“Kasal? My, La, ano’ng ibig sabihin nito?” Napalingon si Xian sa mga wedding planner na tila kanina pa naghihintay. Mukhang siya man ay hindi nakakaalam na may ganitong kalaking plano ang pamilya niya. “Ano ba ang problema?” kalmadong tanong ng lola niya. “Nakapag-propose ka na. Kasal na lang ang kulang. May mali ba?” “Nothing is wrong except planning everything without informing us. Mommy, I understand na excited kayo pero…” Hindi na natapos ni Xian ang sasabihin niya nang salubungin siya ng tanong ng lola niya. “Aren’t you? Hindi ka ba excited? Wala ka bang planong pakasalan si Jade?” Natahimik si Xian. Maging ang mga wedding planner na kanina ay abala sa pag-aayos ng mga gamit ay tumigil muna at nanatiling tahimik sa gilid. Mukhang hinihintay rin nila kung ano ang magiging sagot ni

