Mundo

611 Words
Isa, dalawa, tatlo. Bawat pagpikit at pagdilat ng mata ko, nakikita ang imahe ng isang babaeng minamahal ko. Isa, dalawa, tatlo. Bawat paghakbang papalapit sa iyo ay kirot ang natatamo. Bawat ngiti at halakhak ay parang musika sa pandinig ko. Ngunit sa isang iglap nabawi lahat, mga pangako ay naudlot at naglaho. Uumpisahan ko sa araw kung saan una ko siyang nasilayan. Tirik ang araw nung mga panahon na iyon, kaya nagpasiya akong magpahinga sa malapit na waiting shed at oo, unang tingin ay nahulog ako agad. Ang kaniyang itim at mahabang buhok ay mahalimuyak. Ang kaniyang mga ngiti ay nakakaakit. Ang buong siya ay gusto kong maangkin. Makasarili man ay nais ko siyang maging akin. Kaya nung nagkataon na may pagkakataon ay agad akong lumapit. Tinanong ko kung ano ang pangalan niya, siya ay si 'Gaia'.  Ilang linggo ang lumipas at mas naging malapit kami, kinuha ko ang kaniyang numero at mula noon ay lagi ko na siyang kinukulit. Lagi akong nakabuntot kung saan man siya pupunta, kaya isang beses ay nagtanong na siya. "Matanong ko lang Mico, ano na ba tayo? Mahinahon na tanong niya na siyang nakapagpatigil sa akin, napaisip ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin, dahil pati ako ay lito at gulong-g**o na din. "Hindi ko alam" yun lang ang tanging nasabi ko, kaya't bigla kang tumalikod at naglakad papalayo. Unti-unting bumibilis ang iyong lakad kaya bago mahuli ang lahat ay naglakas ako ng loob na sabihing. "Gaia! Mahal kita!".  Pag tapos ng araw na iyon ay hindi na niya sinasagot ang bawat tawag at text ko, nalungkot ako kasi kahit sa mga social media ay hindi siya nag-update. Hindi ko alam paano siya pupuntahan o saan man lang. At hanggang sa naging isang buwan ang lumipas. Isang araw naglakad-lakad ako sa lugar kung saan una kaming nagkita, nagbabakasakaling dumaan ulit siya at may biglang yumakap sa likod ko. Nagulat ako at nagalak, ang halimuyak na ito ay galing sa kanya. Sa babaeng mahal at minamahal ko. "Patawad, patawad kung natagalan ako sinta." Hindi ako makapaniwala sa tinuran niya. Sinta? tinawag niya akong sinta. Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Mas mahigpit kaysa sa ginawa niya. "Hindi na bale kung gaano katagal ang paghihitay ko mahal, ang mahalaga ay hawak na kita". Nagtagal kami ng (7) pitong taon at sa loob ng pitong taon ay walang nagbago. Mahal na mahal ko parin si Gaia. Lahat ay perpekto walang away at pagtatalo. Klarong-klaro ang mga pangarap at alam naming parehas na gusto namin ito maabot ng magkasama. Mas lalo kaming tumatag dahil parehas naming pinapahalagahan ang mga bagay na meron kaming dalawa. Wala kaming pinagtatalunan dahil sinusuportahan namin ang hilig ng bawat isa. Napaka daling mahalin ni Gaia kaya mahirap siyang pakawalan. Isa, dalawa, tatlo. Hawak ko na ang diploma at konting panahon na lang ay ganap na akong inhinyero. Sana nandito siya, masaksihan man lang ang pangarap kong matagal ng minimithi na siya ang kasama. Hawak ko din sana ang kamay niya habang parehas naming binabato ang togang matagal ng gustong makuha.  Masaya na malungkot kasi ambilis kitang nakuha at ambilis mo ding nawala. Kaya hindi ko maiwasang isipin na  sana ako na lang ang nagkaroon ng sakit. Hindi ka sana nahirapan pa. Patawad, patawad mahal kung nung inatake sa puso ay wala ako.  Hindi mo man lang masasaksihan ang pagtupad ng pangako ko sa iyo, sa inyo ng prinsesa natin. Pero huwag kang mag-alala, iingatan ko siya. Pwede ka ng tuluyang mamahinga. Salamat, salamat at nakilala kita. Salamat mahal sa apat na taong paglaban para sa atin. Mahal na mahal kita aking Gaia, ikaw ang Mundo ko na tulad ng pangalan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD