Part 3

1584 Words
NICK WAS bored. Kaninang dumating ang mga school officials ay hindi siya nagtangkang umiwas o magtago man lang para itanggi ang involvement niya sa g**o. Eh, ano kung mahuli siya? O, kung hindi tanggapin sa eskuwelahang iyon dahil kabago-bago niya ay nasangkot agad siya sa g**o? He was so used to it. Ni hindi nga niya ipinagtanggol ang sarili niya sa opisina ng Dean. He didn’t say he was just provoked. Na hindi iyon mangyayari kung hindi siya sinisindak ng grupo. Hindi niya idinipensa ang sarili. Hindi niya sinabing hangga’t hindi siya kinakanti, hindi siya papasok sa g**o. Bagaman may mga pagkakataon din naman na siya ang nagpapasimula ng g**o. May excuse siya sa mga ganoong pagkakataon. Pero mukhang malakas ang impluwensiya ng ama niya, o ina, sa Guadalupe College. Pinagsabihan lang siya, pati na ang apat na lalaki na huwag ng uulitin ang nangyari. Pagkatapos ay pinapunta na siya sa una niyang klase. Ipinatawag ng Dean ang isang profeesor. Pinasama siya sa guro dahil iyon umano ang una niyang klase. Sumunod naman siya rito. Pumasok ito sa isang silid. “Good morning, Mister Castro,” pagbati ng mga estudyante. Ipinamulsa ni Nick ang mga palad sa bulsa ng kanyang jacket, iniisip kung meron kayang lugar o spot sa Guadalupe College na magandang tambayan. Balewalang iginala ang kanyang paningin sa mga mukhang nasa silid.  Then he saw her… ang babaeng pumukaw sa kanyang interes. Agad nawala ang pagkainip na kanyang nararamdaman. Not a bad day, after all. Really. To his amusement, sinalubong ng magandang daaga ang kanyang paningin. Bahagya pa nga itong nagtaas ng kilay sa paraang nagsasabi na ‘what are you looking for?’ Lalong na-amuse si Nick. Lalong nakuha nito ang kanyang interes. Nakakadama na agad siya ng challenge. “Good morning,” tugon ni Mister Castro. “Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago ninyong kaklase sa subject na ito at sa isa pang subject na panghapon.” So magiging kaklase ko siya sa dalawang subject. Nick thought. Okay. Cool…  “Guys,” pagpapatuloy ng guro. “Meet Nicholas Umali. He’s a transferee. At tulad ng sinabi ko kanina, magiging kaklase n’yo siya sa dalawang subjects.” “Cool! Sisipagin na ako niyang pumasok, Sir,” sabi ng isang boses pambabae. Na sinundan ng iba pa. “Nicholas, tell us something about yourself,” anang isa pa, babae. Nick managed to chuckle. “Just call me Nick,” aniya. Hindi nagbigay ng iba pang impormasyon tungkol sa sarili. Tiningnan niya ang babae. Mukha itong suplada. Parang hindi impressed o humanga man lang sa panlabas niyang anyo. Oh, well. That makes him more interested of her. He loves challenges. He likes thrills. Sa edad na bente, hindi na mabilang ni Nick kung ilang babae na ang dumaan sa buhay niya. Hindi na niya mabilang kung ilang babae na ang lumuha dahil sa pagkabigo sa kanya. Bawat lugar na tigilan niya at bawat school na pasukan ay siguradong may magiging girlfriend siya. Isa, dalawa, o tatlo kada school. Depende kung may tipo siyang babae. At kung bakit nakakarami siya? Iyon ay dahil madali din siyang magsawa. Madali siyang manlamig. Iyong tipong thrilled siya na makuha ang babae at kapag nakuha na niya ay nawawala na ang thrill. Too bad, sa eskuwelahang ito, ang babaeng ito ang unang kumuha sa kanyang atensiyon. At na-e-excite siya dahil mukhang naiiba ang babae. Mukhang hindi ito katulad ng mga naging girlfriend niya na halos ipagtulakan ang sarili sa kanya. But, oh, nobody had ever resisted the charms of Nicholas Umali. And definitely, this woman is no exception. Makukuha niya ito. Mapapasama sa listahan ng mga babaeng dumaan sa buhay niya. “Okay,” anang guro nang hindi na niya dinugtungan pa ang sinabi. “May bakanteng upuan doon, Mister Umali. You can take your seat now. Pinuntahan iyon ni Nick. Halos lahat ng mga mata ay sumunod sa kanya. Maliban lang yata sa mga mata ng babaeng iyon. “Hi,” kaswal na bati ni Nick sa magiging seatmate niya. Mukha itong nerd dahil sa makapal na salamin sa mga mata at sa porma na rin. Kaya marahil walang gustong tumabi rito. Naupo siya. “H-hi,” nangingiming sabi nito, intimidated. “Ano’ng pangalan mo?” “G-Gerard.” Nakarinig siya ng sagitsit mula sa may kanan ni Gerard. A girl. Maganda rin. Mukhang sosyal. “Gerard, palit tayo ng upuan.” Hindi iyon pakiusap kundi isang utos. At mukhang susunod naman si Gerard dahil hinagilap nito ang bag na dala, nakaangat na rin ang puwit mula sa upuan. Hinawakan niya ang braso nito at hinila ito paupo. “Can we be friends, Gerard?” Lumiwanag ang mukha nito. Tumango.   “MARY ANGELU Milan ang pagalan niya?” tanong ni Nick kay Gerard. Pagkatapos ng unit na iyon ay niyaya niya ito sa school canteen para doon palipasin ang ten-minute break sa pagitan ng mga subjects. Mukhang mas gusto nitong gugulin ang oras sa pag-aaral pero pumayag na rin. Not because he was intimidated but because he was thrilled. Like he was the new cool guy because Nick was his friend. Doon na nga siya nag-ungkat ng tungkol sa babaeng iyon.             Tumango ito. Hindi nakaligtas kay Nick ang paghangang kumislap sa mga mata nito para sa babaeng pinag-uusapan nila. Who can blame him? Kahanga-hanga naman talaga ang pisikal na hitsura ng babae. “Oo. Pero mas kilala siya sa palayaw niyang ‘Anj’.”             “Anj,” sambit niya sa pangalan nito. Short name but beautiful and… sexy. Just like the owner herself.xyful and rmiento ang pangalan niya. Pero x Hinawakan niya ang soft drinks in can niya at sumimsim roon. Aware si Nick na maraming nag-uukol ng tingin sa deriksiyon niya sa paligid.             “Anak siya ni Fiona Milan,” anito bago kumagat sa hamburger na inorder.             “Who?” Hindi pamilyar sa kanya ang pangalang binanggit. Mabuti na lang at mukhang handa namang magbigay ng impormasyon si Gerard.             “Hindi mo kilala si Fiona Milan?” Umiling si Nick. “Si Fiona Milan. ‘Yong dating sexy actress na taga rito sa bayan ng Guadalupe.”             “Oh.” Isinandal niya ang likod sa sandalan ng silyang kinauupuan. “And by sexy actress you mean…?”             “‘Yong mga nagbibida sa mga adult movies.”             Bahagya siyang napasipol. “So Anj is kinda popular here?”             “Maraming may gusto kay Anj,” anito, parang biglang nagkaroon ng pangangarap ang mga mata nito. Kaya naman hindi mahirap sabihin na kasama si Gerard sa statistics ng mga lalaking may gusto kay Anj. “Marami iyong manliligaw. Karamihan nga lang hindi na nagpursige dahil, well, mahirap kasi siyang pasagutin.”             Mahirap pasagutin, huh? Let’s see… nakangising wika ni Nick sa sarili. Damn, lalo siyang nakakadama ng challenge.  “Sino ang boyfriend niya ngayon? I mean may boyfriend siya ngayon?”             “Hindi namin alam.”             Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Papaanong hindi n’yo alam? Hindi nga ba at popular ‘kamo siya. Kung wala siyang nakakasamang lalaki around the campus, ‘di wala siyang boyfriend. Unless, hindi estudyante rito ang boyfriend niya.”             “It’s… not exactly like that,” alanganin nitong tugon kaya naman lalo siyang naintriga. “Oopsss,” ani ni Gerard nang tumunog ang bell. Nagkumahog na itong samsamin ang mga gamit. Kaya hindi na niya magawang magtanong pa. “Mauna na ako. Naku po, late na ako sa klase ko. Mamaya na lang uli, Nick,” sabi nito habang umaalis. Mukhang sadya ring inilakas para iparating sa ibang estudyante na naroon na magkaibigan talaga sila. Itinaas naman ni Nick ang isa niyang palad bago tumango. Muli niyang inabot ang soft drinks niya at uminom. Ah, mas lalo siyang nagiging interesado kay Anj. He wanted her to be his girl while he was here. Yeah, while he was here. No, wait. He wanted her while he was interested in her. Ganoon ang eksaktong intensiyon niya. Walang labis. Walang kulang. At mapapasakanya ang dalaga, iyon ang sigurado niya. Nobody had ever resisted the charms of Nicholas Umali. Ten days. Magiging girlfriend ko si Anj sa loob ng sampung araw, siguradong sabi niya sa sarili. “Hi, Nick,” sabi ng mga grupo ng mga babaeng dumadaan sa puwesto niya. Hindi siya sigurado kung kaklase nila ito ni Anj. Or, maybe they knew his name because news travel fasts in this school. Tipid na ngumiti lang si Nick. Pero kahit walang kalakip na interes ang ngiting iyon ay kinilig pa rin ang mga babae. Tumayo na si Nick. He grabbed his jacket and his cell phone. Sa paglabas niya sa canteen, napansin niya ang umpukan ng isang grupo na nakamasid sa kanya. Nakaupo ang mga ito sa isang bench. Ang mga nakaengkuwentro iyon ni Nick. Ang panglima at bagong mukha siguro ang leader na sinasabi nila, si Henry. And they are looking at him intently. Nick just shrugged his shoulders. Bata pa lang siya ay napapasabak na siya sa rambol o kahit na anong kaguluhan. Nang mag teen ager ay nag-aral siya ng martial arts. Sa Maynila nga ay hindi iilang beses na lumaban siya sa underground mix martial arts competition. Iyong mga labanang labag sa batas. He even learned how to shoot. Oh, well, walang magiging problema ang mga ito sa kanya, as long as hindi siya kinakanti. But once provoked, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD