Part 4

1401 Words
“HI.” Mula sa binabasang libro ay nag-angat ng paningin si Angelu. Kanina ay masyado siyang absorbed sa binabasa, and then her heart suddenly became erratic. Hanggang sa maramdaman niya ang paglapit ng kung sino sa puwesto niya. It’s him, Nick. What, nagbago ang t***k ng puso niya dahil lang lumapit sa kanya si Nick? Napapantastikuhang tanong niya. That’s absurd. Parang gusto pang tumaas ng palad niya at damhin ang tapat ng dibdib niya kung saan tumitibok ang puso niya. Ano ba ang nangyayari sa puso niya? Pero ngayong nasa harapan niya si Nick, hindi niya mapigilan ang sarili na tingnan ang mukha nito. Guwapo talaga ito. Ruggedly handsome. May angas. Malakas ang dating. Kahit boses lalaking-lalaki. s**t, Angelu, tinitigan mo na naman siya! Saway niya sa sarili. “Mind if I join you here?” tanong nito. Kibit-balikat lang ang itinugon niya bago ibinalik ang paningin sa binabasa. Though, duda siya kung may maiintindihan pa siya sa binabasa. Nakuha ni Nick ang atensiyon niya, and she was so aware of him. Naroon siya sa isang parte ng eskuwelahan kung saan maraming puno. Bawat puno ay ginawan ng mesa at benches. Madalas na doon nagpapalipas ng oras si Angelu dahil presko doon. O kaya ay sa library. “I’m Nick,” anito. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang pag-upo nito, gayundin ang paghuhubad ng suot na jacket at pagpatong niyon sa mesa. Hindi siya nag-angat ng paningin. She tried, so hard.  “Hi, Nick,” hindi interesadong tugon niya. Or at least, sinisikap niya na magmukhang hindi interesado rito. Napakahirap naman kasing balewalain nito dahil sa lakas ng presensiya nito. Para itong virus na agad nanalasa sa eskuwelahan nila at marami agad ang kinapitan ng virus nito. Tulad mo, sabi ng isang sulok ng isipan ni Angelu. Hindi ka imuune sa charms niya, Anj. “Ikaw? Ano’ng pangalan mo?” “Anj,” maiksing tugon niya. Karamihan sa mga lalaking lumalapit sa kanya ay agad nababahag ang buntot sa sandaling magtaray siya o ipakita ang pagka-aloof niya. Some men are persistent kahit paulit-ulit niyang i-reject o basted-in ang mga ito. “I heard so much about you, Anj.” Natigilan siya. Muli siyang nag-angat ng paningin. Nakita niya ang tagumpay na ngiti sa sulok ng labi nito. Siguro ay dahil akala nito nakuha na nito ang atensiyon niya. Kung alam lang nito na kanina pa siya aware na aware dito. Nagtaas siya ng noo. “Why, I’m not surprised. Mas magugulat ako kung wala kang maririnig tungkol sa akin. Let me guess, sinasabi nilang anak ako ng isang dating bold star? Na kung ano ang puno ay ganoon din ang bunga?” Anj snorted. Aware siya na maraming malisyosong tsismis ang kumakalat tungkol sa kanya. Marami kasing lalaki na hindi matanggap ang pagbigo niya sa mga ito. Pero imbes na magpaapekto ay mas nagpo-pokus na lang siya sa sarili at sa pag-aaral niya. “Whoa!” sabi nito, nagtaas pa ng mga palad para patigilin siya. “Hindi ganyan ang naririnig ko. They’re talking about how beautiful you are. And I agree, you’re damn beautiful,” anito. Ngumiti si Nick. Ngiting naging dahilan yata para mabulabog ang mga paru-paro sa kanyang sikmura. Why, it was so charming. Kaaya-aya ang ngiting iyon. Parang nawala ang rebeldeng aura ni Nick and he turned into the boy next door type. “Pero siguradong hindi paghanga ang kalakip ng papuring iyon. It was with malice, I’m sure,” nakaismid na tugon niya. Kahit naging artista ang kanyang ina ay hindi naman sila yumaman dahil nalulong ito sa i***********l na gamot at sugal. Pagkatapos ay bumagsak na nga din ang karera nito. When her mother had her, noon ito nag-ayos sa buhay. Kahit na nga ba hindi ito pinanagutan ng nakabuntis rito. Itinaguyod siya nito at namuhay na nga sila sa probinsiya sa kabila ng panlilibak ng karamihan. May mga choices sa buhay ang kanyang ina na hindi sinasang-ayunan ni Angelu, pero gayon pa man ay mahal niya ito dahil nagiging mabuti naman itong ina sa kanya. Isa pa, she was living a simple life now. Her mother said she was her saving grace. Iyon nga lang naging anino na nito ang nakaraan. “It must be so hard for you…” may bahid ng simpatya na sabi nito. “And, for the record, I’m not the kind of man na madaling maniwala sa sinasabi ng iba, Anj.” “What do you want, Nick?” malamig niyang tanong. “Ayan,” anito, iiling-iling. Halatang hindi apektado sa pagsusuplada niya. “Hindi dahil malicious ang iba ay malicious na ang lahat ng gustong lumapit sa ‘yo. Some idiot men doesn’t speak for the entire male population you know. I want us to be friends, Anj.” “Friends.” Umiling si Anj. “Hindi ako nakikipagkaibigan,” aniya bago sinamsam ang mga libro niya, at saka tumayo at umalis. Pero agad nakasunod sa kanya si Nick. Umagapay ito sa kanya ng lakad. “’Rinig ko nga rin. Pero hindi naman masamang sumubok, right? And I am one determined man. I’ll earned your trust, Anj, you’ll see,” siguradong sabi nito. “And oh, to set the record straight, I only want us to be friends for awhile.” Napatigil siya sa paglalakad. “For awhile? At ano ang ibig mong sabihin?” Ngumiti ito. At hindi maiwasang hindi maapektuhan ni Anj sa ngiting iyon. s**t. Muntikan na siyang matulala sa ngiting iyon. There was really something in him that can hold you captive. Nag-uumapaw sa charms si Nick. Gising na gising yata ito nang magpaulan ng kaguwapuhan at charms ang diyos. “I’m not the kind of man who likes to beat around the bush, Anj. I like you… like man likes a woman.” Pakiramdam ni Angelu ay mabibingi siya sa lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib. Kumakabog iyon hindi dahil sa takot, kundi dahil… dahil sa excitement. Parang nanuyo pa nga ang kanyang lalamunan. But why she would be excited? Hindi naman niya gusto ang lalaking ito hindi ba? All right, naguguwapuhan siya rito, naaapektuhan sa malakas na personalidad. Pero hindi naman niya ito gusto, hindi ba? Damn, bakit parang kinukumbinsi niya ang sarili niya na hindi niya ito gusto? Bakit hindi niya maramdaman iyong inis na agad niyang nadarama sa mga lalaking nagpapahayag ng pagkagusto sa kanya. Was it because she likes him, too? Kasi bakit… bakit ganoon ang t***k ng puso niya? She could swear, kay Nick lang niya iyon nararamdaman. “Siguro ang motto mo ay ‘Time is gold’, ano? Ang bilis mo eh. You don’t know me,” sarkastikong wika niya. Itinuloy niya ang paglalakad. Sa pagkakataong iyon ay mas mabibilis ang hakbang, dumadagundong pa rin ang kanyang dibdib. Pero si Nick ay umaagapay pa rin sa kanya. “Not really. I mean about the motto,” tumatawang sabi ni Nick. “Sabihin na lang natin na ako iyong tipo ng tao na alam kung ano ang gusto ko. And I like you the first time I laid my eyes on you. Hindi mo ba naramdaman iyong magical moment noong magtama ang mga mata natin? Because I felt it, Anj. I was lost for a moment. My heart pumped so hard against my chest. Akala ko nga masisira na ang rib cage ko dahil sa pagwawala ng puso ko. I really like you. Kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng oras? Daig ng maagap ang masikap, remember?” Muli itong ngumiti, showing his perfect set of white teeth and mesmerizing smile. Oh, hell, dumoble pa yata ang pagkabog ng dibdib ni Angelu. Nicholas Umali’s charms is getting deeper on her nerves. Wala yatang babae ang mananatiling matigas sa harap nito. At sigurado siya, kung nagkataong ibang babae lang ang sinabihan na ng mga salitang iyon ay siguradong proud at parang ahas na nakalingkis na iyon sa binata. But… really, naramdaman din nito ang magical moment na iyon noong magtama ang mga mata nito? Did he just say he was momentarily lost, too? Na naging wild din ang t***k ng puso nito? Pareho sila ng naramdaman kung ganoon. Pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin noon?     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD