Siargao

1265 Words
"Mira tara na, mahuhuli na tayo" saad ni Trixie dahil atat na atat na siyang umalis. "Oo ito na, G na G yarn?" pabirong sabi ko sa kanya at tumawa na lang siya. Papunta kaming Siargao para magliwaliw at magpahinga sa sobrang pagod sa trabaho at sa kapalaran ay napayagan kaming magkaroon ng bakasyon ng isang linggo. Halos tatlong oras din ang lumipas bago tuluyang makarating ng Siargao galing Manila. Kinuha na namin ang bagahe sa compartment ng airplane, kaso hindi ko siya makuha dahil hindi ako as in katangkaran kaya si Trixie ang pinapakuha ko, kaya lang ang kumag, ayun, nauna ng bumaba "Miss, ito oh" nagulat ako kay kuyang nasa likod ko kasi nga nakatingin ako sa labas, minamasdan yung kumag kong friend na madaling- madali na kakahintay sa akin "Ay, salamat po, mataas kasi hindi ko maabot, hehe" kinuha niya pala yung akin, siguro napansin niyang nahihirapan ako sa pagabot "Walang anuman, sinabay ko na magkatabi lang din naman sa bagahe ko" ngumiti siya tapos umalis na, natulala ako kasi ang gwapo niya!! putik, tadhana ba ito? At mga ilang segundo din ay bumalik na ako sa ulirat dahil may kurimaw na sumigaw, at oo, si Trixie, ayun nadapa sa kakatakbo ang kumag. Bumaba na din ako para tulungan siya. Tapos may tumatakbo sa likuran ko at nauna pa siyang tumulong kay Trixie. "Ayos ka lang ba?" tanong niya na may tono ng pag-aalala "Ay pogi!!, Hahaha okay lang ako. May nakita kasi akong isda, nalulunod." "Asan?" "Hahahaha lutang ka ba? O sinakyan mo lang biro ko?" Parehas silang nagtawanan dahil doon, at mas lalo siyang pumogi. Oo siya yung lalaki kanina na kumuha ng bagahe ko "Ano na? Excited kasi masyado eh noh? pabalang na tanong ko sa kaniya "Bibo ako e hahaha", sorry na first time ko sa Siargao sis" pasalamat talaga ito at cute siya kapag nakapout. Parang lahat ng ganda nasa kanya na. Maganda, sexy, matalino, maalaga, mabait, may sense of humor. Halos lahat ng lalaki na nasa office gusto siya. Kaya hindi na ako magtataka kung may maging jowa ito dito. "Oh siya tara na at magpahinga muna sa hotel" "Salamat pogi!, See you around" tumayo na siya pero medyo nahihirapan siya, natamaan siguro yung ankle niya kaya hirap igalaw. At dahil bilang tropa inalalayan ko siya dahil magaan lang naman siya. "Ay, bakit may pagbuhat pogi?!" literal na nagulat din ako kasi hindi ko akalain na gagawin niya iyon, apakabuting tao talaga ng jojowain ko "Pinatawa mo ako kanina, payback lang" "Bakit? Pasan mo ba mundo, para lumimot na tumawa?" "Hahaha, hindi, pumunta kasi ako dito para gumaan pakiramdam ko" "So may problema ka pala" Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating kami sa hotel, sumama parin siya papuntang kwarto dahil mahihirapan daw akong kargahin siya paakyat. Sa second floor lang naman kami at dalawang bagahe lang naman dala namin. Isa sa akin at kay Trixie. "Uy salamat ng marami" saad ko at medyo kinikilig pa ako pero pigil lang, sabihan pa ako ng malandi "Walang anuman, ito pala number ko" ay bakit may pagbigay ng numero, enebe kya "Sige sige, see you around na lang --" takte hindi ko pa pala alam pangalan niya "I'm Jacob" gandang pangalan, bagay na bagay sapagkat siya ay gandang lalaki! "Ako naman si Mira" pagkatapos ay ngumiti lang siya at nagiwan ng salitang panghahawakan ko "I Like your--" at naputol dahil may dumaan na kuyang may buhat na patong-patong na unan. Ansarap batukan, charr. Tapos ayun, huling kita ko sa kanya ay nakatalikod na siya tapos nung tinawag ko pangalan niya, nag-wave siya ng babye kaso nakatalikod parin. Sayang hindi ko narinig yung buong sasabihin niya. Umakyat na ako para tignan ang kalagayan ni Trixie at dahil gutom na rin ako. "Mira!! Ang ganda dito tanaw ang dagat!" saad niya sa at halatang tuwang-tuwa ang loka "Kamusta na paa mo?" tanong ko "So far okay na, hinilot ko kanina buti may dala akong oil" aba laging ganda "Oh siya kumain ka na din dito para mamaya gora na sa lakwatsa" "Yes Ma'am" may pagsaludo pa ang loka Pagkatapos namin kumain ay naghanda na kami ng mga bibitbitin sa paggala mamaya. Syempre una namin niready ay ang sunscreen lotion, isang set ng damit, tubig, mga biscuits, cellphone na nakaplastic, syempre iwas na mabasa noh. Nilagay namin iyon sa backpack namin na nakasilid lang sa bagahe kanina, para iwas daming dalahin. "Arat na Mira, ready na ready na ako" aba nga naman kasexy ng babaeng ito. Naka bikini kasi siya na red pero naka-short lang muna. Samantalang ako nakat-shirt lang at tokong pa "Sis my crop-top kang dala remember? Palit ka dun, apaka losyang mo dyan" "Nakakahiya kasi, hindi naman ako kasexyhan gaya mo" saad ko sa kaniya, dahil nahihiya talaga ako "Anong hindi, binababa mo lang sarili mo. Be confident" pinipilit niya pa akong magpalit  at syempre hindi na ako nakapalag, sabihan ka ba namang iwan "Sige ka, hindi ka makakahanap ng wafu para sayo" edi syempre gumora ako, papaimpress pa ako kay Jacob. Sana nga lang makita namin siya later. "Oh diba bagay mo, ang ganda ng best friend ko shems" natuwa naman ako, kapag kasi namumuri ito walang halong biro "Hahaha, same lang sayo sis" after kong magpalit ay lumabas na kami ng hotel at pumunta ng beach Habang naikot ang mata ko sa maraming hilaw na kano, aba yung isa todo kuha ng litrato niya. At dahil medyo nanawa na ako kakatingin ay naglatag muna ako ng lampin at payong para maupan at masilungan mamaya. "Oii trixie, nandito din pala kayo?" rinig kong tawag ng lalaki kay Trixie, hindi ko na pinansin gusto ko muna tapusin itong librong binabasa ko, ilang page na lang din kasi ito. Rinig na rinig ko ang tawanan nila habang nagbubulungan, napapaisip na lang ako ng sana all may nalapit. Pero dahil may pagka-itribidida ako nilingon ko na sila. At nakita ko ang mapapangasawa ko na si Jacob. Nagalak ako kasi nakita ko siya, napaisip na naman ako kung ano kaya pinaguusapan nila. Baka ako! baka sinabi niya na kay Trixie na gusto niya ako kasi hindi niya nagawa kanina. Natutuwa ako sa kakaisip, kinikilig na naman ang tumbong ng ateng niyo Nilapitan ko sila at nagulat ako ng ang tinitignan nila sa cellphone ay mga lalaking naka-brief, literal na nanlaki ang mga mata ko, like seryoso ito? "Oii ginagawa niyo sis?" naglakas loob akong magtanong kahit na obvious ang magiging sagot. Pero syempre inalis ko sa isipan ko muna iyon, baka iba topic tapos mali natimingan ko. "Ah ito kasing si Jacob parang sira, apaka--" pinigilan ko muna sasabihin niya at humingang malalim bago ulit magtanong ng "Eh ano ba pinagtatawanan niyo?" "Ito nga kasi si Jacob, diba kanina tawag ako ng tawag ng Pogi eh Pogi din pala ang hanap" at ayun nagtawanan silang dalawa habang ako nagulantang at napaupo, like Lord sure na ba ito? akala ko pa naman siya na. Sayang yung lahi nito kapag nagkataon. So ayun naalala ko yung dapat na sasabihin niya kanina kaya naglakas ako ng loob na itanong "Nga pala Jacob ano yung sasabihin mo sana kanina?" "Ahy yun nga pala, I like your--" kinakabahan ako sa sasabihin niya pero kung gusto ako nito papatusin ko talaga ito "Eh? Iba na shade ng lipstick mo?, Yun pa naman gusto ko sana, para bibili din ako" At ayun tuluyang bumagsak ang panga ko kasabay ng balikat ko. Yun pala yun, hanep ka talaga tadhana. Umay sayo!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD