KABANATA 10-ISANG DESISYON
Hermes's POV
Para akong mababaliw sa kakaisip kung anong nangyari sa akin kanina.
Pinakiramdaman kong muli ang nasa paligid ko. f**k! Gusto ko na umuwi.
Where the hell is she? Gusto ko siya makausap ngunit wala yata siya sa pwesto namin. Hindi ko maamoy ang nakahahalinang amoy nito.
Damn! Gusto ko ikumpirma kong siya nga ang nasilayan ko.
Siya ang unang sumagi sa isip ko ng makakita ako kanina. Kaya naman ay hinagilap ng mata ko ang mga kasama ko. Ngunit hindi ko sila makita dahil hindi ko alam kung saan kami nakaupo bago ako isama ng mama ko.
Hindi na naalis ang imahe niya sa isip ko. She's so f*****g beautiful. Kakaiba ang ganda nito sa ibang babaeng nakita ko dito sa party.
Habang kausap ko ang pinsan kong si Henry kanina ay napukaw ng atensyon ko ang isang babaeng nakatayo at may kausap na lalaki.
Nagkaroon ako ng interes sa kan'ya dahil nangingibabaw ang ganda niya sa pagdiriwang.
Ang mga ngiti nito na tila dinadala ka sa kakaibang mundo. Iisa lang ang sumagi sa isip ko. Gusto ko malaman kung siya ang babaeng walang pakialam kung sino at ano ako sa bahay na tinutuluyan nito.
Gusto ko ikumpirma iyon dahil kasama nito sina Gaston, Trudis at Manang Nora. And I hate seeing her talking to that man.
Nang hindi ako makatiis ay nagpaalam ako kay Henry na pupuntahan ko ang mga kasama ko at tinungo ko nga kung saan sila naroroon.
Habang papalapit ako ay hindi ko inaalis ang tingin sa kan'ya. I love seeing her beautiful smile. Pero ang hindi ang ngiting binibigay niya sa lalaking kausap. f**k! Hindi ko alam kung bakit ko ito naramdaman pero ayoko magkausap silang dalawa kahit hindi pa man ako sigurado na siya nga iyon.
Nang malapit na ako ay lumingon ito sa gawi ko. Tila nagulat at nataranta pa ito ng makita ako.
Ngunit para na naman akong nilamon ng dilim ng malapit na ako sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kailangan ko na siguro magpakonsulta sa Ophthalmologist.
"Saan ka galing?" tanong ni Trudis.
I smell her scent.
"Nagbanyo," sagot nito.
Dammit! Nagbanyo o nakipag-usap pa siya sa lalaking iyon?
Hindi ko maaaring itanong kung sino ang kausap nito kanina dahil baka magtaka ito kung bakit ko iyon alam.
"Uuwi na tayo," sambit ko.
Wala akong narinig na sagot sa mga ito.
"Gaston, call my mom. Sabihin mo uuwi na tayo," utos ko.
"Sige po sir,"
Nanatiling tahimik ang mga ito.
"Hay, makakatulog na din." Dinig kong sambit nito.
"Sir, si Ma'am Helda po gusto kayo kausapin," saad ni Gaston.
Pinahawak nito sa akin ang cellphone at nilagay ko iyon sa aking tenga.
"Ma, we're going home. Pakisabi na lang kay Karla, bye." Hindi ko na pinatapos magsalita ang aking ina. Pipigilan lang niya akong umalis.
Bago pa ako puntahan ng aking ina ay niyaya ko na ang mga kasama ko umuwi.
Habang nasa sasakyan ay tahimik ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan itanong sa katabi ko kung siya nga ang nakita ko.
Panay hikab naman nito dahil dinig ko iyon.
"Inaantok ka na Yria?" tanong ni Manang Nora.
"Opo," tugon nito.
"Umidlip ka muna. Si Trudis tulog na din. Gisingin ko kayo kapag nasa bahay na tayo." Suhistyon ni Manang Nora.
"Sige po,"
Muling napuno ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ako nakakaramdam ng antok dahil iniisip ko pa din ang nangyari kanina. Mababaliw din ako kapag hindi ko siya tinanong.
Hindi ako nakagalaw ng may dumantay sa aking balikat.
"Naku! Pasensya na sir, napahilig na sa balikat ninyo si Yria. Ililipat ko na lang po sa akin."
"No, let her," mabilis kong turan.
Hindi nga nito inalis ang ulo ni Yria na nakahilig sa aking balikat.
I want to feel how to be with her. Isa lang ang alam ko. Hindi sila magkatulad. May katangian siya na wala si Yria. May katangian din si Yria na wala siya kaya hindi ko sila maaaring ikumpara. But her memory is still hidden in my heart. She is still the woman I love.
Nang marating na namin ang bahay ay ginising na siya ni Manang Nora. Gusto ko matawa dahil nagreklamo pa ito na inaantok pa daw siya.
"Sir, Salamat po at hinayaan n'yo kaming sumama," sabi ni Trudis.
"Don't thank me, thank Karla," saad ko.
"Oo nga pala, hindi na kami nakapagpasalamat kay Ma'am Karla."
"It's okay, ako na bahala magsabi sa kan'ya. She will understand," saad ko.
"Sige po sir, magpahinga na din po kayo. Good night po," magalang na turan ni Trudis.
Hindi ko narinig nagsalita si Yria. Hindi ko hahayaan na hindi ko marinig ang boses nito bago ako matulog. May dapat pa akong malaman.
"Yria, maiwan ka."
"P-po?"
"You heared me, right?"
"Opo,"
Nagpaalam na si Trudis sa amin. Hindi ko na din naramdaman ang presensya ni Gaston at Manang Nora.
"Pakiayos ang higaan ko," utos ko.
Gusto ko matawa dahil naka-ayos naman iyon. Nag-iisip pa ako kung ano dapat kong itanong ng hindi siya makakahalata.
Pumanhik na kami sa taas. Nakaalalay naman siya sa akin. I like the way she taking care of me.
Narinig kong bumukas ang pinto. Kinapa ko ang daanan ko. Kinuha niya sa akin ang baston at inalalayan niya akong maupo sa kama.
"Sir, maayos naman po ang higaan ninyo. Pwede na po kayong magpahinga. Matutulog na din po ako." Paalam nito sa akin.
Think Hermes. Think.
"Yria, what are you wearing tonight?" Tanong ko. Mabuti na lamang at mabilis ako mag-isip.
Hinintay ko itong magsalita.
"Nakaputi po ako sir," sagot nito.
"And…" hindi ako kuntento sa sagot niya.
"Puting sandals,"
"What else? Describe yourself," para akong sira. Gusto ko matawa sa mga tanong ko.
"Para saan ito, Hermes?" Bakas sa boses nito ang iritasyon.
Natigilan din ako dahil tinawag na naman niya ako sa pangalan at tulad ng dati ay pareho ang pagbigkas at pagbitaw niya sa pangalan ko.
"What? Why? May problema ba sa tanong ko?" Patay malisya kong sagot.
"Matulog na kayo sir, gusto ko na din magpahinga," saad nito.
I chuckled. Kakaiba nga siya. Wala siyang pakialam kung sino ako sa bahay na ito.
"What if I don't?"
"Gagawin kitang palaka."
Natigilan ako sa sinabi nito. Is she serious? Kalauna'y tumawa ako.
"Really, huh? E di gawin mo akong palaka, Yria." Panghahamon ko sa kanya.
Tumayo ako at lumapit ako kung saan ko siya naaamoy. Bulag lang ako pero hindi nakakawala sa pang-amoy ko ang amoy niya na hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin.
"H'wag kayong lalapit,"
Tumawa ako ng mahina. Isa sa hindi ko maintindihan sa kan'ya. Alam niyang hindi ako nakakakita pero hindi niya magawang umalis kung gugustuhin niya. Pero nananatili pa din siya sa kinaroroonan niya kaya nalalapitan ko pa din siya.
"Bakit hindi ka umalis, Yria? Bakit hinahayaan mo akong lumapit sa'yo?"
Nang maramdaman ko ng malapit na ako sa kanya ay agad kong inilang hakbang ang kinaroroonan niya.
Dinig ko ang pagsinghap nito sa ginawa ko.
Binitawan ko ang aking baston at hinawakan ko ang braso niya.
"Answer me," mahina kong wika sa kan'ya.
"K-kasi...h-hindi ko alam," nauutal nitong usal.
"Natatakot ka ba sa akin?"
Sana ay hindi. Pero kung paano ito makitungo sa akin ay parang hindi ito natatakot man lang sa akin.
"H-hindi...ayoko lang na malapit ka sa akin,"
Sa sinabi nitong iyon ay lalo ko pang nilapit ang katawan ko sa kan'ya. Damn! Nakakaramdam ako ng kakaiba sa ginagawa ko. Matagal na ito, simula ng mawala si Yssa. Ngunit muling nabubuhay ang dugo ko sa babaeng ito.
"Why? Tell me?" Nahihirapan na ako sa sitwasyong ito na ako naman ang may gawa.
"H-Hermes, itigil mo na ito."
"f**k!" Binitiwan ko siya at mabilis akong tumalikod. "Get out!"
Narinig ko na lamang ang pagsara ng pintuan.
Napasabunot ako sa aking buhok. Pasalampak akong nahiga sa aking kama.
"Dammit! What am I thinking? I don't even know her. s**t!" Bulalas ko sa kawalan.
Muli akong naupo at hinubad ang aking polo. Naiinitan ako kahit pa may aircon. Ang init na iyon ay lumukob sa aking buong katawan.
Minabuti kong maligo para maibsan ang init ko sa katawan. Guminhawa ako ng ginawa ko iyon.
Nahirapan pa akong makatulog dahil naiisip ko ang mga nangyari ngayong gabi. Pakiramdam ko napakahaba ng gabing ito.
Kinabukasan ay tinawagan ko ang Ophthalmologist ko at nagpa-appointment ako ngayong araw. Gusto ko malaman ang dahilan kung bakit ako nakakita ng nagdaang gabi.
"Nasaan ba si Yria, Trudis? Tanghali na." Dinig kong wika ni Manang Nora.
Umalis ba siya? Pero saan naman siya pupunta kung wala naman siyang kamag-anak dito sa maynila?
"Hayaan n'yo na muna matulog manang, mukhang puyat yung tao," sagot naman ni Trudis.
"Ano ka ba, gusto mo ba pati tayo mapagalitan dahil hinayaan mo matulog si Yria?"
"Hindi naman malalaman ni Sir Hermes kung hindi ninyo sasabihin." Tugon naman ni Trudis.
"Naku! Isa ka pang kunsintidor."
Hindi na ako nagpakita sa kanila. Tinungo ko ang kwartong inuukupa ni Trudis at Yria.
Hindi ba siya nakatulog kagabi kaya tulog pa siya hanggang ngayon?
Pinihit ko ang siradora. Hindi iyon nakalock kaya malaya akong nakapasok sa loob. Kapag ganitong oras ay busy na sina Trudis at manang sa gawaing bahay kaya hindi sila pupunta sa kwartong ito.
Kinapa ko ang higaan. Naupo ako doon. Wala na yata ako sa tamang pag-iisip dahil pinasok ko ang kwarto nito.
May gumalaw, it was her. Kinapa ko siya.
Nahawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ko ang bahagyang paghawak niya sa kamay ko. Hindi ako sigurado kung nagising ba siya dahil sa paghawak din niya sa kamay ko. Ngunit wala akong narinig na salita mula sa kan'ya.
Muli itong gumalaw. Pinakiramdaman ko siya.
"Trudis, mamaya na. Pakisabi na lang kay Hermes na busy ako kapag hinanap niya ako."
Nawala ako sa balanse ng niyakap nito ang braso ko. Napahiga ako.
Pinigilan ko ang matawa dahil sa sinabi niya. Wala talaga siyang pakialam sa sasabihin ko. Kakaiba talaga ang babaeng ito.
"E kung palayasin kaya kita sa pamamahay ko." Hindi ko napigilang sabihin.
Dinig ko ang pagsinghap nito. Binitiwan din nito ang kamay ko na hawak nito. Kung nakakakita lang sana ako ay gusto ko makita ang bawat reaksyon nito.
"S-sir, anong ginagawa n'yo dito--aray!"
Naalarma ako ng pakiwari ko ay nauntog ito dahil sa tunog na narinig ko.
"Are you alright?" tanong ko.
"Ang sakit," sabi nito.
"f**k! Bakit kasi hindi ka nag-iingat?" Mabilis kong hinagilap ang kamay niya at hinawakan. "Saan ang masakit?" tanong ko.
Hinintay ko siyang sumagot. Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko at inangat.
Bumilis ang t***k ng puso ko sa ginawa nito. Ngayon na lang ulit nangyari sa akin ito.
"Dito, masakit." Sabi nito na pinahawak sa akin ang bahagi ng ulo nito.
"B-be carefull, next time," sambit ko.
Gusto ko batukan ang sarili dahil tila nahirapan pa akong sabihin iyon.
Lalo yata naghuramintado ang puso ko ng maramdaman ko ang marahan na paghaplos niya sa aking pisngi. Sana nakikita ko siya. Sana.
Napapikit ako sa ginawa niyang paghaplos. Even the way she touches me, it's the same.
"Sana kaya kitang pasayahin. Sana kaya kong tanggalin ang lungkot na nararamdaman mo. Sana bumalik na ang dating Hermes John Alejandro."
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.
"Yria," tanging nasambit ko.
Iba ang nararamdaman ko ngayon. It feels like I'm with her. I'm with Yssa. But she's not her. She's not my Yssa. Pero iba ang sinasabi ng puso ko. Gusto ko siyang papasukin sa buhay ko.
Hinawakan ko ang kamay niya. Kinapa ko ang pisngi niya. I want to see her beautiful face again. At hindi ko hahayaang ganito lamang ako.
Isang desisyon ang nabuo sa utak ko. Buo na ang pasya ko. Babalik ako sa dating ako. Thanks to her at nabuksan ang pag-iisip ko.