sinabi ko. Nagsalubong ang mga mata nila. At natigilan si Angelu. What was that? Bakit parang biglang naglaho ang mga nasa paligid nila? Bakit napakatahimik at… t***k ng puso, bakit nakakarinig siya ng malakas na t***k ng puso. Kanya ba iyon? “Aw!” sabi ng lalaki. Doon bumalik ang reyalidad kay Angelu. What, natulala siya? Nakikipagtitigan sa lalaki? Napalunok ang dalaga. What the hell? At bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya? Ang lalaki na nawala siguro sa focus---dahil sa pakikipagtitiga sa kanya! --- kaya tinamaan ito ng suntok kaya napa-Aw! Ibinalik nito ang tingin kay Mio bago ito nagpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Mio. “Tara na. Andiyan na sina Dean.” Narinig iyon ni Angelu sa bandang likuran niya. Dahil ayaw madamay sa g**o ay hinila na niya si Wena paalis sa kaguluhan. Nagsipulasan na rin ang iba pa.   “ANG GUWAPO, ano, Anj?” tila nangangarap na sabi ni Wena. Nasa loob na sila ng class room nila pero dahil wala pa ang professor nila ay kanya-kanyang kuwentuhan pa ang mga estudyante. Pati na sila ni Wena. “And his get up? Lakas makadagdag ng s*x appeal. Kung sabagay, sa tindig niya, sa tikas, kahit ano yata ang suotin niya ay malakas pa rin ang appeal niya. May x-factor eh. Parang modelo na kahit anong suutin kering-keri,” walang-awat na wika nito. Obviously, na-hook kagaad ito sa lalaking iyon. Hindi maitago ng mga nangangarap na mga mata nito ang interes at paghanga. “And, imagine napatumba si Hernani! Tulog ang gago. Ang galing-galing. Parag action star. Ang sigurado ko lang ay may bagong hearththrob ang Guadalupe College,” nakangisi pa nitong wika. “Aalamin ko kung sino siya.”             “Bakit? Hindi mo ba siya dati nakikita dito sa school?” she inquired. Aaminin niya na naku-curious din siya sa lalaki. No, hindi lang curiousity ang nadarama niya. Ewan ni Angelu pero parang may bagong pakiramdam na idinulot sa kanya ang lalaking iyon. Lalo na kanina noong magtama ang mga mata nila at parang mawala siya sa sarili. Para siyang naengkanto.             “Hindi. ‘Yong ganoon kaguwapo? Hindi ‘yon makakaligtas sa mga mata ko.”             Natawa siya sa sinabi ni Wena. “Mukhang mayabang naman,” komento niya, sa isipan ay gumigitaw ang hitsura ng lalaki. He really had an undeniable presence.             “May ipagyayabang naman, teh! Hindi siya lampa at ang guwapo guwapo pa,” pagtatanggol ni Wena. “Mas nakakabuwisit iyong mayayabang na feeling guwapo lang naman.”             Tinapik niya ang braso nito sa nananaway na paraan. “Double standard lang? ‘Pag guwapo okay lang maging mayabang? Kapag pangit, nakakabuwisit, ganoon?”             “Oh, well…” Wena smiled, sheepishly. “Sadly, iyan ang kalakaran ngayon. Double standard sa lahat ng bagay. ‘Yong lalaking iyon? Hindi ko siya ide-describe na mayabang. Confident lang,” nakangisi nitong wika.             “Ayan na si Prof,” sabi ng isang estudyante na nakaupo sa baluster sa labas ng classroom. Agad itong nakapasok, sabay upo. Lahat sila ay kanya-kanyang balik sa upuan. Aakalain na lahat sila ay mga tahimik at matiyagang naghihintay sa kanilang professor. Pumasok sa silid si Mister Castro, ang kanilang professor. Nakisabay sa pagbati si Wena at Angelu. Pero agad silang nagkatinginan ni Wena nang pumasok sa silid, kasunod ng prof, ang isang lalaki. Walang iba kundi ang lalaki kanina sa kaguluhan. Mula sa malakas na pagbati, humina rin ang boses ng buong klase. Obviously, namumukhaan rin ng mga ito ang lalaki. Oh, well, ang mukhang iyon ay hindi naman talaga madaling kalimutan. Dahil aaminin niya na tumatak din talaga sa memory niya ang hitsura ng lalaki, lalo na ang guwapo nitong mukha. Ang klase ay nagbulungan. “Siya ‘yon. ‘Yong nagpatulog kay Hernani.”,   “’Yan ‘yong sinasabi kong lalaki kanina.”, “Mama Mia, ang pogi!”             The man looked arrogant now. Suplado. Tiim ang labi at seryoso ngunit may bahid din ng pagkainip ang kislap ng mga mata. Parang hindi ito marunong ngumiti.  How was it possible na pabago-bago ito ng mood pero sa bawat pagbabago ay hindi nababawasan ang angkin nitong kaguwapuhan? Parang lalo nga itong gumuguwapo. Tulad ngayon na mukha itong arogante at suplado, lahat yata ng babae ay gugustuhin na siyang maging dahilan ng ngiti sa labing iyon. Balewalang inilibot ng lalaki ang naiinip na paningin sa klase. And then he saw her. There, hindi siya sigurado pero parang umangat ang sulok ng labi nito sa isang manipis na ngiti. Parang may kumislap na pagkaaliw din sa seryosong mga mata nito. His bored expression was suddenly gone. Dahil doon ay desimuladong napalunok si Angelu. Pero hindi siya nagpa-intimidate. Hindi niya ipinakitang naaapektuhan siya ng presensiya nito. Sinalubong niya ang paningin ng lalaki at bahagyang itinaas ang kanyang kilay sa paraang nagsasabi na ‘what are you looking for?’  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD