Tula para sa Itinadhana

402 Words
Elaine's POV 2010 ng March kita unang nakita. Ang matangos mong ilong ang pumukaw sa aking atensiyon. Ang mapungay na mata na kay sarap titigan naway ako'y iyong lingonin man lang. Isang buwan ang lumipas hindi ka parin maalis sa isipan kaya gumawa ako ng tula, Tula para sa Itinadhana. Kinikilig ako sa bawat salitang sinusulat ko. Hindi pa tayo pero gusto ko ng umoo kapag ako'y niligawan mo. Gustong gusto kita ulit makita ngunit kapag nagaabang sa lugar kung saan kita unang nasilayan ay wala ka. Umulan man o umaraw lagi kang hinihintay sana ay makita kang muli. Lumipas ang dalawang buwan, hanggang sa naging tatlo, apat at lima. Oo mahal parin kita. Siguro nga nabulag ako sa iyong mukha na kahit hindi pa kita lubos kilala ay minahal na kita. Nandito parin ako sa lugar kung saan kita unang nakita at nakita nga kita, may kasama kang iba. Iba ang iyong ngiti mukhang masayang masaya. Gusto kita lapitan at tanungin kung sino siya, pero sino nga ba ako? Isang tagahanga lang na hindi mo pa kilala. Sinundan ko kayo ng patago, kahit umuulan ay gumora ako. Tumigil kayo sa tapat ng isang bahay, at ang mga sumunod na nangyari ay ang dumurog sa puso ko. Langhiyang tadhana, ako ay umibig sa taong may ibang iniibig. Hinalikan mo siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis habang ako ay luhaan sa ulan at naghihinagpis. Ang sakit, oo masakit dahil minahal kita kahit na walang ksiguraduhan na mamahalin mo ako pabalik. Mapagbiro talaga ang tadhana, ikaw lang ang una kong minahal pero ikaw din ang unang dahilan kung bakit ang puso ko ay sugatan. Umuwi akong umiiyak sa ilalim ng ulan, walang ibang nakakita ng patak ng luha kaya ayos lang. Nakarating ako ng bahay at nakita ang tulang ginawa, pinalitan ko ang titulo at ginawang "Tula ng Itinadhana?". Tula ng Itinadhana? Sa isang buwan na huli kang nakita Minahal kita ng sobra Mula sa iyong mata hanggang sa paa Lahat ng ikaw ay gusto kong maangkin sinta Ako ay papasukin sa iyong buhay at mamahalin kita hanggang kamatayan Iaalay ko lahat sa iyo Basta sayong sayo na ako Magpakita ka na mahal ko Tatawagin kita ng bebe ko, at tatakbo palapit sayo Nawa'y saluhin mo ako mahal ko Sa akin ay hindi ka mabibigo Mamahalin kita ng kung ano ka Lahat sayo ay gugustuhin ko sinta Magpakita ka na Miss na miss na kita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD