bc

The Billionaire's Reluctant Bride

book_age18+
54
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
contract marriage
one-night stand
HE
escape while being pregnant
second chance
pregnant
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lies
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Isang gabing puno ng pagkakamali ang tuluyang nagpabago sa buhay ni Christine Jade Gomez. Matapos ang isang hindi inaasahang one-night stand, nalaman niyang ang lalaking nakasama niya ay walang iba kundi ang kanyang bilyonaryong boss na si Xian Gabrielle Montevierra. Mula sa isang pekeng relasyon, nauwi sila sa isang kontratang kasal. Ngunit habang unti-unting nahuhulog ang kanilang mga loob sa isa't isa, isang maling akala ang muling naghihiwalay sa kanila. Makalipas ang anim na taon, nagbalik si Christine—mas matagumpay, mas matatag, at handang harapin ang lalaking minsang nagwasak ng kanyang puso.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Tagay na, Christine!” Inabot sa akin ng isa sa mga katrabaho ko ang shot glass na punong-puno ng alak. Tinitigan ko muna iyon bago ako napatingin sa kanila. Hindi ko naman talaga gustong uminom, lalo na’t alam kong mabilis akong mahilo, pero napilitan akong sumama sa celebration dahil ilang beses akong pinilit ng manager namin. Ayoko rin namang magmukhang KJ sa harap ng mga katrabaho ko, kaya napabuntong-hininga na lang ako habang hawak ang baso. Okay, kaunti lang. “A-ah, Ace, puwede bang bawasan mo ng kaunti?” maingat kong tanong habang bahagyang itinataas ang shot glass. “Ang dami kasi niyan. Alam mo namang—” “Ay, sus! Huwag ka nang KJ, Christine,” agad na singit ni Ace habang tumatawa. “Sige na. Minsan ka lang naman naming makasama sa ganitong celebration. Palagi ka na lang tumatanggi. Kung hindi pa si Manager, hindi ka pa sasama.” Nagtawanan ang mga katrabaho ko. Napilitan akong ngumiti kahit hindi ko nagustuhan ang biro. Hindi ko na lang pinatulan dahil ayokong lumaki pa ang usapan. Ayokong maging dahilan para masira ang celebration nila, lalo na’t bago pa lang ako. “Takot mawalan ng trabaho!” sigaw ng isa pa. Mas lalong lumakas ang tawanan nila. Napailing na lang ako at pilit na ngumiti. “Hindi naman sa gano’n.” “E di inom!” sagot ni Ace. Hindi na ako nakasagot dahil bigla niyang kinuha ang shot glass mula sa kamay ko. Akala ko ibababa lang niya ang laman para bawasan gaya ng hiling ko, pero bago pa ako makapagsalita, hinawakan niya ang panga ko at pilit na binuksan ang bibig ko. “Ace, teka lang—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Ibinuhos niya ang alak sa bibig ko habang ang ilan sa kanila ay nagtawanan at nagsigawan. Napaatras ako nang kaunti, ngunit wala akong nagawa kundi lunukin ang alak na pilit nilang ipinapainom sa akin. “Ayan! Ang dali lang, di ba?” natatawang sabi ni Ace nang tuluyan niyang binitawan ang mukha ko. Agad akong napayuko at napaubo. Kumirot ang lalamunan ko dahil sa lakas ng alak at ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Nang makahinga ako nang maayos, napansin kong parang umiikot nang kaunti ang paligid. Hinawakan ko ang gilid ng mesa para hindi ako mawalan ng balanse. Okay lang. Siguro nabigla lang ang katawan ko. “Okay ka lang, Christine?” tanong ni Mr. Lopez, ang manager namin. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung totoo ba ang pag-aalala sa mukha niya. Dahil ayokong gumawa ng eksena, tumango-tango na lang ako. “Okay lang ako.” Biglang lumawak ang ngiti niya. Itinaas niya ang sarili niyang chaser at tumingin sa mga kasama namin. “Kung gano’n, isa pa!” Nanlaki ang mga mata ko. “Hinde—” Pero hindi na ako nakatanggi. Muli nilang pinuno ang shot glass at ipinainom sa akin. Sa pagkakataong iyon, mas nahirapan na akong lumaban dahil nagsimula nang bumigat ang katawan ko. Pinagtatawanan nila ako habang paulit-ulit akong pinaiinom, at bawat shot ay lalo lamang nagpapabigat sa ulo ko. Hindi ko na alam kung ilan ang nainom ko. Isa. Dalawa. Tatlo. O higit pa. Ang alam ko lang, habang tumatagal, lalo akong nahihilo. Pilit kong sinusundan ang mga pinag-uusapan nila, pero nagiging malabo na ang mga boses nila sa pandinig ko. “Wooo! That’s our girl!” malakas na sigaw ni Mr. Lopez nang muli niyang itaas ang baso. “Okay, spin the bottle!” May mga sumigaw at nagtawanan. Nagsimula na silang paikutin ang bote, pero hindi ko na halos maintindihan kung ano ang nangyayari. Nakatingin lang ako sa bote habang umiikot iyon, ngunit ilang segundo pa lamang ay parang nawawala na sa focus ang paningin ko. Ramdam na ramdam ko na ang pagkahilo. Para akong mahihimatay anumang oras. Kumakapit ako sa upuan habang pilit na nananatiling nakaupo, ngunit kasabay ng hilo ay may kakaibang init na unti-unting kumakalat sa katawan ko. Napahawak ako sa sarili kong braso. Ano 'to? Hindi ako komportable sa init na nararamdaman ko. Parang biglang tumaas ang temperatura ng buong katawan ko, at kahit hindi naman mainit ang silid, pakiramdam ko ay naiinitan ako nang sobra. Dala lang ba ito ng alak? Napapikit ako sandali at huminga nang malalim. O hindi kaya... may inilagay sila sa inumin ko? Hindi ko na rin maipaliwanag kung bakit pakiramdam ko ay gusto kong hubarin ang suot kong damit dahil sa sobrang init. Pinilit kong huwag isipin iyon at sinubukang tumayo, pero nang makaalis ako sa kinauupuan ko, halos mawalan agad ako ng balanse. Dapat hindi na ako sumama rito. Iyon ang unang pumasok sa isip ko. Hindi ko na rin alam kung sino ang unang lumapit sa akin. Ang tanging naaalala ko ay may humawak sa braso ko. Nang subukan kong bawiin iyon, hindi ko nagawang kumawala dahil parang wala na akong sapat na lakas. “Christine, halika,” narinig kong sabi ni Ace. “A-anong...” Hindi ko na naituloy ang tanong ko nang hinila niya ako palayo at itinuloy ang paglalakad. Sinubukan kong tingnan kung saan niya ako dinadala, ngunit patuloy na umiikot ang paningin ko. Ilang segundo lang ang lumipas bago ko namalayan na nasa isang hallway na kami ng hotel. Napatingin ako sa mga pintong nadaraanan namin. “Bakit tayo nandito?” mahina kong tanong. Hindi siya sumagot. Patuloy lang niya akong hinila hanggang sa huminto kami sa harap ng isang pintuan. Nang buksan niya iyon, saka ko lamang napagtanto na papasok kami sa isang kwarto. At bago pa ako makapag-isip kung bakit kami naroon, hinila niya ako papasok sa silid ng mismong hotel kung saan kami nagse-celebrate. “T-teka, Ace…s-saan mo…ba ako…dadalhin?” Parang sadyang napilipit ang dila ko, dahilan para hindi ako makapagsalita nang diretso. “Basta. Mag-e-enjoy ka rito.” Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin nang na-realize ko kung ano ang balak niya. Bagama’t nahihilo na ako, alam ko pa ang lahat maliban na lang sa nangyari sa spin the bottle kanina. “Ace, ayoko.” Umiling-iling ako. “Gusto…ko nang umuwi.” Pinilit kong maglakad palayo, pero natumba lang ako. “Halika nga dito sabi. Huwag ka nang magpilit, Christine. Matagal na rin akong nagpipigil sa’yo, e. “ “Ang init ng pakiramdam ko,” usal ko. “Matatanggal ang init mo sa katawan dahil sa gagawin natin, kaya sumama ka na,” aniya. Itinayo niya ako at hinawakan nang mahigpit sa baywang. “I’ll make sure na mag-e-enjoy ka.” “Ace, ano ba? Sabing…ayoko!” Pumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa akin at pinilit kong makawala. Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat ang lakas ko lalo na’t wala na ako sa huwisyo. Dahil sa pagpupumiglas ko, mas lalo lang akong nahihilo dahil sa masyadong paggalaw. Naging agresibo na siya. Isinandal niya ako sa pader ng corridor at hinawakan nang mahigpit sa kamay bago niya ako ipako sa pader. Bumaba ang haplos niya sa pang-upo ko. Hinalikan niya ako sa leeg hanggang sa tumaas ito sa pisngi. Hahalikan na sana niya ako sa labi, pero naiwas ko ito. “Ace, ano ba! Sabing pakawalan mo ako! Tulong!” sigaw ko. “Huwag ka nang maarte!” Sinampal niya ako, dahilan para mas lalo akong mahilo. Fuck! Someone, please. Gusto kong sumigaw pa para may makarinig sa akin, pero mahina pa rin ang boses na lumalabas sa bibig ko. Muli akong hinalikan ni Ace sa leeg. Hindi na ako makatayo nang maayos dahil sa sobrang hilo. Para akong nasusuka at ang init sa pakiramdam. At hindi nagtagal, parang biglang dininig ang hiling ko na may tumulong sa akin. Kahit na naikot ang paningin ko, nakita ko ang pagdating ng isang lalaki. Hindi ko na siya namukhaan. Hindi ko na rin namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil bumagsak na ako sa sahig at nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed With Kuya Red

read
49.7K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
13.4K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.2K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.2K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
157.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook