Kaibigan

759 Words
Let's welcome the A Band! nagpalakpakan at sigawan ang lahat ng crowd sa paglabas namin. Lahat sila ay sinisigaw ang pangalan namin. At bilang vocalist ay nag-pakilala muna kami bago tumugtog ng kanta. "Maraming salamat, sa lahat. Salamat sa mga kaklase ko na laging naka-suporta sa amin at pati narin sa ibang kapwa mag-aaral namin, mahal namin kayo" pagkatapos ng speech na iyon ay natanaw ko siya. Nakangiti siyang isinisigaw ang pangalan ng banda namin. At mas lalo akong ginanahan sa sinabi niya "Go Jiro!!" . Mula bata ay siya na ang kasama ko. Pitong taon pa lang nung nagkakilala kami dahil sa magkaibigan din ang magulang namin. Isang beses nadapa ako kakatakbo at dahil sa pangyayaring iyon ay lagi niya na akong inaasar, kesyo lampa at iyakin daw ako. Hanggang elementary ay lagi kaming magkasama. Mula umaga hanggang uwian hindi kami naghihiwalay. At nung Grade 6 na kami, minsan ay inaasar kami na magkasintahan dahil nga lagi kaming magkasama. At dahil dun ay dumistansiya muna siya. Pero hindi ako sanaya kasi siya lang lagi kong karamay kaya kinompronta ko siya dahil din gragraduate na kami at baka humantong pa itong ganitong set-up hanggang high school. "Lani, magusap tayo saglit lang" "Ano iyon Jiro?" "Bakit mo ako iniiwasan?" "Ha? Ako umiiwas hindi ah, baka ikaw?" "Paanong ako? Nasa canteen tayo kanina tinabihan kita tapos bigla kang umusog" "Medyo masikip kasi, hehe" "Dahil ba ito sa sinabi nila?" "Hindi!" Nagulat ako sa sigaw mong iyon at ngayon nakataas na ang ulo niya at nakatingin na sa akin. "Eh ano?" Saad ko "Naisip ko lang kasi, na baka may mga gusto kang gawin na kasama ang mga lalaki mong kaibigan, tapos hindi mo magawa da---" niyakap ko siya bago niya pa tapusin ang mga sasabihin niya. "Hindi mo kailangan umiwas, naiintindihan ko. Babae ka at alam kong may gusto ka ding gawin na kasama ang mga babae" nginitian namin ang isa't-isa dahil klaro na sa amin parehas ang rason ng pag-iwas niya. Naging okay naman kami pagkatapos nun, tuwing uwian at pagpasok kami ang magkasama, pero kapag recess at lunch mga kaibigan ko na kasama ko at kaibigan niya na din kasama niya, tapos after the day ends pag-uusapan namin ang nangyayari sa araw na hindi kami magkasama. Nung high school na, dahil uso na yung mga prom night, sumali kami one time. Tapos hindi kami nagusap dahil sabi namin surprise namin ang isa't-isa. Tapos sumapit na ang prom night at susunduin ko na siya. Habang pababa siya ng hagdan nila, natulala ako. Akala ko sa mga teleserye lanh nangyayari mga ganito pero hindi ko akalain na pati ako mararanasan ko siya. At oo ang ganda niya sa red long gown at kitang kita mo yung kurba ng katawan. "Uyy Jiro!! Pangit ba?" tanong niya sa akin at syempre ako tulala pa rin. Umikot pa siya para mas kita ko talaga kung bagay ba sa kaniya yung suot niya. "Nope, ang ganda mo tonight. Legit" tumawa siya at binawian ako ng mga salitang, tagal ko ng gustong marinig.  "Ikaw ahh, ang gwapo mo ngayon. Matchy matchy tayo"  saad mo at oo nga kahit hindi ito planado, parehas tayo ng kulay ng suot. Napakamot na lang ako sa batok at ngumiti.  We had a blast that night. Masaya lang tayo nung mga panahon na iyon. Unang beses tayong sumali sa ganun at graduation ball pa iyon dahil sabi natin na ang corny lang noon. Mababagot lang tapos kailangan pa mag-ayos ng mag-ayos para sa isang gabi. At yun nga nag college na, wala paring nagbago. Pero iba na ang pangarap na tinatahak natin pareho. Ako magpipiloto tapos ikaw naman ay planong maging guro. Isa kang miyembro ng SSC at ako ay nagbabanda kaya medyo hindi na nagkakasalubong ang sched ng bawat isa, pero ganunpaman ay hindi tayo nakakalimot. Maguusap sa telepono kapag pwede parehas o kaya pupunta sa bahay ng isa para magkulitan. Buong kanta ay nakatitig ako sa iyo.Inaalay ang kantang ito. Pero masakit ang mga sumunod na nangyari, tumakbo ka, tapos niyakap mo siya. Yung ngiti mo ay kakaiba, alam ko kasi noon pa lang ay minamasdan na kita. Yung ngiti mong yan, na sa kaniya mo lang pinapakita. Yung titig na nakakatunaw na siya lang ang pwedeng makakita. Yung saya na hindi niya sa akin madama. Yung sigla kasi nahanap ka na niya. Tatlong taon na kayo pero ako ito, naghihintay parin sayo. Naghihintay sa taong iba ang gusto. Kaya ang awiting ito ay pinamagatang Kahit Kunwari ni TJ Monterde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD